"What the hell, Ice!" gigil na salubong ni Enrique sa asawang kararating lang ng bahay.
"Uwi pa ba ng matinong babae iyan?" muling saad ni Enrique. Paano ay pasado alas kwatro na nang umuwi si Ice. Iniwan niya si Jonas sa unit nito nang makita niyang nahihimbing na ito. At isa pa ay lipas na rin ang ulan. Lalo na at hindi naman niya kaano ano ang lalaking iyon at wala siyang pananagutan doon.
"May asawa kang tao." hindi pa rin tumigil si Enrique kahit na hindi siya pinapansin ni Ice. Pero narindi na rin si Ice sa kanya kaya nagsalita ito.
"Pagod ako, please." mahinang saad niya. Totoo namang napagod siya sa biyahe kaya naman ayaw niyang makipag-argue sa asawa. Walarin namang patutunguhan ang away nila ay mauuwi lang sa walang kwentang pagtatalo.
"Lintek, Ice! Saan ka pagod?" at talagang naghahamon si Enrique. Naiiling na lamang si Ice. Minsan ay gusto na niyan patulan ito.Pero ayaw niyang magsayang ng energy.
"Pagod sa pakikipag-affair? Pagod sa lalaki mo?" hindi napigilang sabi pa ni Enrique. Pagod na siya sa palaging pagtrato ni Ice ng ganoon sa kanya. As if he doesn't exist. It's as if he's a stranger. Agad namang nagpanting ang tainga ni Ice sa sinabi ng asawa niya. Kung maituturing nga bang asawa ito.
"What are you saying? Who's having an affair? What the f**k are you talking about?" halos umusok ang ilong na sigaw ni Ice sa lalaking kaharap. Hindi niya hahayaang pagbintangan siya ng bagay na hindi naman niya ginawa.
"It's you! Of course sino pa ba?" sigaw ni Enrique.
"You're having an affair! Tell me! Si Rosser ba? Magaling ba siya? magaling ba siya ha?" sabay hawak sa balikat ng asawa habang niyuyogyog ito. Hindi namanmakapaniwala si Ice sa bintang ng asawa niya. Napakagaling mambintang. Napakahusay magturo.
"Bastos ka! Bastos ang bunganga mo!" sigaw ni Ice. At hindi na niya napigilan pa ang sarili. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Enrique. Damang dama ni Ice ang sakit nito dahil sumakit din ang mismong palad niya. Hindi niya akalain na sa tagal ng pagsasama nila. Sa tagal ng pagtitiis niya na makisama sa asawa niya ay ito pa ang iisipin nito sa kanya. Ganito pa ang mapapala niya. Ang mapagbintangan ng bagay na hindi niya ginagawa.
"Baka nakakalimot ka kung sino ang nagloko! Baka nakakalimot ka kung ilang beses mo akong pinagmukhang tanga, Enrique!" nanginginig pa ang palad ni Ice habang ang mga labi ay gigil sa pagsalita. Halos madurog ang puso niya sa bintang nito.ng sabi ng iba na kapag nagalit kat nagreact ka ay guilty ka.Pero sino ba naman ang hindi magrereact sa ganito? Kung pati pagkatao mo ay niyuyurakan na. Pati pagkatao mo ay inaapakan. At lalo pang masakit ay mismong asawa mo pa ang gagawa nito sa iyo.
Tila naman natauhan si Enrique. Late na nito na-realized ang mga pinagsasabi nito. Ang mga bintang niya kay Ice. Kung tutuusin ay napuno lamang siya. Kung paano ito nasasaktan sa bintang niya ay ganoon din siya nasasaktan sa pagwawalang bahala nito sa kanya. Ngunit ano pa nga ba? At sunod sunod na paghingi ng tawad ang lumalabas sa bibig ni Enrique.
"I'm sorry, Ice." mahinang usal nito sapat para marinig ni Ice.
"Hindi ko lang matiis ang mga pag iwas mo." sabi pa ni Enrique sa asawa.
"Kaya ba pinagbibintangan mo ako? Kaya ba ganyan mo ako tratuhin? Alam mo ang dahilan ng pag-iwas ko. Alam mo ang dahilan kung bakit ako ganito. Kung bakit ako nagkaka-ganito!" sunod-sunod na saad ni Ice. Hindi na niya napigilan pa na hindi magtaas ng boses.
"Ang lagi mong pag-dead-ma sa akin. Ang hindi mo pagkausap sa akin. masakit din iyon." sagot naman ni Enrique.
"Pinagsisihan ko na ang lahat ng mga nagawa ko." saad pa nitong muli.
"Please, Ice. I'm sorry... I'm so sorry..." saka humakbang ito papalapit sa dalaga at pilit na niyayakap ang asawa ngunit pilit naman itong lumalayo sa kanya. Nagpupumiglas sa paghawak niya.
"Bitiwan mo ko! Huwag mo akong hawakan, Enrique! Nandidiri ako sayo!" sigaw ni Ice. Ngunit mapilit si Enrique. Lalo pa itong nag-insist na yakapin ang asawang si Ice.
"Bitiwan mo sabi ako!" halos manakit na ang mga braso ni Ice sa pagpupumiglas mula sa yakap ng asawa niyang si Enrique ngunit tila hindi ito natitinag at hindi rin siya huminto sa pagpupumiglas. Hindi alintana ang sakit at ganoon din naman si Enrique na sa halip na bumitaw bagkus ay lalo pa niya itong niyakap.
"I'm really sorry, Ice... Mahal na mahal kita..." mas lalong nanlambot si Ice sa narinig. Napatawa nang mapait sa tinuran ng asawang si Enrique.
"Mahal?" saad niya sabay tawang muli.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Enrique? Mahal? May mahal bang niloloko? May mahal bang lantaran kung gaguhin mo? Kailan mo ba ako minahal? Ha? Kailan?!" hindi niya alam kung gaano kalakas ang puwersa niya at nang dahil sa galit ay nakawala siya sa asawa niya. Agad siyang tumakbo sa kwarto nila at nag-empake ng gamit niya.
"Maghiwalay na tayo! Ayaw ko na!!!" sigaw niya nang makalabas ng kwarto dala ang isang malaking maleta niya na uno ng mga damit.
"Sawang sawa na ako, Enrique. Paulit-ulit kitang pinatawad pero paulit-ulit mo rin akong ginago. Pinagmukha mo akong tanga. Masakit magmukhang tanga hindi ba?" pagtutukoy niya sa lagi niya na hindi pagpansin dito. Pinararamdam lang niya ang mga ipinaramdam ni Enrique sa kanya noon. Nagtangis naman ang bagang ni Enrique at kuyom ang palad na tinanong ang asawang lalayas.
"At saan ka pupunta? Sa lalaki mo? Kay Rosser? Hindi puwede! Hindi ka aalis!" agad niyang inagaw ang maleta at pakaladkad na hinila ang buhok ng asawa.
"Nasasaktan ako, Enrique!" impit na sakit ang naramdaman niya habang hatak ni Enrique ang buhok niya na hawak naman niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya. Pakiramdam niya ay hihiwalay na ang buhok niya sa anit niya.
"Masasaktan ka talaga kapag umalis ka!" kitang kita niya kung paano manlisik ang mga mata ng asawa. Hindi na ito ang Enrique na nangako sa kanya na magbabago. Ngunit hindi naman nagbago.
Halos mapangiwi na si Ice sa sakit na nararamdaman habang pakaladkad na nakasabunot si Enrique sa kanya papasok sa kwarto nila. Ngunit bago pa man makapasok ng kwarto ang dalawa ay isang malakas na suntok ang tumama sa pisngi ni Enrique. Agad na napasapo ito sa pisngi niya habang hawak pa rin si Ice sa buhok.
"Bitiwan mo siya!" sigaw pa ng lalaking sumuntok kay Enrique at dahil hindi pa rin ito natinag sa pagsabunot kay Ice ay muling umindayog ang isa pang suntok papunta naman sa kabilang pisngi ni Enrique. Nanlaki naman ang mga mata ni Ice sa nakita. Hindi niya alam kung paano ito nakapunta sa lugar niya at nakapasok sa bahay nila.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ice na sinegundahan naman ni Enrique.
"Oo nga! Sino ka? At bakit ka pumasok sa bahay ko? Trespassing ka, Pare! Asawa ko 'to at gagawin ko ang gusto kong gawin!" sigaw ni Enrique habang napapangiwi sa sakit ng suntok na inabot niya.
"E gago ka pala e! Hindi ganyan ang pagtrato sa babae. At sige ireklamo mo ako ng trespassing. Sisiguruhin kong sa kulungan ang bagsak mo dahil sa pananakit sa babaeng hayop ka!" sigaw ni Jonas.
Agad naman na natigilan si Enrique. At saka lang binitawan ang buhok ng asawa niyang si Ice na kanina lang ay hatak hatak niya. Hindi naman mapigilan ni Ice na mapangiwi sa sakit. Pagkatapos at sinasapo ang anit dahil sa nararamdamang sakit. Napapaisip naman si Enrique. May punto nga naman ang lalaking ito at sigurado na lalo siyang mahihiwalay kay Ice pagnagkataon. Masasayang ang mga effort niya na pagpigil sa pag iwan nito sa kanya.
"Ice, please. Paalisin mo 'yan." pakiusap ni Enrique.
"Please, dito ka lang. Huwag mo 'kong iiwan." pagmamakaawa ni Enrique na tila naging isang tupa na biglang bumait. Ngunit sapat nang napagbuhatan siya ng kamay ni Enrique. HIndi na niya nais pang makaulit ito sa pananakit sa knaya. Sa halip na maawa si Ice ay tuluyan na itong umalis ng bahay at iniwan sina Jonas at Enrique. Agad namang sinundan siya ni Jonas.
"Ako na ang magdadala niyan. And you can stay at my house." saad nito kay Ice.
"No. I can manage." tanggi ni Ice sa binata at agad niyang binawi ang maleta pagkataposay iniwan ang binata. Ngunit ganoon pa man ay nakasunod ito sa kanya kung saan man siya pupunta. Tama naman ang hinala niya na babalik si Ice sa resort. Kaya naman sinundan niya ito. Hindi pa siya nakapagche-check out sa unit niya kaya naman libre itong matutuluyan ni Ice kung papayag ito. Pagbaba nito sa kotse ay agad niyang inalalayan si Ice.
"Ako na." offer niyang muli rito ngunit sa halip na pumayag at magpasalamat ay nagalit pa ito sa kanya.
"Sino ka bang talaga at pakialam mo ba sa buhay ko? Bakit mo ba 'ko sinusundan?" angil ni Ice. At kunot ang noo pa na sabi ni Ice sa binata.
"At isa pa ay sino ba ang nagsabi sa iyo na puwede kang makialam sa buhay naming mag-asawa?" sigaw niya pa rito. Mabuti na lang at kaunti lang ang tao sa parking area.
"Ako si Attorney Jonas Villacer. You can call me Jonas. Karapatan kong tulungan ka dahil nasa panganib ka. It doesn't mean na asawa ka niya ay may karapatan na siyang saktan ka." paliwanag nito na hindi naman bumenta kay Ice. Wala siyang pakialam kung sino pa ang lalaking ito. Ayaw niyang may nakikialam sa buhay niya.
"I don't care kung lawyer ka or what." saad pa niya rito.
"Can you please leave me alone! I don't need your help and I don't want your help!" muling pasigaw na saad niya sa binatang kaharap.
Pigil ang luha na iniwan niya ang binata at nagtungo sa reception. Mabuti na lamang ay may bakante pang unit para may matuluyan siya. Mabuti na lang rin at hindi siya pumayag na maging isang housewife. Kung hindi ay nganga siya sa paghihiwalay nila ni Enrique. Baka sa kalye siya matulog kapag nagkataon.
Naiwan namang naiiling si Jonas. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Ice pero wala siyang magagawa kung ayaw nito ng tulong. Maybe in the future ay kailanganin siya nito. Who knows? Baka ito pa ang lumapit sa kanya saad niya sa isipan niya.
"What the f**k? Ginawa niya sa iyo iyon?" mainit na ulong sabi ni Rosser. Matagal na niyang binigyan ng warning si Ice ngunit alam niyang hindi ito makikinig sa kaniya kahit best friend niya ito dahil may gusto siya rito. At iisipin nito na may motibo siya.
"I don't know. Hindi na siguro siya magbabago." naiiling na sabi ni Ice sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nasa cafe malapit sa opisina niya. Matapos niya kasing pumunta ng resort ay pumasok siya sa trabaho.
"So, where are you now?" tanong ni Rosser sa kaibigan.
"Saan ka mag-i-stay?" pag-aalalang tanong pa nito.
"Pumasok ako sa office. You know me. Ayaw kong ibaon ang sarili ko kaiisip ng bagay na alam kong walang solusyon. Wait, I have to go." paalam niya rito. As much as gusto pa niyang makipag-usap para may mahingahan siya ng problema ay kailangan na niyang bumalik sa trabaho.
Habang nasa elevator siya ay iniisip niya kung saan siya tutuloy. Nakabakasyon si Rosser kaya wala itong pasok. Umuwi ito ng province nila. Ngunit maaari naman siyang tumuloy sa condo nito dahil alam niya ang code ng bahay nito.
"Hi! It's you!" bungad ng isang lalaking may malalim na boses. Pamilyar ito. Mula sa tindig nitong matikas. Hindi namalayan ni Ice na may tao pala sa elevator. Palibhasa'y okupado ng kung anong bagay ang isipan niya.
"Hi." tipid na sagot niya pagkatapos ay muling deadma ang presensya ng lalaki.
"Wait. Are you following me?" gigil ni Ice nang mapagtanto niya na si Jonas pala ang lalaking ito. Ang pakialamero at intrimitidong lalaki.
"Of course not. I'd love to but I'm quite busy today." saad ng binata na kumindat pa sa babaeng katabi. Pagbukas ng elevator ay lumabas kaagad si Jonas na tatawa-tawa.
"See you when I see you." saad nito. Muli itong kumindat at saka naglaho sa paningin ni Ice. Nanggigigil na pinagpipindot ni Ice ang elevator button dahil sa lalaking iyon na feeling gwapo. KUng makakindat ang akala mo ay napakagwapo. At kahit pa gwapo ito ay gigil pa rin siya rito.