Bangle
Nagising akong wala si Vino sa tabi ko, hindi ko pala namalayan, na nakatulog na ako sa kakaiyak kagabi. Nakakalungkot isipin na nagsimulang maganda ang araw namin, tapos matatapos lang pala sa pag aaway. After that incident in the mall, tatlong sunod sunod na gabi na kaming nag aaway, tatlong gabi na rin akong nakakatulugan ang pag iyak, pati ang pag gising na wala siya sa tabi ko.
Kakagising ko lang pero ang bigat ng pakiramdam ko, na parang binugbog ako ng ilang rounds kagabi. Kahit hinang hina ako at masakit ang katawan ay pinilit ko parin tumayo, I looked for my phone and I found it inside my bag. Ng tingnan ko ang oras ay 11am na pala ng umaga. I scan for text messages and call from Vino pero wala akong nakita, na mas naging dahilan ng muling pagbigat ng dibdib ko. Inilagay ko na lamang ang aking cellphone sa lamesa na katabi ng aming kama.
Tatayo na sana ako para maligo ng biglang tumunog ito, para tuloy akong tangang nag mamadali na lumapit at dinampot ito ng aking kamay umaasang si Vino ang dahilan kung bakit ito tumutunog, pero laking dismaya ko dahil isang alarm lang pala ang nagpa tunog dito.
"HUBBY Day!"
Yan ang caption ng alarm pagka basa ko. Paulit ulit ko pa itong binasa, "Hubby day?" bago ako biglang napa sigaw
"s**t! Birthday pala ni Vino today!"
Sumigla ang aking mood dahil sa naalala, nataranta ako, kung anong aking dapat gawin.
I'll cook for him. Desidiso ako kahit kakatapos lang naming mag away ni Vino kagabi, kapag pinairal ko ang galit, hindi mas lalala ang sitwasyon namin. And I can't afford to do that. Bahala na. Bahala ng masaktan ako. Normal lang na masaktan kapag nag mamahal.
Mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo, balak kong mag grocery ng aking lulutuin para mamaya, bibili na din ako ng regalo para sa pinakamamahal ko. Ang hirap maging marupok, minsan di mo napapansin kinakain mo na ang sarili mong pride para sa taong mahal mo.
12 noon ako nakarating sa Mall para mag grocery. Habang pumipili ako ng mga dapat bilhin ay may biglang tumawag sa akin mula sa likod ko.
"Haven!"
Napalingon ako. I was Franco. Looking at me while smiling from ear to ear.
""Hoy! Franco!"
"Maka hoy ka naman jan Miss ganda. What are you doing here?"
"Ahm.. Nag go grocery?"
"Obviously, pero i mean mukhang may handaan."
"Ah yon ba? Birthday kasi ni Vino, Balak ko siyang ipag luto. Im sorry pala, about nung nakaraan."
"Its okay Miss ganda, pasensya ka na rin, naiinis lang talaga ako, paano na lang kung wala ako doon? Edi 2 hours kang
nag hintay mag-isa doon."
"Wag na lang natin isipin Franco. Just forget about it. Nakakapagod balik balikan." usal ko, kapagkuwan ay hilaw na ngumiti sa kanya.
He patted my head,
"Basta pag hindi mo na kaya, I'm always here Jah."
"Thank you Franco."
"So saan ka after this?" tanong niya habang bitbit ang isang karton ng groceries ko.
"Iwan muna natin yan sa bagged counter, may dadaanan pa ako eh. Wait! Hindi ka ba busy?"
He chuckled. "Nope. Hindi ako busy basta maganda ang kasama ko."
"Bolero talaga!" usal ko sabay hampas sa braso niya.
Iniwan namin ang dala dala niya sa bagged counter at sinamahan niya ako papunta sa jewelry shop na pinagawan ko ng regalo ko kay Vino.
Habang walang sawa naman sa pag kulit sa akin si Franco kung saan kami pupunta.
"Kasi… Kukunin ko yung pinagawa ko gift ko kay Vino." nahihiya ko turan sa kanya.
"Ay grave! Inggit na talaga ako eh! Sana all lang talaga may Jah Haven!" namaywang pang sabi niya.
Hinampas ko ulit siya sa braso. "Tado ka ah!"
"Aray naman! Ikaw hah! Ang ganda pero mapanakit." he mocked habang hinihimas himas pa ang braso niyang hinampas ko.
I just rolled my eyeballs at him at na una ng mag lakad pa punta sa jewelry shop.
Ng makapasok ako sa jewelry shop ay agad naman akong inasikaso ni Alexa ang nag assist sa akin kanina.
"Hi ma'am nako kakatapos lang po talaga noong order niyo. Wait po kunin ko lang" nakangiti niyang bati sa akin.
I smile widely at her, i'm so excited simple lang naman ito gift ko. She handed me ang blue box na may white ribbon sa gitna, I excitedly open it tulad ng pagka excite ko ibigay ito sa asawa ko.
Isang silver bangle simpleng simple lang ang design pero ang cute kung titingnan. Adjustable iyon at sa gitna ay may naka ingrave pang initials na "VH" sa right side at heart shape figure at sa left naman ay cute infinity figure. Ang cute naman. I smile and look at the couple bangles. Kinilig pa ako habang naka tutok ang mata doon.
"Nako itago mo na baka langgamin pa yang regalo mo sa mister mo." Iritang saad ng boses ni Franco habang nakatayo sa gilid ko.
"Alam mo, panira ka ng moment eh! Noh?"
He rolled his eyeballs at me.
"Maghanap ka na kasi ng jojowain ng magkaroon naman ng tamis yang buhay mo." i teased.
"Nakahanap na ako kaso lang taken na." he uttered.
"Seriously? Ang malas mo naman Boy?" kunot noo kong tanong sa kanya.
He laugh. "Whatever Miss Ganda, bilisan mo na ng maka uwi ka na."
I paid for my bill and get out of the store, isinuksok ko naman agad ang regalo ko sa dala kong shoulder bag, dinaanan pa namin ang grocery ko bago niya ako tuluyang inihatid sa exit ng mall.
"You sure ayaw mong ihatid kita?" he asked.
"Wag na Franco nakakaabala na ako sayo eh." Tanggi ko sa alok niya.
Pumara siya ng taxi at inilagay ang mga pinamili konsa compartment nito.
"Manong paki hatid na po neto sa mister niya, baka hindi na po kasi ako makapag pigil itakas ko na to." he joke while smilling from ear to ear.
"Che! puro ka kalokohan!" kunot noo kong sabat
"Makakaasa ko kayo Boss." sagot naman ni manong driver sa kanya.
As I arrived at our house mabilis kong isinalansan sa mesa ang mga lulutuin ko para mamaya, nakadama pa ako ng konting hilo kaya mariin kong minasahe ang aking sentido. Baka sa gutom lang, 2 pm n kasi hindi pa ako nag tatanghalian, hindi rin ako nakapag agahan kanina dahil late na akong nagising. Gumawa ako ng Peanut butter sandwich para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan ko.
Ilang araw na kaming halos walang imikan ni Vino, pero dahil birthday niya today niya at dahil Mahal ko ang asawa ko balak ko sanang mag set up ng dinner date namin mamaya. Kinuha ko ang cellphone ko para etext sya na na dito sa bahay mag hapunan. Sana. Sana maisipan niyang umuwi ng maaga ngayon, birthday niya naman, kahit ngayon lang sana hindi kami mag away.
Busy ako sa paghihiwa ng mga rekados ng tumunog ang cellphone ko.
1 message received
My Loves Vino
Naka schedule na akong mag overtime mamaya.
Nalungkot ako bigla dahil sa reply niya nawala ang kaninang mga plano ko para sa dinner namin tonight. Kahit ganon ang reply niya hindi parin akon nagpa pigil Dahil mag oovertime nga daw siya, ay na isipan ko siyang dalhan ng dinner mamaya, bale surprise ko lang para sa kanya birthday niya pa naman pero binubugbog niya ang sarili sa trabaho, hindi ko pa siya gini greet dahil gusto kong personal na sabihin sa kanya iyon.
Way na rin to para ma bantayan ko siya baka sa kung saan pa siya pumunta o ayain ng ahas na nasa paligid lang namin. Ang sarap ng sibakin sa trabaho ng babaeng yun, kaso magiging kaduda kapag sinibak ko siya ng walang rason. Pwede ko na siyang hanapan ng rason pero parang wala akong lakas na gawin iyon, ayokong malaman na pinipigilan ni Vino ang pag kaka tanggal niya sa trabaho kung nagkataon.
Mas sumigla ako habang nag peprepare ng mga lulutuin para sa Surprise dinner namin ng asawa ko ,
Chopsuey ang napili kong lutuin at Roasted Chicken, may dala pa akong mini cake.
Inuna kong isalang sa oven ang whole chicken para habang nag hihiniwa ako ng mga gulay at nagluluto ng Chopsuey ay magka sabay din silang matatapos matuto
Aligaga ako sa pag hahanda ng mga ulam namin nakalimutan ko pang isalang agad ang bigas sa Rice cooker kaya ng maalala ko ay dali dali akong nag saing ng para sa dalawang tao lamang. Me and My Husband.
"Sigurado akong matutuwa si Vino dito sa Surprise ko " napangiti naman ako dahil sa na isip,
"Sana matuwa siya." kahit may pag aalinlangan ako kahit papaano ay inalis ko iyon sa aking isipan.
3:00 pm ako nagsimula mag luto.
5:40 pm na at malapit na ako matapos sa pagbabalot ng dadalhin kong pagkain.
Ang kanin ang pinaka huling naluto dahil ito ang pina huli kong naisalang kanina.
Isinilid ko na lahat ng bitbit ko sa isang paper bag at lumabas na ng bahay upang ako ay maka para na ng taxi papuntang Cafebellah.
"Madilim na pala, mukhang uulan makulimlim pa ang langit, sana hindi umulan " sambit ng utak ko.
Mabagal ang pagpapatakbo ng taxi na nasakyan ko naabutan pa kami ng traffic kaya mas natagalan akong nakarating sa cafe .
~JeMaria