"You will Only Know You Love Her, When She Let You Go." Naging masaya at maingay ang maghapon ko dahil sa kanila ng kinagabihan ay maaga silang pinauwi ni lance at Franco upang makapag pahinga na ako. Ilang araw din ako sa loob ng hospital at kahit anino ng mister ko wala akong nakita. Minsan napapa isip akong patawarin na lang si Vino dahil Mister ko pa rin naman siya at magiging ka awa-awa ang anak namin kapag lumaki siyang walang ama. Pero… Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag pinatawad ko siya. Gawin niya ulit ito pagdating ng panahon. Natatakot na akong sumugal at masaktan ng paulit-ulit. Nakaupo ako ngayon sa wheelchair habang nakatanaw sa mga nag liliparan na paro-paro sa paligid ng malawak na hardin ng ospital. Nangangawit na kasi ang likod ko sa kaka-higa sa hospital

