Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng salamin habang sinusukluyan ang sarili. Sa mga oras na ito, taimtim ko iniisip ang mga sinalaysay sa akin ni Ginoong Adwait — ang kaniyang kasaysayan. Hindi talaga naging madali ang naging buhay niya. Marami rin ang tumuligsa sa kaniyang antas sa lipunan kahit may malaki siyang naiambag sa bansang Fahim. Kahit tinulungan niya ang sultan sa negosyo mula sa ibang bansa, marami rin ang tumutol sa kaniya. Marahil, ang mga iyon ay mga taong naiinggit sa kaniyang kakayahan at papuri ng sultan. Mapalad ang ginoo at may busilak na puso ang sultan. Upang matigil na ang pagtuligsa sa kaniya, ginawaran siya ng bagong titulo. Nang dahil doon, ganap na siyang mamamayan sa Fahim. Higit pa roon, isa pa siyang maharlika at isa sa makapangyarihang tao sa bansa na may

