"A-Ako? Hinahanap ng mga opisyales at ng hari?" paglilinaw ko sa isang lalaking nagpadala ng mensahe sa akin mula sa hari. Kataka-taka naman. Bakit kaya ako hinahanap ng mga matatandang iyon? Nais ba nila ako pahiyain? At talagang sa bulwagan pa ng palasyo nila ako pinapapunta. Talaga bang kating kati na sila na pahiyain ako? Hindi na ba sapat ang araw-araw nilang paninira sa akin? "Ano raw ang dahilan?" "Ipagpaumanhin niyo ho, mahal na binibini, subalit iyon lamang ho ang mensaheng ibinigay ng kamahalan," malumanay niyang tugon na nananatiling nakayuko. Aking tiningnan si Dahlia, tinanong ko siya kung may alam ba siya sa nangyayari. Ngunit miski siya ay nagulat din. May balak sana akong tanggihan ito, subalit kung akin nga 'tong gagawin, baka makasama pa ito sa aking pangalan. Kung ang

