KYLLIE SHEN
NAGISING ako sa sinag nang araw na dumampi sa pisngi ko. Napangiti na lamang ako nang maalalang kasal ko na ngayon. Nakaka excite lalo pa't si Zyphire ang naghanda netoh.
Pagkabangon ko ay nagulat ako nang makitang nakaayos ang lahat nang gagamitin at susuotin ko. Tumayo ako at nilapitan ang wedding gown na nasa harapan ko ngayon. Ang ganda nang isang toh at tipong tipo ko ang estilo.
"Ang ganda ganda... Makaligo na lamang muna..." saad ko at dumeretso sa banyo. Napatigil ako nang makita ko sa loob nang banyo ang isang bathrobe na nagngangalang Ms. Riordan. Huling araw ko na pala ngayon na gagamitin ang last name na iyun.
Naligo ako nang may ngiti sa labi ko na animo'y ang ganda ganda nang araw ko kahit maganda naman talaga. Nagsuot muna ako nang bathrobe at lumabas na nga.
Nagulat ako nang makita sila Sadie at Vinnie dun na may kasamang make up artist at hair stylist sa kwarto ko. Nakangiti yung dalawa sakin na may dala pang almusal. Agad ko itong niyakap nabg mahigpit. Naiyak pa ako sa saya na makita sila.
"Oh bakit ka naman umiiyak, Ate Kyllie??" saad ni Vinnie sakin na kinailing ko.
"Masaya lang akong eto na... Eto na ang pinapangarap ko..." saad ko sa kanila at kita ko ang saya din nila para sakin.
Inalokmuna nila akong kumain. Kumain agad ako nang malamang alas nuebe na pala. Nagtooth brush nadin ako at umupo dun sa may tapat nang salamin kung saan ako aayusan. Sinimulan na nila akong ayusan. Wala nadin sila Sadie dahil magbibihis pa daw sila.
Namimiss ko si Zyrille pero ang bilin kasi ni Mom ay bawal magkita ang groom at bride dahil sa pangitain dae yun. Kailangan sumunod dahil nadin sa takot akong baka mangyari yun no way noh!! Pero nakakamiss din yun lagi syang nandyan agad sa tabi mo.
Napabuntong hininga na lamang ako sa naalala ko. "Naku ma'am... Wag kayong sumimangot... Sayang ang beauty mo!!" saad sakin nung make up artist na kinangiti ko.
"Madam!! Best day nyo itech kaya gora dapat ha?? Lalo pa't mukhang gwaping ang mister itech ha??" saad naman nang hair stylist na kinatawa ko na nga. Loko loko talaga ng dalawabg baklang toh.
Puro biruan ang dalawa na kadahilanang wala akong nagawa kundi tumawa."Sige na madam... Isuot mo na ang dress mo at kami'y aahon na sa karagatan..." saad sakin nang dalawang bakla bago lumabas.
Pagkalabas nila ay agad ko isinuot ang wedding dress na yun. Nang maisuot ko ay naiiyak ako sa saya. Ang ganda ganda at ang perfect naman nang ginawang wedding ni Zyphire huhu.
Napaupo na lamang ako sa kama ko at napatingin sa orasan. Alas once na nang tanghali at bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dun. Sila Mom, Dad at sila Chairman Riordan and Dean.
Lumapit agad si Mom sakin at niyakap ako. Pinilit kong pigilan ang pag iyak pero wala. Bumagsak ang luha ko na agad kong pinunasan. "Ang ganda ganda mo anak... Don't cry ha?? Sana maging masaya ang married life mo... Don't forget my habilin..." saad ni Mom sakin na kinangiti ko at pagtulo nang luha ko.
Pinunasan naman yun ni Mom para sakin. "I love you, Mom... Tatandaan ko lahat nang yun.." naiiyak kong saad dito at napatingin ako kila Dad na magkakatabi at nakatingin sakin.
Agad ko silang tatlong yinakap sa saya. "My baby girl is not a baby anymore... Visit us anytime ha?? We're proud of you, my daughter..." saad ni Dad sakin na kinaiyak ko. Pinunasan ko agad yun dahil sa alam ko kung gano kahirap magmake up uli.
Napatingin naman ako kila Chairman na nakangiti sakin."We love you, Kyllie... Be happy as always and don't give up..."saad sakin ni Dean na kinatango ko dito.
"Proud lolo here... Yung apo ko ha??" saad sakin ni Chairman na kinatawa ko saglit.
Agad din naman silang umalis dahil sa may bibisita padaw sakin. Tango na lamang ang nasagot ko sa lahat nang sinabi nila. Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sila Sadie na kasama na ang mga jowa nila pati nadin sila Shu at Kyle.
Hangang hanga naman na nakatingin silang anim sakin. "Tama nga si Snow... Bagay na bagay sayo..." saad sakin ni Kyle na nambola pa.
"Congrats, Ate Kyllie!!" bati sakin nung apat na nginitian ko lang din.
Bumaling naman ako sa dalawa na nakangiting nakatingin sakin. Agad ko naman silang niyakap at ramdam ko ang pagtakip nila sa likod ko.
Naiyak nanaman ako. "We're very thankful to have you, Ate Kyllie... Be happy sa married life... Dito lang kami lagi..." saad ni Shu sakin na kinangiti ko at napatingin naman kay Kyle.
"Salamat sa pag-intindi sakin... Babalik na uli ako and be happy... As much as possible... He's a good man..." saad sakin ni Kyle na medyo kinatawa ko.
"I know, Kyle... Thank you sa suporta nyo... Tsaka sa lahat lahat... The best talaga kayo..." saad ko sa kanila at pinunasan ang luhang tumulo muli.
Hindi ko mapigilan tong lintek na luhang toh. "You have thirty minutes more..." agad akong napatingin sa pinanggalingan nang boses na yun.
Nginitian lamang nya ako at napatakbo ako sa kanya at niyakap ito nang mahigpit. "Hey hey!! Don't do that may naaalala ako..." saad nya na tinapik pa ang balikat ko. Tumayo ako gad nang ayos at humarap sa kanya.
"Thank you for marrying my brother, Kyllie... Ikaw lang ang kayang magpahinahon sa kanya pagnagagalit sya sakin... Alam kong mas napapagaan mo ang loob nya... Lagi mong gabayan ang isang yun alam mo na mainit ulo... Salamat din kese you really do make him happy na hindi ko pa kailanman nakikita sa kanya... Ikaw ang regalong ayaw nya ipahiram o itapon sa kung saan... At sanay walang magbago sa inyo after this marriage... Always choose each others sa hirap at ginahawa... Happy wedding day, I guest... Be happy, Kyllie Shen Schafer... "mahabang saad nya sakin na kinaiyak ko na talaga nang sobra.
Ramdam ko ang sinseridad nya sa sinabi nya. Kahit anong ginawa talaga ni Zyrille ay wala syang reklamo. Kapakanan padin ni Zyrille ang iniisip nya."Don't worry... Gagawin ko lahat para mapasaya sya... Salamat... Maraming maraming salamat, Zyphire... Lalo na sa haba nang pang iintindi ko... Maraming salamat...." saad ko sa kanya at napailing na lamang iti sakin.
"This will be memorable so don't cry, Mrs. Schaefer..." saad nito sakin na kinatawa naming lahat dun.
"You're so lucky, Kyllie... Congratulation..." saad sakin ni Zyre na kinangiti ko na lamang dito.
Nabaling naman ako sa suot nila Sadie. Nakabrown ang nga ito pati nadin sila Cleo. Tiningnan ko naman si Fire at puti na nagfefaint na red ang suot nito at blue naman kay Zyre. Sila lang dalawa ang naiiba.
"Bakit nga pala naiiba kayo, Fire??" taka kong tanong dito.
"Oo nga... Kayo lang ata ang nakita kong iba ang suot tsaka yung apat na Chairman na kulay ginto ang suot..." saad naman ni Sadie sa mga ito.
"Sa pwesto nila Chairman yun sa kaharian..." sagot naman ni Zyre samin na kinatango ko.
"Eh kayong dalawa?? Nakabrown din naman sila Tita Zanra..." saad naman ni Shu dito.
"Kapangyarihan... Kailangan na nating umalis... Mauuna dapat tayo sa bride..." agad na saad ni Fire na napatingin sakin.
"Someone will drive you at the church... Let's go..." saad nito sakin at tinanguhan ko naman ito.
ZYPHIRE
NAKADATING na din kami sa church at nakuha nadin nila Sadie angmga bulaklak nila. Hindi ako kumuha nang bulaklak dahil sa allergy ko dun. Pinuntahan ko agad si Kuya Zyrille na halatang kabado.
"Ang gwapo naman po..." saad ko dito at tumabi sa kanya.
Napatingin naman ito sakin at nginitian ko lamang ito. Bigla naman akong niyakap nito na kinagulat ko. Napatingin naman ako kay Kuya Zyre at Dad na nasa harap na namin. Nginitian lamang ako nang dalawa. Naaawkwardan man ay tinapik ko ang likod ni Kuya Zyrille.
Bumitaw din ito at nagpunas nang luha. Nginitian ko ito habang nagpupunas nang luha. "Thank you... Maraming salamat sa ginawa mo... Ang perfect netoh para samin..." saad nito sakin na kinangiti ko pa.
"Para naman sa perfect couple... Kaya ayos lang yun..." saad ko dito na yinabangan ko pa ito.
Natatawa naman napatingin sila Dad sakin. "Magiging memorable para sa aming dalawa ang kasal natoh dahil sayo... At sorry..." napatigil ako sa huling salita na narinig ko kay Kuya Zyrille.
"Eto ka ngayon... Tinatanggap ang relasyon namin ni Kyllie habang ako noon ay hindi matanggap ang relasyon nyo ni Carter... I'm sorry, Snow..." saad nito sakin na kinangisi ko lamang dito. Napailing iling nalamang ako sa inaasta nya. Eto nanaman sya.
"I hate that word, Kuya... Tsaka wala na sya at ayaw nya pating mabuhay ako nang puro sya lang magagalit yun... He let me go... Tsaka iba kayo samin... Congratulations, Mr. Schaefer..." saad ko dito at tinapik ang balikat nito.
Nginitian naman ako nito pabalik. Nang makita na ang pagdating nang bride ay nagsipwesto na kami para sa pagpasok. Unang pumasok si Shu na best. Tapos ang yun na nga sunod sunod na kami. Kaparehas ko si Kuya Zyre dahil yun ang nasabi na dapat. Hanggang sa tumambad na ang bride na si Ate Kyllie.
♪ Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak♪
Sa linyang yun ay nagsimula nang maglakad si Ate Kyllie. Kita ko ang tuwa at pag iyak nito. Kasama nya si Tito Peter na inaalalayan ito dahil sa pag iyak. Lalo pa't sinabayan ito ni Walt nang gustong kanta ni ate Kyllie.
♪ In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece♪
Napatingin naman ako kay Kuya Zyrille na katabi namin ni Kuya Zyre dito. Kita ang gustong pagtulo nang luha nito sa saya na kinangiti ko. They are both crying at emosyonal.
♪ So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white♪
Nakalapit nadin samin si Ate Kyllie na agad namang yumakap kay Tita Laura na puro habilin. Lumapit din sya kay Mom na naiiyak nadin. Si Tito Peter naman ay nakipagkamay kay Kuya Zyrille. "Ingatan mo ang anak ko, Zyrille..." saad naman ni tito at tinanguhan sya ni Kuya Zyrille.
♪ And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight♪
Napatingin naman sila Ate Kyllie at Kuya Zyrille sakin nang magtabi sila. Nginitian ko sila sa sayang makita silang ganun. Niyakap naman ako ni Ate Kyllie muli. "Salamat, Fire..." saad sakin ni Ate Kyllie at tinanguhan ko lamang ito.
Tumigil ang tugtog at tumuntong na sila sa pwesto nila. Humarap naman ang Groom at Bride samin. "I am Zyrille Thunder Schaefer, the first son of Zyre Schaefer and Zanra Shiela Schaefer, the prince of Zoied Kingdom, will promise to all of you that I... I will be the perfect man for the princess..." saad ni Kuya Zyrille at dun na nga sumenyas ang nasa malapit sa kanila na halos kita nang lahat.
"Magbigay galang sa Prinsipe nang Zoied Kingdom!!" sigaw nun na kinayuko nang lahat except sakin at nang apat na Chairman dahil yun ang sabi nila Chairman sakin bago ang kasal.
"Ako si Kyllie Shen Riordan, ang unang anak nila Peter Angelo Riordan at ni Laura Riordan, Ang prinsesa nang Zoied Kingdom on behalf of the Riordan Family, will be marrying the first prince of the Zoied Kingdom... Can I have your loyalty??" saad naman ni Ate Kyllie na medyo naiiyak pa. Nanatiling nakayuko ang lahat sa kanilang dalawa nun.
"Basbas nang hari ang kailangan upang makasal na ang prinsipe at ang prinsesa..." deklara nang pare galing dun sa kaharian na kinaangat nang lahat.
Nagulat ako este kaming lahat sa sinabi nito dahil sa patay na ang Great grandfather ko kaya hindi yun mangyayari."Fire... Pano yun??" saad sakin ni Kuya Zyre na kinakibit balikat ko.
Napatingin ako kay Ate Kyllie na nag-aalalang nakatingin sakin habang si Kuya Zyrille na nakangiting nakatingin sakin. Hindi ko alam ang gagawin dito. "Ehem..." naagaw nang pansin ko si Chairman Schaefer na nagtaas nang kamay dun sa may gilid kung saan magkakatabing nakaupo ang apat na Chairman.
Sinenyasan sya nang pare na tumayo at tumayo naman ito. Bumuntong hininga ito at tumingin sakin. Wala naman ako sa sariling nagtataka sa tinging iyun. "Maaari bang ang susunod na mamumuno nang kaharian ang magbigay nang basbas?" saad ni Chairman Schaefer dito na tumingin muli sa pare.
Napatingin din ako dun sa pare at nakatingin sakin ito. Tumango tango naman ito bilang sagot. "Sino ba ang susunod na mamumuno upang mabasbasan na ang prinsipe at prinsesa??" takang tanong nang pare dito.
"Sya!! Ang nakatakdang mamuno sa kaharian..." nagulat ako nang sabay sabay na itinuro ako nang apat na Chairman at sabay sabay din nila yung sinabi habang nakatingin sakin.
Napalunok ako sa pagturo nila sakin. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Kuya Zyre at Dad na nadito sa tabi ko. Imposible ang sinasabi nang apat na chairman. Hindi maari ang ganun.
"Kung ganun ay maari ko bang imbitahan ang binibini..." saad nang pare sakin na wala sa sarili kong tinanguhan kahit naguguluhan.
Tumingin muna ako kila Dad na nagtatanong ngunit ngiti lamang ang tugon nila sakin. Inalalayan ako ni Kuya Zyre papunta dun dahil sa may hagdan pa na maliit. Nang makatabi ko na ang pare ay humarap ako sa lahat. Kita ko ang pagtataka sa iba na kahit ako ay nagtataka.
"Susunod na Reyna... Pakibasbasan na po kami...." saad sakin ni Kuya Zyrille na kinaturo ko sa sarili ko.
"A-ako?" tanong ko dito at tinanguhan naman ako nang dalawa.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa puno ako nang tanong sa sarili ko. "I, Zyphire Typoon Schaefer-Snow, or Zyphire Snow, The one and only girl at the Schaefer Family, The Highest rank general of the Zoied Kingdom, The next Q-queen of the Zoied Kingdom... I am giving you my blessing in behalf of the King..." nanginginig ang kamay ko habang sinasabi ko yun. Pagkatapos kong sabihin yun ay nagsiyukuan naman sila kahit sila Dad sakin kahit etong kaharap ko na Groom at Bride.
Napasulyap ako sa apat na Chairman na nakayuko din sa dereksyon ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngunit sinenyasan ako ni Chairman Schaefer nang mag angat sila na maupo sa itinuturo nito na kulay gintong upuan na nasa gitna nang apat na Chairman.
Hindi ko na namalayang nakaupo na ako dun dahil sa pagkawala ko sa sarili. "Do you Princess Kyllie Shen Riordan take our beloved Prince Zyrille Thunder Schaefer as your lawfully wedded husband, in sickness or in health, in wealth or in poverty till death do you apart??" napatungin na ako sa dalawa nang magsalita na ang pari.
Napangiti nalamang ako nang tumango nang tumango si Ate Kyllie."I do..." emosyonal na sinagot yun ni Ate Kyllie.
"And do you Prince Zyrille Thunder Schaefer take her as your wife and all the things that I told her??" saad ni Father na kinatawa naming lahat loko loko talaga.
Natatawang tumango si Kuya Zyrille. "Yes, I really do..."sagot ni Kuya Zyrille dito at tango tango namang napatingin si Father dito.
"Then I am declaring the both of you as husband and wife, you may kiss the bride..." saad ni Father at nagpalakpakan na nga kaming lahat.
Doon na dumampi ang labi nila sa isa't isa na kinatili nang iba at yung mga lalaki ay naghihiyawan. "AWIT!! SA HONEYMON NA ITULOY!!" sigaw ko dito nabg tumagal ang halik na yun. Napalakas yata ang sigaw ko dahil sa tumawa ang lahat dun.
Dun na kami sabay sabay na lumabas at hinagisan nang petals sila ate Kyllie. Tinakluban ko ang ilong ko upang hindi maamoy yun. Hanggang sa makalabas na kami. "Awiittt... Ihahagis na ang flowers!!" sigaw ni Ate Kyllie na tuwang tuwa.
Dun na pumwesto sila Sadie pati na din si Lyan na kaibigan ni ate Kyllie na pinasundo ko para sa kasal. Nagtutulukan sila na animo'y gustong makuha ang bulaklak dahil din sa pagnasambot daw yun ay sya ang sunod na ikakasal. Natatawa naman ako kada sinasabi nila yun pano naman akong allergic teh diba??
"Sumama ka dito, Queen Snow!!" sigaw sakin ni Vinnie na kinailing ko na medyo natatawa sa sinabi nya. Hindi bagay.
"Allergy..." tugon ko dito at tumango naman ito.
Tumalikod si Ate Kyllie na naghahandang ihagis ang bulaklak na iyun nang malakas. Natawa naman ako nang nagtutulakan na sila pero wala pa ang bulaklak. "Isa... Dalawa... Tatlo!!" sigaw ni ate Kyllie na inihagis na ang bulaklak.
Habol habol nila yun at nadapa pa ngunit nasambot ni Vinnie ang isang yun ngunit wala nang petal at puro tangkay na dahil sa pag aagawan nila. "Awww... Sayang kahit nasalo hindi padin..." saad ni Ate Kyllie na inaasar yung tatlo.
"Baka naman kasi dahil sa allergic ang susunod na ikakasal..." biglang saad ni Kyle na sinamaan ko nang tingin.
"Lah... Wala nang boyfriend asawa pa kaya... Kasal pa kaya?? Nasiraan na nang ulo tsk..." saad ko dito na kinatawa nila dun.
Sumakay na ang groom at bride para sa pagpunta sa Reception at magpapslit pa sila. Sumunod na din kami dahil din sa matatagalan ang byahe nang sa isla ko pa ang Reception na iyun.
"Hindi namin alam na reyna pala ang kaibigan namin hihi" saad bigla ni Vinnie na biglang tumabi sakin.
"Iba ka pala ah... Hindi namin alam yun nakuu..." saad naman sakin ni Sadie na kinailing ko.
"At anong akala nyo alam ko yun?? Loko!! Nagulat pa nga ako at hindi naniniwala..." saad ko sa dalawa at tumingin ako kila Dad tsaka sa apat na Chairman na malapit samin.
"Ayaw ko lang talagang sirain ang pinakamahalagang araw nang Kuya Zyrille... At inaasahan ko ang inyong paliwanag ngayon din..." saad ko dito at nginitian sila.
Napabuntong hininga na lamang ang apatna Chairman na kahit si Dad ay ganun din. Wala na sila Mom at Tita Laura dahil sa pinauna nanamin ang mga ito."N-ngunit..." saad naman ni Dad at tumingin kay Kuya Zyre.
Lumapit naman sakin si kuya Zyre at tiningnan ko ito. "K-kese bunso... Hindi pa ano..." saad nito sakin na sumesenyas na animo'y nagpapaliwanag.
"Hindi pa tamang panahon upang ipaliwanag sayo ang mga bagay nayun... Ngunit hindi ako prinsesa upang maging reyna at isa akong sundalo hindi malambot na prinsesa..."