Pilit pa rin ako nagpupumiglas habang ako'y kaniyang kinaladkad. Kahit hindi ko nasisilayan ang mukha niya o miski hindi siya magsalita, halata naman na siya ay galit. Siya ay galit sa hindi ko maunawaan na dahilan. Nang mga oras na ito na kami na lamang ang tao sa mahabang pasilyong patungo sa aming silid, doon ko na lamang nagawang makatakas sa mahigpit niyang kapit. Dali-dali niya akong nilingunan. Nasaksihan ko ang panggagalaiti niya na ilang segundo na lang ay tiyak kong sasabog na siya at magkakalat ng kasamaan. Kahit ayaw kong gawin ang naisip kong paraan upang mapawi ang galit niya, agad ko ito ginawa. Agresibo ko hinawakan ang mga pisngi niya at marahas siyang hinalikan. Ako ay ngumanga at pinasok ang aking dila sa kaniya. Naging marahas at mapusok ang mga binigay kong halik. Ma

