ZYPHIRE
Sa lakas nang katok na iyon ay napabalikwas kaming lahat. "Mukhang sisirain na ang pinto sa unang katok..." saad ni Cleo na kinatawa namin.
Lumapit dun si Shu at binuksan ang pinto. "Is this the room of Zyphire Typoon??" saad nung boses na parang lalaki.
Hindi ko makita dahil nakaharang si Shu doon. Lumapit naman agad sila Sadie at Vinnie dun na parang kilala. "Yes, it is... What can I do for you??" saad ko na medyo malakas na sapat na marinig nang nasa pinto.
"Can I enter your room??" saad nung lalaki na sakto lang ang lakas. Inaninag ko ito pero hindi ko parin makita.
"Just enter the room... What can I do for you??" saad ko at pumasok na ito sa room ko. Hindi ko sya makilala hindi pamilyar ang mukha nya sakin.
"Who are you??" tanong ko dito at lumapit ito sakin.
Lumapit naman agad sina Cleo sakin. Nakita ko si Sadie na pinindot yung buzzer pero walang tunog. Wala siguro talaga yung tunog. Hindi naman isinarado ni Shu ang pinto.
Hindi naman nagsalita yung lalaki na mukhang kasing edad ni Dad. "Would you like me to repeat the question to you??" seryoso kong saad dito.
'Naiinis ako sa inaakto nya'
Inangat nya ang paningin nya sakin at naging pamilyar sya sakin. "Do I know you mister??" saad ko at seryoso ang mukha nya.
"Thank you po... Thank you po for saving my life... It's my honor po to be your patient..."saad nito na yumuko pa sa gilid nang kama ko kung san ako humarap.
'Oo nga!! Sya yung inoperahan ko sa tulong ni Kuya Zyrille at Zyre!!'
"Kilala moko??" tanong ko dito at bumalik sya sa dati nyang tayo.
"Imperial po... Kilala ko po kayo.." saad nya at nag init bigla ang ulo ko kahit sina Sadie nang mapatingin ako dito.
"Imperial... Pamilyar ang last name mo sakin..." saad ko dito at tumango naman ito. Kita ko sa mata nya ang guilt.
"Tama po kayo... Ang mga traydor po..." saad nya sakin na kita ang lungkot sa mukha.
"Can you do me a favor, Mr. Imperial??" saad ko sa kanya at tumango naman ito.
'Gusto ko nang mga puzzle'
"Kahit ano po... Gagawin ko po... Basta po makakayanan" saad nya sakin at nginitian ko naman ito. Dumating naman si Kuya Zyre sa room ko at agad na lumapit sakin.
"Who is he?? What are you doing at my beloved sister's room??" saad ni Kuya Zyre dito.
"He is just thanking me for saving his life... The man who has 8 bullets in his body... Who survived because of me... He is an Imperial..." pag summary ko sa mga nangyari at seryosong napatingin si Zyre dito.
"Imperial po ako... Nagpapasalamat lang po ako... May gusto po kasing ipagawa ang kamahalan... Kaya nandito pa po ako..." saad nung Imperial at napatingin si Kuya sakin pero kinindatan ko lang ito na hindi halata.
"Are you with an Chaperone?? Can you let your chaperone in??"saad ko at tumango naman ito.
Sumilip ito sa labas nang pinto at bumalik muli sa kinatatayuan nya malapit sakin."Z-zyphire??" saad ni Miguel na tumabi sa lolo nga daw nya.
Napatingin ako sa lolo nyang siniko sya sa pagbanggit nun. "A-ahmm... I'm sorry for calling you that way... Pinatawag mo daw po ako..." saad ni Miguel at tumango naman ako.
Dahan dahan akong umalis sa kama ko at hinigit yung dextrose na nasa kamay ko. Tumayo ako at lumapit kay Cleo. Alam kong kilala nya ito sa mga tingin nya dito."I want this three man with my brother to entertain you... I'll just change my clothes then we will talk..." saad ko at tumango naman ito.
Kinuha ko ang bag na dala ni Vinnie at lumapit sa tenga nito. "Don't talk to them... The both of you, Fellixious..." bulong ko at ramdam ko ang pagtango nya.
"So... I think you know them na... Miguel... The Captain and the President... I don't want the both of you talk to them... You will be punish if you break my rule..." saad ko at dumeretso na sa C.R nang room ko.
Tiningnan ko muna ang damit na dala ni Vinnie at tumaas agad ang kilay ko. Trousers na may button both side, Crop cami top na may ladder cut out sa both side din,at sneakers na plain white. Napakasimple nang porma ko dito. Mabilis kong isinuot yun at kinuha yung pabango ko sa pouch na dala ko kagabi. Inilagay ko yung pouch ko sa bag at yung pen ko sa may labas nang bag.
Paglabas ko sa C.R ay napakalapit ni Cleo sa maglolo na mukhang gigil si Cleo. Tiningnan ko si Walt at nanggigigil din ang dalawa. Sila Sadie at Vinnie naman ay wala sa room mukhang lumabas kasama si Kuya Zyre. Isinuot ko yung maliit kong bag at lumapit sa mga ito.
'Lintek nga naman pag imperial'
"How things are going?? Cleo..." saad ko at lumapit ito sakin.
"They are what we know... Playing dirty..." saad ni Cleo at napangisi naman ako.
'Playing dirty'
Hinila ko ang upuan at inilapit sa gigil na gigil na si Walt at tumabi nadin si Cleo. "What are there plan?? Why did they gave me a visit??" saad ko na nakatingin deretso sa dalawang nasa harapan namin.
'Nanggigigil ako pag imperial na ang kaharap ko.... I want them to be gone'
"To kill you..." saad naman ni Miguel na kinangisi ko.
"In what way?? By giving me a visit?? You think that I am not in a good condition so they planned to the both of you to give me a visit then kill me... Right??" saad ko sa dalawang ito at iniangat nila ang tingin sakin.
"Mukhang minaliit ka nga namin... Masyado kang matalino" saad nung matanda.
"So... In what way do you want to kill me??" saad ko dito.
"By putting a pillow in your head..." bulong ni Miguel na kinatawa nang dalawang katabi ko.
'Gusto kong matawa sa sinabi nyang yun'
"Napaka... Simple nang plano nyo..."saad ni Walt na sumeryoso bigla tulad nang tatlo.
"So akala nyo... Hindi pa nagigising si Zyphire??" saad naman ni Cleo at dahan dahang tumango yung lolo.
"Hindi ako tamad to inform you... Kung gusto kong gumising gigising ako... At yung favor ko nga pala... Mapagbibigyan nyo ba... May kapalit yun..." saad ko at napatingin ang dalawa sakin.
"Anong kapalit naman?? Ang bumalik??" saad nung Lolo at kita ang pagkinang nang mata ni Miguel.
"Sige... Gagawin namin at ang kapalit ay ang pagbalik namin..." saad ni Miguel na mukhang gustong gusto.
"Magbabalik kayo ngunit bago na ang kabuhayan nyo roon... Kayong dalawa ay may makakasama nga lang..." saad ko at kinalabit naman ako ni Walt.
"May kung ano sila sa tenga..." bulong nito sa tenga ko at tumingin si Cleo sakin.
"Pakitanggal nang kung ano man ang nasa tenga nyo... Kung gusto nyo nga lang bumalik..." saad ni Cleo at tinanggal naman nila iyon iniabot sakin.
Ibinagsak ko sa sahig iyon at inapakan na dinurog pa. "Kilala namin ang kumakalaban samin ngayon... At may mga tanong kami sa inyo... Ang kailangan lang namin ay pawang na katotohanan... Naiintindihan nyo??" saad ni Walt sa dalawa at tumango naman ito.
"Pero... Sino ba ang dalawang ito?? Hinding hindi namin sila magagalang.." saad nung matanda na sinamaan nang tingin yung dalawang katabi ko.
"Mr. Jack Imperial... Hindi moba talaga nakikilala ang kasama ko??" pagbabanggit ko nang pangalan nito na halatang kinagulat nya.
"P-paano moko nakilala?? Hindi ko binanggit ang pangalan ko..." saad nya na halatang gulat sa pagbanggit kong iyon.
"Jack Imperial... Ang kapatid nang lolo ni Cinco... Nakakatuwang kaharap kita ngayon... Matanong kita... Kilala moba talaga kami??" saad ko dito na may pagkasarkastiko.
"Sa totoo lang... Si Cinco ang nagsabi tungkol sayo... Kaya lang... H-hindi ko inakalang kilala moko... Pero... Hindi kita kilala" saad nya sakin at napangisi na lamang ako.
"Siguro naman ay naabutan mo ang hari... Tama ba??" saad ko rito at tumango naman ito.
"Ang pinakamatanda sa lahat..."
"Eh ang mga Grisson at Zuello... Kilala mo ba ang pamilyang iyon??" saad ko at napatingin sya sa dalawa kong kasama na nagtataka.
"Ang kanang kamay nang pamilya nang hari... Ang dalawang pamilyang iyon... Kayo ang henerasyon nila??" saad nung matanda at tumayo yung dalawa.
"Kami nga..." sabay nilang saad nina Walt.
"Kung kayo ang sinasabi nilang kanang kamay nang pamilya nang hari sa kwento ni Lolo... Who are you??" saad ni Miguel sakin.
"Sabi mo kanina... Kapatid mo ang lalaking kamahalan... Ang apo sa tuhod nang hari..." saad nung matanda na nakatingin sakin.
Kita mo ang paglaki nang mata nang dalawang iyon na parang hindi makapaniwala. "Imposible... Katapusan na namin ito kung ganun..." saad nung matanda na nakatingin sakin.
"Bakit naman, Lolo?? Babae lamang sya... " saad ni Miguel sa lolo nya.
Kita sa mata nang matanda ang gulat parin. "Hindi sya basta basta... Sya ang bagyo na hinding-hindi mo mapapataob nang basta basta, Miguel..." saad nang matanda na binalingan muli ako nang tingin.
"Tama na ang kwentuhan... Kailangan nyong sumama samin..." saad ni Cleo at hinawakan si Miguel habanh si Walt ay dun sa matanda.
Akmang may gagawin ang matanda nang hawakan sya ni Walt. "Wag na wag mong gagamitin yan... Makikita mo ang hinahanap mo, tanda..." saad ko at ibinaba nya ang kamay nya.
Hindi na sila pumalag at hawak parin sila nang dalawa. Binuksan ko ang pinto at bumungad samin sina Sadie kasama si Kuya Zyre. "Saan natin sila dadalhin??" saad ni Kuya Zyre sakin nang makita nya ako.
"Isasama ko sya sa kamag anak nya... Malay natin namiss nila ang isa't isa" saad ko at binaling ang tingin kila Sadie.
"You can go home... Puntahan nyo sina Nay at sabihan nyong nakalabas na ako... May aasikasuhin muna ako... Bantayan nyo sila..." saad ko at tumango naman ang dalawa.
"Mag-iingat ka... Hihintayin ka namin..." saad ni Vinnie at niyakap pa ako.
Pagkabitaw nito ay nakangiting nakatingin sakin si Sadie. Iniabot nya yung mocha ko at niyakap ako nito. "Mag-ingat ka... Balik agad... Hintayin ka namin..." saad ni Sadie at bumitaw narin.
Nabaling ang tingin ko kay Stickman na hindi alam ang nangyayari. "Ikaw naman... Umuwi kana... Baka nag-aalala na sina Mr. at Mrs. Riordan sayo..." saad ko sa kanya at tiningnan nya muna ako.
Nginitian ko lamang ito sa tingin nyanh iyon. "Sige na nga... I update moko if nakauwi kana... Hihintayin ko yun..." saad nya at tinanguan ko naman ito.
"Nandun sila sa mansion... Hindi ka makakapasok dun..." saad ni Kuya Zyre sakin at napatango na lamang ako.
Bumaba na kami at huminto sa labasan nang ospital. "Nakaisip kana ba nang plano para makapasok dun??" saad bigla ni Kuya Zyre muli.
'Sino ka-'
"Someone can help me now..." bulong ko at kinuha yung phone ko sa bag.
Tinawagan ko agad ang number ni Dad at isang ring lang ay sinagot nya agad iyon. "Princess?? Kala ko hindi kana tatawag... What can I do for you??" saad ni Dad sa kabilang linya.
"I need a favor dad... Kailangan na kailangan kasi eh... Nasa mansion kaba??" saad ko.
"Hmmm... Nandito ako... Wala ang mom at ang chairman... Umalis may business meeting... Bukas daw ang balik nang tanghali... Bakit??" saad ni Dad sa kabilang linya.
"I will be there... Saglit lang naman ako... Someone wants to meet you din dad... See you later... Love youuu" saad oo at inend na ang tawag.
"Sure kana dyan... Call me if you need my help... Mauna na kayo..." saad ni Kuya Zyre at umalis na.
Nagpaalam narin sina Sadie pati si Shu. Sumunod naman kaming tatlo at dumeretso sa Mansion. Nakapasok agad kami at dumeretso sa loob. Pagdating namin ay sumalubong si Dad samin.
"Princess!! You are with you friends??" saad nito na napatingin kila Walt.
"Walt Grisson and Cleo Zuello... My Dad..." saad ko at nagtanguhan naman silang tatlo.
Nabaling ang tingin ni Dad sa hawak nang dalawa. "And who are they?? Your friends too??" saad ni Dad at umiling ako.
"Naahhh... Mauna na kami dad... May kailangan pa kaming gawin..." saad ko at sumakay na kami sa elevator.
"Sige... Be back agad..." saad nito at nagsara na ang elevator.
Inilagay ko ang finger print ko dun. "Ehem" saad ko at ramdam ko ang pagbaba nang elevator. Tumigil ito at bumukas ito.
Napatingin ako sa paligid. Ganun parin walang kagamit gamit kung tignan. Napatingin ako sa room kung nasan ang peligro at mukhang naiinip na ito.
"Saan moba kami dinala??" saad ni Miguel sakin.
"Kung saan nananatili ang demonyo..." saad ko at lumapit na kami sa pinto kung nasaan ang peligro.
Binuksan ko ito at itinulak nina Cleo ang dalawa sa loob. "Anong ginagawa mo dito??" saad bigla nung matanda kay Ryle pero tumingin lang sakin si Ryle na nagtatanong.
"Bakit mo sila dinala rito??" saad nya sakin.
"Nakipagdeal sila kay Zyphire... Eh sino ba toh??" saad ni Walt sakin.
"Masyadong pabibo ang isang toh..." saad ni Cleo.
"Ryle Imperial... Kapatid ni Peligro... Apo ni Jack Imperial... At pinsan ni Miguel Imperial..." saad ko na nakatingin padin sa kanila.
"Lahat kami ay kilala mo??" saad bigla ni Miguel sakin.
"Hindi ko alam... Memorado ko lang... Nakipagkasundo kayo sakin... At sasagutin nyo ang mga tanong ko..." saad
k
o sa dalawa at tumango naman ito.
Kita ko ang hindi makapaniwalang tingin ni Ryle sa dalawa. "Bakit?! Iba yang babaeng yan... May sarili syang patakaran..." saad ni Ryle sa dalawana kinangisi ko.
"Wala nang atrasan iyon, Ryle Imperial... Sasagutin lamang nila ang tanong ni Zyphire at makakabalik na sila... Easy right??" saad ni Cleo at sinamaan sya nang tingin ni Ryle.
"And if there answer is not the truth... I think you guys will change..." saad ni Walt at tatango tango naman ako.
"Then ask anything... We will tell you the truth..." panghahamon ni Miguel sakin.
"Is this man with you right now is a family member??" tanong ko.
"No... Kilala lang namin sya..." sagot nang matanda.
Bigla namang nang kuryente ang bakal na nakapaligid sa kanilang tatlo na nagsasabing hindi katotohanan ang sinabi nang matanda."Liars go to hell, Jack... Remember that quote now..." saad naman ni Cleo.
"Yun lang ang tanong ko hindi pa katotohanan ang isinagot nyo tanda..." saad ko sa lolo at itinapat nya ang dalawa nyang palad sakin na kinatawa naming tatlo.
"Baka hindi mo alam kung anong kwarto ito, Jack..." saad ko at isinara ang pinto. Nilock ko na ito tulad nang dati at sumilip sa bintana nun.
"Mukha masusumpa sila..." saad bigla ni Walt galing sa likuran kaya napatingin ako dito na katabi si Cleo.
"Silang tatlo... Oo..." saad ko at pumasok sa kwarto kung nasan ang board ko.
Si Chairman Riordan parin ang ramdam ko. "Mukhang g**o talaga ang mangyayari tulad nang nasa board mo..." saad bigla ni Cleo na nakatingin sa pin ko.
"Mismo... Mayabang ang inuna nila... Upang matahimik ako..." saad ko at natigilan nang may tumunog na selpon. Magkasunod ang tunog na iyon na galing sa magkaibang phone.
Chineck ko ang akin pero wala. Napatingin ako kila Walt na nakatingin sa phone nila."Impe... He texted me a code..." saad ni Walt habang nakatingin sa phone nya.
"Si Impe rin ang akin... Bago ang code may sinabi sya... 'You need to decode it to know what is my next plan, princess'... We need to decode this agad..." saad nya na lumapit sa white board at isinulat ang code na nakatext.
'G-U-R-S-V-E-F-G-I-V-P-G-V-Z-J-V-Y-Y-O-R-F-R-A-Q-N-Z-V-F-G-R-E-L-C-B-R-Z-G-U-N-G-U-R-J-B-H-Y-Q-A-B-G-H-A-Q-R-E-F-G-N-A-Q-Y-R-G-F-F-R-R-V-S-L-B-H-P-N-A-S-V-A-Q-G-U-R-Z-N-A-J-U-B-E-N-A-N-J-N-L-N-A-Q-U-V-Q-R'
"Sobrang daming letters netoh... We need to decode this..." saad ni Walt na nakahawak na sa baba nya.
"But how?? Letters to letters ang pagdedecode natin netoh..." saad naman ni Cleo na malapit sa board.
Tiningnan ko mabuti ang code na isinulat ni Cleo. "94 letters... Letters to letters... Hindi ko alam ang pagdecode netoh... But I'll try..." saad ko at kumuha nang marker.
Tinry ko isulat pababa pero wala kajit anong dereksyon wala. Mukhang hindi sya ganun. Tinry kong isulat ang alphabetical letters. "Wait... Can I try it??"saad ni Walt at ibinigay ko naman ang marker at naupo sa tabi ni Cleo.
"He have the idea..." bulong sakin ni Cleo at tinanguan ko naman ito. Tiningnan ko ang isinulat ni Walt.
'A B C D E F G H I J K L M
N O P Q R S T U V W X Y Z'
Ipinantay nya ang mga iyon na nagbigay sakin nang ideya. "Ginamit nila ang ganyang method..." saad ni Walt.
*EEEKKKKK*
Napatingin kaming lahat nang magbukas ang pinto. Sina Vinnie, Sadie, Shu, Zyre, at Zyrille ang pumasok. "What are you guys doing here?? Lalo kana sweety..." saad ni Cleo na linapitan si Sadie.
"At bakit nyo sila dinala dito?? This is my private area..." saad ko na maawtowridad. Napatingin ako sa mga mata nito at mukhang may gusto silang sabihin.
"Sorry for interupting you guys... But I think nakuha nyo rin ang maraming letters nayun..." saad ni Kuya Zyrille na itinuro yung white board.
Napatingin ako sa board ko at nandun si Walt na isinarado agad. "Nakuha nyo ang code?? Sige pumasok kayo..." saad naman ni Walt at naupo na laamng ako sa inuupuan ko katabi si Cleo at Walt.
"Now tell us what is this code??" saad ni Kuya Zyre.
Tumayo naman si Walt at pinakita yung isinulat nyang alphabets. "They use this method... I tryed this but I don't know to use this..." saad ni Walt at tumayo naman si Cleo na tinitigan yung sinulat ni Walt.
"Gento ba talaga ang method?? Mahirap toh..." saad ni Cleo.
Napaisip naman ako at salitang tiningnan yung code at pangdecode. "Pantay pantay..." bulong ko na kasabay si Shu. Napatingin ako sa kanya nang magsabay kami.
"Panong pantay pantay naman??" saad ni Vinnie at linapitan ko yung Board.
"If you will write 'THE'... Magiging 'GUR' ito... Tama ba ako, Shu??" saad ko at napatingin naman silang lahat kay Shu na nakangiti.
'Creepy'
"We do have the same concept... Ganyan nga... Can I try to decode it?? Snow..." saad nya na pinagdiinan ang huling salita. Tinarayan ko lang ito at hinagis ang marker. Na catch naman nya agad iyon at lumapit sa board.
"Paano nga ba kayong lahat nakapagtipon tipon??"saad ko at napatingin sa kanila habang nagsusulat parin si Shu.
"Pagkatext samin ay tumawag ako kay Cleo but he is not answering his phone... So I decided to tell Vinnie..." saad ni Sadie at napatingin ako kay Vinnie.
"She tell me at nakatanggap rin ako nun... So I called Zyre and he came with Zyrille... Nakatanggap rin daw sila..." saad ni Vinnie at napatingin naman ako kay Zyre.
"So pano nakasama ang lalaking toh??" saad ko at itinuro si Shu.
"Kasama ko si Kyllie, Fire... Tumawag si Shu sa ate nya na may nagtext sa kanya at eksaktong may nagtext din sa kanya... Sabi nya sasama daw sya kaya yan..." saad ni Kuya Zyrille.
"Si Ate Kyllie?? Where is she??" saad ko agad.
"My ate is at the hospital with my mom... Dumating bigla si mom kaya hindi sya nakasama... Decoded..." nang sabihin nya ang huling linya ay napatingin agad ako sa white board at tumabi kay Shu. Binasa ko naman yon.
"The first victim will be send
A mistery poem
The he would not understand
Let's see if you can find
The man who ran away and hide..."