Prologue
"Sige mommy push!"
Isa pang mahabang pag-ere ang aking ginawa at nadinig ko ang iyak ng batang ilang buwan kong dinala sa aking sinapupunan.
"Baby girl De Guzman."
Ipinatong nila agad ito sa aking dibdib upang madama ng aking anak ang natural na init na nagmumula sa akin katawan, bahagya akong napaiyak dahil sa sobrang kasihayan, eto na, hawak ko na siya, ang matagal ko ng panalangin ay dininig na din ng maykapal.
I've been longing to be a mother for years now, not only me but Vino too, sa ilang taon naming pagsasama ay ilang beses kong pinagdasal na magka-anak na kami, dahil kahit na sabihin kong masaya ang aming pagsasama ay dama ko ang kakulangan sa munti naming tahanan. Isang mukha ang hindi ko inaasahan makita sa loob ng delivery room na nagbigay ng kaba sa aking dibdib, binuhat nito ang aking anak at nakangisi ito habang nakatingin sa akin, alam kong may hindi magandang balak ang babae sa aking anak.
"N-no." Ngiting aso lang ang iginawag nito habang nakatingin sa akin.
"S-stop please w-wag ang a-anak ko."
Hindi ito nakinig, at ni katiting na awa ay hindi ko siya nakitaan,matalim niya akong tinitigan at pagkuwan ay tumalikod ito at tuloy tuloy na lumabas sa pinto ng delivery room, habang ng hihina akong napasigaw dahil karga karga niya paalis ang anak ko.
Init na nagmumula sa sikat ng araw ang gumising sa akin mula sa isang hindi magandang panaginip. Tinanaw ko ang ulap mula sa labas, it would have been a beautiful morning when I woke up but my head seemed to heat up immediately when I noticed that my husband was no longer at home.
Nagpantig ang ulo ko dahil sa namumuong ideya sa aking isipan, day off niya ngayon at mukhang alam ko na kung nasaan na naman siya naka tambay, walang araw na pumapalya siya kahit pa pagkatapos man ng kanyang trabaho, at kahit na pagod na pagod ang kanyang katawan ay walang pagdadalawang isip siyang pupunta sa kung saan sila tumatambay ng nga katropa niyang kulang nalang ay gawin din na tubig ang laman ng bote ng alak. Yung tipong manginginig ang kanilang kalamnan kapag lumipas ang isang araw na di sila makakatikim ng alak, kung maaari lang ay itatali ko talaga ang mister ko upang hindi siya maka alis ngunit alam kong hindi ko pwedeng gawin iyon, may mga panahon nga napapaisip ako. Paano kaya? Paano kaya kung mag palit kami ng sitwasyon?
Paano kung ako ang gabi gabing gumagala? Gabi gabi ko siyang uuwian na halos hindi ko na kayang mag lakad, yung tipong kulang nalang ay ang halikan ko ang lupa sa sobrang kalasingan ? Matuwa naman kaya siya? Ano naman kaya ang magiging reaksyon niya? Kung sakali man ganoon ang mangyari? Maintidihan niya rin kaya ?
Kung minsan kasi ay ang sarap gantihan ng mister ko, yung pag uwi niya sa bahay ay isang lasinggerang misis ang madadatnan niya.
Araw-araw.
Mabilis ang aking mga hakbang papunta sa tindahan nila aling Tinang upang sunduin ang mister kong lasinggero, nag iinit ang ulo ko dito sa lasinggerong na ito, ang sarap ingud-ngud sa semento,
tila di ko na kayang pigilan ang pag aalburoto ng utak ko ngayong araw ,anumang gamit na aking mahawakan sigurado kong maibabato ko sa kanyang mukha upos na upos na ang pasensyang itinatabi ko para sa kanya.
Dali dali akong ng lakad upang sunduin ulit sya tulad ng pag sundo ko sa kanya kahapon ng malapit na ako ay nasilayan ko agad ang naka ngiti niyang mukha!
Bahagyang nakagat ko ang aking ibabang labi sa inis, iniyukom ko ang aking mga palad, upang pigilan ang ngbabadyang paghupa ng aking galit dahil nasilayan ko ang kanyang mukha.
"bwes*t!"sambit ko sa aking utak.
Isang ngiti lang nitong pangit na ito sigurado akong maglalaho nanaman ang galit ko sa kanya at mauuto nanaman ako neto sa pa lambing lambing niya.
Na iinis na talaga ako sa sarili ko kung minsan imbis na galit ako, walang talab! Dahil ako mismo ang unang lumalambot kapag nakikita ko syang nakangiti.
Nakakapagod din kasing makipag-away at ayokong lumipas ang magdamag na may alitan pa rin kaming mag asawa.
Yun lang! Talagang sasakit ang ulo mo sa pagiging lasinggero niya.
Vino :
Oh My loves Jaja andito ka na, come here my sweety pie. Parang kinilig ako sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili kong magpadala ulit sa pambobola niya, palagi na lang akong na uuto ng hunghang na to!
Jah:
Hoy Vino! Tama na yang inom halika na at umuwi na tayo!
Lumapit ito sa akin at may payakap yakap pa nalalaman ang hinayupak.
Sinabunutan ko ang buhok niya.
Jah:
May pa lambing-lambing kapang nalalaman hayop ka!
Napatawa naman ang mga kainuman niyang mga kabarkada lang din niya dito sa kalyeng tinitirhan namin, sanay na kasi sila sa akin.
Vino:
My loves naman nagkakasiyahan pa kami ng barkada ei *Hek* pero sige dahil i love you so much *Hek* tara na umuwi na tayo ng maka buo tayo ng isang basketball team, sabay tawa niya ng malakas.
Pagak akong napatawa sa sinabi nya ngunit may kaonting bahid ng kirot at lungkot akong nadama mula sa aking puso.
Tatlong taon na din pala. Tatlong taon na ang lumipas mula ng masama kami nitong mister kong lasinggero at sa loob ng tatlong taon ay hindi pa kami nabiyayaan ng anak ..
~JeMaria