KABANATA XXXIV: LAPIT

1889 Words

"Ginoong Adwait? Kayo ho pala iyan?" gulat kong usap sa biglaan niyang pagsulpot sa aking harapan. Sa katunayan niyan, hindi lang ito ang unang nangyari. Napansin ko kasi sa nagdaang ilang araw, halos araw-araw na kami nagkakasalubong. Hindi ko mawari kung nagkakataon lang, pero bahagya na ako nagduda sapagkat araw-araw na ito nangyayari. "Ipagpaumanhin niyo ho at hindi ko ho agad kayo nakita. Hindi agad ako nagbigay pugay sa iyo." Saka ako nagmadaling yumuko bilang pagrespeto sa kaniya. Narinig ko na lang ang mahina niyang tawa na hindi rin nagtagal, tumigil din siya. "Mahal kong binibini, ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo na hindi mo na kailangan pang gawin iyan. Bukod doon, kailangan bang Ginoong Adwait ang itawag mo sa akin? Hindi ba… napaka-pormal naman kung iyon ang tawag mo sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD