Ilang araw din akong nasa loob lang ng silid upang magpahinga. Walang araw rin na hindi ako binibisita ng hari. Kahit naging malamig ang pagtrato ko sa kan'ya, hindi pa rin siyang nagsasawa na alagaan at dalawin ako. At ngayon, nang maramdaman ko ang pagbuti ng aking katawan, nagpatulong ako kay Nanay Rosalia sa aking paliligo. Kasunod niyon ay inutusan ko si Dahlia na ipatawag si Heneral Osis sa silid. Napuna ko naman ang kaniyang pagtataka. Subalit, hindi n'ya ako tinanong bagkus ay dali-dali niyang sinunod ang aking utos. Ilang minuto rin ang lumipas nang dumating si Dahlia kasama ang heneral. Pagpasok ang siyang pagbati sa akin ni Heneral Osis. Matagal-tagal ko na ring hindi siya nakikita. Gano'n pa rin siya, hindi nagbabago ang walang emosyon niyang tingin at matikas na tindig. "M

