Chapter 5 ✓

777 Words

Sick Quiniella's POV MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas kaya't sobrang lamig sa loob ng mansyon. Bigla akong bumahing at agad kong kinusot ang aking ilong. Naulanan kasi ako kahapon habang kinukuha ko ang mga sinampay. Bigla na naman akong bumahing. "Naku, Quiniella! Mukhang magkakasakit ka pa. Aba'y dapat makahigop ka na nang mainit na sabaw," sambit ni Manang Patricia. Isinubsob ko ang aking ulo sa mga braso kong nasa ibabaw ng mesa dahil nakaramdam din ako ng sakit sa ulo at pagkahilo. "Salamat po at medyo sumasakit ang aking ulo at nahihilo rin po ako," nanghihina kong turan at lumapit naman si Manang Patricia at sinalat ang aking noo pati na rin ang leeg. "Maryosep, Ineng! Ang taas ng lagnat mo at kailangan mong magpahinga. Sasabihan ko na lang si Mido na hindi mo siya masasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD