Chapter 2 ✓

1033 Words
Sir. Mido Quiniella's POV KINABUKASA'Y nagtungo ulit ako sa silid ni Sir. Mido at nakita ko siyang nakatulala habang nakatingala sa kisame. "Sino ka? Bakit ka nasa kwarto ko?" tanong niya sa 'kin na ikinagulat ko dahil hindi naman niya 'ko nakikita pero naramdaman pa rin niya ang presensiya ko. "Ako pala si Quiniella. Teka! Paano mo nalaman na nandito ako, may magic ka ba?" mangha kong tanong sa kaniya na ikinakukot ng kaniyang noo. "Nope, I'm not a damn magician. It was because of your sweet scent," sagot niya at medyo hindi ko naman maintindihan 'yon dahil Ingles. Hindi naman kasi ako nakapag-aral at ang tanging alam ko lang ay ang basic na Ingles na tanging natutunan ko lang sa tuwing nagkakausap kami ni Madam Natasha. "Ano po ulit ang sinabi niyo, Sir? Pasensiya na't hindi ko po naiintidihan ang Ingles kasi hindi po 'ko nakapag-aral," malungkot kong turan. "How come? Ibig kong sabihin paano naman nangyari 'yon?" nakakunot noo niyang tanong sa 'kin at bahagya rin siyang bumangon para isandal ang likuran sa headboard ng kama. "Inampon lang kasi ako, Sir. Parehas na malulupit sila at hindi nila 'ko itinatrato na parang anak kaya nama'y nabuhay akong nagtatrabaho kahit saan para masustentuhan ko ang aking sarili."  "Hmm. . . Napakasama naman nilang dalawa pero gusto mo bang makita ang tunay mong mga magulang?" tanong niya. Nagiging madaldal na siya at hindi ko napigilang mapangiti dahil kinakausap na niya 'ko. "Hindi ko alam, kasi kung mahal nila 'ko'y dapat matagal na nila 'kong hinanap pero wala naman kaya't siguro ayaw talaga nila sa 'kin." Unti-unting pumatak ang luha mula sa 'king mga mata sa tuwing naiisip ko na walang may gusto sa presensya ko. "Hayaan mo't magiging maayos din ang buhay mo, Quiniella. Wala nang mananakit sa 'yo rito at ligtas ka." Hindi ko napigilang lumapit sa kaniya para yakapin siya na ikinabigla niya. Tila may naramdaman akong kuryente nang nagkadikit kaming dalawa. "Salamat, Sir. Mido. . ." usal ko at medyo inilayo niya 'ko. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. "Teka! Paano mo nalaman ang pangalan ko at bakit ka pala napadpad dito?" nagtataka niyang tanong kaya't natigilan ako. Hindi naman niya puwedeng malaman ang tunay na rason kung bakit ba 'ko nandito. "Ah-eh kay Paula kasi magkaibigan kaming dalawa at wala rin po kasi akong matutuluyan na bahay lalo na't naglayas po 'ko," sagot ko. Patawad kung nagsisinungaling ako sa 'yo, Sir. Mido. Napabuntonghininga naman siya at tumango-tango. "Hmm, akala ko a naman si Lola ang may pakana Kung bakit ka naririto. Ayaw ko rin kasing kinakaawaaan ako, Quiniella. Mas gusto kong ako mismo ang makakakilala sa isang tao at hindi mismo 'yong planado. Anyways, gano'n kasi minsan si Lola dahil nagdadala siya ng mga nurses na mag-aalaga sa 'kin pero iba pala ang pakay at muntik na nga 'kong magahasa dahil do'n kaya naman tinigilan na ni Lola ang gano'ng bagay." Napalunok ako ng aking sariling laway at pakiramdam ko'y namamawis ang aking mga palad dahil nagsisinungaling ako sa kaniya. "Ah, gano'n pala 'yon pero ano'ng gagawin mo kung may taong nagsinungaling sa 'yo, papatawarin mo ba siya?" tanong ko at biglang sumeryoso ang kaniyang mukha. "Well, hindi ko siya papatawarin. Ayaw ko na nang pag-usapan ang tungkol d'yan, Quiniella. Puwede bang ibaba mo na 'ko? Nagugutom na kasi ako," aniya at agad naman akong tumango at inalalayan siyang makatayo. "Sige, Sir. Mido. Bababa na tayong dalawa," anunsyo ko at inalalayan siya sa paglalakad palabas sa kwarto at pababa para magtungo sa hapag-kainan. Habang bumaba kami mula sa hagdan ay napansin kong tahimik lang siya habang seryoso ang mukya. Nagiging masalita siya kapag interesado siya. Nang nakarating na kami ay naabutan ko si Manang Patricia na nagluluto sa kusina na agad namang napalingon sa 'min at gulat na gulat. "Ah, Manang Patricia, nagugutom na po si Sir. Mido," sambit ko ngunit nakatulala lang ito sa 'min. "Nay, I'm hungry. Can you give me some food?" agaw pansin ni Sir. Mido dahil siguro'y naramdaman niyang parang hindi kumikilos si Manang Patricia at awtomatikong gumalaw ito nang marinig ang kaniyang boses. "Ah-eh, sige. Teka lang, Mido at malapit nang maluto itong Pininyahang Manok," saad ni Manang Patricia kaya naman inupo ko muna si Sir. Mido sa upuan at iniwan saglit para maghain. Naglabas ako ng plato, baso, kutsara, tinidor at napkin. Naglagay din ako sa gilid ng pitsel na may lamang orange juice. Bumalik ako sa refrigerator para kunin ang yelo ngunit nagulat ako nang nasa tabi ko na pala si Manang Patricia. "Ineng, nagulat ako kanina kasi ngayon ko lang ulit nakita si Mido na bumaba rito para kumain dahil lagi siyang nagpapahatid ng pagkain sa kaniyang kwarto. Nakapagtataka talaga Kung bakit nagbago ang ihip ng hangin," bulong ni Manang Patricia sa 'kin. Huh? Eh, bakit nagpahatid siya ibaba para kumain imbes na magpaakyat ng pagkain? "Baka nagbago lang po ang kaniyang isip at saka po sinunod ko lang po ang kaniyang utos," usal ko at inilagay ang mga yelo sa pitsel at saka bumalik para kumuha ng kanin samantalang pinatay na ni Manang Patricia ang kalan at nagsalok na ng ulam sa isang malaking mangkok. Ibinigay niya sa 'kin 'yon at inilagay ko na sa mesa. "Hmm, ang bango! Quiniella, nagluluto ka rin ba?" tanong ni Sir. Mido sa 'kin habang nilalagyan ko siya ng pagkain sa plato. "Syempre naman, Sir. Specialty ko ang Adobong Pata at Leche Flan," pagmamalaking sagot ko at nakita ko naman ang kaniyang pagkamangha. "Sana next time, matikman ko ang mga 'yan," aniya at kinuha ang kutsara at tinidor na nasa gilid ng kaniyang plato at nagsimula nang kumaing mag-isa. Kahit na wala siyang paningin o bulag ay kabisado naman niya ang kaniyang bawat ginagawa at napakalkulado ng kaniyang bawat kilos. Titig na titig ako sa kaniyang ginagawa at nagulat naman ako nang may bumulong sa tainga ko. "Matunaw si Sir. Mido sa titig mo, Quiniella. . ." bulong nito na ikinapula ng pisngi ko. Alam kong si Paula ito dahil mahilig itong mang-asar. Napanguso naman ako dahil sa hiya. Mabuti na lang at hindi niya nakikita ang itsura ko dahil paniguradong maasiwa siya sa 'kin at baka ang mas malala'y palayasin niya 'ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD