"A-Ano? Tama ba itong… narinig ko?" Ako ay lubos na nagulat sa ibinahagi sa akin ng hari. Kasalukuyan kaming nasa kama at handa na kami matulog sa mahabang araw na nagdaan. "Paumanhin, mahal ko, subalit… totoo ang lahat ng iyong narinig. Patawarin mo ako kung hindi ko ito sinabi sa iyo no'ng una pa lang. Hindi ko naman din inakala na… na mangyayari ito," tugon niya. Ang dahilan sa naging reaksyon ko ay no'ng nalaman ko ang pagtatalong ginawa ng hari at ng sultan. Wala ako — kami — kaalam-alam na planado pala nila ito simula pa lang. Ginawa nila iyon upang matakot ang lahat at sa gayon, wala na tumutol sa kapangyarihang ipinagkaloob nila sa akin — ang kapangyarihang magpatakbo ng isang bayan. "Kaya pala may naramdaman akong kakaiba kanina," bulong ko. "Sa… tutuusin niyan, noong una… tut

