"Bring Home the Bacon." Ilang araw na ang nagdaan, pero wala pa ring ni Hi man lang si Vino kay Jah simula ng umalis ito. Walang tawag o text. Sinisimulan ng panghinaan ng loob si Jah, sa pangako ni Vino sa kanya na babalikan siya nito. Nagluluto si Manang empanada ng pumasyal ang kaibigan niyang si Aling Betty, may dala pang biko ang ginang na kasalukuyan ng nilalantakan ni Jah, habang hinihintay na matapos ni Manang ang empanada. "Sige na Jah please pumayag ka na." Masuyong saad ng ni Aling betty kay Jah. Ilang beses na siyang kinumbinsi ni Aling Betty na sumali si Jah sa Miss Gorgeous Preggy 2022, at bukas na iyon gaganapin sa resort. Ang event daw ay nangyayari talaga once a year. "Qualified ka kasi, maganda, at kahit buntis sexy pa rin, wala na kaming ibang makita na participan

