Heart-to-Heart Talk Quiniella's POV KINABUKASAN, nakatanggap kami ng balita na nagiging maayos na ang lagay ni Mido mula sa operasyon sa kaniyang mga mata. Hindi ko tuloy napigilang umiyak sa tuwa nang dahil do'n. "Anak, makakakita na rin sa wakas ang Tatay mo," usal ko habang hinihimas ang umbok ng aking tiyan. Nagising ako kanina na medyo namamanhid ang aking mga paa kaya't halos kasama ko na rito sa kwarto si Paula para tulungan ako. Nakarinig naman ako ng katok at nakita ko si Paula 'yon na may hawak-hawak na tray na may lamang mga prutas at tubig at saka vitamins ko. "Kailangan mo nang kumain para makainom ka ng vitamins mo. Mamaya kasi ay tatawagan ka ni Madam Natasha para kumustahin." Tumango naman ako at tinanggap ang dala niyang pagkain at masaya kong kinain 'yon lalong-lal

