Anger Third Person's POV BUMABA si Mizo para puntahan ang kaniyang mga anak. Agad naman niyang nakita si Mommy Minerva. Napakunot naman ang noo niya dahil hindi nito kasama ang kambal. "Mommy, where's Maki and Miso?" tanong niya at nakita niyang nakatulala ito kaya't hinawakan niya ito sa balikat at saka tinanong ulit na agad nitong ikinapitlag. "Ahm. . . They're upstairs inside their room," sagot nito. Napatango naman siya ngunit napansin naman niyang wala ang babae ni Mido pati na rin ang ibang tao sa mansyon. "Nasaan na po ang mga tao rito?" tanong niya na ikinatingin naman nito sa kaniya. "Nasa hospital sila dahil isinugod kasi si Quiniella. Nawalan kasi siya ng malay at dinugo. May nangyari ba sa inyo kanina, Anak? Alam ninyo naman ni Ezra na ang buntis ay

