Chapter 31

3955 Words
ZYPHIRE Tulak tulak ni Kaze at Kent yung cart na dala namin sa labas nang supermarket nasa mall na uli kami. Pinayagan kami kese daw madami ang boxes hindi kaya. Nasa tapat kami ngayon nang toy kingdom hindi pa kami na pasok. "Mga laruan toh, Zyphire... To inform you lang..." saad ni Kaze na nakatingin sa toy kingdom. "Oo nga... Dito naman talaga ako bibili sunod..." saad ko at napatingin sa kanila. "Ano bang bibilhin mo dito??" tanong sakin ni Kent na kinatawa ko. "TOY kingdom ang pinuntahan natin... Ibig sabihin laruan ang ipinunta ko syempre..." saad ko dito at tumawa nanag tumawa sila Kian at Kaze. "Burn!!" sigaw nila Kaze at Kian na kinatawa naming lahat. "E-excuse me, Miss... P-pwede b-bang magpapicture sayo??"napatingin ako sa nagtanong na yun. Magbabarkada sila at isa lamang ang lumapit sakin habang ung apat ay nandun sa likod nito."Bakit naman?? Hindi naman ako artista eh..." saad ko dito at napahawak naamn ito sa batok nya. 'Gwapo nga namna silang magbabarkada pero mukhang mga tanga... Matripan nanaman etoh' "Kung papayag lang naman ikaw... Dare kese nila natripan natalo ako... Pwede ba??" tanong nito sakin. Napatingin naman ako kila Kaze na ngayon ay masama ang tingin dun sa magbabarkada. "Pasensya na... Tanong mo nalang sila... Pag um oo sila ayos lang sakin..." saad ko at tumabi na kila Kaze. "Bawal yan, bro... Iba nalang ang pagtripan nyo wag ang kaibigan namin..." saad ni Kaze dito. "Eh kukuha lang naman nang litrato ah" mayabang na saad nung lalaki. "Tsk... Lumayo layo ka nalang hangga't may oras pa, bata... May dadaanan pa kami pasensya na..." saad ni Shu at hinila na ako nang biglang tumigil si Shu. Napatingin ako dito at sinuntok sya nung lalaking nagpapapicture sakin. "Abay gago kaba!! Gusto lang makakuha nang picture eh!!"sigaw nito kay Shu na akmang  susuntukin muli ito. Ramdam ko ang pagligid nang maraming tao samin. Hinarangan ko si Shu at ako ang nadali sa suntok na yun. Napagilid ang mukha ko dun."s**t!! Bakit mo sinalo yun??" nagaalalang tanong ni Shu na tinitingnan ang bangas ko. "Wag mokong alalahanin, Shu... Ayos alng ako..." saad ko at tumingin muli dun sa lalaki. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at nakita ko sa mga tao yung apat na sina Walt. "Kayong apat... Ilayo nyo ang barkada nyo sakin... Napupuno ako..." saad ko at pinupunasan ang dugo sa labi ko. 'Bullshit!! Ano ba naman toh!!' "Ano pong pagtitipon ang nangyayari dito??" biglang may sumisingit na guard samin. Kita ko si Walt na kasunod nang mga yun. Napatingin naman sakin ang guard na yun tsakq sa labi ko. "Ano pong nangyari sa labi nyo, Miss ganda??" tanong sakin nung guard. "Pakilabas na lamang etong mga toh,Kuya... Ginugulo ang mga kaibigan ko.." saad ni Walt na nasa likod na nito. "Sino kaba para paalisin kami ha!!" sigang saad nung lalaki. "May-ari nang mall, bata..." sagot ni Walt dito at kita ang gulat sa mukha neto. "Tsk... Magkasing edad lang tayo!! Pano ka magiging may ari nang mall na toh??" tanong nung lalaki na kinatawa namin ni Walt. 'Gago talaga oh' "Kailangan paba nang ebidensyang sya ang may ari nang mall na toh??" tanong ko dito. "Pasensya na sir... Pero nagiiskandalo kana po dito... Sinasagot sagot nyo papo ang dalawang may ari nang mall natoh..." saad nung guard dito at napatigil naman ito. "Dalawang may-ari?? At sino naman??" tanong nung lalaki. "Kami... Kami at nang sinuntok mong babae ang may ari nang mall na pinasukan mo..." saad ni Walt dito. At kita din ang gulat nang mga kaibigan namin. "Ebidensya??" panghahamon nang lalaki samin. "SW ang tawag sa mall na ito, hindi ba.... Ang ibig sabihin lang naman nun ay Snow and Walt... Which is pangalan namin... Makakaalis kana ba??" tanong ko dito at kita ko ang sunod sunod na paglunok netoh. Umalis na ito kasama ang barkada nito nang walang salita at naglisanan nadin ang mga taong nakapaligid."Sa inyong dalawa ang mall natoh?? Kala ko kay Walt lang..." saad ni Cleo at napatingin ako dun. "Hindi noh... Eto ang dinesenyo naming dalawa na mall bago ako mawala... Tinupad ito ni Chairman Grisson at ang great grand father ni Zyphire..." saad ni Walt dito nang lapitan ko sila Kaze. Hinawakan ni Kian ang labi ko at pinunasan nung panyong hawak nya."Gagong yun... Buti nalang at natawag ko sila Walt..." saad nito sakin nang matapos punasan. Lumapit naman sakin si Shu at tiningnan yung labi ko. "May bangas kapa tuloy... Dapat hinayaan mo na lamang na saluhin ko yun..." saad nya sakin at nginitian ko ito. 'Masakit na ngumiti pagputok ang labi... Yun lang masasabi ko' "Ayos nga lang ako... May bibilhin pa tayo sa Toy Kingdom..." saad ko at napatingin kila Sadie. "Ano nga palang ginagawa nyo dito sa mall?? Tsaka sa inyo yang mga box na yan??" saad ni Vinnie na itinuro ang cart na may box. "Ahhh oo... Dadalhin daw ni Zyphire sa batanes eh... May bibilhin pa daw sya dyan sa Toy kingdom..." saad ni Shu dito. "Bibili kayo nang laruan??" tanong ni Cleo at tinanguhan ko ito. "Oo eh... Dadaan din kami sa miniso... Tapos mga damit pa..." saad ko sa mga ito at tumango tango naman sila. "Pwede ba kaming sumabay sa inyo?? Wala na din kasi kaming matambayan..." saad ni Sadie at tinanguan ko ito. "Ayos lang sakin ah... Matutulungan nyo din ako sa pamimili..." saad ko at nginitian sila. "Tara na..." saad ni Shu na naglakad nadin. Sumunod naman ako dito sa tabi nito. "Oy Kian... Iwan na lamang yan dyan sa guard tara na..." saad ko at tumabi na ito sakin. Kumuha muna ako nang cart dun. "Ako na... Sabihin mo na lamang sakin kung saan..." saad ni Shu at tinanguhan ko naman ito. Pumunta kami sa side nang mga laruan na manika. Kung ano anong manika ang nandun. May lumapit naman saming salesman. "Hello po, Ma'am and Ser... Ano pong hinahanap nyo??" saad nung salesman. "Pwede mo bang sabihin sakin yung mabenta tsaka maganda na manika dito... Any kind..." saad ko dito at nginitian ito. Tumingin sya sa mga manika na nasa harapan namin at may itinuro sya. "Eto po, Ma'am... Mabenta po samin toh... Mahal po sya but legit po ang bayad nyo... Lahat naman toh pero mas maganda if may doll house..." saad nang salesman sakin. "Yun oh, Fire... Ang ganda... Malaki ang doll house tapos may doll nadin... May mga dresses pang kasama... Kaya lang..." saad ni Sadie na itinuro yung malaking doll house. "Gaga!! Pabibilhin mo ang ateng nang sampung libo mahigit na doll house... Mahal masyado ang isang yun..." saad ni Vinnie sakin pero sulit naman ang bayad. Linapitan ko ang isang yun. Maganda sya at siguradong magugustuhan nang pagbibigyan ko. "Ah Maam... Ayan po ang pinakamahal sa lahat nang doll house... Dahil all in one na po... Nag-iisa po yan dahil din sa mahal nagiging design na lamang..." saad nang salesman. Napatingin ako kay Shu na nakatingin sakin. Nginitian din ako nito. "Magugustuhan nang bata ang isang yan..." saad nya sakin na nakatingin din sa doll house. 'Magugustuhan talaga nya toh' "I'll take it... Sulit naman siguro toh..." saad ko at kinuha naman yun ni Shu at inilagay sa cart.  "S-seryoso kaba talaga dyan??" saad ni Cleo sakin at tumango naman ako. "Tsk... Sure ball yan, Cleo... Yung binili nga namin sa grocery mga three hundred thousan ang binayad nang Snow... Yan pa kaya..." saad ni Kent kay Cleo. "Saan naman tayo??" tanong ni Shu pero linapitan ko yung mga doll na cute. Sakto lang sya at may mga damit din at maliit na bahay. 'Magugustuhan nila siguro ang ganun... Yun din' "Ah salesman... Ilan ang stock nyo netoh??" tanong ko dun sa salesman. "Marwmi papo ma'am... Mga 50 po mahigit kung bibilangin... Mabili din po kasi... All in one din sya maam but mini doll house sya.." saad sakin nang salesman. "Zyphire... Ilan ba ang papakuha mo??" tanong sakin ni Shu na mukhang alam na nya ang pagbibigyan ko. "If okay lang naman... Mga thirty ganun..." saad ko at nginitian ako nito. "Thirty please... Thirty na gentong mini doll house na all in one..." saad ni Shu at tumango naman yung salesman. "Maam and Ser... Napakaswerte po nang anak nyo sa inyo..." saad nang salesman nang ilagay ang mga laruan sa cart namin. Muntik na akong mabulunan sa sariling kong laway dahil dun. "Tama ka dyan, Salesman... Kung meron nga lang... Sige ha salamat..." saad ni Shu at umalis na ang salesman. Nang umalis ito ay hinampas ko si Shu sa braso. "Gago!! Nang uuto ka nanaman... Tara na nga dun sa may b***l b***l na dun..." saad ko na lamang nang maramdaman ko ang pag init nang pisngi ko. 'Gago amputa... Nakakahigh blooderist' May lumapit naman saking saleslady nang lumaput ako sa boy section na laruan."Hi ma'am and ser... Ano pong maipaglilingkod ko??" saad nito na nginingitian ang nasa likuran ko. Napatingin naman ako sa likuran ko at nandun si Shu na abot tenga ang ngiti. Tumingin muli ako dun sa saleslady na nakangiti kay Shu. Parang mga tanga. Humagilap na lamang ako dun at naagaw nang mata ko ang isang Lego na malaki din sya. Parang isang buong city ang mabubuo nito. "Miss magkano toh??" tanong ni Shu na itinuro ang tinitingnan ko. "Ah twenty seven thousand, ser... Medyo mahal but worth it sya..." saad nya kay Shu. 'Magugustuhan nang mga bata ang gento' "Gusto moba?? Magugustuhan nang batang lalaki ang ganyan..." saad nya na nakangiti padin. Tinanguan ko ito dahil totoo naman. "Then we'll take it..." saad ni Shu na kinuha yun at inilagay sa isa pang cart. Ako na ang kumuha nang cart sa lego. Kumuha din ako nang iba pang lego. May tao, kotse, bahay tapos iba iba pa. "Ang dami nyo namang binili..." saad ni Walt samin nang papunta na kami sa mga b***l. "Kasya lang toh..." saad ni Shu dito. Kumuha ako nang mga b***l at itinutok kay Shu. "Matatapos na ang buhay mo ngayong traydor ka!!" saad ko at kumuha sya nang sarili nyang b***l. "Hindi ako ang kalaban kundi... Sila!!" saad ni Shu at itinutok kay Cleo na may hawak na bazuka. "Papalag ba kayo saming apat!!" sigaw ni Vinnie na may hawak ding b***l. "Eh papalag ba kayo saming lima ha!?" paghahamon ni Kaze na may hawak na shotgun. Natatawa ako sa ginagawa namin kahit yung mga saleslady at salesman ay tumatawa. Lalo na yung mga nabili tulad namin. "May gusto ka pabang sabihin samin, Snow!!" saad ni Sadie sakin. "Huling salita kung tawagin, Snow!!" saad ni Walt sakin. "Mamamatay muna kayo!!" saad ko at bumaril na kala mo ay totoo yun. "Beng beng beng beng!! Until we met again traydor!!" saad ko at dahan dahang bumagsak yung apat na kala mo slowmo sa mga teleserye. "Wag ka nang umiyak sa mundong pabago bago~" pagkanta nila Kaze na kinatawa namin kahit yung apat ay tumayo na tawang tawa pa. "Mga loko!! Si Cardo ngayon si Fire ganun??" biro ni Sadie na mas kinatawa namin. 'Mga bugok talaga oh' "Ilagay nyo na nga lang yang mga b***l na yan dito... Parang mga baliw naman..." saad ko at tumatawa sila habang inilalagay ang mga b***l sa bagong cart. 'Tatlong cart na ang nagamit ko...' "Ang dami na netoh... Meron paba tayong bibilhin??" tanong ni Kian pero umiling na ako. Pumunta na kami sa cashier dun kaya lang nakaagaw nang pansin ko yung instax ba yun. "Instax ba tawag dito?? Magkano ba toh, Miss..."saad ko na nakaturo dun sa tabi nang cashier na Camera. "Ah eto po... Five thousand po sya at may free na papel na pang picture nadin,Ma'am... May tatlong stuck papo kami..." saad nito sakin at napatingin kila Sadie at Vinnie. "Ang ganda noh... Gusto nyo??" tanong ko kila Sadie at tumango ang mga ito. "Miss... I will take the three stuck... Tsaka yung papers... Tatlong box nadin tagiisa... Thank you sa cashier na ideretso..." saad ko at bumalik na dun kay Shu na hawak ang tatlong cart. "Fire... Hindi mo naman kami kailangang ilibre eh... Bibilhin na din naman namin..." saad ni Vinnie sakin. "Tama si Vinnie... Kami na bahala dun..." saad naman ni Sadie at umiling ako. "Hindi naa... Ako na ang bahala dun... Tsaka sakto ang pangbayad ko dun..." saad ko at itinulak ang isang cart kasunod ni Shu. "Good evening, Ma'am And Ser... Cash or Card po??" tanong nya sakin. "Cash nalang, Miss... Sama sama na sya ha?? Tsaka yung instax..." saad ko at tumango naman ito. Inilagay naman namin ni Shu yung mga nasa cart dun at tinutut nya dun yung parang toot ganun. "Madami naman yata ang cash mo para dito... Dadagdagan ko na lamang if kulang..." saad ni Shu at inilingan ko ito. "Wag na... Nakakahiya naman... Kasya naman to sure ball" saad ko dito at ngumiti naman toh sakin. "Basta pagkulang ako na bahala dun... No buts, Snow..." saad nya at napailing na lamang ako sa tawa. "It is... Eighty six thousand one hundred eleven and twelve cents, Ma'am..." saad nang cashier. "Kasama na dyan yung instax tsaka sa photo??" tanong ni Vinnie at tumango naman yunh cashier. "Yes ma'am... Lahat lahat po sa tatlong cart..." saad nung Cashier at kinuha ko yung cash ko. 'One hundred thousand eksakto ang isang toh' Iniabot ko yung limang patong patong na blue bills. "One hundred thousand yan, Miss... Keep the change... Paghati-hatian nyo nang mga stuff dito... Konti lang kayo kaya kasya yan... Salamat..." saad ko nang iabot sakin nung salesman ang cart na tulad sa grocery at nandun yung mga bags na nakalagay ang laruan. "Salamat din po, Maam... Malaking tulong po saaming lahat toh... Makakaasa po kayong paghahati hatian namin toh... Maraming salamat po..." saad sakin nung cashier at kita ang saya nito. "Walang anuman... Paghati-hatian nyo na lamang pasensya na... Salamat uli..." saad ko at itinulak yung cart. "Ako na ang bahala dito... Sa miniso na tayo..." saad sakin ni Shu at nginitian ko lamang ito. Palabas na sana kami nang bigla nandun ang yung ibang salesman at lady. "Maraming salamat po sa tulong na ibinigay nyo..." saad nung tatlo sakin at nginitian ko lamang ito at lumabas nadin kami. "Grabe... Ang laki nang halagang ibinigay mo sa kanila... Malaking tulong talaga yun..." saad ni Sadie sakin. "Tsk... Kanina nga eh... May sukli na may pampaopera pa sa tatay at makakapagaral pa... Lupet diba??" saad ni Kent at napatingin ako kay Cleo. 'Muntik ko nang makalimutan' Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan sila Tito at Tita. "Oh snow... Napatawag ka... May kailangan kaba??" saad ni Tita sakin. "Naku po... May irerekomenda po kasi akong student... Matalino at masipag po sya... Irerecomend ko po sana sa school nyo po..." saad ko. "Ano kaba... Pwedeng pwede... May business trip din kasi kami at mukhang masasalin ko agad ang pangalan nya dun... Maraming salamat sa mga student na dinala mo pala sa eskwelahan namin..." saad ni Tita sakin. "Wala po yun... Mas nagpapasalamat naman po ako dun sa pagiging doctor ko noh... Sige po tita... Namimili papo kasi kami... Salamat po uli..." saad ko. "You're welcome, Snow... Tawag ako ah mangangamusta sa susunod... Salamat miss you..." saad ni Tita at in end na ang call. Bumalik naman ako sa usapan nila Sadie. "Seryoso?? I mean magoopera ka, Fire?? At sakit sa puso pa??" saad ni Vinnie sa kin at tinanguhan ko ito. "Jusmeyo... Pano pag nagkamali ka... Edi na deds na tigok ganun??" saad ni Sadie. "Kaya ko yun... Hindi madededs o tigok yung tao... Support lang..." saad ko at pumasok na kami sa miniso. "Anong bibilhin mo dito??" tanong ni Shu sakin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga cartoon na teddy bear mga lalagyanan nang inumin at kung ano ano pa na basta cartoon. "Hello po, Ma'am... Ano pong bibilhin natin??" bungad sakin nang saleslady. "Hindi ba pwedeng tumingin dito... Bili agad??" pamimilosopo ni Sadie na kinatawa namin. "Baliw ka talaga... Napahiya mo pa si Ate..." saad ni Kian na nakahawak na sa tyan sa kakatawa. "Kuha mo nalang kami nang cart, Miss... Pasensya na..." saad ko at tumango naman ito at tinalikuran kami. Nagaasaran nanaman ang pito sa likod habang kami ni Shu ay nagtitingin dito. "Tanong ko lang... Kanino mo ibibigay ang lahat nang yun??" saad nya sakin na kinataka ko. 'Kala ko alam na nya' "Kala ko alam mo na... You'll see pagdating natin..." saad ko at kinuha ko yung bear na bag. 'Cute sya... Bagay naman siguro' "Ma'am and Ser... Eto na po yung cart na hinihingi nyo..." saad nya na iniabot yun. Hinila ko yun at inilagay yung bag na yun. Dalawang bag ang kinuha ko. Kumuha din ako nung mga lalagyanan nang tubig ba yun at tatlo nun pero iba't ibang cartoon. Nang makuha ko na lahat ay naagaw nang pansin ko yung teddy na malaki. Mga nasa bewang ko ang laki.Linapitan ko yun dala dala yung cart. 'Annggg cuuuteee ni doraemon koooo!! Kaya lang baka kulangin ang money ko...' "Miss... Can I take this?? This Doraemon" napatingin ako dun sa nagsabi nun. "Bakit mo naman bibilhin yan??" saad ko sa kanya. "Eh?? Ibibigay ko dun sa girl na gusto ko noh... Cute kaya tulad nya..." saad ni Shu sakin at tinarayan ko lang ito. "Siguradong magugustuhan nya yan... Ako nga nagustuhan sya pa kaya... Musta naman sya kanina??" tanong ko sa kanya at ngumiti ito sakin. "Kanina?? Nawala sya bigla eh... Pero alam kong safe sya..." saad ni Shu at tumango tango na lamang ako. "Ang swerte nya..." bulong ko. 'Totoo yun... Ang swerte nung girl dahil nasa kanya na ang doraemon ko huhu' "Sakin?? Aba syempre..." proud nyang saad habang papunta kami sa cashier. Nandun kasi sila Cleo sa labas puro asaran. "Baliw... Kay Daemon ko... Kasi nasa kanya na si Daemon..." saad ko at tumambad na kami sa cashier. "Good evening, Ma'am... Do you have a card??" tanong nung cashier nang kuhain na yung mga nasa cart. "Yes... But I'll pay you cash..." saad ko dito at tumingin kay Shu. "Daemon?? Sinong daemon??" saad nya sakin at itinuro ko ang hawak nya. "Sya... Si Doraemon... Daemon ang tawag ko sa kanya... Minsan baby Daedae... Ang kyut nya..." saad ko at pinisil pa si Daemon. "Sana nga magustuhan nya eh..." saad ni Shu sakin at tumango tango naman. "Sure ball yan!!" saad ko at tumingin uli sa cashier. Umalis muna si Shu at pinuntahan sila Cleo dun. "It is... ₱22,314 in all ma'am... Kasama napo ang toys and pillows nang dogs and cats..." saad sakin nung cashier at kumuha ako nang cash sa bag ko. Kinuha ko yung 50,000 na nakapack dun sa bag ko at iniabot sa cashier. "Fifty thousand pesos yan... Keep the change, Miss..." saad ko dito at kita ang paglagulat nito. "Ma'am... Ang change nyo ay twenty seven thousan six hundred eighty six... Mas malaki po yun kesa sa ibinayad nyo..." saad nya sakin at inilingan ko lamang ito. Napatingin ako sa mata nito at biglang dumaloy sa mata ko lahat nang pinagdaanan at buhay nang dalagang nasa harapan ko. 'Wag mokong iwan nay!! Tay naman eh iniwan na ako ni nanay tapos kayo din!! Kuyaaa please wag mokong iwan!! Magiipon ako para sa operasyon mo!! Basta wag kang bibitaw kuya!!' Naramdaamn ko na lamang ang pagtulo nang luha ko sa mata ko. Ang lungkot nang buhay nya na ayaw kong matuloy pa. Pinunasan ko agad yung luha na yun. "Ayos lang po kayo, Ma'am??" tanong nya sakin at binigyan ko ito nang ngiti. "Ayos lang ako... Hindi naman sa panghihimasok... Pero anong sakit nang kuya mo?? Pwede mobang sabihin sakin??" tanong ko at kita ang gulat sa daalgang nasa harapan ko na may pagkahalong lungkot. Alam kong 15 palang sya dahil matanda sya tignan ginawa nya sigurong nasa edad nadin."Pano nyo po nalaman yun??" saad nya sakin. "Nabasa ko sa mga mata mo... Kamusta sya?? Ano bang nangyari??" saad ko dito at lumungkot ang mga mata nito. "Iniwan po kami nina Nanay at Tatay... Nag aaway napo kasi sila tapos iniwan ni Nanay si tatay pati kami... Tapos si tatay sumunod... Iniwan din po kami... At ngayon naman po si Kuya... 18 years old po ang kuya ko at nasa ospital po sya... Colon cancer stage 1 palanh daw po... "saad nang dalaga sakin. 'Cancer sa bituka?? Stage 1 na...' "Pero okay lang naman pong iniwan nya kami dahil ang tita namin ang umampon samin... Mas mahirap po kasing buo nga kami pero puro naman sila away..." dugtong nito sakin. "Saang ospital mo dinala ang kuya mo?? At sinong doctor ang umaasikaso??" Tanong ko sa kanya. "Ospital po na malapit dun sa FIS po ba yun... Si Doc. Lopez po..." sagot nya sakin. 'Doc. Lopez!? Buti naman at sya... Kilala ko nga naman' Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito."Hello?? Sino toh?? I'm kinda busy right now..." saad nya sa kabilang linya. "No time for me na ba, Lopez??" biro ko at rinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Snow... Ang matalik kong kaibigan na doktor... Namiss kita..." saad nya sa kabilang linya. "Namuss din kita... Busy right now ha?? May kilala kasi ako..." paninimula ko. "Busy naman talaga... Ano ba yun??" tanong nito. "You know the patient na lalaki... Ano ngang name, Miss ??" tanong ko sa dalaga. "Roi Pascua po..." saas nya sakin. "Yung patient mo na si Roi Pascua, Lopez... Sa colon cancer... How is he??" tanong ko. "Ow that handsome man... Stage One sya... Macucure pa naman but... Wala daw na money para maicure ko... Anong tungkol sa kanya??" saad ni Lopez. "It is paid... Gusto kong simulan mo nang icure si Roi Pascua... Immediately... Someone needs him..." saad ko sa kanya. "Okay... As you said... Buti nalang nandito ako sa reception... Miss... Si Mr. Pascua na patient ko ay paid na... Sisimulan na natin ang pagcucure..." rinig kong saad ni Lopez. "So... We will wait for his sister to came para maapprove... Salamat sa pagtulong sakin sa pagtatapos..." saad nya pa. "That is my goal, Lopez... To help someone who needed... Salamat din... Bye!!" saad ko at pinatay na ang linya. "Your brother will be cure... Sinabihan ko na si Doc. Lopez..." saad ko sa kanya at kita ang tuwa sa mata nito. "Malaking tulong kapo samin... Ngunit hindi po papayag ang kuya nyan.. Alam ko pong may kapalit ito..." saad nang dalaga at umiling ako. "Walang kapalit yan, Miss... Kawang gawa ko na iyan... Alam ko ang pakiramdam nang kuya mo... Ang pinagkaiba lang... I will be not cured... Hindi ako macucure dahil sa malala na nga... But your kuya can... Madami nadin akong tinulungan... About sa cancer ang lahat... Please accept my offer.. "saad ko sa kanya at kita ang pagtataka nya. "Kayo po ay may colon cancer din??" tanong nang dalaga but umiling ako. "I have 5 cancer at my body... Hindi sya nakakahawa... Hindi na daw macucure so I think kaya hindi ako pwedeng icure dahil ako dapat ang magpacure..." saad ko sa kanya at kita ang tuwa sa mata nito. "Maraming maraming salamat po... Sa inyo na po ang sukli nyo... Ayos napo saakin ang tulungan nyo ang Kuya ko..." saad nya sakin at inilingan ko ito. "Panimula nyo na yan... Hindi pwedeng umasa kayo sa tiyahin nyo... Pakisabi na lamang sa kuya mo... Na gusto ko kamo syang makita at makilalang nakatayo at malakas na... I will be waiting for his recovery... Mauna na kami..." saad ko sa kanya at inilagay yung bag sa cart. "Ahmm...Ako nga po pala si Shane... Ano pong pangalan nyo??" tanong nang dalaga sakin. "Shane... Ako nga pala si Fire... Masaya akong makakilala nang magandang dilag... Sa susunod nating pagkikita..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD