TAAS-NOONG naglakad si Joey palapit kay Mary Sy. It took her half an hour before the guards let her inside. Sobrang higpit ng security ng matanda. Noong una siyang nagtungo sa bahay nito ay kasama niya si Luis kaya hindi niya kinailangang dumaan sa security nito. Gustong matawa ni Joey. Mary Sy is a ruthless businesswoman. Nasisiguro niyang madami itong kaaway kaya ganoon na lang kahigpit ang security nito. But she's Joey Abigail Salazar, kung hindi siya papasukin nito ay kayang-kaya niyang labanan ang mga security personnel nito makaharap niya lang ang matanda. Sinadya niya ang babae sa bahay nito para makausap tungkol sa mga pinaggagagawa nito kay Luis. Nag-aalala si Joey na baka pag-alis niya ay magsimula na naman ang matanda sa pananakot kay Luis. Baka kung anu-ano na naman ang m

