KYAN SHU
ISANG magandang umaga ang bumungad sakin ngunit wala ngayon si Zyphire umalis kagabi kasama si Cleo. Tinry namin syang tawagan nang talikuran nya si Zyre ngunit iniwan nito ang phone nya kahit si Cleo. Mukhang planado nila angmga yun.
Bumaba agad ako upang kumain nang umagahan. Pagbaba ko ay bumungad silang lahat dun at tulad ko ay kadadating lang din nila. "Good morning, Anak!!" masiglang saad sakin ni Mom at nginitian ko naman ito.
"Good morning sa inyo!!" bati ko sa kanilang lahat at naupo na sa hapag kainan.
Nabaling ang tingin ko kay Walt na inaalalayang umupo si Vinnie sa upuan. "Good morning!!" bati ko sa dalawa at gulat naman itong napatingin sakin na gulat.
Ginaya ko naman sa hindi malamang dahilan ang pagkagulat nila sakin. "Good morning??" pag-uulit ko sa dalawa at gulat parin ang mga ito.
"Good morning.." saad ni Walt sakin na kinangiti ko.
Alam ko ang takot nilang dalawa kagabi kung hindi lang dumating si Zyphire ay puto sigaw na lamang ni Chairman Grisson ang maririnig. Ngunit nakakahanga ang pagkalma ni Zyphire nang malaman nya yun. Madaming pangaral ang sinabi nya na tatatak talaga sayo.
Nagsimula kaming lahat kumain nang tahimik. Sobrabg tahimik nang atmospera habang kumakain kami. "Kamusta ka na Vinnie??" paninira nang katahimikan ni Ate Kyllie dito.
"A-ayos lang naman..."nauutal na sagot ni Vinnie kay Ate Kyllie.
"Wala ka namang nararamdamang kakaiba, Hija?? Magsabi ka lang samin..." saad naman ni Tita Katie dito at tinanguhan sya ni Vinnie. Nanaig na naman ang katahimikan samin hanggang sa matapos ang lahat kumain ay wala pading umaalis sa hapag kainan.
"Yung tungkol nga pala kila Cleo... Natawagan nyo na ba ang dalawa??" saad ni Chairman Schaefer na binalingan sila Zyre.
"Hindi po nila dala ang phone po nila Chairman..." saad ni Zyrille dito at nasapo na lamang ni Chairman ang noo nito.
"Eh yung mga sa Trainy Akademy..." saad naman ni Tita Zanra sa mga ito at kinuha agad ni Zyre ang phone at may tinawagan.
"Si Ancient One, Hijo..."saad ni Tito Wayne na nakatingin kay Zyre.
"Hindi po sinasagot... Si Ancient One lang po ang meron akong numero na kaibigan ni Snow..." saad ni Zyre na kinabuntong hininga nang lahat.
"Dark Emperor!!" napatingin kami sa boses na yun.
Si Kyle na may kausap sa telepono. Kung ganun pala ay may numero sya nang Dark Emperor. "Nabalitaan mo bang nandyan ang Highest Rank General?? Ha?? Wala dyan?? Ganun ba... Kung ganun salamat na lamang... Sige sige..." saad ni Kyle at ibinaba na ang kanyang telepono.
Napatingin ito samin na animo'y dismayado. "Kamusta daw si Zyphire??" saad ni Zyre dito.
"Nakalimutan ko yatang may laban sa pagitan nang mga kaharian natin... Ngunit wala daw si Snow dun... Ni anino ay hindi daw nya nakita..." saad ni Kyle na kinagulat namin.
"Ngunit ang sabi nya ay sya daw ang bahala kila Vinnie at Walt..." saad ni Chairman Zuello na kinatango ni Kyle dito.
Napatigil ang lahat nang may mag ring na telepono. Kinuha ko agad ang akin nang maramdamang akin yun. Unknown number ang nakalagay dun. Sinagot ko na lamang upang makasigurado.
"Hello?? Who is this??"
"Si Snow toh... Wag mo i loud speaker..." saad bigla nang kabilang linya na kinagulat ko.
"Hey!! Bakit nyo iniwan ang phone nyo..."
"Naiwan ba namin?? Kala ko kasi dala ko..."
"Tsk... Kala mo lang yun..."
"Naayos na kamo ang kila Vinnie at Walt... Baka bukas kamo kami makauwi nang umaga tsaka wag na kamo mamroblema si Chairman Grisson... Burado ang pagkakasala nila Walt..."
"Ha eh-" napatigil ako nang marinig na inend na nya ang phone call. Ang bilis nyang magsalita pero detalyadong detalyado ang mga yun.
"Si Zyphire ba ang kausap mo, hijo?? Anong balita??" saad ni Chairman Grisson sakin na kinatingin ko kila Walt at Vinnie.
"Naayos na daw nya ang lahat... Burado na daw ang pagkakasala nyo... Mukhang nagawan nya talaga nang paraan..." saad ko sa dalawa at kita ang pagliwanag nang awra nila sa sinabi ko.
"W-wala na?? Anong ibig nyang sabihin dun??" saad bigla ni Tito Zyre sakin. Napatingin naman ako dito at kita ang pag-aalala sa mukha nito na hindi ko malaman ang dahilan.
"Wala po syang sinabi na kahit ano kung hindi yun..." saad ko dito at napatingin naman ito kay Zyre. P
Napatayo si Tito Zyre na nakahawak sa batok nito at nagmamadaling tawagan ni Zyre ang kung sino pati si Zyrille ay nagtatawag nadin.
Si Chairman Schaefer naman ay kinuha nadin ang phone habang si Vinnie ay nagsimula nang humagulgol tulad ni Ate Kyllie. "No... No... Hindi pwede yun..." rinig kong saad ni Kyle sa gilid. Inaalalayan naman ni Mom ang dalawang kababaihan na umiiyak.
"Call her... Call anyone nakilala ni Fire!! Kahit sino dun basta tawagan nyo!!" sigaw ni Tito Zyre na kinagalaw nila Zyre kahit ako ay kinakabahan sa inaasta nila ngayon.
"Hey, Sweety... Kumalma ka..." saad ni Tita Zanra dito pero hindi padin kumalma si Tito Zyre.
"Anong nangyayari??" saad ko kay Walt na katabi kong inaalalayan si Vinnie.
"There's a rule na pwedeng angkinin nang kung sino ang sala nang iba kung gugustuhin nya, Shu..." saad sakin ni Walt na biglang kinalabog ang dibdib ko dun.
Pwedeng angkinin nang kung sino ang salang yun at sya na ang magkakasala hindi ang totoong may sala. Pero kung ganun ay si Zyphire ang... maaaring umangkin nang sala nila Walt.
Napatingin ako kay Walt na inaasikaso si Vinnie. Hindi maaaring mangyari yun hindi pa pwede. "No one is answering their phone, Dad... Kahit ang Dark Emperor ay hindi na sinagot ang tawag..." saad ni Zyrille kay Tito Zyre.
"Pero nagsabi syang babalik sya... Panghawakan na muna natin ang salita nya..." saad ni Tita Zanra sa mag aama at padabog na tiningnan ni Zyre ito.
"Nagsabi sya... Pero hindi sya nangako... Kaya nyang sirain yun dahil hindi yun pangako!! We need to go there..." saad ni Zyre ngunit pinigilan sya ni Kyle.
"Wag... Babalik si Snow at nasisiguro ko yun... Dahil kung inangkin nya man ay siguradong ang isasama nya ay ang tatlo nyang anak ngunit nandito at iniwan satin... Alalahanin mong mas mahalaga pa sa buhay ni Snow ang tatlo nyang anak, Zyre..." pagpapaalala ni Kyle dito na kinatango ko.
Nakita ko ang pagmamahal nya kila Toli na animo'y galing talaga sa sinapupunan nya at nasisiguro kong hindi nya basta bastang iiwan ang mga anak nya nang ganun ka dali. Napatingin ako sa phone ko nang mag ring muli yun. Yung unknown number nanaman.
Sinagot ko agad yun. "Shu, pakisabi kay Zyre at Zyrille lang... Talk to them privately... Naiintindihan mo ba??" saad bigla nito sa kabilang linya.
"Hey nag-aalala kaming lahat sayo..."
"Then stop that pag-aalala thingy... Pakisabing rats are in the cage of the cats... Yun lang okay??"
"Ano ulit??"
"Rats are in the the cage of the Cats... Salamat, Shu..." saad nito at magsasalita pa sana ako nang iend nanaman nito ang call.
Napatingin ako sa mga kasama ko at mga nakatingin ito sakin na kinalunok ko nang maigi. "Zyre and Zyrille... I need to talk to you privately..." saad ko agad sa kanila at nagaalalang nakatingin sila sakin.
"Is she okay daw ba??" saad sakin ni Tito Zyre.
"Ang sabi nya po ay wag daw pong mag alala... She is definitely okay..." saad ko at napatingin muli kila Zyre.
"Kung ganun... Tara, Shu..." saad sakin ni Zyre at sinundan ko silang dalawa. Dinala nila ako palabas nang penthouse at pumasok dun sa kwarto nila Kuya Zyrille na nabanggit ni Zyphire na sound proof at mahigpit ang security nun.
Pagkapasok ay napatingin agad sila sakin na kinalunok ko uli nang mabuti. "Bakit mo kailangan kaming kausapin??" saad agad ni Zyrille sakin.
"It is about Snow... May gusto syang ipasabi..." saad ko at kita ko ang pagkainteresado nang dalawa.
"Ano yun at bakit kami lang??" saad ni Zyre sakin.
"Ang sabi nya ay Rats are in the Cage of the Cats at yun lamang ang gusto nyang ipasabi..." saad ko sa kanila na kinatango nila sakin.
Nagkatinginan ang dalawa na animo'y nag uusap sa tinginan nilang iyun. "Rats?? Cats?? Hindi ko maintindihan..." saad ni Zyre kay Zyrille na nakatingin padin sila sa isa't isa.
"Mahirap intindihin..." bulong ni Zyrille.
Tama sila mahirap intindihin ang binigay na riddle ni Sniw para syang riddle with a twist of puzzle. Magulo na kung ano ang riddle. May rats, cats, at cage yun lang ang hint dun na mahirap pang intindihin.
"It is kinda difficult... Tatlong hint lang ang ibinigay nya ang rats, cats, at cage..." saad ko sa kanila na kinatango naman namin dun.
TANGHALI na at nakaligo na kaming lahat nagswimming pa nga ang iba samin ngunit kaming tatlo nila Zyre ay eto at iniisip ang riddle na yun. Ang lalim nang riddle na kailangan mo talagang sisirin kung kinakailangan.
Nakaupo lang kami dito sa sand kung saan nakatapat dun kila Mom na naglalaro nang buhangin kasama yung tatlong bata. Lahat kami ay nandito at nagtatampisaw habang kaming tatlo ay nakaupo at nag-iisip padin.
"Ang riddles nya ang pinakamahirap intindihin... Ginagawa nyang puzzle..." saad ni Zyre na kinatango nalamang namin ni Zyrille.
Riddles are not puzzles and puzzles are not riddles but ngayon nagawa nyang pagsamahin ang riddles at puzzles, nakakahanga. Pero kung iintindihin ko ang sinabi nyang Rats are in the cage of the cats masasabi kong ang Cage ay kampo nang cats.
Enemies ang Cats and Rats so anong connect nun?? Tangina!! Kung ang sabi nya ay rats are in the cage of the cats ibigsabihin... KAMI ANG CATS AT KAMPO NAMIN TOH AT MAY NAKAPASOK NA KALABAN SA KAMPO NAMIN NGAYON!!
"Hey!! Mukhang naisip mo na.." saad bugla ni Zyrille na kinatingin ko dito.
Masyado yata akong halata. "Medyo... Kese look... Rats and Cats are Enemies... And Cage means Kampo or Teritory... Which is ang pinapadala nyang message ay..." binitin ko sila at kita ko ang pagkalaki nang mata nila na nagsasabing nakuha nila ang punto ko.
"May nakapasok na kala-"
*BOOOOMMM!! *
Napatayo kaming tatlo sa pagsabog nayun. Isang malakas na pagsabog na kinahila naming tatlo sa mga kasama namin sa tapat nang hotel. Nasisiguro kong granada ang isang yun sa lakas.
"Igitna nyo ang kababaihan at mga Chairman..." sigaw ni Zyrille at galaw agad kami at naging katabi ko si Walt dun sa pagharang.
Nabaling ang tingin ko or namin dun sa dami nang nakapalibot samin. Pulos nakaitim ito at yung iba ay may simbolo nung mga tumakot kila Mom. Nagsimula nang maginit ang ulo ko nang makita yun.
Biglang nagbigay daan ang nasa harapan namin at dun lumabas si Cinco na tuwang tuwa at may mga kasama. "Ang Imperial Family... Katapusan na natin... " bulong bigla ni Chairman Schaefer na kinakaba ko. Ganun ba sila kalakas para katakutan nang Chairman.
"Magandang tanghali sa inyo mga prinsipe at prinsesa!! Napakaganda nga talaga sa isla nang Highest Rank General" saad bigla ni Ryle na kinagulat ko.
Lahat nang kinulong ni Fire ay nakatakas at buo sila ngayon kung bibilangin ay Siyam ang miyembro nang pamilya nila. Kasama dun yung Wikii, Cinco, Ryle, Rico, Miguel, Jack, Micmic, tsaka yung dalawang lalaki na hindi ko mamukhaan kung sino.
"Pribado ang islang ito upang pasukin nyo..." matigas na saad ni Zyre dito at nagsitawanan sila na animo'y tuwang tuwa.
"Hay nako hindi na kayo nasanay... Bahay nga nang Care Bear na yun ay napasabog ko eto pa kayang isla nung Snow..." saad bigla nung Lalaki na medyo kinainit nang ulo ko. Mahalaga yun kay Fire dagil nadin sa ayaw nya ipagbenta yun ay pinasabog naman nang mga toh.
"Ikaw pala si Uno kung ganun... At himalang pinalabas mo na si Tres..." saad naman ni Zyrille na itinuro pa angmga yun. Sila pala sila Uno at Tres kung ganun mga numero pala ang pangalan nila tsk.
"Abay syempre... Wala ang Highest Rank General ngunit sayang at hindi nya makikilala ang bago kong kaibigan..." saad ni Tres na ngingiti ngiti.
"Sino naman yang BAGO mong KAIBIGAN, Tres??" saad bigla ni Dad dito na kinagulat ko. Kilala ni Dad kung ganun ang Tres na yun.
"Sya... Sya ang bago kong kaibigan... Namumukhaan nyo ba??" saad nung Tres na itinuro ang isang daan sa gilid nito. Napatingin kami dun at lumabas ang isang matipunong lalaki dun.
Napatingin ako kay Zyre at Zyrille na gulat na gulat. "Muling pagkikita sa inyong dalawa..." saad nito na ang paningin ay na kila Zyre at Zyrille.
"Ang Mafia Boss..." saad bigla ni Zyrille na kinalunok ko.
NANDAMAY PA SILA NANG MAFIA BOSS!?
Ibigsabihin gangster tong mga nakapaligid samin ganun. Talagang tigang kami dun jusmeyo por pabor marimar."Tama ka... Ang nag iisang mafia boss..." saad naman nung Mafia boss na yun.
"Ngunit pano nyo naman malalaman ang pagkawala ni Snow??" saad namn ni Tito Zyre sa mga ito at nagsitawanan nanaman sila.
"Masyado yatang nagtitiwala ang mahal nyong Snow sa kung sino sino at hindi na malaman kung sino ba ang totoo..." saad naman ni Miguel samin na kinataka ko. Hindi ganun si Snow na nagtitiwala sa kung sino sino nang basta basta.
"Padaanin nyo kami..." nagulat ako sa boses na yun. Si Sadie yun alam ko.
Gulat man ay napatingin kami sa kanya. "Ano bang sinasabi mo, Sadie??" naguguluhang saad ni Vinnie ngunit dumaan lamang sila Sadid, Shamie, Kaze, Kian, At Kent sa harapan namin patungo kila Cinco na kinataka nang iba ngunit ako at ni Walt ay alam na yun.
Totoo palang hindi talaga sila yung mga yun.
"Sadie!! Wag kang lalapit sa kanila!!" sigaw ni Tita Katie na ngayon ay naiiyak na.
"Ano ba?! Nakakairita ang boses mo, tanda!!" sigaw ni Sadie dito na kinagulat ni Tita Katie.
"Ha. Ha. Ha buti nga sa inyo... Kung makikita nyo ay hindi talaga sila yang mga yan... Pinaretoke ko ang mga yan nang tulad na tulad sa mga kaibigan nyo upang malaman ang plano nyo at nagtagumpay naman kami... Lahat kayo ay umakto sa layout namin!! At mga gunggong pala ang mga ito tsk... "saad ni Jack yung matanda samin na tuwang tuwa naman.
"Mga gago!! Niloko nyo lang kami ganun!!" sigaw ni Tita Zanra sa mga ito ngunit tawa lang ang tinugon nila dun.
Nakakairita ang mga tawa nila at animo'y pinakapangit na musika para sa aking tenga ang mga yun. Nakakairita at nakakabinging mga tawa ngunit napansin kong hindi nakikisabay ang Mafia Boss sa pagtawa dahil nakayuko lamang ito na animo'y walang pake sa paligid.
"Ayan naba ang kaya nyong gawin!?" napatingin ako sa sigaw na yun galing sa kaliwang parte namin at nakita ko dun sila Sadie, Shamie, Kent, Kaze at Kian. Nilingon ko ang mga kasama nila Cinco at nandun padin ang mga yun ibigsabihin ay mga totong Sadie ang mga itong nasa left side namin.
Agad na lumapit ang mga ito samin at sumamang harapin namin si Kaze habang sila Kian at Kent at sumama kila Vinnie. "Ikaw na ba talaga yan, Sadie??" saad ni Vinnie dito.
"Meron pa bang ibang Sadie sa mundo?? Nag iisa ang gandang toh noh..." saad nito na kinatingin ko sa katabi ko, Si Cleo.
"Kamusta naman, Shu at Walt??" saad nito samin at batok naming dalawa ni Walt ang sumalubong sa kanya.
"Tang ina mo, Erp... Nasaan naman si Snow??" saad ko kay Cleo at napakibit balikat ito.
"Nagpaiwan sa Kaharian... Pinaiwan nang mga hukom para sa pagdadalang tao ni Vinnie..."saad ni Cleo na kinatutok muli namin dun sa mga Imperial.
"Pano ba yan?! Kasama nanamin ang mga ORIGINAL?!" saad naman ni Zyre sa mga ito at kita ang inis sa mga mukha nila.
"Hey!? Kahit mabuo kayo ay hindi nyo kami matatapos!? Just like that lang!? Really!?" saad naman ni Wikii at lahat sila ay bigla kaming tinutukan nang b***l na kinagulat namin.
"Lugi tayo... May b***l sila..." saad ni Kaze samin na kinalunok ko. Talagang katapusan namin pagsabay sabay nilang pinutok yun.
"Kung bibigyan ko kayo nang b***l na iisa lamang ang bala, sino ang tatanggap nun?!" sigaw ni Ricko samin na kinataka ko. Isang bala eh loko pala sila isa lang tatamaan nang balang yun loko.
"Kung nandito si Snow siguradong... Lahat kayo magsasama sama sa impyerno gamit ang isang bala nya..." saad ni Zyrille dito na kinatawa nanaman nila.
"Kaya lang wala nga si Snow diba!? Wag nang isali ang wala!?" sigaw ni Uno samin na medyo natatawa pa.
*BANG*
"Alam nyo bang madaya kayo!? Walang b***l ang mga ito tapos kayo meron!? Lugi naman sila netoh..." sigaw bigla na humarang sa harapan namin at nasisiguro kong narinig ko na ang boses na yun.
Tinamaan nya ang b***l na nakatutok samin ni Cinco na kinatawa lamang ni Cinco."Ang Ancient One pati ang Ancient Three ay naririto... Inuulit ang eksenang nangyari na muli, tama ba ako Wikii??" saad ni Cinco na binalingan nang tingin si Wikii na tinanguhan lamang ito.
"Ipasok nyo ang mga matatanda... Kaminang bahala dito... Shu, Walt, at Cleo sumama kayo sa kanila..." saad ni Zyre samin na kinagulat ko.
"Hindi pwede yan, Zyre... Ang dami nila at hindi natin sila kaya... Lalo pa't puro tauhan nang mga Imperial yan wala pa ang mga tauhan nang Mafia dyan..." bulong naman ni Zyrille dito na kinatango na lamang ni Zyre.
Kabado ako dahil madami nga ang mga tauhan nila at walo lamang kami na lalaban dito sa sandamakmak na tauhan nila."Nasaan na ba ang Highest Rank General?? Gusto ko syang makausap..." saad bigla nung Tres at nagsitawanan sila.
"Wala sya... Nasa kaharian kausap ang mga tagapagbatas... Mukhang hindi makakadalo kaya kami ang harapin nyo..." seryosong saad nung Ancient Three na kasama namin.
"Kung ganun... Panunuorin namin kayong dahan dahang mamatay dyan sa pwesto nyo..." saad ni Cinco at sinenyasan nito ang mga tauhan at sinugod kami nun.
Suntok dito suntok dun sipa sapak at kung ano-ano pa. Masyadong malakas ang mga ito kumpara samin. Parang ni trained talaga sila upang lumaban samin tsk."Hindi ba talaga makakarating si Snow??" saad bigla ni Kaze habang nalaban.
"Wala... Hindi sya makakadating kausap nya ang hukom at bukas sigurado anguwi nun alam nyo namang gustong gusto yun nang mga tagapagbatas natin eh..."