Chapter 32

3045 Words
ZYPHIRE Natapos na kaming bumili pati nadin nang damit tsaka phone na tatlo. May sim at memory nadin sya. Nandito kami ngayon sa restaurant ko na s***h coffee shop nga sa tapat. "Sayo toh?? Ang laki nang part mo dito..." saad ni Cleo sakin. "Eh talagang malaki... Ang ganda nga dito eh..." saad ni Sadie. "Isang beses palang kami bumisita dito eh... May pagbabago kaya??" saad naman ni Vinnie at lumapit na kami. "Ms. Fire, good evening po..." saad sakin nung gwardya. Nginitian ko naman ito. "Good evening din, Kuya Tom... Mukhang madami tayong costumer..." saad ko at ngumiti naman ito. "Ang dami nga po eh, Ms. Fire... Gustong gusto nila ang lugar natin... Ako na po ang bahala sa mga dala nyo..." saad nya na kinuha ang mga cart at inilagay dun sa gilid nya. "Kuya Tom... Nagbabalik kamik!!" saad nang dalawa dito. "Hello din po... Pasok po kayo... Ms. Fire yung pinareserba nyo po ay ayos na..." saad nito at nginitian ko ito. "Maraming salamt po, Kuya Tom... Una na kami..." saad ko at pumasok na. Maayos padin dito at maaliwalas. Madaming tao na nakapila sa cashier. Pinuntahan ko naman yung cashier dahil malaki ang space at dalawa lang ang linya kaya may madadaanan. "Good evening, Ms. Owner..." sabay sabay na saad nung mga nandun sa may cashier at kitchen. "Good evening din... Musta naman ang mga nangyayari?? Daminh costumer ah..." saad ko dito at natawa naman silang lahat. "Nakuu Ms. Owner... Pahirapan din pero magandang biyaya naman... Dinner poba kayo??" tanong sakin nung anak ni Kuya Tom na lalaki. "Ahhh oo sana... Dun padin sa dati ah... Salamat..." saad ko at pumunta na sa lamesa namin dun sa gilid. "Wooowww... Ang ganda dito... Magandang mag-aral dito... Tahimik at makakapagfocus ka..." saad ni Walt nahinilahan nang upuan si Vinnie. Umupo nadin ako dun sa upuan. Umupo nadin naman silang lahat. "Pwede ko po bang makuha ang order nyo??" tanong nung anak ni Kuya Tom kanina na kausap ko. "Filipino dishes sana, Hiro..." saad ko sa kanya at napatingin ako kila Sadie. "Gora ako!! Gusto kong matikman ang filipino dishes dito...." saad naman ni Sadie sakin. "G din akooooowww!!" saad naman ni Vinnie at napatingin ako kila Cleo. "G kami noh..." saad nang dalawa. "Basta filipino dishes!!" sigaw nung tatlo na sina Kaze. Natawa naman kami dun sa sigaw nilang yun. 'Loko loko ang mga pwet!!' "Filipino dish-" "Tanong mo naman si Shu... Nalungkot tuloy si Shu..." pagpuputol sakin ni Sadie na nakaturo ang nguso sa tabi ko. 'Kailangan paba yun??' "Tanong mona, Fire!!" saad din ni Kent sakin.Tumingin naman ako sa tabi ko na nakatingin din pala sakin. *TUG*DUG* *TUG*DUG* Bumilis bigla ang t***k nang puso ko sa tingin na yun. Para akong tinutunaw. Napaiwas agad ako nang tingin dahil dun. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at normal na uli. "Gusto ba nang gusto mo ang filipino dishes??" tanong ko dito at tiningnan muli ito at hindi na ganun ang nangyari. "Wooaahhh!! Tinatanong ka shu!! Sagot..." saad ni Kaze, Kian, at Walt dito. "Paborito nya ang Filipino Dishes... Yun ang alam ko..." saad nito at tumingin ako kay Hiro. "Then we'll order some filipino dishes,Hiro... Salamat" saad ko at nginitian ito. Nginitian din ako nito at tumingin ako kila Cleo. "Bakit gusto ba nang gusto ni shu?? Sino ba ksi ang gusto ni Shu?? May gusto kana pala erp??" saad ni Cleo at hinampas naman sya ni Sadie. 'May sikreto ba sila?? Bahala na' "May gusto nga daw sya... Yung babaeng pagbibigyan nya nang Doraemon..." saad ko at kita ang pagtataka nila Walt. "May gusto?? Si Shu?? Sa ibang babae??" paguulit ni Kaze at binatukan naman sya ni Kian. "Bingi?? Bingi?? Ipapaulit pa eh..." saad ni Kian na kinatawa namin. "Tell us who is the lucky girl??" tanong ni Kent dito. "I can't tell... Malalaman nyo din bukas..." saad ni Shu at napairap na lamang ako. 'Choosy!!' Kinuha ko na lamang ang phone ko at inopen yung i********: ko. Puro picture na magaganda nang mga finollow ko. Puro tawanan sila at nabobored nako. '10:17 palang naman hayyysss' Dahil stalker ako, inistalk ko ang sarili ko sa insta. Hindi narin pala ako nag update simula nung nagbreak kami ni Clover. Puro ako, Kuya zyre at si Care Bear lang naman ang nasa insta ko walang kung sino. Minsan mag-isa ako or kasama si Kuya Zyre or si Care Bear. 'Namiss ko yung mga araw na wala akong alam... Sana wala nalang akong nalaman' 'Ngayon nalang uli ako mag UPDATE waaaahhhhh sayang yung 700k na followers noh!!' Tumingin ako sa paligid at naagaw nang pansin ko ang logo nang restaurant ko. Inopen ko agad ang phone ko at pinicturan yun. Pinost ko agad at nilagyan nang caption. 'Muling pagbabalik aking mga ginoo at binibini...' Pinatay ko na lamang uli ang phone ko pagkapost ko nun. "Eh?? Ikaw may i********:?? Follow mo naman ako..." saad ni Sadie kay Shu. "Oo na..." saad ni Shu kay Sadie. "Ay nako... Ngayon na... Lahat tayo dapat..." saad naman ni Vinnie na kinatawa nila. "Eh ikaw, Fire?? May i********: kaba??" tanong ni Kian sakin. "Oo ngaa!! Ang tagal na nating magkaibigan pero hindi ko alam..." saad ni Vinnie nanaman. "Meron yan si Fire..." saad ni Kaze na kinataas nang kamay ni Walt. "Meron nga yan... Finollow ko na yan eh si Fire... Dun ko lang sya uli na kilala" saad pa ni Walt na kinuha pa ang phone nya. 'Alam nya ang insta ko??' "Eto oh... Diba ikaw tong si Zyphire Snow??" saad ni Walt na pinakita pa ang profile ko sa insta. Sumilip silang lahat dun. "A-ako nga yan..." sagot ko at naagaw ko ang tingin nila. "Shiitttt!! Ang dami mong followers!!" sigaw ni Sadie at sinenyasab ko ito na tumahimik. 'Ang daldal' "Nakuuuu ifofollow nakita... Follow back!!" paalala ni Vinnie at naging busy na nga sila sa kanya kanya nilang phone. Kinuha ko na lamang uli ang phone ko at sunod sunod ang notif ko sa insta. Finollow back ko naman ang mga kasama ko agad. Chineck ko naman yung kakapost ko palang na pic. 'FIVE HOUNDRED THOUSAND LIKES AND MORE!? ganun na ba talaga ka tagal ang hindi ko pag update!?' Tiningnan ko ang comment section. Mga 100k comments ang nandun and more. Binasa ko naman ang ibang comments lang. 'Hi ate snow!! Fan nyo po ako!! Buti po nakabalik na kayo after 2 months!! Still a fan nyo po!!' 'Waaahhhhh kakagaling ko lang sa SW bakit hindi po kita napansin huhu sayaaanngggg' 'Still a ginoo, Snow... Lovelots!!' 'Alam kopo toh!! Dun sa SW na mall... Malapit po sa park!! Ang ganda po dyan!! Still wanting to meet you!!' 'We miss a lot about you, Snow!! Still have a crush on you!!' Isa lang naman yan sa mga nababasa ko. Puro welcome back na tapos miss you tapos still a fan daw ganun. Nakakatuwang may mga ganung tao na na a appreciate kung anong meron ka. "Here is your orders, Ma'am and Ser..." saad ni Hiro na may mga kasama pang inilagay ang mga filipino dishes sa lamesa namin. Ibinaba ko naman na ang phone ko tulad nang iba. "Wooooww mukhang masarap toh ah..." saad ni Kent na parang bata. "Hmmmm... Ang bango bango pa..." saad pa ni Sadie dito na kinatawa namin. "Enjoy the food, Ma'am and Ser..." saad nanaman ni Hiro at umalis na nga. Kukuha na sana ako nang paluin ni Shu ang kamay ko. "Wait lang daw... Picture lang daw..." saad nya sakin at tinaasan ko lang ito nang labi. "Wait lang kese teh... Picture lang saglit oh... Groufie lang tayo!!" saad ni Vinnie sakin na kinatawa nila. "Kaya lang kanino tayo magpapapicture??" saad ni Sadie at napatingin ako dun kay Ysha na papunta samin. "Ysha!! Ysha!! Pwedeng kuhaan mo kami nang litrato??" saad ko at lumapit naman ito samin. "Sure, Ms. Owner... Kanino po bang kamera??" saad nya. "Sakin, Ate... Eto sanang instax... Dun oh tapos picture..." saad pa ni Sadie na iniabot yung instax kay Ysha. Tinanguhan naman iti ni Ysha. Pumunta naman si Ysha sa tapat namin at syempre nakaupo kami. "Ate Ysha!! Gandahan mo yung anggulo ha?? Yung parang ako lang maganda ganub!!" saad ni Vinnie na kinatawa namin. "Okay po, Ma'am... Sabihin nyo po if ready na..." saad ni Ysha. Nag-ayos pa kasi ang dalawang kababaihan natoh. "Sige na, Ysha... Just count to three..." saad ni Shu. Ayos naman na sila Vinnie at Sadie at pumwesto na din. "Smile muna, Guys!!" paalala ni Sadie.  "Ready... 1..2...3.. SMILE!!" *FLASH* Umangat naman ang parang isang papel dun sa kamera. Iwinagayway naman ni Ysha yun at ibinigay kay Sadie. "Ayan... Ang ganda... Isa pa isa pa..." saad pa ni Sadie habang tinitignan. Tiningnan naman namin yun at tama sya. Ang ganda nung litratong yun naka papel agad. Masasabi kong sulit talaga. Pumwesto uli si Ysha dun. "Wackie naman, mga panget!!" saad ni Sadie na kinatawa namin. 'Walang hiyang babae toh?!' Nagwackie naman akong nakanguso tapos yung peace sign. "3...2...1...WACKIE!!" *FLASH* Ganun uli ang nangyari at iniabot naman ni Ysha ang papel at yung Instax kay Sadie. Sumilip naman kami dun sa Wackie na yun at puro tawanan na ang nangyari. "Ang panget mo, Cleo!! Mukha kang unggoy sa wackie!!" saad ni Sadie kay Cleo na kinatawa namin. "Kesa naman kay Walt... Mukhang gorilla!!" saad naman ni Cleo na kinatawa namin. Hineram ko yung picture na smile lang kami at pinicturan yun. Inayos ko syempre pagkapicture yung backroun at nagmukhang maganda nga. Iniabot ko uli un kay Sadie na tawa nang tawa. Ipinost ko naman na yun at nilagyan nang caption na 'Partner in Crime.' "Nakakainis nga eh... Bat ganun?? Ang ganda mo padin kahit wackie na fire??" saad ni Vinnie na kinatingin ko dito. Nahihiya akong ngumiti dito dahil sa sinabi nya. "Ang ganda oh!! Nakanguso na at lahat ganda padin!!" saad ni Sadie na tinapik pa ang baba ko. 'Nahihiya na may pagkahalong awkward natoh ha' "Ay nako... Magsikain nalang kayo..." saad ko sa kanila at kumuha sa kaldereta. Nagsikainan nadin naman sila at kaldereta ang unang naubos namin. Kumuha nadin naman sila sa iba pero mukhang nasarapan sa kaldereta at naubos. "Ang sarap nang kaldereta..."sabay sabay na saad nila Kian na kinatawa namin. 'Choir ang pwet' "Trueee!! Ang sarap nang lahat..." saad din ni Sadie. "Panira diet ang dishes na toh ha!? Nakakaheaven ang salap!!" saad ni Vinnie na kinangiti ko. "Minsan dito ko dadalhin sila Chairman Grisson... Sarap eh" saad ni Walt sakin. "Heaven bitches..." saad ni Cleo na kinatawa namin. "Nagugustuhan kona anh filipino dishes... Sino ba ang chef dito??" tanong sakin ni Shu at napatingin ako dun sa kusina na door kung saan nakasilip ang chef. 'Nagmamatsyag nanaman sya' "Si Chef Brylle... Masarap talaga sya magluto..." saad ko at nginitian sila. "Nakakabusog ang mga kinain natin.... Awit talaga" saad ni Vinnie na nakahawak pa sa tyan nito. Natawa naman kami sa inasta nya. "Ang laki laki na nang tyan ko, Fire..." saad ni Sadie at nginisian ko lang toh. "Gusto mo mas palakihin natin, Sweety??" saad ni Cleo na kinagulat ni Sadie. Kahit ako nagulat yan nahampas sya ni Sadie. "Masamang biro yan, Cleo Zuello!! Tigil tigilan moko!!" saad ni Sadie at sumimangot naman si Cleo. Natawa naman kami sa inasta nang dalawa na kala mo ay mag asawa. "Excuse me po..." napatingin naman kaming lahat dun sa babaeng nagsalita. Apat sila at dalawang babae at lalaki ito. "Ano yun??" tanong ni Shu dito. Napatingin naman sakin yung babae at nginitian ko lang ito. 'She is kinda awkward sa tingin na yun' "Ahmmm ikaw po ba si Ate Snow?? Zyphire snow po??" saad nung babae na nagexcuse. "Ako nga po... Bakit po??" saad ko dito at nginitian muli. Kita ang pagningning nang mata nung babaeng yun. 'She is really weird' "Ako po si Sharon... Naka follow po ako sa i********: nyo... I mean you inspired me po everyday... Kahit po yung barkada ko..." saad nya sakin at medyo familiar ang pangalan nya. "Wow... It's my pleasure to inspire you guys... Ah sya nga pala kasama ko kasi ang mga kaibigan ko... Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo??" saad ko sa kanila. "Hello po..." bati nung apat sa mga kasama ko. "Hi din!! Isa pala kayo dun sa mga naka follow kay Fire... Iba ka ah sikat!!" saad ni Sadie sakin. "Sikat na sikat ang ate mo!!" saad din ni Vinnie na mas kinahiya ko. "Tunigil nga kayo... Nakakahiya oh... Daldal daldal talaga..." saad ko sa kanial at tumawa yung mga kasama kong ugok. "Gusto lang po sana namin magpapicture... Ang ganda nyo po talaga..." saad sakin nung Sharon at nginitian ko lang toh. 'Nakakahiya naman po hindi ako nag aayos teh' "Ayos lang sakin..." saad ko at tumayo na. Kinuha naman ni Shu yung bag ko. "Ako na bahala dito..." saad nya sakin at nginitian ko ito. "Salamat..." saad ko at nakipagpicture na nga ako. Tag iisa dun sa apat na lumapit. Nang matapos ay umupo muli ako. "Maraming salamat po... Mauna na po kami..." saad ni Sharon at nginitian ko ito. "Sige... Ingat kayo..." saad ko at tulyan na silang umalis. 'Sana wala nang sunod huhu' "Iba ka, Fire... Kilalang kilala ka nila..." saad ni Walt sakin. "Oo nga... Grabe inspirasyon kana pala..." saad ni Kaze at binatukan sya ni Kent. "Tanga!! Nainspired hindi inspirasyon!!" pagtatama ni Kent na kinatawa namin. "Basta walang kalimutan, Zyphire!!" saad ni Sadie sakin at binatukan sya ni Vinnie. "Bobo... Hindi naman mag kaka amnesia ang ate bat walang kalimutan!! Dapat isama mo kami ha?? Ganun!!" saad ni Vinnie na kinatawa nanaman namin. 'Mga ugok talaga' *CRING* Napatingin kami sa isa't isa nang may tumunog na telepono. Itinaas naman ni Sadie ang kanya at isinagot."Hello... Ah yes tita si Die toh... Ah opo pauwi nadin... Kumain lang po nanh dinner... May binili lang po... Sige po... Ah opo... Kasama ko po... Sige po... See you nalang po..." saad ni Sadie at ibinaba na ang telepono. "Sino yun??" tanong ni Cleo at napatingin naman sakin si Sadie. Naangat ko ang dalawang kilay ko na parang nagtatanong. 'Tita?? Sino nga ba??' "Si Tita Zanra..." saad sakin ni Sadie na kinataka ko. 'Pano nya-' "Pano nya nalaman ang number mo, Sadie??" tanong ni Vinnie at nagkibit balikat si Sadie. 'Sure ball kay Kuya Zyre yun' "Kay Kuya Zyre galing yun... Bakit daw tumawag??" tanong ko at tumayo kinuha ang bag ko. "Tinanong nya kung nasan ako... Kung kasama kita... Umuwi na daw tayo... Hinihintay ka daw nya eh, Fire..." saad sakin ni Sadie at tumayo na nga ako nang tuluyan. "Umuwi na tayo kung ganun... Ako na ang magbabayad nang bills..." saad ni Shu pero inilingan ko ito. Pumunta agad ako kay Ysha sa cashier. "Yung bills para sa table namin..." saad ko at iniabot naman yun ni Ysha agad. Iniabot ko ang bayad ko dito at nagmadaling pumunta kay Kuya Tom. "Fire... Easy ka lang..." saad sakin ni Walt at kinuha na namin yung mga Cart. Mabilis lang kaming nakapuntang parking at buti nalang ay magakkatabi ang pinagparkingan namin. Inilagay naman namin yung mga pinabili namin dun sa compartment nang kotse. "Sunod kami sa inyo, Fire..." saad ni Cleo at tinanguan ko ito. Sumakay na kamk dun sa kotse at pinaandar ko ito papunta sa bahay. "Oo nga pala... Dun muna kayo sa bahay ni Kuya Zyre matulog , Kian... Payag naman siguro yun..." saad ko. "Gesi!!" saad nilang tatlo. Agad din kaming nakapunta sa bahay ni Kuya Zyre. Ipinasok ko sa garahe ang kotse naming apat. "Mukhang nandito nanaman sila..." saad ni Shu sakin at kita namin ang pagpasok nila Cleo. "Ano naman kayang ginagawa nila nanaman dito??" saad ko at kinuha yung box kung saan nakalagay ung projection band. "Ako na magdadala... Sabay sabay na tayo pumasok..." saad ni Shu at tinanguhan ko ito. Dinala na ni Shu yun at pumasok na kami. Pagpasok namin ay nandun ang apat na Chairman at yung parents ni Shu kasama si Ate Kyllie. "Why are you late, Snow??" maawtowridad pero nakakatakot na saad ni Chairman sakin. *LUNOOKKK* 's**t buysrt talaga oh' "I just made the band, Chairman... Tsaka nagkasalubong nadin kami so I offer them dinner..." saad ko at hindi padin nagbago ang tingin nang chairman. 'Yan ang totoong Chairman namin tsk' "Made a band for too long... Nandito na ang dalawa mong Kuya but ikaw ay wala pa... Where did you go??" saad ni Mom sakin kita ko ang pagpigil ni Dad kay Mom. "At the SW mall... Buying something... Anything wrong with buying things at the mall??" tanong ko pabalik kay Mom. 'Sabi na nga ba eh... Pekeng pakitang gilas' "Then bakit may bangas ka nanaman?? Sa mall ba may nagsusuntukan?? Gera??" sunod sunod na tanong ni Mom sakin at mukhang napansin nya ang labi kong putok. Ipinakita ko yung mahabang resibo sa grocery. "This is my bill at the grocery store, toy Kingdom, Miniso, at iba pa sa mall... At etong bangas natoh ay sinalo ko lamang..." saad ko sa kanya na pinakita ang mga resibo na nanggaling sa mga stores na binilihan ko. "Kailan pa nagkagulo sa mall na may sapakan??" saad sakin ni Mom na kinahinga ko nang malalim. "Dahil sa mga nantitrip dun??If hindi nyo ko pinaniniwalaan then don't... The evidence is any where.... By the way... Yung band pala ay gawa na..." saad ko at kinuha kay Shu yung box. Inopen ko ang box at kinuha yung mga band. Iniabot ko yun sa kanila at isinuot naman nila yun. Hinanap nang mga mata ko si Kuya Zyre at bingo. Katabi ni Kuya Zyre sila Kian ngayon. Ako nalang pala ang magisa dito na nasa harap nila. "Bakit nga po pala kayo nandito??" tanong ko. "May natanggap kasi kaming tatlo na code... Perehas na unregistered number tulad kay Chairman Riordan,Snow..."saad ni Chairman Grisson sakin. 'Code nanaman!! Nakikipaglaro ba tong Cinco na toh' Napatingin agad ako kay Kian at tumango ito."Pwede ko bang mahiram ang phone nyo, Chairman Grisson??" saad ko at iniabot naman nya yun. Pumunta agad ako sa dining at isinulat ang code na nandun sa papel. Iniabot ko muli ang phone kay Chairman Grisson. "Kami na lamang po ang bahala..." saad ko sa kanila at tumanho naman yung tatlong Chairman. "Mauna na kami kung ganun... Kita nalang tayo sa bukas..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD