Chapter 34

3071 Words
ZYPHIRE "Can I court you, Snow??" Naramdaman ko ang pagtalon nang puso lo sa sinabi nya pero may pag-aalinlangan padin ako. Takot oo. Takot magmahal ulit yun ang nararamdaman ko. 'Anong isasagot ko??' Napatingin ako kila Kuya na malapit lang sakin at nakangiti. Tumingin ako kay Shu muli na nakatayo na at nakatingin deretso sakin na para bang binabasa ang aking mata. "Okay lang kung hindi moko tipo... Ayos lang kung hindi ka sigurado... Pero hayaan mokong ligawan kita sinta... At pagtumagal sisiguraduhin kong sigurado kana..." dun sa sinabi nya, natuwa nang tuluyan ang puso ko. Tuwang hindi ko pa nararamdaman. "Hindi ka mahirap mahalin, Stickman... At alam kong darating ang araw na mamahalin din kita... Ngunit makakapaghintay kaba??" saad ko sa kanya. Nag-aalinlangan ang tingin ko dahil sa pandederetso ko sa kanya. 'Sana makapaghintay ka, Shu... Sana' "Kaya kong maghintay, Nerdy... Kahit magpakailanman maghihintay ako..." saad nya sakin at nginitian nya ako. 'Sana masabi mo pa yan pagnandun kana sa future' "Kung ganun... Pinapayagan mo na akong ligawan kita, Nerdy??" saad nya na kita ang tuwa. "Oo... Wala naman na ako-HUK" Napatigil ako sa pagsasalita nang yakapin ako ni Shu nang mahigpit. Biglaan na kinagulat ko talaga. Iba si Shu sa kung sino at yun ang tatandaan ko. Napangiti na lamang ako sa ainabi nya kanina. Tula ang isang yon at mukhang yun ang una kong maisusulat. Bumitaw ito sakin at nagtatatalon na kala mo ay nanalo sa lotto. 'Palaka ka ghorl??' Tumigil naman ito at tumingin sakin na abot TENGA ang ngiti. May iniabot ito sakin na bouquet nang tulips at sa gitna nun ay may nakarolyong papel. "Para nga pala sayo... Nakalimutan kong ibigay kanina sa kanta... Tsaka ano..." saad nya at kinuha ko yung bouquet na yun. 'MY BABY TULIPS ARE HERE MWUAAAHH!' Napatingin naman ako kila Cleo. "At kayo ang may pakana nang lahat??" saad ko at nagpamewang sa harap nila. "Hindi ako... Yung daang petals ay galing kay Sadie tsaka Vinnie... Romantic daw eh HAHAHAHA" saad ni Kaze at natawa naman kaming lahat. "Eh maganda ba ang pa balloons naming lahat??" saad ni Kuya Zyrille sakin. "Hmmm..." saad ko at tumango. Nagapir apir naman sila na kinatawa ko. *KALABIT* Napatingin ako sa likod ko nang may kumalabit sakin. "Hello... Pwede mo ba akong angkinin??" bumungad sakin si... 'DAEMON?!' Nagulat ako nang bumungad sakin ang isang cute na doraemon. Namukhaan ko agad ang isang yun. Napatingin ako kay Shu na hawak hawak yun. "S-sakin toh??" tanong ko sa kanya at napawahak ito sa batok nya. "O-oo..." napayakap ako dito dahil sa sinabi nya. 'Huhu ngayon lang ako nakatanggap netoh kasi hindi din ako nabili netoh' "Ngayon lang ako nagkagento... Salamat!!" saad ko at bumitaw na sa yakap. Binigyan ko sya nang magandang ngiti. "Ngayon lang??" tanong nya sakin at tinanguhan ko ito. "Oo eh... Hindi ako nabili nang gento... Dahil ang tungkulin nang perang nahahawakan ko ay tumulong..." saad ko sa kanya at nginitian ito. "Salamat talaga ah..." saad ko sa kanya at nginitian naman ako nito. "Huyyyyy... Picture naman kayong dalawa!!" saad ni Sadie at napatingin kami dun. "Pahiram ako nang phone mo teh... Tapos picture ganun..." saad ni Vinnie na hawak hawak ang phone ko. 'Pano nya nakuha ang isang yun??' "Sige na sige na... Pumwesto na kayo... Gusto ko pang mag almusal..." saad ni Kent na kinatawa namin. 'Kailangan ba talaga mag picture?? Ayts' Lumapit si Sadie at pinagdikit kami netong ni Shu. Wala naman mali para sakin kaya ngumiti ako. "1...2...3... SMILE!!" saad ni Vinnie. *FLASH* Pagtapos nun ay luampit kami ni Shu dun. "Ang cute..." saad ni Shu. "Ko syempre..." dugtong ko sa sinabi nya at tumawa naman sila. "Ay nako... Tara na at mag almusal na lamang..." saad ni Kuya Zyre na kinatawa namin. Nagpunta naman na kaming lahat sa sala at puro kalokohan ang ginagawa nila samin ni Shu. 'Mga loko' "Dun na lamang tayo sa may restaurant ko..." pagaaya ko sa kanila at tumango naman sila. "Gesi!! Basta Italian dishes naman!!" suwestyon ni Sadie at nginitian ko ito. "Game!!" saad nilang lahat na kinatawa ko. *SA RESTAURANT* Nakadating naman na agad kami restaurant. Hindi yung nasa mall kundi yung malapit lang sa FIS mga kanto ganun. "Sayo toh?? Sarado pa... Pano yan??" saad sakin ni Kaze at umiling ako. "May tao nadin dyan... Hindi pa lang talaga bukas..." saad ko at tumakbo papunta sa pinto na yun. Kinatok ko sya at bumukas naman. Bumungad sakin si Ysha. Dito talaga sya nagtatrabaho. Nadalaw lang dun sa mall. "Good morning, Ms. Owner... Napapadalas po kayo ah..." saad sakin ni Ysha at napatingin sa likod ko. "Good morning din... Magbebreakfast sana kami..." saad ko sa kanya at nginitian ko ito. "Ah ganun po ba... Pasok po kayo... Kanina papo dumating ang lahat... Inaayos lang po yung stage natin para sa performer tapos ioopen nadin.." saad sakin ni Ysha at pumasok na kami. 'Ang ganda padin dito... Paborito kong tambayan' Umupo kami dun sa mahabang table na eksakto para samin. Kitang kita yun pagmagpeperform. "I open nyo na din tayo... Madami dami na ding naghihintay sa labas..." ZYRILLE Iniwan muna kami ni Zyphire para lapitan ang mga staff. Ngayon ko lang nalaman na may restaurant sya. "Ang galing noh, Kuya... May restaurant sya agad..." saad ni Zyre sakin na katabi ko lang. 'Kahit ako ay nagulat' "Ngayon ko lang nalaman toh... Saan naman sya kumuha nang pera??" tanong ko kay Zyre. "Naalala mo yung late syang umuuwi at may bangas pa..." saad sakin ni Zyre at napatingin ako sa kanya. 'Naaalala ko ang mga araw na yun... Halos araw araw syang may bangas tapos pinapagalitan din namin nila Dad, Mom, At Chairman araw araw... Tsaka nadin ni Care Bear nya pinapagalitan sya' "Oo... Halos araw araw syang may bangas at lahat kami ay nagagalit sa kanya... Except sayo..." saad ko sa kanya at tinanguhan nya ako. Napatingin ako sa mga kasama namin at nakikinig pala sila. "Si Zyphire?? Bangas araw araw??" tanong ni Cleo at tinanguhan ko ito. 'Araw-araw as in' "Kaya hindi ako nagagalit dahil may dahilan sya kaya ganun ang nangyayari..." saad nya sakin na pinagtataka ko. "Dahilan?? Makipagsuntukan?? Nagalit ako kasi kababae nyang tao nakikipagsuntukan..." saad ko kay Zyre at umiling lang ito. "Dahil dun nagkakilala kami, Zyrille... 14 years old sya nang magkakilala kami dahil sa suntukan..." saad ni Kian sakin. "Ano nga bang dahilan ni Fire??" tanong ni Vinnie. "Simula nung catorce si Fire ay umuuwi syang may bangas at late nadin... Pinapagalitan sya dahil sa nakipagsuntukan daw... Nakakatawang hindi niyo inalam ang totoo..." saad ni Zyre samin. 'Tama sya... Putak lang kami nang putak nang hindi alam ang dahilan' "Oo naaalala ko yan, Zyre... Nakikipagkita pa sya samin nang may bangas sa mukha... Loko loko yun eh..." saad ni Sadie na natatawa pa. "Ano nga bang dahilan nya??" tanong ni Walt. "Pagkatapos nang school ay nagtatrabaho sya... She works as a staff sa isang coffee shop lang din... Catorceng nagtatrabaho... Hindi kapani-paniwala diba??" saad ni Zyre na kinagulat ko. "Nagtatrabaho?? Si Fire?? For what... May pera naamn binibigay sila Mom ah..." saad ko pero umiling ito sakin. "The money that she used ngayon... Para sa kasal mo... At dun sa mga pinack nya kagabi... Sa kanyang pera yun... Hinding hindi nya ginalaw ang pera sa bangkong binigay nila Mom... Ni kay Care Bear na binigay ay wala syang ginalaw, Zyrille..." saad nya sakin na kinagulat ko. "L-lahat nang yun ay hindi nya ginalaw?? Kung ganun... Hindi padin sapat ang isang yun para makapagpatayo sya nang isang restaurant..." saad ko sa kanya at umiling lang si Zyre. "Tama ka,Zyrille... Hindi sapat... Three years ago nang magkakilala kami... Which is sa isang underground fight yun..." saad ni Kaze na kinagulat ko literal. 'Underground fight!?' "Kami ang nandun sa laban at kalaban namin ang isang champion na hindi matalo talo... Malaki kasi ang price at mapagaaral namin si Shasha pagnanalo kami... Kaya lang... Bagsak kaming tatlo... Kala namin katapusan na nun..." saad ni Kian samin. "Pero anong nangyari??" tanong ni Shu at lahat kami ay nakaabang. "May dumating na dilag... Tinulungan nya kaming tumayo nun... Narinig ko na lamang ang sinabi nya dun sa higanteng kalaban namin na 'Yan lang ba ang kaya mo!!' nagulat ako sa sinabi nyang yun..." saad ni Kent samin. "S-sinabi nya yun??" tanong ko at natatawang tumango si Kent. "Nung una nagulat kami... But inilabas nya kami sa ring tapos sya ang pumasok... Nagkagulo ang buong arena..." saad naman ni Kaze samin. "Nagkagulo?? Bakit??" tanong ni Shu. "Nagkagulo sa saya... At gulat din haha... Dahil isang catorceng babae pa ang nakatalo sa 5 years na sunod sunod na champion... Bagsak na bagsak ang higante at bugbog na bugbog.... Wala na ngang malay eh haha" saad ni Kian na kinatawa din namin. "Magkano ang presyo na nakuha nya?" tanong ni Sadie. "Putok na putok ang labi nya nang matapos yun... Ang presyo kasi nun ay kung magkano ang gusto mo... Wag lang hihigit sa 5 milyon..." saad ni Kent na kinagulat namin. "Ibig sabihin... Limang milyon ang nakuha nya??" tanong ko pero umiling yung tatlo. "W-wala syang nakuha sa totoo lang... Dahil kami ang tinanong nya kung magkano... At kami ang tumanggap nun... Ngunit hindi padin sapat ang limang milyon para kay Shasha... Mahal pala kasi ang tuition sa gusto nyang paaralan..." saad ni Kaze na kinagulat namin. "Kung ganun... Nasaan na ang limang milyon??" tanong ni Zyre. "Pinambayad sa paaralang papasukan ni shasha... At si Snow ang nagdagdag na lamang nang iba pa... Nagpapasalamat nga kami sa kanya at pati ang Dad ni Shasha na nagiisang guardian namin ay pinagaling nya..." saad ni Kian na kinatuwa ko. 'Madami nga talaga syang natulungan..' "Sa buong isang taon ay nacure nya si Dad... Binigyan nyang pag-asa si Dad.. Si Dad na walang tiwala sa mangyayari... She give us hope... Kese ang alam lang namin nun ay mawawala na si Dad but... Now my Dad is a Cancer survivor..." saad ni Kaze na kinahanga ko. 'Woooww... Nakakahanga' "Woooowww!! Nakakahanga talaga si Fire..." saad ni Sadie. "She is Unique... Para syang anghel na dinala samin... She helps everyone who needs help..." saad naman ni Kent. "Kaya pala yung sa miniso... Tinulungan nya..." saad ni Walt samin. "Sa Miniso??" tanong ko at nagtanguhan sila. "May cashier po kasi sa miniso... Mas malaki kasi ang sukli nya sa binayad nya but... Binigay nya dun sa cashier yung sukli..." saad ni Cleo. "Ang natatandaan ko ay... Twenty eight thousand mahigit yun..."saad naman ni Vinnie na kinagulat ko. 'Twenty eight thousand mahigit pinamigay lang nya!!' "That is the reason bakit sya umuuwi nang gabi at may bangas, Kuya Zyrille... Kung sya ang natanggap nang pera ay mas mayaman sya kesa kila Mom... But the money that she will always hold ay hindi para sa kanya... Para sa mga taong may mas nangangailangan nun.."saad ni Zyre. Proud ako sa kanya at nagsisisi sa nagawa ko.  Buti nalang at hindi sya yung taong magalitan but bumabawi ako sa kanya dahil sa mga kakulangan ko."Buti hindi sya yung taong nagtatanim nang sama nang loob... Mabuti syang kapatid..." saad ko at kita ko ang ngiti nila dun. Napatingin kami nang may humampas nang lamesa. "Yooowww... Sya si Hiro yung sa kahapon... Tapos eto yung chef kahapon din... Si Brylle... Sya si Kuya Zyrille tapos Si Kuya Zyre... Mga kuya ko..." si Zyphire pala. May kasama syang dalawang lalaki. Mga kasing edad lang din nya yun. "Dito muna kayo... Kakausapin ko lang yung iba... Ngayon lang uli kasi ako nakabalik dito..." saad ni Zyphire. "Ah oo nga pala, Snow... Kahapon may lalaking pumunta dito... Hinahanap ka eh... Sabi naman daw nila Marie ay hindi kapa dumadalaw... Nageeskandalo pa nga eh..." saad nung Hiro at kita ang pagtataka ni Fire. "Lalaki?? Ano daw bang pakay??" saad ni Fire. "Ikaw daw po eh... Nageskandalo pa nga eh... Pinagpipilitang nandito ka daw... Tanong mo nalamang sila Marie..." saad nung Brylle at tinanguhan sya ni Fire. "Okay... Kuya Zyrille dun muna ako kila Marie... Kakamustahin ko lang sana..." saad ni Fire at nginitian ko ito. Pagkaalis nito at ang pagtabi samin nung Brylle at Hiro. "Yung sa kahapon pala, Bro... Sarap nung mga filipino dishes..." saad ni Cleo dun sa Brylle. Nahihiya namang ngumiti yung Brylle. "S-salamat..." saad ni Brylle dito. "Pano pala kayo napadpad dito?? I mean... Pano kayo nakapagtrabaho dito..." saad ni Sadie. "Oo nga... Para sakin para kang isang magaling na Chef..." saad naman ni Vinnie at tumango naman si Brylle. "Hindi pa ako isang chef... Yun ang totoo... Nag aaral oo..." saad ni Brylle na pinagtataka namin. "Sa mga sinasabi nila ay... Para kang chef dahil daw sa sarap... Pero hindi pa??" saad ko at umiling ito. "Zyrille?? Yung panganay na kapatid ni Snow?? Oo eh... Nag aaral palang ako... Second year college ngayon... Si Snow ang nagpapaaral sakin... Samin..." saad ni Brylle na kinagulat ko. "Eh?? Sa inyo??" tanong ni Zyre at tumango yung dalawa. "Lahat kaming nagtatrabaho dito ay pinapagaral nya... Lima na ang napagtapos nya at yung limang yun ay mga successful na... Pinagaaral na nga po kami may sweldo pa... Nakakabilib po ang kabaitan nya..." saad ni Hiro na kinahanga ko. 'Restaurant lang ang meron sya pero ginagawa nya ang lahat para makatulong... Nakakabilib' "Wow... Nakakabilib ang Fire..." saad ni Zyre na kinangiti ko. "Hoy!! Anong pinagkwekwentuhan nyo dyan??" napatingin kami sa sigaw na yun. Si Zyphire lang pala na may dala dala nang pagkain. Tumayo agad sila Hiro at Brylle pero inilayo ni Fire ang dala nya. "Maupo na lamang kayo at sumabay na samin... Ako na ang bahala dito..." saad ni Fire na inaayos ang pagkakalagay nang pagkain. 'Hindi ko alam ang nagawa ko pero... Bakit ang swerte ko na magkakapatid na ginawan na nang lahat nang masama but... Wala kang makikita galit ni lungkot??' "So... Kain na ba tayo??" tanong ni Zyre na akmang kukuha na nang pagkain pero pinalo yun ni Fire. "Kuya Zyre talaga ang takaw... Dasal muna..." saad ni Zyphire na nginitian kami. "Ow yes... Dasal dasal muna... Ikaw na maglead, Fire..." saad ni Sadie na kinatawa namin. "The name of the father... And of the son... And of the holy spirit Amen..." paninimula ni Fire na nakapikit. 'Pasensya na, Fire... Hindi kita kayang saktan kaya hindi ko kayang sabihin sayo... Pasensya na, Fire... Sana mapatawad moko' "Amen!!" sigaw nila at kumuha na nang kakainin. Kumuha na lamang din ako at habang nakain kami ay padami nang padami ang tao. Sikat nga talaga ang restaurant nya. ZYPHIRE N atapos nadin kami kumain at puro na lamang sila kwentuhan. Puro tawanan kami dahil kay Hiro at Sadie na puro biro ang dala. Madami nading costumer at may nag gamit nadin nang entablado. "Ahh oo nga pala... Mamaya ay pupunta tayo sa libing ni Tito Zeus hindi ba??" saad bigla ni Sadie na kinalungkot ko. 'Oo nga pala... Hindi ako makakapunta hayysss' "Hindi ako makakapunta eh... Gustuhin ko man pero... Hindi pwede..." saad ko sa kanila at kita ang pagtataka. "Ha?? Bakit naman??" saad ni Shu na katabi ko. "Pasensya na... Pinagpahinga kasi muna ako dahil sa nangyari..." saad ko at kita ang pagtataka nila. "Anong nangyari??" tanong ni Walt. "Yung... K-kamuntikan kanang mawala, Fire??" nauutal na saad ni Vinnie at tinanguhan ko ito. "Oo eh... Pahinga daw ang kailangan ko... Sasamahan naman ako ni Kuya Zyre..." saad ko. "Kung ganun... Magpahinga ka na lamang..." saad ni Vinnie sakin. "Mas makakabuti sayo ang magpahinga nalamang muna..." saad naman ni Shu at tunanguan ko ito. "Kung babalik kayo... Dito na lang din... Magsestay na lamang muna ako dito... Gusto kong makilala ang lalaking nageeskandalo daw rito..." saad ko sa kanila at nagsitayuan naman na sila. Tumayo nadin ako at lumabas na kami. Puro kwentuhan at biruan. Bumalik nadin sa trabaho sila Hiro at Brylle."Ah kuya... Sumama kana rin kaya sa kanila... Kaya ko naman dito... May mga kasama din naman ako..." saad ko nang sumakay na sila Sadie. Napatingin naman si Kuya na nag-aalinlangan. "Eh pano kung mapano ka??" tanong ni Kuya Zyre. "Wag kang mag alala, Kuya... Magiging ayos ako... Basta kung pupuntahan moko... Dito lang ako.... Di naman ako aalis hangga't hindi mo ko sinusundo..." saad ko at napahinga nalamang ito. "Kung ganun... Babalik agad ako... Wait for me... Wag kang gagawa nang ikakahingal mo... Love you..." saad nya at hinalikan pa ang noo ko. Nginitian ko naman ito. "Okieee... Love you too... Ingat kayo!!" saad ko nang umandar na ang mga kotse nila. Pumasok na lamang uli ako kasabay nang mga pumapasok. "Oh, Ms. Owner... Kala ko po sasabay na kayo sa kanila..." bungad ni Ysha at umiling ako. "Naku... Dito na muna ako... Tutulong din ako sa inyo noh... Kailan paba wala ang mga entertainer natin?? Yung singers??" tanong ko at lumapit kami kila Hiro dun sa may kuhaan nang pagkain nang mga waiter. "Matagal nadin po... 1 month na po eh..." sagot ni Marie. "Eh?? Kung ganun wala nang gumagamit nang stage??" saad ko at tumango sila. "Eh kung ikaw kaya, Snow??" saad naman ni Brylle galing sa bintana. "Ako?? Wala pa namang nagrerequest eh... Tsaka hindi maganda boses ko..." saad ko at inilingan sila. "Kaya nyo yan, Ms. Owner... Ang ganda nga po nang boses nyo eh... Naiinip nadin po kasi minsan ang costumers natin. " saad naman ni Hiro na inaabot ang isang gitara. "Hayyysss sige na nga... Anong oras naba??" saad ko. "Ala una nadin po, Ms. Owner... Sige na po... Mga alas syete naman po ang sarado natin..." saad ni Ysha at napahikab na lamang ako. "Oo na... Sige na..." saad ko at pumunta dun sa stage sa harapan.Napatingin naman sakin ang lahat nang costumer. *LUNNOOOKKK* "So yun,Guys... Welcome sa Sizzling Fire Restaurant... It's been a month nadin tayong walang singer sa entablado hindi ba??" saad ni Ysha. "Tama!!" "May special guest po kasi tayo ngayon... Hindi ko masasabing artista dahil... Hindi naman talaga artista... Mukhang oo pero hindi po..." saad ni Ysha na kinatawa nila kahit ako. May nagtaas naman nang kamay na kinaagaw nang pansin namin. "Yes, Ma'am... Ano pong masasabi nyo??" saad ni Ysha dun. "Diba sya si Zyphire Snow??" nagulat ako sa sinabi nang babae. Iniabot naman sakin ni Ysha ang microphone at umalis na. "A-ako nga po... Pano nyo po ako nakilala??" tanong ko at kita ang tuwa sa babae. "Ikaw nga!! Waahhhhh sya yung babaeng going viral!!" sigaw nung isa pa na tumayo. 'Going viral??' "Going viral?? Saan po??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD