ZYPHIRE
Maaga akong nagising mukhang sapat na ang tulog kong iyon. Tiningnan ko ang orasan at alas tres pa lamang. Naligo agad ako at nagpalit na lamang nung black shorts na maikli pero may kasamang gray na cycling tsaka yung gray na v neck off shoulder knitted crop jumper.
Kumuha ako nang slippers at lumabas nang kwarto ko nang dahan dahan. Pagbaba ko ay pumunta muna ako sa dining dun sa may kusina para kumuha nang tubig. "Princess??" napatingin ako sa likuran ko.
"Ang aga mo naman magising..." saad ni Kuya Zyre na mukhang magjojogging rin.
"Magjojogging sana... Ikaw??" saad ko at naglagay nang earpods sa kaliwang tenga ko.
Uminom ako nang tubig na malamig yung may lemon. Himala may tubig na may lemon sa ref. "Akin ang isang pitchel na yan... Magjojogging rin... Sabay kana sakin??" aya nya na uminom din nun, tumango na lamang ako bilang tugon.
Pinlay ko na lamang ang music sa phone ko at sabay kaming lumabas nang bahay. Isinarado nya muna ang pinto kaya hinintay kopa ito."Ngayon lang kita nakita nang ganyan ang suot... At mas lalong nagjogging... Stress ka siguro??" saad nya pagbalik.
"Ah... Stress nga siguro... Natripan ko lang rin... Maaga pa eh... Ikaw ahhhhh... Nagjojogging ka pala... Hindi ko alam yun ah" saad ko sa kanya nang simulan namin ang mag jogging.
"Tsk... Nagustujan ko na rin noh baka mapano ang health ko... Doctor ako at kailangan ko yun" saad nya na kinatawa namin.
"Sana all healthy..." saad ko pa na kinatawa namin.
Sa pagjojogging naming yun ay inabot kami sa mansion nila Dad. Pabalik na kami at mukhang nasa kalahati na kami papunta sa bahay nya nang magpahinga muna kami.
"Tubig??" napatingin ako sa kasama ko na inaabot ang tubig na dala nito. Kinuha ko na lamang iyon at uminom.
"WOOOAAHHHHH!!" napasigaw pa ako sa pagod. "Thank you!!" saad ko at nginitian ito.
Bigla nyang pinisil yung cheeks ko at pinanggigilan. "Ayaaaannn... Bumabalik kana sa dati... Magpalda ka kaya?? Baka dun mukha kang si Snow talaga sa SIS hindi si Zyphire after break up" pang aasar sakin habang pinupunasan naman nya ang buhok nyang basang basa nang pawis.
"Sige baaa!! Can't say no ako sayo ngayon!! Ano game ka??"suwastyon ko kese malay natin magustuhan ko.
Napatingin sakin ito na ngumiti nang abot tenga."Lahat nang sasabihin ko ay gagawin mo?? Hindi ka pwedeng humindi?!" saad nya sakin at tumango naman ako.
"Sige sige!! Ako ang pipili nang susuotin mo pagpasok... Sa lahat lahat ako ang bahala..." saad nya na tumayo pa.
'Tsk tuwang tuwa naman"
"Geh lang... Tara na nga... 6:17 a.m narin pala eh... Sibat na tayo..." aya ko at nagsimula na uli kaming magjogging.
Nang marating namin ang bahay nya ay pumasok agad kami. Nagpunas naman ako nang pawis habang nasunod kay Kuya papasok. "Zyre!! Si Zyphire?? ZYPHIIIREEEE" sigaw ni Sadie nang makita ako at niyakap pa ako nito.
Ang higpit nun at yumakap din si Vinnie. "B-bakit?? Ang higpit s-shit..." saad ko at bumitaw naman sila nang may biglang pumitik sa noo ko.
Napatingin ako kay Kuya Zyre na syang pumitik nang malakas na yun. "Hindi ka pwedeng magmura..." saad nya at tumikom naman ako.
'Kailangan ko syang sundin huhu'
"Nagjogging kayo?? Eh malalate na tayo ah... Maligo kana at magbihis na bilisan mo... Pinapatawag kese ako ni Dean mukhang may ibabalita sa lahat nang students..." saad ni Sadie at tumango na lamang ako nang biglang masagi ni Vinnie ang sugat ko sa dalawang kamay ko.
"A-aray... Sige ligo lang ako..." saad ko at deretsong umakyat sa kwarto ko.
Naligo ako nang mabilis at nagblower narin. Nagsuot naman syempre ako nang panty, cycling, at b*a tapos nagroba. Tiningnan ko muna ang labi ko at nangingitim yung dumugo kahapon. Kumuha ako nang liptint ba yun basta tapos naglagay nang konting konti lang at pumantay naman ang kulay.
Paglabas ko ay may mga nakalagay na damit dun. May papel na nasa ibabaw nang mga damit na iyon. Nakaayos rin ang maliit kong bag na bukas pa. May mga notebook dun na lima tulad nang sa sched ko.
'Wear me...
-Rain'
Basa ko run sa nakasulat. Tinanggal ko ang papel na iyon at nilagay sa study table dun sa bintana. Tiningnan ko ang mga nakapatong sa kama ko.
Cargo skirt na black na medyo maikli hindi naman makikita ang pwet ko sa kahit anong anggulo above the knee sya konting taas ganun. Polo na color gray at may diagonal lines na black na maninipis, may ribbon naman sa arm wrist ba yun nun na itatali. May turtle neck na longsleeves na swinsuit na mukhang fit na nasa loob nang polo.
Napatingin ako sa gilid nang kama at may black na boots dun na mukhang may heels din na mababa naman tapos may medyas na below the knee na black. "May pa accessories pa talaga..." bulong ko nang makita ang gold na necklase na hugis puso tsaka nung earring na iisa lamang na kulay black na hugis cross.
Sinuot ko na lamang ang mga iyon at chineck saglit ang laman nang bag ko. Nandun ang wallet ko na may credit card at yung pera ko ay inilagay ko sa bulsa ko.
'6:39 na'
Bumaba agad ako at pumunta sa dining. May nakalagay dun na mocha kaya kinuha ko agad yung at pumunta sa sala nang bahay at nandun silang lahat kahit si Kiya Zyre. Napatingin silang lahat sakin dahil narin siguro sa tunog nang suot ko sa paa.
"Omayghad!! Katapusan na nang mundo, Tita Katie!! Tito Wayne katapusan na jusme!!" sigaw ni Sadie na nagdasal pa.
Binatukan naman sya ni Vinnie sa reaksyon nyan. "OA kana ghorl... OA na... Pero.. Katapusan na ngaaa!!! Waahhb!!" at sabay na nga silang dalawa na nagsisisigaw.
Lumapit naman sakin si Nay Katie na tiningnan ang kabuuan ko. "Mukha kana sanang babae, Nak... Bakit may pagka-astig parin kahit nakapalda ka na??" saad nito sakin at binigyan ko sya nang ngiti.
"Ang ganda naman nang anak anakan ko... Ngunit malelate na kayo..." saad ni Tay Wayne sakin na kinatawa ko.
"Oo na po.. Mauna na po kami, Nay at Tay... Labyoowww..." saad ko at nakipagbeso na sa kanila.
Lumapit naman ako kay Kuya at umikot. "Bagay ba ang pinasuot mo??" saad ko at nginitian nya naman ako.
"Astig ka parin pala tignan... Tara na..." saad nya na kinuha yung bag ko.
Pagdating namin sa garahe nya ay nandun ang apat na motor at isang kotse. "Hanggang ngayon... Hindi pari kami makapaniwalang naka skirt ka teh... Kami nga minsan lang ay ngayon ay nakapants pero ikaw... Iba ka..." saad ni Sadie na lumapit sa motor nya.
"Naninibago lang kayo... Tsaka komportable naman ako.. Dati narin naman ako magpalda..." saad ko sa kanila.
"Pero ngayon kalang namin nakitang nagganyan... Anong trip mo teh??" saas naman ni Vinnie.
"Ako pumili nyan... Can't say no daw eh..." saad naman ni Kuya Zyre na ngumisi pa.
Kinuha ko na lamang ang helmet ko at isinuot iyon. "Eh yun ang trip ko eh..." saad ko at inilagay yung mocha ko sa may lagayan dun sa motor ko at naglagay muli nang earpods na may nakaplay nang tugtog. Isa lamang ang ginagamit ko.
"Nakuuu... Yan ka nanaman sa trip mo... Tara na nga... Baka malate ako sa patawag nang dean..." saad ni Sadie na nakasakay nadin pala.
Sumakay na lamang ako sa motor ko at nasa unahan ko si Kuya Zyre. "Sibat na tayoo!!" sigaw ni Vinnie at sunod sunod naming pinaandar ang motor namin.
Nauuna sila at nagpahuli ako dahil nga masakit yung kamay ko pagnapapadiin yung paghawak. "Ang lamig lamiiiiggg!!" sigaw nang nasa harapan kong si Sadie.
Nakadating din naman kami agad sa lagi naming pinaparkingan at nandun ang tatlong eggnog. Naunang nagparada si Vinnie sunod si Sasie at Ako. Nagpark ako nang ayos at bumaba na sa motor ko.
Tinanggal ko na lamang ang helmet ko at inayos yung buhok ko. Sayang ang suot ko teh. Free na free naman ang sugat ko sa kamay na medyo masakit sakit.
Kinuha ko na lamang ang mocha ko at napatingin sa kanila dahil ang tahimik nila. "Good morning..." saad ko at uminom nang mocha. Tinanggal ko yung earpod ko at ni stop ang music.
"Good morning... Mukhang maganda ang umaga ah.." saad ni Cleo sakin at nginitian ko ito.
"Tsk loko... Napaaga nga kami kese tong si Sadie ay pinapatawag pala ni Dean..." saad ko.
"Ay oo nga pala... Mauna na ako guys!! Sweety!! Love you!!" saas ni Sasie na tumakbo agad at binigyan nang flying kiss si Cleo.
"Love you too" saad ni Cleo at napatingin naman ako kila Walt.
"Good morning, Fire... Nakakapanibago ang suot mo..." saad nya sakin at nagsimula na kaming maglakad.
"Hindi lang kayo nasanay... Good morning, Stickman??" saad ko dito na katabi ko naman.
"G-good morning din... Kamusta??" saad nya sakin na nauutal utal pa.
"Ayos lang... Tsaka nga pala... Anyare sa dinner nyo??" saad ko dito na mukhang nagulat pa.
"Tumawag kasi si Ate Kyllie nung mga gabi ba yun... Ibababa nya na daw ang phone kese may dinner pa kayo with Chairman?? Tama??" saad ko at tumango naman ito.
"Pagpasensyahan mona yan, Fire... Binati kasi nang chairman... Kinongrats ang lolo mo..." saad ni Cleo na kinatawa namin.
Napatingin ako sa paligid at nakatingin silang lahat sakin. "At pagpassnsyahan mo rin ang paligid... Hindi ka kasi nagsalamin kaya hindi ka nakilala... Eh mukha ka ba namang anghel ngayon..." saas ni Walt at nginitian ko ito.
"Baliw... Inutusan din kasi ako ni Kuya Zyre na tanggalin nalang yun dahil sa hindi daw bagay... Edi yun..." saad ko at napatingin naman sila aakin.
Napahinto pa nang paglalakad. "Ayos na kayong dalawa??" saad ni Shu sakin at nginitian ko naman ito.
"Naayos naman... Dahil din kasi kay Vinnie na naging OA... May nasabi tuloy na hindi dapat..." saad ko at umiling naman si Vinnie na katabi ni Walt.
"Tsk malay diba?? Napansin ko kasi yub noon pa..." saad nya sakin.
"Ano namang napansin mo, Fellixious??" saad ni Walt dito na inilapit pa ang mukha kay Vinnie. Namula ito na parang kamatis.
"Naku... Sila ba nang Captain sa Volley??"
"Hindi ko matatanggap... Ang gwapo gwapo ni Baby Walt ko tapos na punta sa megaphone huhu"
Saad nang mga nasa paligid namin. Puro ganyang bulungan hanggang sa may maisip akong trip.
"BOOM!! Sinasabi ko na nga ba... May gusto ka kay Walt... Paalala, Vinnie... Hindi kayo talo" saad ko na kinatawa naming tatlo nila Shu at Cleo.
"Tama ka, Fire... Lalaki sa lalaki naku po..." saad ni Cleo at nagapir pa kami sa tuwa.
"Ulok!! Babae kaya ako... Tsaka dyan?? Naku hindi nalanh" saad ni Vinnie na itinuro pa si Walt na tumayo muli nang ayos.
"
Tsk chusi kapa sa gwapo ko.." saad ni Walt dito.
"Tanga!! EO kailangan mo!!" saad ni Vinnie na kinatawa nanaman namin.
'Walang sawa'
Kahit hanggang sa classroom ay puro bangayan ang dalawa. Nasa likod ni Walt si Vinnie pero bangayan parin sila nang bangayan na kinatawa nang kinatawa namin ni na Cleo .
"Dyan nagsimula ang lolo't lola ko alam nyo ba yun??" pangaasar ni Cleo na kinatawa namin.
"Edi kami ang lolo't lola mo..." bulong ni Vinnie at napatingin kami sa kanya dahil sa bulong nyang yun.
'Hala inadmit na may gusto nga sya haleeer'
"Edi sinasabi mong may gusto kanga sakin??" saad ni Walt na abot tenga ang ngiti.
"S-siguro?? Oo??" saad ni Vinnie na pulang pula na.
"Eh pano yan gusto din kita?? Papayag kabang ligawan kita..." saad ni Walt na nakangiti na abot langit na.
"G-gusto moko?? Edi tayo na kung ganun..." saad ni Vinnie na kinagulat ko pero naisip kong di koto mababatukan.
Kinuha ko ang kamay ni Shu na malapit sakin at ginamit na pagbatok kay Vinnie. "Anong kayo na?? Mag t-three months palang teh... Three months rule alalahanin... 4 days nalang naman" saad ko at hinihimas nya ang ulo nya.
"Oo na!! Oo na!! Pero pwede namang advance diba??" saad ni Vinnie.
"Kaya nga... Payag naman ako..." saad ni Walt na inakbayan pa ang ateng na kilig na kilig.
"Hoy!! Ano toh kasal?? At ako ang pare na nakontra ganun?? Tsk... Kung kayo edi kayo... Ano ako third wheel??" saad ko na kinatawa nila.
"Edi kayo na, Walt?? Lupet!!" saad ni Cleo na nakipagapir pa kay Walt.
"Stay strong, erp... Congrats din megaphone..." saad ni Shu at nakpagapir din kay Walt
"Basta rules are rules, Vinnie..." saad ko at napatingin naman sila sakin. Si Walt naman ay parang nagtatanong.
"Tinatakot mo naman eh... Si Cleo din naman ah..." saad ni Vinnie at biglang dumating si Sadie na tumabi agad kay Cleo.
"Anong meron kay Sweety??Oh bakit nakaakbay tong Walt natoh kay Fellixious??" saad ni Sadie.
"Sila na daw... Ngayon lang din.." saad ko at napangiti naman nang malaki si Sadie.
"Ayuuuunnnn... Stay strong sa inyo... Sana HINDI mo saktan si Vinnie... Rules are rules kahit kaibigan pa yan diba??" saad ni Sadid na tumingin sakin.
"Sinabi ko na nga eh... Tapos sabi si Cleo din daw... Edi ganun din..." saad ko at napatingin naman yunh dalawa sakin na gulat.
"K-kaya mong gawin?? Kahit sa kanilang dalawa pa na nahong kaibigan mo na??" saad ni Vinnie.
"Baka naman pwedeng except diba??" saad ni Sadie at natawa naman ako.
"Rules are rules... Yun ang napag-usapan natin... Kayo pa nagsabi nun kaya nga hindi nyo na nakita ang kuya mo, Sadie..." saad ko at inilapag sa likod ko ang bag ko.
"Anong meron sa kuya ni Sweety??" saad ni Cleo at kita ko ang paglunok nang dalawa.
"Ex ko ang kuya nya..." saad ni Vinnie at napatingin sila kay Vinnie.
"Family Stroke kung tawagin pero mahal daw kaya yun... Pumayag kami ni Fire..." saad ni Sadie na may pa kamay pa.
"Then what happened to him??" saad ni Shu na katabi ko.
Napakibit balikat nalang ako at naalala ko nanaman ang mukha nya. "Babaero ang isang yun... Feeling gwapo..." saad ko.
"Eh anong nangyari nang hiwalayan nya si Vinnie??" saad ni Cleo.
"Bugbog sarado... Tulad nang ex ko dati..." saad ni Sadie at napatingin sila sakin.
"Iba naman ang ex mo... Nahuli sa kababuyan kaya yun... Baog" saad ni Vinnie na binulong ang huling salita.
"Eh si Kuya naman na ex mo ay halos hindi na makilala sa lakas nang suntok ni Tito Wayne at Fire..." saad naman ni Sadie kay Vinnie.
"Pinagyayabang nyo pa... Kasalanan naman nila yun..." saad ko at napatingin sa dalawa.
Yung mukha nila Walt na parang kinakabahan. "Hindi yun mangyayari sa inyo..." saad ko at kita ang paghinga nila nang malalim na kinatawa namin.
"Depende parin..." saad ni Shu na kinatawa namin.
"Excuse me... Absent daw si Ms. Ramirez... So wala daw kayong first at second period before lunch... At half day daw ang lahat galing sa Dean... Ipapatawag daw ang students sa lunch..." saad nung secretary siguro yun nang Dean.
"WOOAAHHH MONDAY NA MONDAY!"
"ANG SAYA NANG MONDAY NATOH!!"
sigawan nang mga estudyante pero di parin naalis ang secretary ba yun. "And pinapatawag daw sila... Ms. Allyssa Sadie Kane..." saad nun at tumayo naman si Sadie.
"Ms. Vinnie Fellix Kane..." dugtong nito at tumayo naman ito.
"Mr. Zuello... Mr. Grisson... Mr. Riordan..."saad nito at nagtayuan naman yung tatlo.
Tumingin naman sakin yung secretary at tinanguhan. Tumayo narin ako dahil namumukhaan ko sya."Please proceed sa Dean's Office..." saad nya at tumango naman kami.
"What happened kaya??"
"I dunno... Puro kabuluhan ang nangyari simula nang dumating yang Nerdy na yan eh..."
Bulong bulungan pero di ko na pinansin. Kinuha ko yung bag ko at mocha ko. Paglabas namin nang room. "I think pinatawag tayo sa nangyari... Dun sa engkwentro... At sa pagkabugbog..." saad ni Shu habang naglalakad kami.
Napatigil ang paginom ko nang mocha ko dahil dun. "Shet... Eh pano yun?? Hindi aamin ang Spade na yun..." saad naman ni Vinnie pero tuloy parin ang paglalakad namin.
'Yung mga freshmen..'
"Oo nga... Mahihirapan tayong sabihin yun..." saad naman ni Sadie.
"Wala ba kayong nakilala ni isa dun na FIS students..." saad ni Cleo.
"Mga Freshmen... Puro Freshmen ang nandun tsaka Isang Sophomore..." saad ko nang makatapat kami sa pinto.
"Natatandaan mopa ba ang mukha??" saad ni Walt sakin at tumango ako.
'Sila yung mga nakakadaan ko minsan'
"Pasok na tayo..." saad ni Shu at binuksan na ang pinto.
Nauna silang pumasok at nahuli ako. Pagpasok ko ay nag good morning nadin kami. "Alam nyo naman siguro kung bakit ko kayo pinatawag?? Ang g**o sa parking..." saad nya nang maupo kami.
Nagsitanguhan naman kami nun. "Kilala nyo ba ang may pakana sa inyo nun?? Kayong tatlo??" saad ni Dean at binalingan nang tingin yung tatlo.
"Mga taga-FIS ang mga iyon..." sagot ko at napatingin naman siya sakin.
"Pano mo nasabi, Ms.Typoon??"saad ni Dean na naupo nang ayos.
"Naging student nadin ako nang FIS ngayon at naging isang basagulera narin ako... Alam ko ang suot nilang black shirt at baseball bat... Yun ang nagsasabing member sila nang Frat sa FIS..." saad ko at napatango naman ito.
"Eh bakit naman kayo pinuntirya nang mga iyon, Shu??" saad ni Dean na binigyan pansin si Shu.
"Hindi rin namin alam, Dean... Nagulat nalang kami at inambangan kami..." saad ni Shu at nasapo nalamang nang Dean ang noo.
"I want you guys to know who the hell did this... Ayoko nang g**o sa FIS... Until 10 in the morning lang... Gusto kong itapat nyo sakin ang mga iyon..." saad ni Dean na kinagulat nila.
Habang ako ay humihigop nang mocha ko. "Okay... 10 in the morning... Ayos lang sakin..." saad ko at napatingin naman sila sakin.
"Okay then... You have 2 hours to go... Good luck... You may go" saad ni Dean at nagsitayuan na kami.
Pagkalabas namin nang Dean's Office ay kinuha ko gamot na pampamanhid nang sugat at pinatakan yung sa kamay ko. Mahapdi pero kakayanin.
"Nasiraan kana nang ulo... Pano natin mapapasunod si Spade?? Isa yung gangster noh..."saad ni Shu sakin at tinapon ko na yung mocha.
"Eh anong tawag mo dyan kay Fire dun sa SIS??" pagmamayabang ni Sadie.
"Gangster??" tanong ko at tumawa naman yung dalawa.
"Tumpak!! Basta hatian tayo sa freshmen at kay Spade..." saad ni Vinnie at tumango naman kaming lahat.
"Kaming tatlo na kay Spade..." saad ni Walt pero umiling ako.
"Ako na ang sa Freshmen at Sophomore... Tapos kayong lahat kay Spade... I-text nyo sakin kung nasan kayo... Aliwin nyo muna... Then hintayin nyo ko..." saad ko at tumango sila habang si Shu ay umiiling.
"Tsk... Sasama ako... Silang apat tapos tayong dalawa... Tapos ang usapan..." saad ni Shu na kinatawa nilang apat.
"Nakuuuu... Naiinlab na nga ang Shu natin..." saad ni Cleo na may pangasar na tingin.
"Kaya pala perehas na naka Turtle neck ang dalawa... Napag-usapan..." saad ni Vinnie at napatingin naman ako kay Shu.
Nakaturtle neck ito sa loob at white na polo na nakatack in sa pants nyang kitang kita ang belt at may makintab pang black shoes. Napataas naman ako nang kilay ko.
"Coincidence sana toh, Shu..." saad ko at natawa naman sila.
"Nakuuuu baka nakatadhana tawag dyan, Diba Shu??" saad ni Walt na kinindatan pa si Shu.
"Magaling pumili si Kupido, Fire..." saad naman ni Sadie na may panunukso.
"Ulok!! Tara na nga... Baka mainis lang ako sa inyo... Text nyo ko..." saad ko at hinila na si Shu.
Napatigil naman sa paglalakad ito at nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay nya. Nabitawan ko agad yun sa hiya. "Babae na pala na gawa nang moves, Zyphire!!" sigaw ni Vinnie at naglakad na lamang ako.