"Hi!" abot taingang ngiti ni Jonas habang titig na titig sa dalaga na nasa kanyang harapan. At nakakunot naman ang noo ng babaeng nagbukas ng pinto. Tila hindi nagustuhan ang pagkakakita sa kanya. Ang akala nga niya ay hindi na siya pagbubuksan ng pinto ng babaeng masungit na ito. Ngunit mabuti na lamang at matiyaga siya na naghintay sa labas. Mabuti na rin at hindi siya nagsawang kumatok dito.
"What do you need from me?" angil ni Ice. Hindi naman kaagad nakasagot ang binatang kaharap dahil sa reaksyon niya. Ang ayaw sa lahat ni Ice ay ang mga ganitong klase ng tao na feeling close na kaagad porque nakasalubong lang sa daan. O nakabungguan. Iyong feeling na may utang na loob ka na kaagad dahil lang sa tumulong ito na huwag kang mahulog o matumba.
"Now what?" pag-uulit ni Ice dahil tulala lamang ang kaharap.
"Still remember me?" agad na sagot nito nang ulit na tanong ni Ice.
"Jonas." sabi pang muli ng lalaking ito na hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa labi nito sa babaeng kaharap. Inilahad niya pa ang palad niya. At nakangiti pa rin habang hinihintay ang pag abot ng dalaga sa kamay niya kahit ilang segundo na ang nakalilipas. Ngunit mukhang mailap ang isang ito. Paano ay hindi man lang nito inabot o hinawakan ang kamay niya.
"Fine." sabi ni Jonas nang hindi pa rin nito inaabot ang kamay niya. Ibinaba niya ito at kunwari ay ipinahid pa sa pang ibababang kasuotan nito.
"I just want to invite you for dinner." pagkasabi ay nagmasid siya sa reaksyon ng babaeng kausap. Alam naman na niyang hindi ito papayag sa imbitasyon niya pero there's no harm in trying naman 'ika nga ng iba kaya naman tinanong na rin niya.
"I'm not here to have fun nor enjoy." walang ekspresyon na saad nito habang nakatingin sa binatang kaharap.
"No thank you." agad na muling sagot nito. Pagkasabi ay tangkang isasara na niya ang pinto nang pigilan ito ni Jonas.
"Now what?" angil ni Ice. Wala siyang planong makipag-usap sa kahit kanino. Marami na siyang iniisip. Poproblemahin pa ba niya ang date ng isang ito?
"Then don't have fun." seryosong saad ni Jonas.
"Just a dinner. Strangers date?" segunda pa nito. Alam man niyang hindi ito papayag ay ready na siya sa sasabihin nito. Ang mahalaga ay naalok niya ito. Ito na ang pagkakataon para alukin ang babaeng ito. He's actually been wanting her near him. From that day, he saw her. He's ready for this. Handa siyang harapin ito mapapayag lang sa isang date.
"If you'll excuse me. I need to go." muling saad ni Ice.
"Well, maybe it's not today." saad ng isip ni Jonas.
At naniniwala siya sa sarili niyang rule na ginawa. Rule number one, 3rd decline, is enough. Huwag na paabutin pa ng pang apat. First, she declined to shake hands with him, Second is that she declined her offer for dinner. And lastly, she declined his stranger's date offer. Too bad he's not gonna know her more today. Inihatag niya ang kamay tanda ng pagpapaubaya.
"Okay, then." pagkasabi ay saka siya lumayo sa pinto ng unit ni Ice at saka bumalik sa unit niya. Agad naman isinara ni Ice ang pinto ng unit niya.
"Tss. Napakaarogante." bulong niya sa sarili.
"Hindi dahil sa sinalo niya ako ay utang na loob ko na iyon." sabi pa ni Ice na naiiling-iling.
"Kung hindi naman dahil sa siya ay paharang harang sa daan ay hindi ko siya mababangga." naiiling pang muli na sabi niya sa sarili.
Huminga siya nang malalim saka nagsimulang kumilos. Agad niyang iniayos ang gamit niya. At pagkatapos ay saka lumabas ng unit at nagtungo sa kotse. Nang makarating sa kotse ay sinilip niya ang cellphone niya at saka lamang niya napansin na marami na pala siyang missed calls galing kay Rosser.
"As usual. Hindi mo na naman ako sinipot." basa niya sa message nito sa kanya. Nagtatampo na naman ang bff niyang ito dahil sa hindi niya pagpapakita rito. Umiiwas lang din naman siya sa kung ano-anong tsismis na maaaring kumalat. Pagod na siya sa mga paratang na hindi naman niya ginagawa. Hindi rin siya tanga para intindihin pa ang mga sabi-sabi ng kung sinu-sinong tao.
Paaandarin na sana niya ang kanyang kotse nang maaninag niya sa gilid ng mga mata niya na biglang may isang lalaking humarang sa may harapan nito. Nang lingunin niya ito ay nakita niya na ang humarang sa harapan ng sasakyan niya ay si Jonas. Agad niyang binusinaan ito para umalis ito ngunit hindi ito natinag bagkus ay nanatili lamang ito sa kinatatayuan nito. Kaya naman napilitan siyang bumaba ng kotse.
"What the hell are you doing?" inis na tanong niya sa lalaking kanina pa sumisira ng gabi niya.
"Magpapakamatay ka ba? And if you do, please lang. Huwag mo akong idamay." angil niya rito. Hindi na siya magpapaipokrita pa para kausapin ito nang maayos lalo pa ay inis siya rito.
"Today, I'm breaking my rule for this girl." bulong ni Jonas sa sarili niya.
"No more rule at this time." dagdag pa niyang saad habang nakangiti rito sa babaeng kaharap.
"Just a dinner, and I'll let you go." saad niya rito. Napangisi lamang si Ice.
"Is he crazy?" bulong pa ng dalaga sa sarili.
"No way!" nakangiti pa rin si Jonas kahit pa napagtaasan na siya ng boses ni Ice.
"Abnormal yata itong lalaking ito. Nasigawan na eh nakangiti pa." hindi niya maiwasang mapaisip. Pero hindi
Anong pakialaman niya?
"Get out of my way. Pag hindi ka umalis diyan ay mapipilitan akong sagasaan ka." warning niya sa binata. Ngunit hindi ito natinag at nanatiling nakatayo lamang sa harapan ng kotse ni Ice.
"Can you please go." hindi na niya na-take pa ang kabaliwan nito at sa inis niya ay sumakay siya sa kotse niya. Pagkatapos ay pinaandar ito ngunit hindi ito natitinag. Kaya naman itinuloy niya ang pagpapaandar ng sasakyan. At dahil hindi ito umalis ay natumba ito sa pagpaandar niya ng kotse.
"Gosh, Ice!" napahampas siya sa manibela nang matumba ng binata. Sa taranta niya ay agad siyang bumaba para silipin ang kalagayan nito.
"What the f**k! Are you crazy?" galit na sabi niya rito pero hindi ito kumikilos at hindi rin nagmulat. Bumilis ang t***k ng puso niya sa kaba. Labis ang pag-aalala niya.
"Nakapatay yata ako." hawak ang dibdib na saad niya nang dahil sa nerbiyos. Tila dapat bawasan na niya ang pagkakape niya. Sinubukan niyang kapain ang dibdib ng binata upang alamin kung tumitibok pa ang puso nito ganoon din ang dibdib. At ramdam pa rin naman niya ang normal na t***k nito.
"s**t! Are you dead?" niyugyog niya ang binata para magising ito ngunit hindi pa rin ito kumilos. Nagpa-panic na siya ganoon tumitibok pa naman ang puso nito ngunit bakit hindi ito gumigising. Hindi na niya alam ang gagawin niya pero sigurado siyang hindi naman umabot ang kotse rito kaya imposibleng nabangga niya ito.
Inilapit niya ang mukha niya para alamin kung humihinga pa ang binatang nakahiga sa sahig. Ramdam niya ang paghinga nito maging ang bango ng hininga nito na nanunuot sa ilong niya. Pagkatapos ay muli niya itong niyugyog para magkaroon ng ulirat.
"Hey! Please wake up! Gosh!" naiiyak sa inis na sabi niya. Sa bigat ng nararamdaman niya ay dumagdag pa ang isang ito. Kung bakit nga ba inaalala niya ang isang ito na hindi naman niya kaano-ano. In the first place ay hindi naman ito masasagasaan kung hindi ito paharang-harang sa daan.
"Sorry." agad na nagmulat si Jonas nang marinig niyang natataranta na ang boses ng dalaga. Agad siyang nakaramdam ng awa rito. Nagi-guilty siya sa nagawa niya but it's his plan. By hook or by crook ay kailangang makilala niya ito. Kailangang pansinin siya nito.
"What the f**k are you doing!" halos mag init ang buong mukha niya sa galit. Nanginginig ang kamay niya at nangangatal ang labi niya.
"Are you crazy? Are you an idiot? What do you want? Huh? Really? A date? f**k!" sunod-sunod na sigaw ni Ice habang umiiyak. Nanginginig sa galit na pinaghahampas niya si dibdib si Jonas. Naaawa siya rito. Tila may pinagdaraanan ito. Ngunit malakas ang pagkakahampas ni Ice rito kaya agad namang hinawakan ni Jonas ang mga kamay nito. At niyakap dahil sa awa niya sa dalaga dahil sa nagawa niya.
"I'm sorry." sabi niya habang inaalo ang dalaga. Nanlisik ang mga mata ni Ice.
"I'm sorry? Ganoon kadali sa iyo ang mag-sorry?" angil niya.
"Let me go." sabing muli ni Ice. At agad naman siyang binitawan ni Jonas ngunit nang tatayo na siya ay biglang bumuhos ang ulan. Wala man lang warning na tulad ng kulog o kidlat. Bigla na lang malalaki ang patak nito at agad na nabasa silang dalawa na parang basang sisiw. Agad na inalalayan ni Jonas ang dalaga pabalik ng resort.
Pilit na inilayo ni Ice ang sarili niya rito. Ngunit sa lakas ng ulan ay tila madudulas siya kaya naman hinayaan na lamang niya itong alalayan siya. Saka nagsalita ito pagkarating ng lobby.
"Siguro huwag ka munang umalis. I heard na may bagyo. And baka ma-stuck ka sa traffic." sabi ni Jonas sa dalaga.
"Paki-alam ba nito?" inis na bulong niya sa sarili. Naiinis man siya rito ngunit may punto ito. At naisip niya na baka nga ma-delay ang pag-alis niya dahil may bagyo pala. Kaya naman lumapit sa receptionist si Ice para magpa-book ng kwarto na maaari niyang tuluyan. Naisip niya na puwedeng doon na lang siya manggaling papasok ng opisina bukas.
"Sorry po, Ms. Ice. May nag-occupy na po ng unit niyo kanina. And full na po ang reservation. Wala na pong vacant na room." saad ng receptionist sa kanya. Laylay naman ang balikat ni Ice sa narinig. Baka kung mapano siya sa daan. Napansin naman kaagad ito ng binata kaya nag-offer ito.
"You can stay at my room." alok ni Jonas. Tutal ito naman ang favorite spot nito sa pagkakaalam ni Jonas.
"Are you crazy?" inis na saad ni Ice. Puro kalokohan talaga ang alam ng isang ito. Puro pang-aasar. Napakamot naman sa ulo si Jonas. Nagmagandang loob lang naman siya kapalit ng pagbibiro niya sa dalaga.
"I'll just go home." sabi muli ni Ice. Ngunit nang mapalingon siyang muli sa labas ng lobby ay halos hindi na niya makita ang paligid. Muli siyang napalingon sa binata. Naisi niyang bawiin ang sinabi niya dahil no choice siya pero hindi niya kayang bawiin ito. At dahil sa pride na rin. Nahalata naman ito ng binata muli at hindi na niya hinintay pang magsalita si Ice.
"So now tell me that you can go home safely, then I'll let you." saad ni Jonas. Masaya ang loob niya dahil mukhang umaayon sa kanya ang panahon at sulit ang pag-break niya sa rules niya.
"Still, what attorney wants. Attorney get." sa isip isip ni Jonas. Ngunit matigas si Ice at ma-pride. Mas okay nang mahirapan siya kaysa humingi ng pabor o magkautang na loob sa lalaking kakikilala pa lamang niya.
"No thanks. I'll just stay at my car." saad niya sa binata. At hinayaan naman ni Jonas ang gusto ng dalaga pero nagkubli siya sa lugar na hindi nito mapapansin. Nag-aalala siya dahil wala pa itong kain at mahirap matulog sa kotse.
Nang makalipas ang ilang oras ay hindi na nakatiis si Jonas sa nakikita niya. Paano ay nakita niyang nahihirapan na ang dalaga sa kotse nito kaya naman nilapitan niya ito upang alukin muli. Paglapit niya sa kotse nito ay agad na kinatok niya ang bintana ng kotse nito.
"Please stay at my unit and I'll stay outside. I can't take seeing you like that." saad niya nang ibaba nito ang bintana ng kotse. Lubos ang pag-aalala niya rito. Lalo pa at kasalanan niyang hindi ito kaagad nakaalis. Ngunit kung nakaalis naman ito ay sa daan ito naabutan marahil.
"And one more thing is, you haven't had your dinner." ramdam naman ni Ice na sobrang sakit na ng katawan niya at sobrang antok na siya. Naisip niya na hindi naman siguro masama kung tatanggapin niya ang offer nito. Agad siyang bumaba ng kotse at pumayag sa alok nito.
"Thanks." saad niya. Malamig pa rin ang trato niya rito. Hindi niya malilimutan ang ginawa nito kanina na magpanggap na patay.
Sumukob siya sa payong ng binata. Sinundan lamang niya ito sa paglalakad kung saan ito tutungo. Napakunot na lamang ang noo niya nang makita na ito pala ang nasa favorite spot niya. And malaki ang unit na iyon at may malaking sofa kaya naisip niyang doon na lang siya matutulog para sa kama si Jonas.
Nang makarating sa unit ay inalok ito ni Jonas na mag-dinner. Tatanggi pa sana siya ngunit pagkasabi nito na magluluto ito ay agad siyang iniwan. Ipinagluto siya nito ng mabilisang pagkain at hindi na siya nakatanggi pa dahil kumukulo na rin naman ang tiyan niya. Pasta ang niluto ni Jonas at sabay silang kumain.
"Sorry sa pangungulit ko kanina. I just want to know you." sabi ni Jonas pero deadma pa rin ito. Hindi na muling umimik si Jonas at tahimik lang silang kumain. Matapos ay tinulungan niyang magligpit ito saka nagpaalam ang binata.
"I'll go now." sabi ni Jonas.
"Wait. Saan ka pupunta?" hindi rin niya natiis na hindi ito kausapin.
"I'll go outside so you can rest and sleep." sabi nito.
"You can sleep here and I can sleep there." turo niya sa sofa kung saan niya balak matulog.
"If you insist." napangiti naman ng pilit si Ice dahil pumayag agad ito.
"I mean I sleep here and you sleep there." turo nito sa kama. Hindi na tumanggi pa si Ice dahil mas komportable sa kama matulog kaysa sa sofa. At nagkasundo ang dalawa saka nagpahinga. Sa sofa si Jonas at siya naman ang sa kama.
"Goodnight." sabi ni Jonas sa dalaga pero hindi naman siya nakatulog. Magdamag niyang pinagmamasdan lang si Ice kung paano ito matulog. Hindi na niya namalayan na nakatulog na rin pala siya.