'Have you read Aliyaah's e-mail?' TEXT iyon mula kay Arthur. Napakunot-noo si Joey nang maalalang naka-received nga siya ng e-mail kay Aliyaah few hours ago. Hindi niya pinansin iyon sa pag-aakalang magyayaya lang ito ng videocall. Isang linggo na itong nakabalik sa US at alam niyang makiki-chismis lang ito sa mga nangyayari sa Pilipinas. Agad na nagpipindot siya sa cellphone at nagtungo sa mga e-mails. She clicked Aliyaah's e-mail. 'I'm coming back to PH to fetch you, guys, J and Art. Ready your things. Chief wants you both here as soon as possible.' Pagkabasa ay malakas na tumawa si Joey. "'Tangina! What a joke!" Hindi pa siya nakuntento at humalakhak pa siya. She laughed her out para maibsan ang sakit na naramdaman nang mabasa ang e-mail. Si Luis na seryoso sa trabaho ay napahint

