ZYPHIRE
Umalis na sila pati na sina Mom at natira kami dito sa sala. Nandito nadin yung mga binili ko, pinapack ko sya ngayon habang sila Kuya at Kian dine dedecode yung code.
Natulog nadin yung dalawang babae tsaka sina Kaze at Kent. Umuwi naman na din yung tatlong eggnog kasama ang chairman.
"Magkano naman ang ginastos mo sa lahat nang toh??" saad ni Kuya Zyre sakin.
'Magkano nga ba??'
"Mahigit kalahating milyon siguro eh... Basta basta..." saad ko at tapos na nga ang pagpack ko nang mga iyon.
Madami daming bags ang nagawa ko at tumingin ako kila Kuya at Kian na nakatanga sa computer. "Nadecode nyo na??" tanong ko ay sumilip dun sa laptop na gamit nila.
"Hindi pa.... Kakaiba kasi eh... Letters to letters... Tinry na namin yung ginawa nyo daw last time pero wala..." saad ni Kian na nakatingin lang sa code.
"Augustus code??" rekomenda ko pero umiling silang tatlo.
"Hindi din... Tinry na namin pero wala..." saad ni Kuya Zyrille.
'Eh anong ginamit nang mga Peligro dito??'
Tiningnan ko mabuti ang mga letrang nandun. May maiikling words na nabubuo pero kakaiba padin.
'I N G B A B L O O D G U S T O Y W E D D M O'
'Blood?? Gusto?? Wed?? Ing?? Mo?? May words nang nakabuo...'
"22 letters... Divided by 5??"tanong ko.
"4.4, Fire... Para saan yan??" saad nya sakin at kinuha ko yung ball pen at papel.
'Limang na linya pababa kung ganun...'
Sinulat ko muli ang mga letrang nandun at tiningnan mabuti. May wedding kang mababasa dito. Sinulat ko pababa ang mga yun at dinivids sa lima. Gento...
I B G Y M
N L U W O
G O S E
B O T D
A D O D
Ganyan sya pagnilinya mo sa lima by four. May mga words kang mababasa pero hindi ko lang alam kung pano i decode. "Nakakainis naman yang si Cinco... Nagugutom tuloy ako... Gusto ko nang halo halo hmmmm..." saad bigla ni Kuya Zyre at napatingin ako dito.
"Tama!! Halo halo!!" napatingin muli ako dun sa papel at inarrange ang mga letters. Inuna ko ang WEDDING na word at sumunod agad yung GUSTO na word.
'Yweddingbagustomoblood?? Blood Y?? b****y!!'
Bloody!! Inayos ko muli sa papel ang lahat hanggang sa mabasa nang ayos ang mensahe na yun.
B Y I G M
L W N U O
O E G S
O D B T
D D A O
BLOODY WEDDING BA ANG GUSTO MO
"b****y wedding?? Gusto ko??" tanong ko.
"Baka ang sinasabi nya ay yung kasal namin ni Kyllie??" saad ni Kuya Zyrille pero umiling ako.
'Abay gago talaga ang rico hindi nagpapigil'
"Ako tinatanong ni Gago... Hindi si Cinco ang isang yun... Si Rico na..." saad ko at kinuha ang unregistered number na yun.
Hinack ko at hinanap kung sino ang may ari nang numerong ito at bingo. "Oo nga... Si Rico... Ano toh?? Inaaya ka nyang magpakasal??" saad ni Kian sakin na kinatawa ko.
"Tanga lang na demonyo ang magpapakasal sa peligro tsk... May utak ako noh... Kala ko kung ano na..." saad ko at tinaklob na muli ang laptop.
"Ano bang ibig sabihin nang isang yun?? Bakit sa mga chairman pa sya nagtext??" pag-uulit ni Kuya Zyre sakin.
Nakaramdam agad ako nang hilo nang tanungin ako ni Kuya Zyre. Hindi ko makontrol hanggang sa naging blanko na ang paningin ko.
"Gagong snow pala yun ah!! Nauto ako puta!!" napamulat ako nang mata at bumungad sakin si Rico na kausap sila Cinco, Micmic, tsaka isang matandang lalaki at isang kaedad na babae ni Rico.
'Si Uno ang matandang yun... Uno Imperial ang nag-iisang pumatay sa tatay ni Care Bear... Yung babaeng yun lang ang hindi ko kilala'
'Bat nga ba ako napunta dito??'
"Tanga!! Masyado ka kasing inlab sa snow na yun!! Know your limits bro!!" saad ni Micmic dito at napahawak na lamang nang batok si Rico.
"Bobo kese kayo!! Bakit si Rico pa ang pinadala nyo!? Abat okay lang sana kung si Cinco tapos si Rico!! Eh mga gago si Micmic pa!! Mga tanga!! Ikaw!? Ayusin mo ang trabaho mong babae ka!? Siguraduhin mong maaakit mo ang Riordan na bataan na yun!?" saad ni Uno tanda dun sa babae.
"Gago!! Di nyo mauuto yun!!" sigaw ko at napatakip ako nang bibig. Hindi sila tumingin sakin at nakatingin padin sa babae ang pansin.
"Opo, Master... Sure ball na yan... Basta hindi ako magaling sa bakbakan ha??" saad nung babae na kinatawa ko pero wala sakin ang pansin.
Lumapit ako kay Rico at hinawakan ito. Lumusot lang ako. Tumatawid na parang walang Rico dito. "Itetext ko naman ang tatlong Chairman, Master... Siguradong mapupunta kay Snow yun... Tatanungin ko lang kung gusto nya ba nang madugong kasal... Guguluhin ko ang utak nang iaang yun, Master... " saad ni Rico.
'Sinasabi ko na nga ba eh!! Sya ang isang yun'
"Tanga!! Ikaw na bahala dyan... Basta sabado ang kasal... Sabado tayo susugod sa mismong hotel na checheck ingan nila... Kung sakali lang naman na hindi gumana ang plan A ko..." saad ni Uno at napatingin silang lahat kay Uno. Kahit ako ay napatingin.
"Ano bang plan A, Master??" tanong ni Micmic.
"Edi papapasukin natin tong si Wikii sa eroplano bilang flight attendant kunwari... At dun isasaksak ni Wikii ang bomba sa eroplano... Syempre naka ready na ang escape plan nya at BOOM!! Patay silang lahat..." saad ni Uno dito.
'Pasasabugin ang eroplano namin?? Eh pano mangyayari yun kung priva-'
"Kinausap ko na pala si Mr. Natividad at napagkasunduan namin... At ayos lang sa kanya.. Basta malaki daw ang bayad..." saad ni Cinco kay Uno.
'Traydor pala ang Mr. Natividad ang puta!!'
"Basta... Paghindi nagwork ang plan A natin, Master... Plan B tayo... Harap harapang labanan kay Snow... " saad ni Wikii.
"Kasama ka dun sa pagsugod natin, Wikii kung sakali... Gusto kong makilala ang gustong gusto nyo na si Snow..." saad ni Uno at tumawa silang lahat.
Nahihilo nanaman ako at puro tawa na nila ang naiintindihan ko hanggang sa naging blanko uli ang paningin ko.
"FIRE!! FIRE!!" naghahabol ako nang hiningang napabangon ako.
Napahawak ako sa dibdib ko habang naghahabol nang hininga. "Eto tubig... Tubig..." abot ni Kuya Zyre nang tubig sakin. Ininom ko agad yun at ininom nang dahan dahan.
'Ano nanamn ang isang yun?? Kanina ay nakita ko ang buhay nung babae sa mata lang nya... Tapos ngayon ay nakita ko ang nangyayari sa kanila ngayon... Eto na ba yung sinasabi mo, Care Bear??'
Iniabot ko kay Kuya Zyre ang baso at napatingin sa paligid. Nandito si Kuya Zyre at Zyrille pati nadin sina DAD!! "Kamusta ka, Fire?? Ayos ka lang??" saad ni Dad sakin at tumango ako.
"I'm okay... What are you guys doing here??" tanong ko habang nakatingin kila Mom at Chairman ngunit hindi sila sumagot.
"What time is it??" tanong ko uli at kay Kuya Zyrille na ako tumingin. Tumingin siya sa relo nya.
"5:48 a.m and you are sleeping 5 hours and more... Eksaktong 12 midnight kang hinimatay, Fire... Then biglang hindi ka humihinga sa pagitan nang 5:40 to 5:48 hanggang sa eto ka naghahabol nang hininga... What just happened??" saad nya sakin na kinagulat ko. Gulat na gulat talaga teh.
'Limang oras akong nandun at biglang hindi na ako humihinga sa eight minutes... What is happening?? Eto naba yun'
"Hindi ko alam... Ibig sabihin patay na ako dapat but naghahabol ako nang hiningang nagising... Something is happening weird..." saad ko at napatayo na lamang pero hinawakan ni Kuya Zyre ang kamay ko.
"Take a seat and have a rest... Makinig ka sakin kahit ngayon lang, Lil sis..." saad ni Kuya Zyre na bigla akong niyakap. Naramdaman kong namamasa na ang suot ko.
'Umiiyak si Kuya Zyre??'
Napatingin ako kay Kuya Zyrille na lumabas kasama sila Dad. "Gago ka, Fire!!" saad nya sakin at bumitaw sa pagkakayakap.
"Lah minura pa ako... Bakit naiyak ang gwapo kong kuya??" tanong ko dito habang nagpupunas ito nang luha.
"Ikaw!! Kasalanan motoh!! Pinaiyak moko!! Kala ko iniwan mona ako..." saad nya sakin na kinangiti ko.
"Bakit naman kita iiwan, Kuya?? Ikaw talaga... May nangyari lang... Nalaman kung baga..." saad ko at napatingin ito sakin.
"At ano naman yun?? Bakit kanga pala nawalan nang malay??" saad nya sakin at umupo ako dun sa kama at tumabi naman sya.
"Kanina kese yung cashier sa Miniso... Tiningnan ko sya sa mata tapos biglang may nagpakita na kwento at nakita ko ang cashier sa kwento... Tinanong ko sya at totoo tapos kanina... Nang mawalan ako nang malay... Biglang naging kaluluwa ako... Nalaman kong pasasabugin nila ang eroplano nating sasakyan at yung babaeng Wikii ay magpapanggap na flight attendant para pasabugin nga... At naniniwala akong mangyayari yun... "mahabang saad ko sa kanya at kita ang pagkagulat nya.
"Kung totoo ang sa Cashier... Maaaring totoo ang sa eroplano... Gusto mo bang kausapin natin si Natividad??" saad nya sakin pero inilingan ko ito.
"Ang sabi lang naman ay yung Wikii ang may dala nang bomba at ididikit nya yun... Tayo na lamang ang umiwas... " saad ko.
"Ngunit paano??" saad ni Kuya Zyre sakin at sinabi ko sa kanya ang plano namin.
Tawa naman nang tawa si Kuya Zyre sa sinabi ko. "Sure ball ako sa plano mo!! Ako na ang bahala sa sinabi mo..." saad ni Kuya Zyre sakin na kinatawa ko din.
"Baliw... Bakit nga pala nandito ang mga yun??" saad ko at nagshrug ito.
"Baka tinawag ni Zyrille... Alam mo naman yun kanina... Ako nga hindi makapaniwala tapos sya nakatawag pa ang pwet..." saad ni Kuya Zyre na kinatawa ko.
"Kakaiba talaga ang kuya nating yun..." saad ko at tumayo na. Lumapit ako dun sa table na may salamin.
"Sinabi mo pa... Oo nga pala, yung sa kasal... Tutulong ako sa pag-aayos kung sakali..." saad sakin ni Kuya na lumapit sakin dun.
Buti nalang yung bangs kong nasa gilid ay ayos pa. Ang haba nadin nang buhok ko na naka pantay sa dibdib ko. "Ang bilis humaba nang buhok mo ah..." saad sakin ni Kuya Zyre at tumango naman ako.
"Ewan koba... Pupunta pa tayo sa libing ni Tito Zeus diba??" saad ko sa kanya.
"Dito lang kayong dalawa ni Zyre... Kailangan mo daw magpahinga lalo na't nag-agaw buhay ka kanina,Lil sis..." napatingin kami sa nagsalitang iyun at si Kuya Zyrille nga nakakapasok palang.
"Eh?? Anong oras ba ang punta nyo?? Baka naman nakapagpahinga na ako..." saad ko at lumapit ito sakin.
"Alas seis na at alas once ang libing... Pupunta kami dun sa bahay nila bago mag alas once... Maglalakad pa kami kaya hindi ka pwedeng sumama... Mapapagod kalang..." saad ni Kuya Zyrille at bumagsak na lamang ang balikat ko.
"Wala na bang ibang paraan??" tanong ni Kuya Zyre pero umiling si Kuya Zyrille.
"Kailangan nyang magpahinga, Zyre... Pasensya na talaga,Lil sis..." saad ni Kuya Zyrille. Pinilit kong ngumiti at binigyan ito nang thumbs up.
'Maling oras naman kasi eh'
"Ayos lang... Wala akong magagawa..." saad ko sa kanila.
'Puta ganun ganun nalang talaga yun hayyysss'
'No choice ka ghorl!!'
"Maligo kana muna, Fire... Hihintayin ka namin sa baba... Pasensya na talaga, Lil sis..." saad sakin ni Kuya Zyrille at hinalikan ang noo ko.
"Ayos lang... Susunod nalang ako sa baba..." saad ko at nginitian sila.
Pagkasarado nila nang pinto ay naligo agad ako. Pinatuyo ko pa ang buhok ko at nagbihis nadin. Sinuot ko yung preto regattas na black tapos high waist na short na black maong then yung suot kong jacket kahapon. Nagslippers lang din ako at inayos yung sarili ko. Kinuha ko ang phone ko at nahiga muna sa kama.
*KNOCK*
*KNOCK*
Napatingin ako sa pinto dahil sa katok na yun na naguunahan. "Fire!! Pwede kaming pumasok!!" sigaw na galing sa pinto.
"Pumasok kung papasok!!" sigaw ko pabalik at bumukas na nga ang pinto.
Bumungad sakin sila Sadie at Vinnie na lumapit agad sakin. Umayos naman ako nang umupo syempre. "Anong ginagawa nyo dito??" tanong ko at alalang alala ang mukha nanh dalawa.
"Ano bang nangyayari??" tanong ko uli at nagpapasa-pasahan silang dalawa nang tingin.
'Nakakaramdam ako nang pag-aalala dahil sa inaasta nila'
"S-si... Zyre kasi" tuluyan na akong nilamon nang kaba sa sinabi ni Sadie.
"Nasan sya!?" hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa pag-aalaala.
'Anong meron kay Kuya Zyre??'
"Bigla syang h-hinimatay, Fire..." saad ni Vinnie at napatakbo na lamang ako palabas nang kwarto ko.
'Anong nangyayare!! s**t'
Bumaba agad akong hagdan at hinanap si Kuya Zyre sa sala pero wala. Sunod sa dining pero wala din. "Kuya Zyre!? Gago naman eh... Nasan kaba, Kuya!?"
Napasigaw na lamang ako sa pag-aalala. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Dumeretso naman ako sa garden pero wala talaga. "Ano bang nangyayari?? Kuya!?" sumigaw uli ako pero walang sumagot.
'Ano toh?? Prank'
'Mamaya may sisigaw na IT'S A PRANK!! TANGINANG PRANK YAN MGA GAGO!!'
Pumasok na lamang uli ako. "f*****g s**t!! Ano toh??" kakatapak ko palang sa entrance nang bahay ay may naki na akong mga rose petals ba toh??
"Sino namang nagkalat netoh??" saad ko atmay nileleead itong daan. Hindi ko muna dinaanan yun at nakatayo padin dun sa pwesto.
"Hoy!! Sinong nagkalat netoh!? Linisin nyo toh!?" sigaw ko at may narinig akong bungisngis.
Biglang lumitaw sa sala si Sadie at Vinnie na abot tenga ang ngiti.
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
'FUDGE!!BAKIT GENTO TONG NARARAMDAMAN KO!! MAY PART NA EXCITED AT KINAKABAHAN TAPOS MAY PART NA MATUTUWA ANG PWET!!'
"Sundan mo na lamang ang path, Fire..." napatingin naman ako sa nagsalita.
'Si walt?? Tsaka si Cleo?? De puta anong nangyayari dito??'
"Siguraduhin nyo munang lilinisin nyo toh pagtapos kong dumaan dito..." saad ko kay Walt at tumawa naman silang apat.
"Ang weird nyo mga de puta!!" saad ko sa kanila at tumawa nanaman sila.
"Easy ka lang fire... Sundan mo nalang ang ginawa nang mga de puta..." saad ni Cleo na kinatawa ko na talaga.
'He admit it... De puta talaga silang apat tche!!'
Naglakaf naman ako nang dahan dahan dun sa path na yun. Malay natin may patibong. "Ikakasal naba ang Snow namin sa lakad na yan??" saad bigla ni KAZE!?
'Ngayon silang tatlo ang nagpakita katabi na nung apat na de puta...'
Tumigil naman ako sa paglalakad nang tumapat ako sa kanila. "Ano toh!? Silang apat mga de puta!! Tapos kayong tatlo ano?? Mga f*****g tanga?? Myghad!!" saad ko at tumawa nanaman sila.
'Ang weird talaga buyset...'
"Kami nga ang f*****g tanga... Kaya maglakad ka nalang uli..." natatawa pang saad ni Kian.
Naglakad na lamang uli ako at sa bawat hakbang na aking tinatahak ay ang kaba at excutement na idinadagdag sa aking damdamin. Hindi malaman ang nangyayari ngunit ang alam ko lang ay KINAKABAHAN AT AKO'Y NASISIYAHAN.
Tumigil ako saglit at napatingin kay Kuya Zyrille na nasa gilid nang pasukan nang pool. "Hinimatay daw si Kuya Zyre... Then what the f*****g s**t are you doing here??" saad ko at tinaasan ito nang kilay.
Tumingin naman ito sa likuran ko na parang nagtatanong "Bakit naman maraming petals sa sahig?? Ngayon na din ba ililibing ang Kuya Zyre?? At talagang isinabay nyo pa sa libing ni Tito Zeus??" biro ko dito.
'Bakit ba ang tense naman kasi nang paligid eh'
Rinig ko naman ang pagtawa nang mga nasa likuran ko. Tumingin ako dito at nagpamewang. Nagulat ako dahil tumambad si Kuya Zyre sa likuran ko habang nasa likuran naman nya sila Sadie.
Nag act ako na parang natakot kunwari. "Hala f*****g kuya!! Nagmumulto agad ang Zyre sakin?? Ang bilis naman kala ko pagkalibing tsaka nagmumulto..." saad ko at hinampas naman ako ni Kuya Zyre.
"Owmaygasshhh!!"
"Bakit, Fire??" tanong sakin ni Sadie.
"May bago akong natutunan... Na ang multo ay nahahawakan ka pala... Nrw disvovery guysss!!" saad ko at tawa na nga sila nang tawa.
'Mga siraulo pagtawa lang pala ang napala ko'
"Tigil tigilan mo nga ako, Fire... Puro ka biro..." saad ni Kuya Zyre sakin at nagpamewang ako sa harap nya.
"At ako pa ang nagbiro?? Sino bang nagsabing nahimatay ka daw?? Edi akala ko deds kana dahil sa petals... Myghad ano tong petals kung ganun?? Road to hell ko ganun?? Winewelkam na ako nang demonyo sa tirahan nya..." saad ko at tumawa nanaman sila.
♪Hey, have you ever tried♪
Napatigil naman ako nang may marinig akong kumanta. Napatingin naman ako sa paligid pero wala akong nakita.
'Ang manly nang boses nayun... Malamig at nakakainlababo para sakin...'
♪Really reaching out for the other side♪
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
Kinabahan ako nang todo nang may maalala ako. Hindi ako naniniwalang sya ang kumakanta.
'Okay... Baka nakaspeaker lang yun... Wag kang assuming teh!! Speaker yun for sure!!'
'Pero yung strap nang guitara teh!! Sya yun on live beh!!'
♪I may be climbing on rainbows
But baby, here goes♪
Kinilabutan na talaga ako sa huling strap nang strings. Sumilip ako sa pool side at dun na ako tuluyang nilamon na lupa CHAR.
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
Napatingin ako sa mga mata nito at puno iyun nang pagmamahal na nakatingin lang sa mata ko. Para akong ice cream diti na tunaw na tunaw na sa tingin nya.
'Ano nanaman bang ginagawa nya sakin??'
♪Dreams, they're for those who sleep
Life is for us to keep♪
Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. "What is happening??" bulong ko sa kanya at nginitian lang nya ako nang NAPAKATAMIS.
'Ewan ko pero parang may kumikiliti sa puso ko teh... Ngayon ko lang uli ito naramdaman pero ang alam ko lang ay..'
'KINIKILIG AKO SA GINAGAWA NYA'
♪And if you're wondering what this song is leading to♪
Lumapit ito sakin at hindi ko na napigilang mapangiti. Kinuha nya ang kamay ko na kinacring ko konti.
'Ano bang gagawin nya sa kamay ko??'
'Malay mo halikan nya teh diba??'
'Ano toh teleserye?? Telenobela?? Asianovela?? Reality to teh'
♪I want to make it with you♪
Bigla nyang itinaas ang kamay ko at pinaikot ako at sa diko malamang rason ay UMIKOT AKO MGA TEH. Nagulat naman ako nang hilahin nya bigla ang bewang ko papalapit sa kanya. Awtomatikong nilayo ko konti ang muka ko nang maramdaman ko ang hininga nya sa lapit nang mukha namin.
'Alam ko toothpaste netoh... Colgate to eh... Pinapapak ko dati toh eh hehe'
♪I really think that we could make it, girl♪
Bulong na pagkanta nya sa pagitan namin at binitawan na ako. Nasa kanya lang ang paningin ko diko matanggal parang namagnet ang mata ko. Umalis ito sa dati nyang pwesto at tumambad sakin ang mga balloons na kulay pula at may mga letra pang lobo.
CAN I COURT YOU, BINIBINI
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
Ewan ko pero may parte sakin na ang saya saya at may parte sakin na ang lungkot lungkot. Hindi malaman ang babalingan nang tingin. Hanggang sa lumapit sakin si Shu at may inaabot.
"Can I court you, Snow??"