Chapter 51

3405 Words
ZYPHIRE PAGKASABI ko nun ay napatingin sakin si Cleo na nagtataka kahit sila Shu ay naguguluhan na din. "Pano mo nasabi??" saad sakin ni Cleo. "Nasaan ang totoong Sadie kung ganun.." dugtong pa ni Cleo sakin na kinatingin ko sa mata nya. "Ligtas at malayo sa kapahamakan si Sadie at nasisiguro ko yun... Naghahanap lamang ako nang kasama papuntang kaharian dahil iba ang kutob ko sa pagpunta dito nang tatlo kasama si Shamie..." saad ko sa kanila. "Kahit ako ay nagtataka... Biglaan ang pagbalik nila dito at kasama agad si Shamie..." saad naman ni Shu sakin na kinatango ko. Tama si Shue eh ang bilis naman nun. "Sasama ako kung ganun sa kaharian..." saad sakin ni Cleo na kinaagaw nang pansin ko. Napatingin ako dito at desido ito sa nakikita ko. "Kung ganun... Ikaw ang kasama ko sa pagpunta... Saglit lang naman ang ating lalakbayin kaya't hindi ka maiinip..." saad ko kay Cleo na kinatango nya sakin. "Pano ang pekeng Shamie na yun??" saad naman ni Walt na kinaisip ko. Yung pekeng Shamie pa pala na iyun. "Ako ang bahala... Bantayan na lamang natin ang bawat galaw nila..." saad ko sa kanila at tumango naman ito sakin. "Mauna na kayo kung ganun... Baka maghinala ang mga yun sa tagal natin..." saad ni Shu dito at nauna na nga samin sila Cleo na lumabas. "Ano nga palang nangyari at umalis ka agad kanina??" saad nito sakin na kinatingin ko sa kanya. "Nag alala nang lubos si Zyrille sayo na hindi na halos mapakali hanggang matapos ang reception nila... Anong meron??" takang tanong ni shu na kinabuntong hininga ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat sa simula hanggang sa dulo. Wala akong ibinawas na deralye yung sa kay Uno lamang ang ibinawas ko dahil sa pribado pa anh detalyeng iyun. Gulat ang makikita sa kanya ngunit iniintindi nya din. "Wala ka bang naisalba ni isang gamit??" saad sakin ni shu na kinailing ko. Walang nasalba dahil lahat ay sabog talaga at planado ang pagsabog nito. "Sila Toli nga pala... Nag alala sila lalo na nang malamang may problema sabi ni Zyre..." saad sakin ni Shu na naalala ko. Oo nga pala sila Toli baka nag aalala padin yun. "Tara na sa kanila kung ganun..." saad ko agad dito at hinila na ito. Hindi ako nagsayang nang oras at pumunta agad kami dun sa playground sa baba kung saan kasama nila Nay Katie ang tatlo pati nadin sila Ate Kyllie tsaka si Tita Laura. Hindi nga ako nagkakamali at nandun sila nakikipaglaro ang mga matatanda sa tatlo. Lumapit kami dun at agad kaming nakita nung tatlong bata. "Mommy!!" sigaw agad ni Naomi sakin at lumuhod ako upang mayakap ito. Mahigpit ang yakap na ibinigay sakin nito. "Are you alright, Mom??" saad sakin ni JC at tinanguhan ko ito. Nagulat naman ako sa ginawa ni Toli na pagsilip dun sa braso kong natamaan nang bala. "Mom... Yung pinagbarilan mo ay wala na... Parang walang nangyari dito..." saad bigla ni Toli na kinatingin ko sa brasong iyun. Wala na nga ni peklat o sugat wala na agad. Hindi ako makapaniwala dun sa nangyari na baka kasama yun. Lumapit agad si Kyle sakin at tiningnan yun. Gulat naman akong tiningnan nito. "Wala na ang sugat... Pano nangyari yun??" saad sakin ni Kyle na kinibitab ko lang nang balikat. Inaya ko na lamang maglaro ang mga batang ito kasama sila Ate Kyllie dun na kita ang pag eenjoy dun kalaro sila Naomi. Para kaming mga bata nila Shu dun dahil sa tatlo. Pulos takbuhan at habulan ang nangyayari samin. *MAKALIPAS ANG 2 ORAS* Nandito na kaming lahat sa dining nang hotel dahil sa dinner na daw. Lahat ay kompleto dito at kasya ang lahat sa lamesang iyun na kinatuwa naman nila. Sapagkat ay alam namin nila Shu ay hindi talaga kami buo. "Hmmm oo nga pala... Bakit ka biglang lumisan kanina, Fire??" saad bigla ni Mom habang nakain. Napatingin naman ako dito. "Nagkaproblema lang sa kung saan at naresolba naman agad..."sagot ko dito at tinanguhan naman ako nito na animo'y naintindihan. "Kailangan ko nga palang bumalik sa kaharian panandalian..." saad ko sa kanila bago ko pa makalimutan at biglaan nanamang umalis. Napatingin naman sila saking lahat eksep dun kila Cleo na nakatingin sakin na alam ang lahat. "Eh kung ganun ay uuwi na tayo bukas..." saad sakin ni Kuya Zyrille na kinailing ko. "Tulad nang sabi ko ay panandalian... Dito lamang kayo at babalik din naman agad ako sa lunes na pag uwi nating lahat..." saad ko sa kanila at nagtataka padin ang tingin nila. "Biglaan yata ang desisyon mong yan, Hija..." saad sakin ni Tito Peter. "Abay biglaan talaga, Pare... Ano bang dahilan nang pagkabiglaan na iyan.." saad naman ni Tay Wayne sakin. "May gusto akong pagkasunduan sa Ancient 10... At mas magandang harap harapan kong sabihin sa kanila iyun..." saad ko sa kanila at sinamaan naman ako nang tingin nabg dalawa kong Kuya. "Hindi mo naman nagawa ang pangatlong pagkakamali..." saad sakin ni Kuya Zyre na kinailing ko. Medyo natatawa ako sa pagiling kong yun. "Pag uusap lamang ang aking hangad... At may gusto ding sumama sakin kung inyong pahihintulutan..." saad ko sa kanila. "Sino naman iyun, Anak??" saad sakin ni Dad na kinatingin ko kay Cleo.. "Sasamahan ko sya, Tito... Nasabi ko na din sa kanya eto at sumang ayon sya..." saad naman ni Cleo na kinatango nila. "Kailan ang inyong pag alis kung ganun..." saad naman ni Chairman Zuello samin. "Mamaya din agad agad... Mas magandang mamaya kesa sa umaga..." saad ko sa kanila at sumang ayon naman sialng lahat basta't babalik daw kami sa lunes bago umalis dito sa batanes. Nang matapos kumain ay umakyat kami sa penthouse ko kung saab kami nananatili lahat except kila Kuya Zyrille at Ate Kyllie na may sariling kwarto na katabi naman namin kaya madaling maalerto. Dumeretso agad ako sa kwarto namin at inihabilin ko na din ang tatlo kong anak kay Nay Katie o kaya naman sa Tito Daddy nila at ayos lang daw sa kanila. Naligo agad ako at inayos ang sarili. Inilugay ko lamang ang buhok ko na ipinatuyo ko agad kaya lumabas ang pagkawavy nito. Nag suot ako nang white na polo na longsleeves basta yun tapos pinatungan ko nang black na tuxedo blazer na hanggang sa pwetan yun at tsaka yung black na tuxedo pants at yung sneakers na plain white yun. Dinala ko ang balisong ko at ang b***l ko. Inilagay ko yun dun sa back pack kong plain black. At kung tutuusin ay all black ako dahil dun ako kilala sa kaharian namin. Black at white lang ang suot. "WALT GRISSON!!" agad akong napabalikwas sa sigaw ni Chairman Grisson dun. Dinala ko agad ang bag ko at pinuntahan ang pinanggalingan nang sigaw na yun. Agad akong nakadating dun sa kwarto nila Walt at Vinnie. Nandun ang Chairman Grisson na pinapakalma ni Ate Kyllie na may dala agad na emergency kit kasama si kuya Zyrille. Naagaw ko naman ang atensyon nila dun. Halos lahat ay nandito ngunit puro kalalakihan lang wala sila Tita Laura tsaka Mom pati nadin si Tay Wayne tsaka si Nay Katie na mukhang nakabantay sa mga bata. Wala din sila Sadie at Shamie pati ang tatlo na sina Kaze na mukhang hindi pumunta at nandito na nga ang iba. "I'm really sorry, Snow... I'm very very sorry..." saad bigla ni Vinnie na kinatingin ko dito. "I hate that word, Vinnie... Cut it off, what happened at nagakakasigawan??" saad ko sa kanila at may iniabot naman sakin si Shu na halatang apektado dun. Kinuha ko yun at isang pregnancy test yun. Nahulog ko yun sa gulat nang makita ang dalawang linya. Dalawang linya na nagpapahiwatig na positive."I'm sorry, Fire... Vinnie is pregnant and I'm the father..." kita ko ang pagtulo nang luha ni Walt nang sabihin nya yun. Gusto kong pagsabihan sila pero wala. Nagawa na nila ang hindi dapat. "Isang pagkakamali toh..." saad bigla ni Vinnie na kinailing ko. Para akong tinamaan sa sinabi nya nang hindi ko malaman ang dahilan. "Hindi yan pagkakamali... Don't ever call that human in your tummy na pagkakamali... Biyaya sya sa inyo... Tsaka wala kayong dapat ipagalala dahil unang pagkakamali nyo pa lamang ito..." saad ko sa kanila at napatingin sakin ang dalawa "But we're sorry, Fire..." saad sakin ni Walt na kinabuntong hininga ko. "I hate that word... Don't ever repeat the word tsaka biyaya ang batang iyan... Ako na ang magsasabi sa Ancient nang pagkakamaling ito... Una pa lamang ito kaya wag kayong mangamba... Nang gawin nyo ba ay nangamba kayo?? Hindi diba?? So cut it off..." saad ko sa kanila dahil gusto kong magpakatotoo ayaw ko nabg paikot ikutin sila na gento ganyan. "Alam nyong hindi pwede ay nagawa nyo... Ngayon nagawa nyo na tsaka nyo lang nalamang mali yun... Masyadong marami ang naaantig sa pleasure na dala nyang s*x na yan na halos baliwin kayo sa pleasure then pag may nabuo you don't know what to do...  Don't be sorry if you didn't regret it while doing it... Tanggapin nyo ang biyayang binigay sa inyo nang Diyos, accept that human... Chairman Grisson, calm yourself... Ako na ang bahala sa reputasyon nyo kung yun ang iniisip nyo.. It will be safe and sound sa FIS o kahit sa SIS... "saad ko at binalingan nang tingin si Chairman Grisson na napatingin sakin at tinanguhan ako. "Wala kayong gagawin kundi tanggapin ang batang yan... Gagawan ko nang paraan ang pagkakamaling ito basta't tanggapin nyo yan..." saad ko muli at binalingan nang tingin sila Walt na ngayon ay nagtatatango sakin. "S-salamat, Fire... Maraming salamat..." saad sakin nang dalawa na kinatango ko na lamang. "Then what will happened to their sin??" saad sakin ni Chairman Schaefer na binalingan ko naman nang tingin. "They broke the rules at wala nang magbabago dun, Chairman... Ang magagawa ko lang ang iyung linisin ang reputasyon nila sa dalawang paaralan... Gawing komportable ang pagdadalang tao ni Vinnie..." saad ko dito na kinatango na lamang nito sakin. "Kala ko ba gagawan mo nang paraan??" saad sakin ni Chairman Zyello na natatawa kong tinanguhan. He didn't get what I meant. "Yes... Gagawan ko nang paraan upang matanggal ang pagkakamaling iyun sa pangalan nang Grisson at nang mga Kane... Sa ngayon ay kailangan na naming umalis ni Cleo..." saad ko at binalingan nang tingin si Cleo na tulad ko ay bihis din. Nakatuxedo din ito ngunit ang pinagkaiba lang namin ay kulay pula ang nandito at itim sakin habang ung polo sleeves ko ay bukas nang limang butones pababa. Nakasapatos tong kulay itim na nakintab pa. "We need to go..." saad ko kay Cleo at tinanguhan naman ako nito. Napatingin ako kay Kuya Zyre na katabi ko na ngayon. "Ano ba kasi ang pagkakasunduan nyo nang Ancient 10 at ikaw pa ang dapat pumunta?? " saad naman ni Kuya Zyre sakin. "Magsabi ka nang totoo, Snow.." saad naman ni Kuya Zyrille na kinalunok ko. Kailangan talaga nila alamin talaga. "Tungkol kay Uno..." sagot ko sa kanila. "Yun lang?? At ano pa... Imposibleng si Uno lang yan..." saad naman ni Chairman Schaefer sakin. "Tungkol kay Uno at sa akin..." sagot ko naman sa kanila. "Wag mo sabihing tungkol sa pagkata-" "It is about my penalty not about myself... I need to deal with them kung sakaling magawa ko ang pangatlong pagkakamali... We will go now exactly..." saad ko sa kanila at tinalikuran na lamang sila. Lalabas na sana ako nang kwartong iyun nang may humawak sa kamay ko."Hindi mo ba sasabihin ang plano mo sakin??" saad ni Kuya Zyre ngunit hindi ko ito hinarap. "Malalaman at malalaman nyo din naman lalo pa't nakakausap nyo ang mga Ancient..." saad ko dito at tuluyan na akong naglakad muli. Nang makalabas kami sa penthouse ay nag elevator agad kami yung elevator na out of service. "Bakit tayo dito sasakay??" saad sakin ni Cleo at tiningnan ko yung elevator buttons. Tumingin ako sa paligid at kinapa ang left side nito. Nang makapa ko ang button ay bumukas yung isang lalagyanan at may lumabas na button dun. Pinindot ko yun at biglang animo'y lumindol sa elevator. Humawak agad ako dun sa handles tulad ni Cleo. "Humawak ka nang mabuti..." paalala ko dito at pagkatapos nang ilang segundo ay natapos ang pangyayaring yun. Bumukas naman ang elevator at bumungad samin ang isang kotse. Isang SSC TUATARA ang kotse iyun na ang katapat ay isang mahabang daan. "Nasaan tayo, Fire??" saad sakin ni Cleo na lumapit dun sa kotse. "Ang ganda ganda nang kotseng ito..." bulong nito na kinatawa ko konti. Napatingin naman ito sakin na gulat na gulat. "W-wala na yung e-elevator..." saad nito na itinuro pa ang likod ko. Hindi ako nag abalang tingnan yun dahil wala naman na talaga. "Sasakyan natin yan patungong kaharian kaya humayo na tayo bago pa magdilim..." saad ko dito at kinuha ang susi sa bag ko. Pumasok naman agad kami dun sa kotse. "Bakit?? Aning meron pag nag gabi dito??" saad sakin ni Cleo at napatingin ako dito. "Maraming bandido dito kaya't kailangan nating humayo hangga't malakas ang liwanag nang mga bituin at buwan..." saad ko dito at nginitian ito. Inistart ko agad ang kotse at pinaandar nang mabilis yun. Dere-deretso lamang ang daang iyun kaya hindi kami maliligaw mala gubat panga ito eh. Binagalan ko konti nang may makitang liwanag sa gilid ni Cleo. "Nakakatakot naman ang kahariang ito..." saad ni Cleo habang nakatingin dun. Palasyo yun na kulay itim ang lahat. Nakakatakot ang awra nito na animo'y mga halimaw ang nakatira. "Palasyo nang Dark Family ang isang yan... Ibig sabihin malapit na tayo sa Zoied Kingdom..." saad ko dito at biglaang pinabilis ang andar nang kotse. "Namimiss ko na ang Sadie ko, Fire..." biglang saad ni Cleo nang tumambad na nga samin ang isang malaking gate. Sobrang sobrang laking gate netog na halos kala mo ay Great China Wall ba yun haha. "Wag kang mag alala... Makikita mo na sya ulit dito..." saad ko dito at kinuha ang telepono ko. Hinanap ko ang numero ni Astral at agad na tinawagan yun. Niloud speaker ko upang marinig din ni Cleo. Unang ring palang ay sinagot agad ni Astral. "Snow!! Napatawag ka..." saad agad nito galing kabilang linya. "Kaya nga eh... Kasama ko si Cleo..." "Yow!! Ancient One!!" bati ni Cleo at rinig ko ang tawa ni Astral sa kabilang linya. "Buo nga pala ang barkada natin sa Trainy Academy ngayon dito... Uwi ka naman oy..." saad naman ni Astral at nakarinig ako nang sigawan na pamilyar sa pandinig ko. Ang pamilya ko ang mgs yun tsk. "Kung ganun ay pagbuksan nyo kami ni Cleo nang gate nang tayo'y mag kausap usap..." saad ko at nakarinig ako nang pagmumura. "Oh s**t!! Nandyan kayo??" saad nito ngunit inend ko na agad upang hindi humaba ang usapan. Bumukas naman nang tuluyan ang malaking gate na yun at daan muli ang sumalubong tsaka mga bahay nang mga mamamayan. Kita din ang Palasyo dun na malayo layo samin ang babyahiin. "W-woooww parang village..." saad ni Cleo na kinatawa ko lamang. Pinaandar ko agad papasok ang kotse at rinig ko ang pagsarado muli nun kaya't nagtuloy tuloy ang pagpapaandar ko nung kotse hanggang sa makarating kami dun sa tapat nang hukuman. Puro paghanga ang naririnig ko kay Cleo. "Baba na tayo.." saad ko kay Cleo at bumaba na nga kami sa sasakyan namin. Naglakad kami dun hanggang sa tumambad sa harap namin ang isang malaking pinto na may bantay na apat na mandirigma o sundalo. "Highest Rank General!!" saad bigla sabay sabay nun at sumaludo sakin. Sumaludo din ako sa kanila at pinagbuksan nila kami nung pintong iyun. "Nakakahanga dito..." bulong sakin ni Cleo na medyo kinatawa ko. Nang bumukas ang pinto ay bumungad ang isang hallway na may hagdan konti dun sa dulo at sampung upuan na nga na nagsasabing yun ang pag-aari nang Ancient 10 at sa gitna nun ay ang upuan nang hari at reyna. Dun sa gitna sa sahig ay may malaking bilog na animoy may star sa gitna nun. "Eto ang Hukuman, Cleo... Kung saan lahat nang mga dapat pagusapan ay dito nila pinag-uusapan kung tungkol sa Zoied Kingdom..." saad ko kay Cleo at hangang hanga sya sa ganda nang pagkakadesenyo. Naglakad kami dun sa may left side kung saan nandun na nga sila Astral tsaka yung barkada ko sa Trainy Akademy."Snow!!" sigaw nang limang lalaking yun na tumakbo pa sakin. *HUUUKKK* Dinambahan pa ako nang mga hayop sa pagyakap na kinamuntikan pa naming mahulog. "Hey hey!! Stop it..." saad ko sa kanila at bumitaw naman ang mga ito. Napatingin naman sila kay Cleo na halatang nagulat sa inasta nang mga yun. "Ow the prince is with you... Prince Gab of Zuello Family..." saad ni Astral na yinukuan si Cleo at sumunod din yung apat dito. "S-sino sila, Snow??" bulong sakin ni Cleo. "Ahhhh sya si Astral Obiajunwa tapos si Leo Samaria at si Marco Palvoni pati tong si Donnie Vergara tsaka etong si Paulo Tan... Barkada ko dun sa Trainy Akademy hanggang ngayon..." saad ko kay Cleo na itinuro kung sino sino yun. Nakipagkamay naman ito sa isa't-isa at inanyayahan kaming maupo dun sa may Couch dun. Pagkaupo na pagkaupo namin ay katahimikan ang dumalaw samin."Napadalaw ka yata, Snow at kasama mo ang Prinsipe..." saad sakin ni Marco. "Ahhh nandito ako para kausapin ang Ancient 10... Tsaka sila Sadie... Kamusta??" saad ko sa kanila at napatingin naman yung lima sakin. "Ayos na ayos kami... Wala paring girlfriend eh..." saad ni Paulo na kinatawa naming lahat lokong toh. "Ang dami daming babae dito sa Kaharian at bakit wala kayong mapili??" saad ko sa kanila at natatawa naman nila akong tiningan. "Baka hindi mo alam na mahirap mag hanap nang babaeng tulad mo..." saad ni Donnie sakin at kinabatukan ko sa kanya. "Nag iisa lang ako noh!! Mga loko toh... Sila Sadie nga pala..." saad ko sa kanila at tumawa na nga nang tumawa tong lima na animo'y may naalala. "Nananakit ang tyan namin simula nang dumating yung isang yun... Puro kalokohan at puro paghohost sa kung ano ang ginagawa..." natatawang saad ni Astral sakin na medyo kinatawa ko na talaga kahit si Cleo. "Kakaiba ang nobya mo, Prinsipe... Pati ang mga simpleng bagay ay nagiging katawa tawa at yun inaaway ang baklang Kent kanina..." saad ni Leo na tuwang tuwa kahit ako ay nagawa siguradong tabla ang laban nang dalawang yun. "Hoy hoy hoy!!! Ano nanamang tinataw-Cleo??" napatingin ako sa boses na yun at lumabas na nga nang sukdulan si Sadie dun na kasunod sila Kent, Kaze, at Kian pati nadin si Shamie na napakataray. "S-sadie ko!!" saad ni Cleo nang tumakbo papunta sa kanya si Sadie at yinakap ito. "Wow ha?? Napakagandang reunion naman yata yan..." saad naman ni Kent at linapitan ako. Ginaya nya ang pagtakbo takbo ni Sadie at yinakap din ako. Natawa kami sa inasta ni Kent na nahampas pa ni Sadie na tawa din nang tawa. "Puro kalokohan tong mga toh... Kamusta, Kaze at Kian..." saad ko sa dalawa at yinakap din ito. "Walang sing ganda dito, Snow... Kamusta naman ang pekeng kami dun??" saad sakin ni Kian. "Oo nga pala... Baka naman ay inentertain mo masyado yun tsk...." saad bigla ni Kaze na binatukan ko agad. "Loko!! Ayos naman sila... Susunduin ko na nga pala kayo..." saad ko sa kanila at kita ang excitement nang apat. Lumapit naman si Shamie at umakap din sakin. "Naku naku!! Salamat, Snow!! Nakaready na ang mga make ups ko dun... Aalis nalang talaga ang kulang..." saad sakin ni Shamie na kinatawa namin. "Bukas na bukas din naman ang alis nadin, Shasha... Kakausapin ko lamang panandalian ang mga Ancient..." saad ko dito at pinamewangan naman ako nito. "Hey!! May ginawa ka bang katarantaduhan?!" saad sakin nito na kinagulat ko. "Wala noh... Just need to talk to them..." saad ko at binalingan yung lima na may nagtatakang tingin sakin. "Madami akong nalaman tungkol sayo dito, Fire este Snow... Grabe hindi ako makapaniwala..." saad sakin ni Sadie na kinatingin ko dito. Nginitian ko lamang ito hangga't makakaya ko. "About saan naman??" saad ko sa kanya at nag isip naman ito. "About why you hate your birthday..." pahina nang pahina na saad ni Sadie na kinawala nang ngiti ko. Napatingin ako kay Astral na nagiwas nang tingin sakin. Bumaling uli ako nang tingin kay Sadie na nakaawang ang bibig na nagkakapa nang sasabihin. "D-don't ever tell that to anyone... Ayokong nang maalala pa muli ang iniiwas iwasan ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD