Chances Nakatulog ako sa kama kakaisip kung pupunta ba ako bukas sa sinabi ni Vino, nagising ako sa malakas na katok ng pinto. "Jah kakain na, sasabay ka ba sa akin ?" "Hmmm Oo Ate susunod ako." sagot ko sa kanya. Tiningnan ko muna ang itsura ko sa harap ng salamin bago ako lumabas ng kwarto, baka may muta pa ako o kaya ay panis na laway sa gilid labi ko, nag hilamos at nag mumug ako sa loob ng banyo at ng matapos ako ay nagtungo na agad ako sa hapagkainan. Ng malapit na ako ay nakita kong si Ate Andy lang mag-isa ang nasa lamesa. "Ate bakit nakasimangot ka? LQ?" pabiro kong sambit habang nakaharap sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung may boyfriend si ate, pa tsamba lang. "OT masyado daw maraming paper works na kailangan tapusin, tsaka naka duty siya tonight." naka nguso niya

