"Mahal na binibini! Mukhang… hindi niyo na ho alam ang salitang 'pahinga!'" sigaw ng punong heneral sa akin habang kami ay nagsasagutan ng espada. Sa ngayon, nandito muli kami sa malaking silid na kung saan kami'y nagsasanay. Halos buong araw din kami nandito at sa mga oras na iyon, walang pahinga kaming nagsasagutan ng mga tira. Halata na sa mukha at kilos ng heneral ang iniinda niyang kapaguran, ngunit pasensiyahan na sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng kahit na anong pagod bagkus ay poot. Ang poot na ito ang siyang nagbibigay ng lakas sa akin sa araw na ito. Nang winasiwas ko muli ang espada, siya naman nitong dinipensahan. Agad din niya ito inikot na nagresulta ng pag-ikot ng aking espada. Akala niya marahil na sa pamamagitan iyon, maaalis sa aking kamay ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


