Intruder Third Person's POV NAKATINGIN si Ezra sa dalawang pigura na masayang nagtatawanan habang kumakain sa kusina. Nag-igting ang kaniyang panga habang nagtatago sa pader. What's this, another intruder? Napatawa na lang ng pagak si Ezra sa kaniyang naisip. Mukhang hindi magiging boring ang pagbalik nila sa Pilipinas dahil may gagawin na naman siyang kakaiba. "Mommy, I want to play outside," ungot ni Miso ngunit hindi niya pinansin ang anak dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang babaeng gold digger na kausap ng kaniyang ina. Ngunit kinulit siya nang kinulit ni Miso hanggang sa sobrang inis niya'y naitulak niya ito na ikinaupo nito sa sahig. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito at unti-unting napahikbi. "I said stop, or I'll hit you! Go to your bedroom and sleep. Stop wail

