Chapter 50

3022 Words
ZYRILLE THUNDER NAKADATING kami dito sa Isla ni Fire at masasabi mong paraiso ang isang toh sa ganda. May hotel dito at may mga turista pa kaya lang hindi kami dito. Inihatid kami nang Staff dun sa may garden na kinahanga pa namin lalo. Ang ganda ganda dito. "She know how to impress us... Ang ganda ganda..." saad ni Kyllie sakin na kinangiti ko nalamang. Nakita namin silang lahat dun na nagsitayuan nang makita din kami. Kompleto ang lahat dun na mas kinatuwa ko. "Please give a roundof applause to Mr. And Mrs. Schaefer..." saad ni Vinnie dun sa mic at inaalalayan ko si Kyllie. "Ang sarap sa tengang marinig na misis na kita..." saad ko kay Kyllie at nginitian ito nang lubos. Inalalayan ko ito papaupo dun sa lamesa namin dalawa. Kita ang gustong pagtulo nang luha nito ngunit pinipigilan nang saya iyun. "This is so memorable for me, Honey..." saad sakin ni Kyllie sa gitna nang mga palaro nila Vinnie. Tiningnan ko ito at nginitian ito. "Me too, Mrs. Schaefer... We must enjoy it tulad nila..." saad ko dito atmuling pinanood ang kalokohan nila Vinnie. Natatawa pa kaming lahat sa kalokohan nila kasama ang mga anak ni Fire na pulos kapilosopohan ang panglaban. "The foods are ready!! Ang masasabi ko lang ay... Jambugan naaa!!" sigaw ni Vinnie namas kinatawa nang lahat dahil sa iba't ibang word na nabubuo nya. Nilagyan nang ibat ibang pagkain ang lamesa namin nang asawa ko. Puro paborito naming dalawa ang mga yun namas kinatuwa ko. Kinuhaan ko si Kyllie nang mga paborito nya."Eto, Lasagna tsaka Ossobuco alla Milanese... Kumain ka nang marami at mapapagod ka mamaya..." pagbibiro ko at hinampas naman nito bigla ang braso ko. "Tigil tigilan moko, Zyrille... Panget nang biro mo, kumain ka nalamang para may lakas ka..." saad nito pabalik sakin na kinatawa ko kahit sya. Kumain na kami at sinubuan ko sya nung akin dahil sa natatakam daw sya dun. Natutuwa akong napatingin sa paligid nang lahat sila ay nag eenjoy hindi lang kami."So yun... While eating ngayon na ang pagkakataong bigyan nang mensahe ang ating bagong kasal... Relax lang kayo dyan at kami na ang bahala...." saad samin ni Vinnie na nginitian namin ni Kyllie. Umubo pa kamo si Sadie at Vinnie upang makuha ang atensyon nang lahat."Are tou finish, honey??" tanong sakin ni Kyllie at inakbayan ko ito. Tinanguhan ko ito at bumaling muli kila Sadie. "So yun... Serious mode muna tayo... So yun na nga ansaya saya namin dahil sa wakas!! Kasal na ang magjowa!! Nakakasana oll talaga..." kinikilig pa na saad ni Sadie na kinatawa namin. "Baliw talaga... So yun sana alagaan nyo ang isa't isa which is gagawin nyo dapat... Always choose each other sa kahit na anong bagyo nararagasa... Dream come true nanga ang masasabi para kay Ate Kyllie... Congratulations!!" sigaw naman nung dalawa na kinapalakpak nang lahat. "Salamat!!" sabay na saad namin ni Kyllie. Nagkatinginan pa kami at tumawa. Hindi ko napigilan ang sarili kong halikan angnoo nito sa tuwa. "Ako nga pala si Lyan... Best friend ako ni Kyllie and sinundo pa ako ni Fire para lang makadalo dahil sa sabi nya ay hindi daw kompleto ang kasal kapag hindi kasama ako... Besty!! Masayang masaya ako sa inyo... Ibubunyag ko na ang sikreto na unang magkakilala palang kami ay nagkagusto na ang Kyllie kay Zyrille... Abay nakakatuwang umabot sa kasalan na tanging hiling ni Kyllie... Dreams do come true bestie... Congratulation, Mr. And Mrs. Schaefer!!"saad naman ni Lyan na binulungan ko sa hangin nang salamat. Tumingin ako kay Kyllie at nakangiti itong nakatingin kay Lyan."Salamat, Lyan..." saad ni Kyllie dito na kinangiti ko. Hindi na ito naiiyak at masayang masaya na talaga ito. "Kami naman!! Congrats erpat!! Kasal ka na at sureball gurang kana talaga... Congrats sa inyo!!" saad naman ni Cleo samin. "Ngayon lang tayo nagkakilala pero erp... Ang dali mong pakisamahan... Congrats sa inyo, deserve nyo isa't isa!!" saad ni Walt naman samin na kinangiti ko. "Salamat erp!!" saad ko dito pabalik at ang dalawang kapatid na nga ni Kyllie ang tumayo sa harapan. Tumingin ako kay Kyllie at kita ko nanaman ang luhang gustong tumulo. Kumuha agad ako nang handkerchief at ipinunas yunnang dahan dahan dun sa luha nito. "Congrats, Ate Kyllie... Kasal ka na ibigsabihin hi hiwalay ka na nang bahay at wala nang bungangera sa mansyon... Good news yun..." saad ni Shu at hinagisan naman ito ni Kyllie nang tissue na kinatawa ko. Lokong shu toh. "Ayan nanaman sya hindi alam ang biro sa hindi... Zyrille ganyan yan si Ate kaya pagtiisan mo nalang mahal mo naman eh... Congrats sa inyo sana magtagal kayo hehe" saad ni Shu na medyo kinatawa na nga naming dalawa ni Kyllie. Puro kalokohan talaga ang isang yun. "Pulos kalokohan naman tong shu na toh..." reklamo ko dito at nag peace sign lang ito sakin na kinailing ko habang natatawa. "Congrats pala sayo, Ate Kyllie... Ngayon lang uli tayo nagmeet sa kasal mo na agad haha... Pasensya na at hindi ako umuuwi at naiintindihan mo yun... Salamat sa lahat lahat... Ingatan nyo isa't isa at syempre magmahalan nang pang habang buhay kung kinakailangan... Congrats uli, Mr. And Mrs. Schaefer... "saad samin ni Kyle na kinatango naming dalawa ni Kyllie. Nang bumaba sa entablado ang dalawa ay inaanyayahan naman nila Sadie yung dalawa kong kapatid. Tumayo na si Zyre ngunit si Zyphire naman ay inilingan ang dalawa."Message na, Fire!!" pamimilit ni Vinnie dito at tumayo na nga si Fire. "Congrats, Bro... Suportado kita sa kahit na anong desisyon mo... Ingatan mo yan si Kyllie at syempre sarili mo din... Tuparin nyo ang mga pangako nyo sa isa't isa... Congrats uli, Torpe..." saad ni Zyre na kinabato ko dito nang tissue dahil sa huli nyang sinabi. Gago talaga ang pwet netoh. "Ganda nang sinabi mo, Tol!!" saad ko dito at tinawanan nya lang ako. "Wala naman talaga akong balak magbigay nang mensahe... Nasabi ko na lahat kanina bago ang kasal... Wala na akong ibang masasabi... Congratulations, Mr. And Mrs. Schaefer!!" saad ni Fire na kinangiti ko na lamang. Ang dami nang nangyari at nag toast na kami nag sayaw at puro saya lang ang naramdaman ko nun. Habang nagsasayawan na nga sila ay nabaling ang paningin ko kay Fire may kausap sa telepono at nagbago ang ekspersyon nito. "Anong meron dun??" "Saan Honey??" agad na saad sakin ni Kyllie at itinuro ko si Fire na may kausap padin sa telepono. "Mukhang namomroblema si Fire eh... Ask her, Hon.." saad sakin ni Kyllie na kinatingin ko sa kanya. Bumaling uli ako kay Fire na nagpapaalam na kay Zyre na mukhang hindi na payag. Anong nangyayare?? ZYPHIRE "Kuya Zyre... Pwedeng ikaw na muna bahala dito... May problema kasi..." nagmamadali kong saad kay Kuya Zyre. Napatingin ito sakin na nagtatanong. "Bakit?? Anong meron??" takang tanong naman nito sakin na kinailing ko nalang sa pag-aalaala. "Basta basta... I really really need to go... Babalik agad ako before the reception finish... Cover me up..." saad ko dito at nagmadali nang umalis ngunit may biglang humawak sa braso ko. "Ano ba kasing meron??" pagpupumilit ni Kuya Zyre na kinabuntong hininga ko. Kailangan ko talagang sabihin tsk. "Sumabog ang bahay ni Care Bear at tinry yung bahay ko pero walang nasira yung bahay lang ni Care Bear ang sumabog and I need to go there right now..." "Sasama ako kung ganun..." "Wag na... Dito ka lang... I can handle it mauna na ako..." tumakbo na ako papalabas dun at dumeretso dun sa may jetski at buti na lamang ay naka pagpalit ako nang short at t shirt bago ang reception. Mabilis kong pinaandar ang jetski upang makadating agad agad. Hindi ako makapaniwalang sumabog ang bahay na iniingatan ko. Ni hindi ko binenta pero sumabog. Nang makabalik na ako ay tumakbo agad ako dun sa bahay ni Care Bear. Sumalubong agad sakin si Mang Lito na nag-aalala. "Anong nangyari??" tanong ko agad dito at may mga pulis na nakapaligid na dun. Nakisingit ako dun upang makita ang nangyari. Nabuo ang galit ko nang makita ang nangyari dun sa bahay ni Care Bear. Sunog na sunog yun at sabog na sabog talaga ang bahay. "Ma'am Snow..." napatingin ako sa pulis. "What the f**k happened here?? Bakit nagkagento??" saad ko sa mga pulis na kaharap ko ngayon. "Pasensya na po, Ma'am snow... Nakatakas po agad ang nagpasabog..."saad naman nang pulis sakin. Napahawak na lamang ako sa sentido ko dahil wala akong magagawa. "May mga nasaktan??" tanong ko sa mga pulis. "Wala po... Iimbistigahan po namin toh mabuti, pasensya na po talaga..." saad nito sakin at sinaluduhan ko. Sumaludo ako bilang tugon at sinenyasan sila nang Salamat. Nang umalis ito sa harap ko ay napatingin uli ako sa bahay na sabog talaga. "Bakit pati toh pa??" "Wag kang mag-alala, anak... Ang mga pulis na bahala..." saad bigla ni Mang Lito sakin na katabi ko na pala. Hindi ko pinagbili ang bahay natoh dahil sa memories tapos pinasabog naman ayts. Buti na lamang ay protektado ang bahay ko pero sabog parin ang kay Care Bear."Hindi ko naprotektahan ang nag-iisa nyang alaala... I'm sorry, Care Bear.." nawala na ako sa mood nang maalala ang pangako kay Care Bear. Nangako ako sa kanyang poprotektahan ko ang bahay na ito dahil sa alaala namin pati nadin nang mga tao dito dahil sa pagmay kaarawan ay sa bahay ni Care Bear inaano yun. Ngunit ngayon wala nang natira pinasabog at nasunog pa. Bagsak ang balikat kong tiningnan ang sabog na bahay. Sino naman ang nag abalang pasabugin ang bahay ni Care Bear?? Imposibleng si Leo dahil alam kong di nya magagawa yun. Si Yniego hindi din dahil nagpaalam nadin naman sya. Ang Imperial?? Hindi ako sigurado kung sila nga ngunit kung sila man ay maling mali ang pagpapasabog nila dito. Pinakamaling nagawa na nila yun sakin tsk wrong move na yun, below the belt, o lagpas na sa guhit ang ginawa nila ngayon tsk. "Ma'am Snow... May nakuha pong gamit ang kasamahan ko galing dun sa nagpasabog... Nahulog daw po habang hinahabol namin..." napatingin ako sa pulis na lumapit sakin na iniabot ang isang simbolo na kulay pilak yun. Kinuha ko yun at tiningnan mabuti. Isa nga itong simbolo na kilalang kilala ko kung kanino galing."Maaari ko bang kunin ang isang toh?? Ipapatigil ko na din ang imbestigasyon..." saad ko dito at tinanguhan naman ako nito na gulat na gulat. "Ipapatigil po??" "Sa ngalan nang Schaefer... Ipapatigil ko na... Mukhang ako na ang dapat magimbestiga..." saad ko dito at nginitian ito. Tinanguhan naman ako nito at sinabi na din nya sa tauhan. Tiningnan ko muli ang simbolong nahulog. Talagang umaabot na sya sa kasukdulan nang pasensya ko. Kinuha ko agad ang phone ko nang marinig kong nag ring yun. Kuya Zyrille... Sinagot ko agad yun nang mabasa kung sino. "Nasaan ka??" bungad agad nito sakin na kinalunok ko. "Nagpaalam na ako kay Kuya Zyr-" "Hindi ka sakin nagpaalam... Nasaan ka??" pagputol nito sakin. Ramdam ko pa ang pagpapakalma nito sa sarili nya. "Ayos lang naman ako eh... May di-" "Sagutin moko, Zyphire... Nasaan ka??" pagputol nanaman nito sakin na kinabuntong hininga ko na lamang. "Sa tapat nang sabog na bahay ni Care Bear..." saad ko na at ramdam ko ang pagtigil nito sa sinabi ko. "Anong nangyari?? Anong sabog??" "Mag usap nalang tayo, Kuya pagbalik ko... Pabalik nadin naman ako eh..." "Sabi mo yan... Aabangan kita at tapos na ang reception wala kapadin... Bilisan mo!!" sigaw nito at pinutol na ang tawag. Agad naman akong nagpaalam kay Mang Lito at agad na pumunta sa jetski. Mabilis ko yung pinaandar upang makadating agad dun. Nang makadating ay sumalubong sakin si Kuya Zyrille na nakapamewang na. Nasa likod nito si Dad at Kuya Zyre na animo'y naghintay nang matagal. "Anong nangyari??" bungad sakin ni Kuya Zyrille. "Tumawag sakin ang mga pulis... May sumabog daw na bomba sa bahay ni Care Bear na kinasabog nga daw nun... Hindi pa nila alam kung sino at iniimbestigahan padin..." saad ko sa kanila at kita ang gulat nila dun. "Wala bang nakuhang path?? Or ebidensya kung sino??" saad ni Kuya Zyre sakin at kinuha ko sa bulsa ko yung simbolong yun. Hinagis ko yun sa kanya at sinalo naman nya agad yun. "Isang tao lang ang may hawak nang ganyang simbolo..." saad ko sa kanila. "Hindi pamilyar ang simbolong ito sakin, Zyphire... Kanino naman ito??" saad sakin ni Dad na medyo kinagulat ko. Hindi pa pala nila nahaharap ang isang toh. "Maaaring kilala ni Chairman Schaefer ang nagmamay-ari nang simbolong iyan..." saad ko sa kanila na kinataka nila sakin. Pumunta kami sa kung nasaan ang Chairman. Nasa rooftop daw ang iba nagpapahangin at ang iba ay nasa isla lang. Pumunta kami sa rooftop nandun daw ang Chairman. Nang makadating kami ay nandun din ang Lima tsaka sina Chairman. "Oh nandito ka na pala, Snow..." saad ni Sadie na kinawayan ko lamang. Tumapat ako kay Chairman at iniabot ni Kuya Zyre ang simbolong hinagis ko sa kanya. "Kanino pong simbolo iyan, Chairman??" saad agad ni Kuya Zyre dito. Tiningnan ni Chairman yung simbolong yun at gulat syang napatingin sakin. "Nakalaban mo sya??" gulat na tanong ni Chairman na inilingan ko. "Si Uno Imperial lang ang nagmamay-ari nang gentong simbolo pati ang mga alagad nya at kamag anak... Nakalaban mo sya??" pagtatanong uli ni Chairman sakin na inilingan ko uli. "Sya ang kumakalaban sakin para itama ang tanong... Pinasabog nya ang bahay ni Care Bear at tinangkang pasabugin ang bahay ko... Protektado ang bahay ko ngunit ang kay Care Bear ay hindi... Below the belt na ang nagawa nya..." saad ko sa kanila na kinahawak nanga sa baba nang Chairman Schaefer. Sumobra masyado ang Uno na iyun. Naging masyadong interesado na pati ang mahahalaga ay pinapasabog na. "Fire!! Si Shamie tsaka sila Kian!!" lumapit agad sakin si Waltna kinatingin ko. "Ung pekeng Shamie..." bulong nito sakin na nginitian ko agad. Bumaling ako nang tingin kay Kuya Zyre. "Mauna na muna ako... Pupuntahan ko pa ang apat... Wag ka na magalit kuya.." saad ko kay Kuya Zyrille at yinakap ito. Bumitaw agad ako at hinila si Walt papunta kila Shu dun na nakita ko nang kasama yung Shamie tsaka si Kaze. Ngumiti agad ako nang lumapit sa cottage nila."Fire!! Dumating sila Kaze oh..." saad ni Sadie na itinuro sila Kaze. "Snow!! Sinabay na namin si Shasha dito!!" excited na saad ni Kaze sakin na itinuro si Shamie. Napatingin naman ako kay Shamie na nginitian ako. Umupo muna ako dun sa tabi ni Shu dahil yun lang ang merong space. "Saan ka nga pala galing, Fire?? Nagulat nalang kami wala ka na..." saad sakin ni Shu sakin na kinatingin ko. "Ah nagka konting konting disgrasya lang naman na naayos agad... Eh kayo, Kaze?? Napadalaw kayo??" saad ko at binalingan nang tingin sila Kaze na nagtitinginan na animo'y nag-uusap na. "Syempre... Kasal ni Zyrille eh napatagal langa ang biyahe..." saad naman ni Kian na kinatango ko na lamang. "Ang galing nga eh... Ang ganda ganda ni Shamie... Tapos nahanap na din nila Kaze agad..." saad naman ni Vinnie na katabi si Shamie na animoy tuwang tuwa. Nag usap usap na sila ngunit tinitingnan ko mabuti si Shamie at Sila Kaze. Close sila agad na animoy sobrang close talaga sa isa't isa."Oo nga pala... Ang bilis nyong mahanap si Shamie ah... Hindi ko nabalitaan yun..." saad ko sa kanila na kinatigil ni Shamie. "Ah Oo eh... S-sya ang nakipagkita s-samin..." saad naman ni Kent sakin na kinatango ko. Si Shamie daw ang nakipagkita eh pano naman makikipagkita si Shamie kung hinahanap nga nila si Shamie eh ni number ay wala. "Hindi ah... Ayaw ko sa dogs and I do really love cats... Ang cute kasi.." naagaw nang pansin ko ang sinabi ni Sadie kay Shamie na kinangiti ko na lamang. Ibang Sadie ang isang toh. Allergic sya sa pusa at gusto nya ang aso pero ngayon belektad yata. Napatingin naman ako kay Cleo na takang taka na talaga ngayon."Cleo, samahan mo ko sa C. R..." saad bigla ni Walt na kinaagaw nang pansin namin. Tumingin ito sakin na animo'y may sinasabi. "S-sige... Una na muna kami, Allyssa ko..." nauutal na saad dito ni Cleo na umaasang magsasalita si Sadie. "Sige,Cleo..."saad naman ni Sadie na kinatingin ko kay Cleo na biglang lumungkot. Pagkaalis na pagkaalis nila Cleo ay tumayo agad ako kaya naagaw ko ang pansin nila."Shu samahan mo kong kausapin si Tita Laura..." saad ko kay Shu at napatingin ito sakin. Nginitian naman ako nito. "Sige... Una na muna kami..." saad ni Shu at hinila na nga ako. Pumunta kami sa kung nasaan sila Cleo dun sa may C. R nang mga lalaki. "Anong gagawin natin dito??" takang tanong sakin ni Shu nang makapasok kami dun sa C. R nang mga lalaki. Nagulat naman si Cleo na makita ako dun sa C. R. "A-anong ginagawa mo dito, Fire??" takang tamong ni Cleo nang isarado at ilock ko ang pinto nun. "We need to talk kaya inaya namin kayo dito..." paninimula ni Walt at naupo ako dun sa sink dun. "Naninibago parin ako kay Sadie..." saad bigla ni Cleo na kinaagaw nang pansin ko. "Pagpagan nyo ang inyong sarili..." saad ko sa kanila at pinagpagan naman nila ang sarili nila na animo'y may dumi sa katawan. Maaari kasing dinikitan sila nang kung ano sa katawan o damit. "Alam nyo kahit ako naninibago eh... Ibang clown na yun... Hindi na nagbibiro... Tahimik masyado na mas palabiro pa sa kanya si Megaphone..." saad naman ni Shu habang ito ay nagpapagpag. "Iniiwasan nya pati ang pakikipagaway kay Vinnie na dati nyang hobby... Lalo pa't si Vinnie ang nag host na paboritong gawin ni Sadie ang paghohost..." saad naman ni Walt na nagtataka nadin. Puno sila nang pagtataka kung tingnan. Kahit sino ay magtataka sa pagbabago ni Sadie at ang mahirap padun ay yung kung ano ang ayaw nya at allergy nya ay gusto at hindi tumatalab sinong hindi magtataka. "Hindi ko na makilala si Sadie ngayon... Ibang iba na talaga sya..." saad namanni Cleo at napatingin ako dito. Sinagot ko agad ang sinabi nito. "Dahil hindi si Sadie ang isang yun..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD