Scared Quiniella's POV PANSIN KO NGAYON na laging nakamasid sa 'kin ang mag-asawang Ezra at Mizo. Hindi ko tuloy napigilang kabahan sa presensiya nilang dalawa. "Grabe kung nakakamatay lang ang tingin ay humandusay ka na," bulong ni Paula sa 'kin at tumango naman ako. Napapansin na rin ni Paula ang mga ito kaya't hindi tuloy ako mapakali. "Natatakot nga ko, e." usal ko at napahawak naman sa balikat ko si Paula. "Naku, huwag kang matakot sa kanila dahil konting galaw nila'y hahampasin ko sila ng walis. Babantayan kita." Natawa naman ako tuloy do'n ngunit naputol ang usapan namin nang may tumikhim. "Excuse me. Can I ask you some questions?" tanong ni Mizo habang nakatingin sa direksyon ko kaya't napalingon din ako sa likuran ko ngunit walang tao. Sino ba ang kausap niya? Kaya n

