Wrath Third Person's POV NASA LABAS ng kwarto ni Quiniella sina Madam Natasha at Mang Lagmar. Pinauwi na muna nila sina Manang Patricia at Paula sa mansyon para makapagpahinga. "Ikaw na muna ang bahala rito at babalik din ako agad," bilin ni Madam Natasha na ikinatango naman ni Mang Lagmar. Hindi pa siya nakakaalis nang nakita niyang humahangos patungo sa kanilang direksyon si Mizo. Habol nito ang hininga nang huminto ito sa kanilang harapan. Ni-hindi pa ito nagsasalita ay nilapitan ito ni Madama Natasha at sinampal nang malakas sa pisngi. "Ano'ng gusto mong mangyari, ha? You didn't stop that wife of yours insulting, Quiniella? Ano ka ba ro'n, display? Hindi mo ba alam na bawal ma-stress at pagsalitaan nang kung anu-ano ang buntis o nagtatanga-tangahan ka na naman? Nang dahil sa inyong

