Chapter 48

3070 Words
ZYPHIRE NAPATIGIL kaming anim sa sinabi nun. Napatayo agad ako sa pagtataka. "Pinapatawag tayo nun ah..." saad ni Walt na kinatango ko. Mabilis makaramdam o mabilis lang talaga ang balita. Inaasahan ko ang mangyayaring toh. "Tara na... Inaasahan ko din naman ito..." saad ko at inaya na silang pumunta dun. Sumunod sila sa sinabi ko at hindi sila nagsalita. Nagtungo kami dun sa taas kung saan kitang kita ang buong tournament. "Code, miss..." saad sakin nung lalaki na mukhang bantay dun. "F. I. R. E" saad ko dito at pinag buksan nya kami nang pinto. Pagka pasok namin ay bumungad ang isang matipunong lalaki na mukhang na sa 20 years old na ito kung titigan. Pamilyar sya sakin na mukhang nakalaban na nang kung sino dahil sa baluktot nyang tenga. Half n***d pa ito na animo'y hindi naiilang samin. Nginitian ako nito at nag spread nang arms. "Woooww the champion is here... You really are a god damn beauty.." saad nito na akmang yayakapin ako ngunit itinuro ko yung h***d nyang dibdib. "Hands off, Martin... Go get some shirt..." saad ko dito at natatawang nag cross arm ito sa harap ko. Napatingin ako kila Sadie at Vinnie na nakatakip na pala nang mata. Bumaling uli ako kay Martin na hindi padin nagbibihis at nasa harapanko padin. "Kilala mo padin pala ako, Snow... Kala ko ay naka-" "Get some shirt or else your blood will be a pond here at the VIP room,Martin..."saad ko dito dahil sa alam kong naiilang nadin sila Cleo. Napabuntong hininga naman ito at kumuha nang shirt dun. "Nandito lang ako para bumisita at hindi ko inakalang nandito ka edi sana hindi kami tumuloy..." saad ko sa kanya at bumaling na sakin ito nang makapagbihis. "Hoy!! Wag ako nandito ako dahil sa pagbisita?? Iba na yan ah... Pagod ang laging mong ipinupunta dito aber..." saad nito sakin na kinailing ko. "Oo nga pala... Listado ka sa mga lalaban ngayon... Giving your code is to bs registered here at the tournament... Baka yun nakalimutan mo..." saad nya sakin na kinaalala ko. Sinabi ko nga pala ang code ko sa harap dun sa guard. Ano bang nasa isip ko nun?? "And I forgot it... Ipagpaliban na kamo... Bawala ako may ganap pa ako..." saad ko dito na kinailing nito. Napabuntong hininga na lamang ako. "With this kind of style?? Really??" pag uulit ko kay Martin na kinatango nya. Napairap nalamang ako at napatingin naman ito sa likuran ko. "Who are they??" tanong ni Martin sakin na kinangiti ko. Mabilis tulad nang hangin ay sinakalko ito gamit ang braso ko habang nakatapat kila Sadie. Kita ang gulat sa mukha nila Sadie at ramdamko ang hingal sa kaba ni Martin. "May nakalimutan kadin siguro, Martin??" bulong ko sa tenga nito. "Hindi ako makalimutin tulad mo..." saad pabalik nito sakin na kinangisi ko. "The logo..." bulong ko dito na nagbibigay nang clue. Tumapat sya sa mga kaibigan ko at ramdam ko ang gulat nya dun lalo na ang paglunok nya nang sunod sunod. "S-saan yan galing?? Oh shit.." takang tanong ni Martin sa kanilanglima ngunit hindi ito sumagot. "Ang Mafia lang ang may hawak nang ganyang l-logo..." nauutal na saad ni Martin na pilit na tumingin sakin ngunit haaak ko nga sya. "Oh the mafia?? We're friends... Close friend of mine... Or my brother?? But rules are rules right??" saad ko dito at binitawan ito ngunit bago yun ay hinigit ko ang b***l nito sa bulsa. Nang matumba ito ay agad itong napaluhod sakin ngunit tinutok ko ang b***l na yun sa kanya. Gulat syang napatingin sakin."Rules are Rules, Martin... Alam nating hindi pwedeng tanungin ang ngalan nang may suot na logo nang Mafia... At ang penalty??" tanong ko sa kanya at napayuko naman ito dahil sa namumula na sa takot. "Death... Kamatayan... But please..." saad nito sakin ngunit hindi ko iniba ang pagkakatutok at nasa kanya padin ito. "Sige... Siguraduhin mong makakalabas kami nang ligtas dito... Kung hindi... The mafia boss will surely find you..." pagbabanta ko sa kanya at tumango ito nang tumango. "Oh shit... Thank you thank you... I'm really sorry..." saad nito sakin na kinairita ko. "I hate that word... Don't be sorry if you are sure with your decision to have a mistake... Kailangan na naming umalis..." saad ko sa kanya at tumayo ito. Inihulog ko ang b***l nang pangunahan nya kami palabas. Hinatid nya kami kahit hanggang sa Van namin na nakakasiguradong ligtas kami pero sya hindi pa sigurado. Nasa Mafia ang desisyon wala sakin tsk. "We need to go... Nice seeing you again, Martin..." saad ko at sumakay na nga nang sumakay na sila Sadie. Ipinaandar ko agad yun nang mabilis upang makalayo agad. "That can make me a heart attack... Awful shit..." saad ni Vinnie na animo'y kabado bente ang kaba. "What's with this logo??" tanong naman ni Shu na katabi ko. "Logo of a demon if totoo nga yun..." sagot ko dito habang nagmamaneho padin. "Kaparehas na kaparehas nganang Logo dun sa kaharian eto... Ngunit wala pa naman silang tao na nakikitang may birthmark na gento..." saad ni Walt sakin at napatingin naman ako sa salamin dun. Wala pa naman talaga but kung totoo man yun sino naman diba?? Haha. Pinreno ko agad ang van nang tumapat na kami dun sa hotel na tinutuluyan."Pero kung sino man ang nagmamay-ari nun... Siguradong sya ang maghahari sa kaharian..." saad naman ni Cleo na kinatango ko na lamang. Lumabas na kami sa Van upang umakyat na. "Pero may tao nang may birthmark na ganun??" tanong ni Vinnie nang tumapat kami sa elevator. "Sa katunayan... Meron na simula daw  nung ilungsad ang kaharian... Ngunit namatay ang nagmamay ari nang birthmark kaya wala din..." saad naman ni Walt na kinatango ko. Simula pa pala nang masimulan ang kaharian. "Matagal nadin pala... Pero sa taong namatay yun may nagmamay-ari paba nang birthmark??" taka kong tanong at sumakay na sa elevator. Walang tao nun kaya ayos lang kung pag usapan namin. "Ang sabi nila Mom ay mga nagpapanggap na ginagawang tattoo ang isang yun... Pero wala pa daw parin... It's been 500 years ago pa..." saad naman ni Cleo nakinahanga ko. Matagal na nga talaga nang mabuhay ang isang yun. "Naku naku... Baka mamaya sa kakatawag mo sa sarili mong Demon ay ikaw ang magmay ari nang isang yun..." saad naman ni Sadie na kinatawa namin. Imposibleng mangyari yun dahil ang birthmark ko ay nasa tenga haha. "Ma'am ma'am!! Ma'am snow!!" nagulat ako nang saktong pagbukas nang elevator ay tumambad tong babaeng nasa harapan namin. Lumabas muna ako nang elevator at tiningnan ito. Hingal na hingal ito na animo'y nakipag marathon. "Bakit??" tanong ko sa kanya. "Sila Ma'am Zanra po..." pagkasabi na pagkasabi nang babae yun ay napatakbo agad ako sa pintong tinutuluyan nila. Binuksan ko yun na sa sobrang lakas ay matunog yun. Walang bumungad sakin kaya napatakbo agad ako dun sa tinutulyan ko. Wala nang ano ano pa ay sinipa ko yun sa kaba. Bumukas yun at nandun silang lahat ay kita sa mukha ni Mom at Tita Laura ang takot. "Anong nangyari??" tanong ko agad sa kanila at biglang yumakap si Mom sakin na kinagulat ko. "Ano bang nangyari?!" sigaw ko sa kanila habang nakayakap sakin si Mom. Hinimas ko lamang ang likod nito upang maging komportable. Napatingin ako sa kanila at lahat sila ay hindi nagsasalita. Hinanap nang mata ko si Zyre tsaka si Zyrille pati nadin si Kyle dahil sa wala sila. Binitawan ko si Mom at iniabot kay Dad. "Nilooban tayo..." bulong ni Tay Wayne at napatingin ako sa hinaharangan nitong pinto. Agad akong lumapit at sinipa yun nang napagkalakas. Bumungad sakin yung tatlo na mga mukhang nag-iisip. Gulat silang napatingin sakin. Tiningnan ko ang kabuuan nila at wala ni isang gasgas. Umiinit ang ulo ko. "What happened??" tanong ko sa kanial atnilock ang pinto. "May nagtangkang man loob satin... At hindi namin naabutan..." saad ni Kyle na kinasapo ko sa noo. "Tinutukan nang b***l sila Mom at Tita Laura... Kaya ganun sila ngayon..." dagdag naman ni Zyrille na mas kinainit nang ulo ko. "Kung sino man sya... Magtago na sya ngayon..." bulong ko at akmang bubuksan na ang pinto nang biglang pinigilan ni Kuya Zyre ang kamay ko. May iniabot sya sakin na tiningnan ko agad. "Nahulog nya ang isang yan... At sana hindi mo ipahamak ang sarili mo..." saad nya sakin at tiningnan ko ang hawak ko. Nagulat ako sa ibinigay nya sakin. Nahulog ko ang isang yun. Alam kong hindi nya kayang gawin toh lalo pa't sakin. Nandidilim na talaga ng paningin ko sa galit."Kilala mo ba??" takang tanong ni Kyle na kinatingin ko dito. Binuksan ko ang pinto at bumungad sila Dad na halatang takot. Hindi ko toh pinansin at pumunta dun sa terrace. Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan ang dapat. "Hello??" saad sa kabilang linya. "NAKAKAGAGO KANG PUTANGINA MO!! ANO BANG PROBLEMA HA?!" sigaw ko dito na punong puno nang galit. "Hey... Hey... Take it easy,Snow... Ano bang problema??" takang tanong nito sa kabilang linya. "Eh gago ka pala eh!! Pumunta lang naman dito yang putang ina mong trabahador at tinapatan nang b***l tong mga kasama ko!!" sigaw ko dito. Gigil na gigil na ako sa lintek na toh. Rinig ko ang pagtataka sa kabilang linya. "Ha?? Wala akong inuutos na galawin ka, Snow... Alam mong tapat ako sayo..."saad nito sa kabilang linya. "TANG INA MO KUNG GANUN!! Nandito ang simbolo nang grupo mo!! Ano toh lokohan tayo??" sigaw ko dito at nanahimik bigla ang linya. "Wag na wag mo kong susubukan, Vince... Kung tapat ka bakit gento??" mahinahon kong saad pero gigil padin. "Hindi ko maintindihan ang nangyayari, Snow... Hindi ako nag-uutos sa mga tauhan ko... Nandito ako sa batanes dahil sa may trabaho... Nasan ka ba??" saad nya sa kabilang linya. "Kung ganun... Bakit ka nandito sa batanes!? At bakit mo naman naisipang pumunta sa batanes!?" saad ko dito. "Trabaho nga... Kung nandito ka, pupuntahan kita ngayon din nang magkaalaman na..." saad nito na kinailing ko. "Tanga!! Wag na wag mong gagawin yan!! Dahil baka dumaloy pa ang dugo mo dito... Makikipagkita ako sayo kapag hindi na mainit tong ulo ko..." saad ko dito. "Pero... Sige na... Mag eexplain ako pangako... Basta tatanungin ko nalang sil-" pinutol ko agad ang linya at hindi na ito pinatapos. Nakakabobo ang hayop na yun. Kung hindi nya alam edi na galaw mag isa ang tauhan nung hayop na yun. Imposible naman yun eh. Tapat ang bata nang isang yun kung. Kung ang trabahong sinasabi nga lang nya ay kami. Imposibleng traydurin ako nang isang yun. "Magpahinga ka na muna..." biglang saad ni Kuya Zyre na biglang tumabi sakin. Napabuntong hininga nalamang ako. "Hinding hindi na toh mauulit... Magpahinga na lamang muna kayo... Pinahihirapan nila ako..." saad ko dito at napatingin kila Mom na nakatingin din pala sakin. Kita ang pag-aalala sa mata nila. "Kumalma ka muna, Snow... Alam mo ang nangyayari pag nagagalit ka nang sobra..." saad ni Dad sakin na kinailing ko. "Hindi ako nagagalit, Dad... I am just mad and not satisfied sa pinakita nang hayop na yun..." saad ko dito. "Kilala mo ba ang may ari nang simbolong ito??" saad naman ni Kuya Zyrille na hawak hawak ang simbolong yun. Tinanguhan ko naman ito. "He don't know what is going on... Para syang tanga na nagmamaang maangan..." saad ko dito na kinagulat nila. "Papuntahin mo sya para makausap natin..." saad naman ni Kyle sakin na kinailing ko. "Baka dumanak pa nang dugo kung papupuntahin ko sya... Hayaan na't ako na ang bahala sa lahat... Magpahinga na lamang muna kayo..." saad ko sa kanila at umiling naman yung iba.  "Natatakot kami, Zyphire..." saad naman ni Mom sakin na kinabuntong hininga ko. Hindi ko din pwedeng pabayaan sila Cleo eh. "D-dito nalang kayo matulog kung ganun...." saad ko sa kanila. Umiling naman si Dad at lumspit sakin. "Hindi na anak... Dun na lamang kami nakakaabala kami dito..." saad ni Dad sakin. "Hindi pwede... Dun nalang kayo sa Room ko, Dad... Tapos yung apat na Chairman dun sa may extra room dyan na hindi namin ginagamit... Tapos sila Tita Laura may room din na katabi sa apat na chairman dun nalang kayo... Tapos Nay Kat tsaka Toli... Dun na lamang kayo sa katabing kwarto nila Tita Laura... Tapos Kuya Zyrille at Kuya Zyre... Dun na lamang kayo sa katabing kwarto nang kwarto ko... "saad ko sa kanila at nagtakang napatingin sakin sila Sadie. Sila pa nga pala."Oo nga pala... M-magsama nalamang muna kayo sa iisang kwarto... May tiwala naman ako sa inyo eh... Kyle magsama muna kayo ni Shu sa kwarto nya..." saad ko at tumango naman sila. "Eh ikaw?? Saan ka tutulog??" takang tanong naman ni Shu sakin. "Magbabantay ako sa inyo para wag na kayong mag alala... Sige na magpahinga na muna kayo..." saad ko sa kanila atnagsitanguhan naman ang mga ito. Nagsipasukannaman na sila sa kani kaniyang kwarto nila buti na lamang ay nailabas ko ang maleta nang damit ko sa kwarto ko. Dito na muna siguro ako sa sala matutulog para maka siguro sa seguridad. Umupo na lamang ako sa couch at nag isip. Hindi pwedeng mangyari bukas ang nangyari ngayon. Kailangan nang seguridad para bukas lalo pa't mahalagang araw yun eh. "Hey... Dun ka nalang sa kwarto namin..." napatingin ako sa biglang tumabi sakin. Si Kuya Zyre pala. "Nah... Ayos lang ako dito... Natakot masyado sila Mom at gusto kong maging komportable sila..." saad ko dito at tumango tango naman ito. "Hindi ka makakatulog dito... Dun ka nalang... Maririnig naman natin kapag may nangyari eh..." pagpupumilit ni Kuya Zyre na binuhat agad ang bag ko. Natawa na lamang ako sa inaasta nya. "Kuya naman eh..." reklamo ko dito kaya lang pinandilatan nya ako nang mata. Napilitan naman akong tumayo. "Tara na..." masungit nyang saad sakin. "Mauna ka na muna, Kuya... May kakausapin lang ako sa baba..." saad ko dito at tiningnan nya naman ako nang masama. "Wag mo silang pagalitan... Wala silang kinalaman dito..." saad nya sakin at nginitian ko laamng ito at tinanguhan. "Don't worry... Wala akong balak na pagalitan sila... Mauna kana muna, Kuya..." saad ko dito at tatalikod na sana nang madaanan nang mata ko si Kuya Zyrille na nakatayo sa tapat nang pintuan nang room nila. "Sasamahan kita..." saad nito sakin at naghagis nang jacket sakin na isinuot ko na lamang. "Hindi na, Kuya... Dito nalang muna kayo... Babalik agad ako dito..." saad ko dito at agad na lumabas nang bahay. Pumunta agad ako sa elevator. Nang makadating ako sa baba ay dumeretso ako sa dining nang hotel at nandun lahatnang staff. "Ma'am Snow... Sorry po talaga sa nangyari..." saad naman nung Lalaki sakin at nginitian ko silang lahat. "Wag kayong magaalala... Hindi ko kayo pagagalitan... Ayos lang sakin ang nangyari tsaka hindi natin alam na mangyayari yun... Magpahinga na lamang kayong lahat... Higpitan natin ang seguridad... Mauna na ako..." saad ko sa kanila at dumeretso samaylabas at nandun na si Vince na nakatayo nang ayos. Nagulat ito nang tumapat ako. Seryoso ko lamang itong tinitigan at sinenyasang sumunod sakin. Dumeretso kami sa garden netong hotel namin at nang makadating ay humarap ako dito. Hinagis ko sa kanya ang logo na ibinigay sakin ni Kuya. Tiningnan nya yun at kita ang pagkagulat nya sa hawak hawak nya. "What does that mean, Vince??" saad ko sa kanya at nagtataka naman syang napatingin sakin. "I d-don't even know... Imposible namang kayo ang puntirya nang nagbayad samin..." nagtataka nyang saad sakin at umupo na ako dun sa bench. Umupo din sya dun sa tabi ko. "Sino naman ang nagbayad sa inyo??" tanong ko sa kanya at napatingin ito sakin. "Si Cinco syempre... Sya ang humingi sakin at hindi ko na natanggihan dahil nadin sa nasilaw... Pero hindi ko alam na kayo ang puntirya..." saad nya sakin na  kinabuntong hininga ko. Humingi na sya nang tulong sa Mafia ganun. "Buti na lamang at wala ako nun... Baka hindi nanakauwi pa ang bata mo..." saad ko dito at kita ang paglunok nya. "Ibabalik ko na lamang ang bayad nila... Tapat ako sayo noh?! At hinding hindi yun mababayaran..." saad nito sakin na kinailing ko nalamang. Kung kay Vince humingi nang tulong si Cinco ibigsabihin hindi nya alam na kilala ko si Vince. "Wag... May plano na ako..." saad ko sa kanya at nginisian ko ito. Sinabi ko sakanya ang plano. Detalyado at sinisiguro kong walang palya sa pagkakasabi ko. "Sige... Ako na ang bahala sa lahat... Pasensya na sa nangyari... Aasahan mo ako sa kahit na ano..." saad nya sakin at tumayo na. Tumayo din ako at nginitian ito. "Maraming salamat, Vince..." saad ko dito at niyakap ito. Yumakap din naman ito pabalik sakin. Pagkabitaw ko ay nag thumbs up naman ito sakin. Bumalik naman na kami kung saan ko sya nakita. Nandun ang motor nito na animo'y nakaparada. "Basta ikaw, Snow... Mauna na ako kung ganun... Magkikita pa kamj upang balitaan sa nangyari..." saad nya sakin na kinatango ko na lamang. "Sa muli nating pagkikita... Salamat uli..." saad ko sa kanya nang paandarin nyanang mabilis ang motor nya. Malingmali ang kinampihan ni Cinco. Umakyat na lamang muli ako sa taas at dumeretso sa kwarto nila Kuya. Nagulat naman ako nang pagkapasok ko ay nakatingin sila sakin nang seryosong seryoso. "Sino yung kausap mo?? May payakap yakap pang nalalaman ah..." nagulat ako sa sinabi ni Kuya Zyrille. Napalunokna lamang ako at napaupo dun sa kamang yun. "Hindi mo naman siguro niloloko si Shu hindi ba??" napatingin agad ako kay Kuya Zyre dahil sa sinabi nya. "Bakit naman nasama sa usapan si Shu?? May kinausap lang ako okay... Walang isyu yun..." saad ko sa kanila. "Then sino naman yun??" pag-uulit ni Kuya Zyrille sakin na kinabuntong hininga ko. "A friend of mine... Matulog na nga lang tayo... Maaga pa ako bukas noh..."reklamo ko sa dalawa at nahiga na lamang dun sa kamang yun. "Tsk tsk tsk... Sana ay hindi mo ikakapahamak ang isang yan..." saad naman ni Kuya Zyre sakin na tumabi sakin dun sa kama. Wala namang malisya dahil nga sa magkapatid naman kami. Pinaggitnaan naman ako nang dalawang kuya ko na yinakap ko pareho. "Walang mangyayari sakin..." paninigurado ko dito. "Oh sya sya... Goodnight na... Malilintikan ka samin pagmay nangyaring masama sayo..." saad naman ni Kuya Zyrille na ginulo pa ang buhok ko. Tinanguhan ko na lamang ito at pumikit. Napangiti na lamang ako sa mga kuya ko. Malilintikan talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD