Ilang araw na rin ang lumipas nang ako'y nakarating sa Grandorya. At sa mga araw na lumipas na pananatili sa maganda at malaking palasyo, tila ba isa akong ibon na nasa loob ng hawla — walang kalayaang lumipad. Gabi-gabi naman bumabalik si Haring Ezekiel at ako'y kan'yang tinatabihan sa pagtulog. Ilang beses ko na rin siya tinatanong kung maaari na ba ako makaalis sa silid o makapaglakad-lakad man lamang sa labas ngunit palagi niya ako pinagbabawalan. Katakataka na rin ang kakaibang kinikilos ng mga katulong umaalalay sa akin, gano'n na rin sina Nanay Rosalia at Dahlia. Pakiwari ko ay may tinatago sila na ayaw nila ipaalam. Sa oras naman na akin sila tinatanong, palagi nila nililihis ang usapan at minsan pa nga ay, kunwari, may nakalimutan silang gawin kung kaya magpapaalam sila sa 'kin

