Chapter 3 ✓

809 Words
Maling Hinala Quiniella's POV LUMIPAS ang ilang mga linggo at naging malapit na 'ko sa mga tao sa loob ng mansyon pati na rin kay Sir. Mido. Minsan nga kapag kaming dalawa lang ang sa kwarto niya ay sinabihan niya 'kong huwag ko raw siyang tatawagin na, "Sir." Tutal ay magkaibigan naman daw kaming dalawa. Namumula tuloy ang aking pisngi sa tuwing naiisip ko 'yon sa kilig. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nagugustuhan. "Mido, handa na ang pampaligo mo," tawag pansin ko sa kaniya at tumango naman siya. Kinuha niya ang tungkod sagilid ng kaniyang kama at nagsimulang maglakad patungo sa banyo samantalang nilinis ko naman ang kaniyang silid. "Quiniella, puwede ka bang pumunta muna sandali rito? Kailangan ko kasi nang tulong." Nagtungo naman ako sa loob ng banyo at nagimbal ako sa kaniyang itsura. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil nakabalandra sa harapan ko any maskulado niyang pangangatawan na may mumunting balahibo sa kaniyang dibdib habang ang abs naman niya'y kumakaway sa 'kin. "Quiniella, nasaan ka na? 'Yong zipper kasi ng shorts ko'y kinain ang tela ng brief ko at nahihirapan akong tanggalin," Napatingin naman ako ro'n at mas lalong pinamulahanan ang aking nukha dahil bahagyang nakabukas ang zipper ng kaniyang pantalon at nakikita ko ang puti niyang brief at kitang-kita ko ang umbok do'n. Hindi ito makatarungan at wala naman akong magagawa. Lumapit ako at lumuhod para maayos kong makita ang pagkakaipit ng tela sa zipper para matanggal ko na agad. Hinawakan ko ang zipper at saka ang tela na nakain ngunit hindi ko sinasadyang mahawakan ang umbok niya na kaniyang ikinaungol "Hala! Pasensiya na, Mido. Hindi ko sinasadya," naiiyak kong turan. Mukhang nasaktan ko siya at palpak ako sa 'king ginagawang pagtulong. "Hey! Huwag kang umiyak at hindi naman ako nasaktan. It's just you've touched my warrior," aniya na ikinakunot naman ng aking noo sa huling binanggit niya. "Huh?" usal ko at muling binalingan ang aking dilemma. Natuwa naman ako na malapit ko nang matanggal 'yon. "Sandali lang at malapit ko nang matanggal." May nasanggi na naman ako pero hindi ko na lang pinansin dahil mawawala ako sa konsentrasyon. Mas inilapit ko ang aking mukha para mas kitang-kita ko ang aking ginagawa. "Kukunin ko na po ang labada niyo, Sir. Ay! Tsupa-tsups!" sigaw ni Paula. Napatingin naman ako rito at kitang-kita kong hindi ito makapaniwala sa nasasaksihan. Bigla kong natanggal ang pagkakaipit ng tela ng brief sa zipper. Tumayo na rin ako at nilapitan si Paula na natuod na mula sa kinatatayuan. Si Mido nama'y dumiretso na sa shower room at sinarado ang pintuan 'non. Mabuti na lang at hindi naaninag ang repleksyon niya. Napasinghap ako nang hampasin nito ang aking braso. "Oh my tinapa! Hindi mo sinabi sa 'kin na wild ka pala, Quiniella! Akala ko pa nama'y inosente ka. Looks can be deceiving talaga!" pang-aasar nito at agad ko naman siyang hinatak palabas ng banyo at baka marinig ni Mido ang my sinasabi nito. "Tumigil ka nga r'yan, Paula! Wala naman akong ginagawang masama dahil tinutulungan ko lang si Mido na tanggalin mula sa pagkakaipit ang tela ng kaniyang brief sa zipper ng suot niyang salawal." Napapitik pa ito sa daliri. "Aw! Akala ko pa nama'y pinapaligaya mo na ang pet ni Sir. na syempre hindi ko puwede makitta tapos humopia din ako na magka-ka-baby na rito sa mansyon," nanghihinayang na sabi ni Paula na ikinapula ng mukha ko ng sobra. Grabe ang bibig ni Paula at walang filter kung magsalita. "Oy! Anong pet na ipinagsasabi mo? At saka walang baby dito, Paula. Isusumbong talaga kita kay Manang Patricia at puro ka kalokohan." Napaismid naman ito at nagpadyak- padyak pa ng mga paa na parang bata. "Sus! Kung siguro'y nakakakita si Sir. Mido ay baka buntis ka na ngayon at saka darating din ang panahon na gagawa kayong dalawa ng milagro at kalauna'y magkakaanak tapos ikakasal kayong dalawa sa huli." Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil napakadaldal nito at baka kung ano'ng masabi. Mahirap na't baka marinig siya ni Mido lalo na't matalas ang kaniyang pakiramdam at pandinig at imposible ring hindi niya marinig mga ipinagsasabi ni Paula na napakaingay. "Huwag kang maingay at baka marinig ka ni Mido. Parang awa mo na, Paula! Baka mawala sa lahat ang kasunduan naming dalawa ni Madam Natasha," pagsusumamo ko ngunit nakita kong namutla si Paula at pakiramdam ko'y mawawalan din ako ng kulay. "Anong kasunduan, Quiniella?" tanong ng tinig mula sa likuran ko kaya't nanigas ako mula sa kinatatayuan ko. Unti-unting napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakasuot na siya ngayon ng roba ngunit seryosong-seryoso ang itsura na parang papatay. Kumabog nang malakas ang aking puso mula sa 'king dibdib. Patay! Kailangan kong mag-isip ng paraaan kundi malalagot ako nito kay Madam Natasha. Wala pa naman akong matutuluyan at hindi ko na alam kung saan ako pupulutin oras na mabisto ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD