Dan Katok ng pinto ang pumukaw sa natutulog kong diwa, ng imulat ko ang aking mga mata ay, nasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, nakatulog na naman pala ako dito sa upuan habang hawak ang kamay ng aking asawa, ilang araw na ang nakalipas at hindi pa rin nagigising c Jah, ang pag asa ko sa aking puso, ay tila kandila na unti unting nauupos habang lumilipas ang araw. Ni minsan ay hindi ako umuwi, lagi lang akong andito sa tabi niya, pinagsisilbihan at inaalagaan siya sa nagdaang araw, pinilit ko ang sarili kong maging kalmado at patuloy na umasa sa kanya, araw araw ay isinasaksak ko sa aking utak na darating ang araw ay tatawagin niya ulit ang pangalan ko. Araw araw kong pinapaalala sa puso ko ang pagmamahal ko kay Jah. Kahit na alam ko sa sarili ko na durog na durog

