VI. Stress Reliever

2217 Words
TWO YEARS later. Kasalukuyang nagdiriwang ang magkakaibigan sa condo ni Jack.      "To Jack and Anne! Cheers!" anunsyo ni Lance habang hawak sa ere ang hawak na baso.      "Happy Monthsary guys!" pagbati ng lahat bago sabay-sabay na nilagok ang kani-kanilang inumin.      "Lamporeber!" sigaw naman ni Wil kaya nagtawanan ang ilan.      "Hindi talaga mauubusan ng bitter sa mundo." birong komento ni Jack.      "Wag ka nga dude! Naging linya mo din 'yon nung single ka pa." pambubuking ni Wil. Tawanan. Kanya-kaniyang kuha ng pagkain ang lahat. Nakapwesto sa mahabang sofa ang love birds na sina Jack at Anne. Sa single sofa naman nakaupo si Sheree, nakasandal sa armrest nito si Hera at nakaupo naman sa carpet sina Wil, Lance at Katherine.      "Wait! There's more!" pahabol ni Katherine as she held up her glass for another toss. "Best wishes to HerShe!" Nag-cheer muli ang lahat para sa dalawa, Hera wrap her arm around Sheree's waist and kissed her on the lips. Mukhang double celebration ang araw na ito dahil bukod sa Monthsary nila Jack at Anne ay ilang araw nalang ang binibilang at magaganap na ang kasal na pinakahihintay ng lahat. Everything is set kaya labis ang kaba at excitement nila.      "Hindi ba parang unfair? Magpapakasal kayo e 'di naman legal?" komento ni Lance. Nahalata agad ni Sheree ang pag-iba ng timpla ang mukha ni Hera, bago pa ito makapagsalita ay inunahan niya na ito.      "Hindi naman yung legalities ang habol namin. Yung God's blessings at vows namin ang mahalaga. Diba Love?" ani Sheree na piniga ang kamay ng kapareha.      "Tomo!" pagsang-ayon ni Wil. Ngunit natawa lang si Lance. "God's blessings? Yung pagiging homo nga natin 'di niya matanggap, kasal pa kaya? Hindi ba parang niloko n’yo lang mga sarili n’yo nun?" Hinampas siya ni Wil bilang babala na hinay-hinay sa pagsasalita. Pinilit ngumiti ni Hera, kinokontrol ang composure. Hinaplos ni Sheree ang kamay ng kapareha pero palaban talaga ito.      "Marriage isn't just about God's blessing. Legal or not,  we deserve to celebrate the union of two people who truly loves each other. Kapag nagmahal ka, you'll understand." naitawid ni Hera ang sinasabi sa malumanay na tono.      "Ang love parang alon, kahit lumangoy ka pakontra, tatangayin at tatangayin ka hanggang sa tuluyan kang malunod. Alon na hindi mo mapipigilan." dagdag pa ni Wil.      "Bakit ako lalangoy kung pwede naman akong sumakay ng bangka o barko." pamimilosopo ni Lance.      "Si Jack nga ng Titanic nakasakay na ng barko nalunod padin eh. Pag malulunod ka, malulunod ka. Pag iibig ka, iibig ka. Hindi mo yun mapipigilan kasi ginawa tayo ng may pagmamahal that's why we are drawn to love. Love is the fuel of our lives." Lahat ay natahimik sa sinabing iyon ni Wil. Napahilig sa balikat ni Jack si Anne at mas humigpit ang pagyapos ni Hera kay Sheree. Nakarelate sila sa sinasabi ni Wil, ang pagkalunod sa pagmamahal. Napangiti si Katherine at binasag ang katahimikan "Awww, you're such a hopeless romantic Wil. Ang swerte ng babaeng mamahalin mo." papuri nito.      "Oh, halika na dito beybeh para swertehin ka na." dumipa si Wil na animoy yayakapin si Katherine.      "Sorry but butches are not my type." maarteng ani Katherine.      "T*ngna pare-pareho lang naman tayong babae mapa-butch, femme o bi. Napaka-choosy mo, di ka naman yummy." ani Wil. Sa kabila ng tawanan at kulitan nanatili nalang tahimik si Lance kahit gusto niyang sabihin na hindi naman siya bunga ng pagmamahal.      "Nga pala." ani Sheree na binuksan ang sling bag niya at may kinuha. "Here's your invitations." sabay abot ng mga cards kay Anne.      "Wow, kaya pala wala kayong pino-post na invitation sa social media ah." komento nito na kumuha ng isa at ipinasa na ang invitations sa iba. Simple lang ang disenyo ng invitation card; plain white na may printed roses sa ibabaw, sa gitna nito nakatatak ang kulay gintong kumpletong pangalan nina Hera at Sheree. Lugar, oras at araw naman sa baba nito na nakasulat sa maliliit na letra. Sa likod naman nakalista ang mga maid of honors, best man at ninong at ninang.      "Maigahd! Bakit nasa list ako ng Maid Of Honors mga Ateng?!" gulat na bulalas Wil.      "Because you're one of our special friends." ani Hera.      "So dapat akong matuwa na pagsusuotin n’yo ako ng dress?" Nagtawanan ang lahat.      "Sige na, ako na mag a-adjust! Maghahalungkat ako ng bestida ni Mama ko mamaya." biro nito kaya lalong humalakhak ang lahat. * * * NAGMAMADALING SUMAKAY ng kanilang pulang toyota wigo sina Hera at Sheree. Papunta sila ngayon sa bahay ng mga magulang ni Hera para personal na bigyan ng imbitasyon ang mga ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hera matapos kumatok sa gate.      "Okay ka lang?" tanong ni Sheree.      "Ofcourse." ani Hera kahit halatang kinakabahan ito. Nang bumukas na ang gate at bumungad ang Nanay ni Hera na gulat na gulat sabay silay ng mga ngiti nito.      "Anak! Ikaw pala yan, pasok ka." tuwang-tuwang sabi ng Nanay niya, ngunit naglaho ang ngiti nito ng makitang kasunod ni Hera si Sheree. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling ngumiti ng alanganin.      "Magandang umaga po." pagbati ni Sheree na kinuha ang kamay ng Nanay at nag mano bilang tanda ng pag galang. Parang ayaw pa nitong ibigay ang likod ng kamay ngunit sa huli ay wala din itong nagawa kundi magpakitang tao.      "Nand’yan din ba ang Papa?" tanong ni Hera.      "Oo nasa loob, pasok kayo." anito sabay punas sa daster ng kamay niyang pinagmanuhan ni Sheree. Inabutan nilang nakaupo sa hapag na nagbabasa ng libro ang Tatay ni Hera. Naka-magnifying glass pa ito ngunit agad na binitawan at napatayo siya nang makita ang anak.      "Hera anak ko!" sabik na sabik na pagbati ng Tatay nito. Mahigpit na nagyakapan ang mag-ama, halatang miss na miss nila ang isat-isa. Nagmano din dito si Sheree na ikinatuwa ng Tatay ni Hera.      "Kumusta ba iha? Pasaway ba itong si Hera?!" pabirong wika nito kay Sheree kasabay ng pagtawa nilang tatlo, maliban sa Nanay ni Hera. Umupo si Hera sa tapat ng Ina, katabi nito ang Ama niyang katapatan naman si Sheree. Nakakabit padin ang ngiti sa mukha ng Ama. "Napadalaw kayo? Kamusta ba doon?" wika nito habang naghahalo ng kaniyang kape.      "Magulo padin ho pero masaya. You should come with us sometimes para makaluwas naman kayo at makapasyal." alok ni Hera.      "Aba'y bakit hindi! Mukhang masaya iyon ah! Sige at paplanuhin namin 'yan ng Mama mo." masayang sabi ng Tatay niya.      "Kayo nalang, alam mo namang abala ako dito sa bahay at sa Iglesia. Wala akong panahon sa mga ganyan-ganyan." wika ng Nanay niya.      "Ikaw naman, minsan lang nga humiling sa'tin itong anak mo ang k.j mo pa."      "Anong k.j? Ikaw nga Hulyo 'wag akong minumura mo." ani ng Nanay. Nagkatawanan ang tatlo. Ipinaliwanag ng Ama na kill joy ang ibig sabihin ng k.j. Natutuwa naman si Hera habang pinapanuod ang mga magulang niya. Aminado siyang na-miss ang away-bating pagsasama nito. Nakita niyang tumatawa na din ang Nanay niya kaya sa tingin niya’y tamang oras na ito.      "Ahm, Ma, Pa…" pagkuha ng atensyon ni Hera. Inilapag niya ang wedding invitation sa gitna ng mesa. Agad na dinampot ito ng Tatay niya at sumingkit ang matang binasa ito.      "Naibili nadin po namin kayo ng isusuot since kabisado ko naman po ang sukat n'yo, medyo maluwag naman po 'yon kung medyo tumaba kayo." ani Hera na nakangiti kahit kinakabahan sa magiging reaksyon ng magulang. Pero lalong lumapad ang ngiti ng Tatay niya sa nabasa. Ngunit napatayo naman ang Nanay niya sa silya at napahawak sa ulo. "Ano 'to? Magpapakasal kayo? Nahihibang ka na ba talaga Hera?!" bulalas ng Ina.      "Mahal huminahon ka nga muna." wika ng Tatay nito sa asawa.      "Don't you think it's the right time Ma? Magse-seven years na kami ni Sheree." ani Hera.      "Ayun na nga, pitong taon na kayong nagkakasala tapos pakakasal pa kayo?! Hindi na kayo nahiya sa Panginoon!" palahaw ng Nanay.      "Matilde! Tumahimik ka!" pag-awat ng Tatay sa asawa niya.      "Hinde Hulyo! Hayaan mo akong magsalita! Tinanggap kita kahit ganyan ka! Dahil umaasa akong baka nalilito ka lang, na magbabago ka din. Pero iyang babaeng 'yan ay mas lalo kang hinila sa pagkakasala! Tapos pakakasalan mo pa siya? Isa siyang kampon ni Satanas!" duro ng Ina kay Sheree. Nagkuyom ang dalawang palad ni Hera sa narinig, hinawakan ni Sheree ang kanyang nanginginig na kamao.      "Love-" pakiusap ni Sheree na kumalma lang ito. Tumawa ng pilit si Hera habang nakayuko. "Really? Tinanggap mo ako? Hah." aniya sabay angat ng tingin sa Ina. "You never did Ma, because if you do those words wouldn't come out from your mouth. Hindi mo alam ang pagtanggap." ani Hera sa kaniyang Ina. Nagulat ang Nanay niya, pinamewangan siya at tiningnan silang animoy mga dumi. "Tingnan mo't sumasagot ka na sa'kin ngayon. Talagang nalason na ang isip mo ng babaeng yan!" muling baling ng galit na tingin kay Sheree.      "Leave Sheree alone! Wala siyang kasalanan dito but you keep on blaming her for what I am! I was like this before I met her, lesbian na ako Ma! Bakit ba hindi mo pa tanggaping may anak kang Tibo!" tumaas na ang boses ni Hera.      "Hera! Matilde! Tama na!" pag-awat muli ng Tatay. Bumaling ang tingin ng Ina niya sa asawa nito "Ano Hulyo? Kukunsintihin mo nanaman itong anak mo sa ka-tomboyan niya?" puno ng pagkasuklam ang tono nito.      "Higit sa kaninuman tayo ang dapat sumusuporta sa anak natin bilang magulang nila. Anong masama kung magpakasal si Hera at Sheree? Kung mahal nila ang isat-isa ay walang masama duon? Aanhin mo yang paniniwala mo kung ginagamit mo lang din para manlibak ng tao? Mag-isip ka Matilde!" dipensa ng Tatay ni Hera.      "Wala ng dapat pag-isipan pa!" sagot ng Ina at pahablot na dinampot ang invitation sa mesa. Pinunit niya ito sa harapan ng anak. "Hindi ako pupunta sa imoral na kasal na ‘yan!" ani pa nito bago lumayas sa eksena. Hindi na napigilan pa ni Hera ang mga luha niya. Napayuko nalang ito at tinakpan ang mukha. Inabot ng Tatay ang kamay ni Hera na nakapatong sa mesa at hinaplos ito. Niyakap naman ni Sheree ang kapareha at hinaplos ang likuran nito.      "Anak patawarin mo kami, kilala mo na naman ang Nanay mo nuon pa man nilason na ng paniniwala ang isipan niya." wika ng ama. Tumayo ito at lumapit sa kinauupuan ni Hera. Agad siyang umakap sa bewang ng nakatayong Ama, lalo siyang napahagulgol na tila isang paslit. Muling nagbalik ang mga ala-ala niya, kung paano sinunog ng Nanay niya ang mga drawings niya noong highschool pa siya dahil sa galit nitong maging katulad din siya ng Tatay niyang laos na pintor.      "Shhh… tahan na 'nak. Basta ako, hindi ako mawawala sa espesyal na araw niyo." wika ng Tatay nito na ngumiti pa kay Sheree. Nang mahimasmasan si Hera ay nagpaalam na sila, hinatid sila sa gate ng Tatay.      "Ito po pala 'Tay." pag-abot ni Sheree sa bagong invitation dahil napunit na yung binigay ni Hera kanina.      "Salamat at pasensya na sa kanina. Bilib talaga ako sa'yo at sa pag-aalaga mo dito kay Hera ko. Alam mo naman dito, relihiyoso ang mga tao kaya limitado lang ang mga bagay na kanilang alam unawain. Salamat nalang din sa Diyos at nagising ako sa kalokohan ng mga simbahang 'yan." natatawang wika ng Ama.      "Opo 'Tay, medyo sanay na din naman ako. Hindi naman po natin kontrolado ang pang-unawa ng iba kaya tiis nalang at pasensiya." ani Sheree. Nang mamaalam na ang dalawa ay namayani ang katahimikan sa kanilang buong byahe hanggang sa makauwi. Pagdating ng bahay ay dumiretso si Sheree sa fridge para maghanap ng maluluto niya para kahit papaano ay mapawi ang stress ng kapareha.      "Love anong gusto mong lutuin ko?" pagtatanong ni Sheree habang nakatuwad na sinisilip ang mga gulay nila sa fridge.      "You." Napaigtad si Sheree ng maramdaman si Hera sa likuran niya, pagtayo niya ay agad siyang niyakap nito sa likod. Hinawi ni Hera ang kaniyang malambot na buhok at nagsimulang gawaran ng halik ang kaniyang batok. Nag-iba ang takbo ng kanilang paghinga, hanggang sa humarap na si Sheree kay Hera.      "Ni-lock mo ba ang pinto?" tanong ni Sheree.      "Ofcourse." maikling sagot ni Hera. Bago pa muling makapagsalita si Sheree ay binigyan niya na ito ng mapupusok na halik. Nagtagisan ang kanilang mga dila habang tinatanggal ang kasuotan ng isat-isa. Tanging damit panloob nalang ang natitira sa dalawa. Binuksan ni Hera ang fridge, kumuha siya ng small cup of mango flavor yogurt sa pintuan at binuksan ang seal nito. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pagnanasang nakatitig kay Sheree at saka dahan-dahang sinawsaw ang hintuturong daliri sa yogurt at ipinahid sa colar bone ng kapareha.      "A-ang lamig." bungisngis ni Sheree gawa ng yogurt na galing lang sa fridge. Ang bungisngis ay napalitan ng impit na halinghing ng dilaan na ni Hera ang yogurt sa colar bone niya. Gumapang ang maliliit na kuryente sa katawan ni Sheree, kuryenteng nagpapalibog. Pinayuko siya ni Hera sa dinning table at saka pinasadahan ng madidiin na himas mula bewang pababa ng hita. Nagsisimula ng maglabas ng likido ang perlas niya. Nilagyan muli siya ni Hera ng malamig na yogurt sa likuran. Bawat dampi ng daliri ay nagbibigay ng kilabot sa kaniyang balat. Ikiniskis ni Hera ang p********e niya sa p'witan ni Sheree at nagsimulang himudin ang matamis at maasim-asim na yogurt na ikinalat sa likuran nito. Umalingawngaw ang mga nagmamakaawang paghingal ni Sheree sa kusina. "F*ck me!" utos nito na kanina pang nanginginig sa kasabikan. Napangisi si Hera at tuluyan na ngang sinunod ang utos ng kapareha.  Itutuloy... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD