ZYPHIRE
Hindi parin ako nakapagsalita sa sinabi ni Stickman sakin. Natunganga lang ako sa kanya at hindi malaman ang sasabihin. Nabigla ako sa sinabi nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"I think... You guys need to go.. Kahit ikaw walt... Gabi narin... Balik nalang kayo tomorrow... Hatid ko na kayo.." saad ni Kuya Zyre at lumabas silang lahat at naiwan naman ako kasama si Stickman.
Naiwas ko ang tingin ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa sinabi nya."Paano??" napabulong nalamang ako at tiningnan sya.
Kita ko sa mata nya ang kakaibang ekspresyon na kahit ako ay nadadala. "Paano?? Ang alin?? Pano ko nalaman??" saad nya sakin na natural lang ang ngiti nya.
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
Bumilis ang t***k nang puso ko na parang tumakbo nang ilang milya. "O-oo... Kasi... Ano eh..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Bigla nya naman akong niyakap na parang ang tagal naming hindi nagkita.
Niyakap ko din sya tulad nang dati. "Zyre tell me... Hinanap kita nung bigla kang nawala, Snow..." saad nya sakin at bumitaw sa yakap.
'Hinanap nya din ako??'
"I'm sorry if... Hindi ko agad nasabi... Hinanap din kita... Kaya lang naisip ko na baka hindi moko makilala..." saad ko sa kanya. Nakakatuwang bumalik kami sa gento.
"Bakit?? Dahil puti tulad nang snow ang buhok mo nun?? Kahit nung una hindi... Pero ngayon... Nakilala na kita..." saad nya sakin na ginulo pa ang buhok ko.
"H-hindi ka galit sakin?? Sa pag-alis ko... Kung galit ka pasensya na... Masaya akong makilala ka ang kaso kase ay... Kinilala ko muna ang sarili ko" saad ko sa kanya at nginitian lang nya ako.
"Naiilang ako sa ngiti nayan!! Hindi parin nagbago eh!!" saad ko sa kanya na kinatawa namin.
"Ayos lang sakin... Bumalik ka nga eh... Hinintay kita... Masaya akong ayos kana..." saad nya sakin at nginitian ko ito.
"Dito lang ako... Sige na... Magpahinga kana... Sabi ni Dad ay kailangan mo daw nang pahinga... Sabado bukas... Kaya makakapagpahinga ka..." saad nya sakin at tinanggal yung jacket at tie nya.
'Walang pinagbago tch'
"Good night na... Matulog ka... Dito lang ako... Babantayan ka... Tulog tulog!!" saad nya sakin na hinalikan pa ang noo ko.
"Thank you ah... Good night din... Pero hihintayin ko si Kuya Zyre... Baka may sabihin yun eh..." saad ko at tumango naman ito.
Kumuha sya nang upuan at inilapit sa kama ko. Hinawi nya ang buhok ko at inilagay sa tenga ko. Parang may tinitingnan sya sa tenga ko."Ikaw nga si Snow... Eto parin kasi ang tattoo mo... Yung kakaibang tattoo mo..." saad nya sakin na hinawakan yung ilalim nang tenga ko.
"Tsk... Hindi yan tattoo... Birthmark ko yan..." saad ko dito at inayos ang buhok ko.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kuya Zyre na may dalang damit. Inilock nya ang pinto at ipinatong sa couch sa may tapat nang kama ko ang dala nya.
"Ayos naba ang prinsesa ko??" saad nya na umupo sa paanan ko.
Nginitian ko naman ito. "Syempre kuya Zyre... Sinabi mona pala sa kanya..." saad ko sa kanya at itinaas naman nya ang kamay nya na kala mo ay sumusuko sa pulis.
"Uy... Sinabi ko lang ang dapat... Kese tamang panahon na..." saad nya at ibinaba naman ang kamay nya. Natawa naman kaming lahat sa inasta nya.
"Wala ka bang tulad nung kay Zyphire na birth mark??" saad naman ni Stickman kay Zyre.
"Ahhh yung birthmark nya sa ilalim nang tenga?? Wala ako nun... Walang ganun ang niisang angkan namin... Sya lang ang meron nang ganyang simbolo... At ang bumuo nang angkan namin... " saad ni Kuya Zyre at tumango tango naman si Shu.
"Ah Kuya Zyre... Ano yung dala dala mo??" saad ko dito na itinuro yung pinatong nya sa couch.
"Ah oo nga pala... Eto pampalit namin ni Shu ngayong gabi... Pinadala nang ate mo yan kay Zyrille at dinalhan din ako ni Zyrille kaya yun..." saad nito at iniabot nya yung mga damit at tsinelas na yun kay Shu.
Napahikab naman ako dahil sa antok. "Inaantok kana, Zyphire... Magpahinga ka nalang dyan... Babantayan ka nalamang namin... Sige na sleep sleep..." sasd nito at ginulo pa ang buhok ko.
Humiga naman na ako at tumingin kay Shu na tinataggal yung sapatos nya. Tumingin naman ito sakin at nginitian ako."Matulog kana... Magpahinga ka kaylangan mo nang lakas para sa susunod na mga araw..." saad nya na isinuot yung tsinelas nya.
"Namiss din kita... Magpaoahinga lang ako.. Goodnight..."
***
Naalimpungatan naman ako nang biglang may kumatok. Napatingin ako sa wall clock at 7 a.m mahigit na pala. Napatingin naman ako sa nakayuko sa kama ko.
'Stickman??'
Tiningnan ko ang kabuuan nito at nakashort ito at tshirt na plain. Ginising ko naman ito dahil lumalakas ang katok sa pinto. "Shu... Shu... May kumakatok... Shu... Gising na..." saad ko dito at kita ko ang pagmulat nito.
Nag-unat naman ito at nginitian nanaman ako habang inaayos nya ang buhok nya. "Hmmmmm Good morning... May kailangan kaba?? Tubig?? Pagkain??" sunod sunod na tanong nya sakin.
"May kumakatok kasi... Hindi naman ako makatayo dahil sa nakaturok na toh..."saad ko at lumapit agad ito dun sa pinto. Binuksan nya iyon at iniluwa nun sina Vinnie, Cleo, Sadie, at Walt.
May mga dala dala sila na kung ano ano."Ang bagal magbukas ha?? Na haggard na ako kakakatok..." saad ni Vinnie na lumapit agad sakin.
"May dala kami!! Ayos ka naman na?? Sapat naba ang pahinga??" saad ni Sadie sakin at tumango naman ako.
"Seryoso ka pala sa pagbabantay kay Zyphire erp ah... Kamusta Zyphire?? Sana okay kana..." saad ni Cleo na lumapit din.
"Ayos naman na pakiramdam ko... Pwede na akong lumabas... Ayoko sa turok na toh..." saad ko na kinatawa nila.
"May purpose yan... Nakapagpahinga ka naman siguro nang ayos??" saad ni Walr sakin at nginitian ko naman ito.
Napatingin ako sa mga dala nila. Si Sadie may dalang Mocha na may napakaraming whipped cream, Si Vinnie naman ay mau dalang bag siguradong damit ko yun, Si Cleo at Walt ay may dalang pagkain.
"Ang dami nyo namang dala... Saglit lang ako dito... Si Nanay at si Tatay... Alam ba nila??" sasd ko agad nang mapatingin uli ako sa mocha na iniabot ni Sadie.
"Abay sa daldal nang Fellixious natin... Panong hindi malalaman aber?? Alalang alala at buti nalang daw at okay kana... Bibisita sila mamaya... Tanghali..." saad ni Sadie at tumango naman ako.
"Akin na yung mga dala nyong pagkain nang mailagay dun sa lamesa..." saad ni Stickman na ginawa talaga ang sinabi nya.
'Aysuuuss'
"Hmmm... Matanong kayong dalawa?? Ano yung snow snow na eksena kahapon aber??" saad ni Vinnie na umupo sa tabi ko.
Lumapit naman si Shu sakin at tumabi sa kabilang side ko. "Oo nga... Pamilyar ang pangalan na yun sakin..." saad naman ni Cleo at naagaw nang pansin namin si Walt na itinaas ang kamao na nakatayo ang isang daliri.
"Yung snow na kasama mo nang isang buwan... Oh anong meron??" saad ni Walt kay Shu.
"Yung guni guni mong babae?? Yung kulay puti pa kamo ang buhok... Yung pinadrawing mo pa sa eksperto, Diba walt??" saad ni Cleo at nagtawanan ang dalawa.
"Ang ganda nung babaeng guni guni mo erp ah... Mukhang hindi buhay ang isang yun... Anghel yun... "saad ni Walt at napatingin ako kay Shu na namumula na sa hiya.
'Gusto kong matawa sa sinabi ni Cleo'
"Ganun ba talaga ang halaga ni Snow sayo?? Pinadrawing mo pa ang mukha??" saad ni Vinnie kay Shu.
"Nakuuuu nasan ang picture nang babae... May picture ba kayo nang snow na iyan?? Nung drawing??" saad ni Sadie at naglabas naman nang phone si Cleo.
"Patingin din ako... Yung mala-anghel na babae na iyan.." saad ko at lumapit sakin si Cleo pati narin yung tatlo.
"Eto eto... Diba eto yun walt??" saad ni Cleo at lumabas sa screen ang drawing na iyon.
'K-kamukhang kamukha ko ang babaeng yun... Walang pinagkaiba sakin.. Para syang kambal ko dun..'
Napaiwas agad ako nang tingin nang makita iyon. Napayuko na lamang ako dun. May color pa ang drawing na yun. Parang totoong totoo ang drawing. Nanahimik bigla sila kaya inangat ko ang paningin ko.
*LUNOOOOKK*
'N-nakatingin sila sakin.'
"Wait lang..." saad ni Sadie na inagaw yung Phone ni Cleo. Itinabi nya sa mukha ko ang phone na iyon.
'Naweweirduhan na ako huhu'
Naglabas ako nang pekeng ngiti nang itabi naman ito ni Vinnie sakin. "A-anong snow?? Eh si Zyphire to eh... Mga loko kayo!!" saad ni Vinnie at binatukan si Walt na katabi nya.
Natawa naman ako sa ginawa nyang yun kay Walt. "Ulul!! Eh si snow nga daw yan... Hindi pa namin kilala si Zyphire noon noh... Tsaka mukha nya..." saad ni Cleo kay Vinnie.
"Eh tungek! Kamukhang kamukha nang ate mo eh..." saad ni Sadie dito. Natawa naman ako sa pag-aaway nila.
'Natahimik nanaman sila'
Napatingin ako sa kanila at nakatingin sila kay Shu. Napatingin din ako kay Shu at nakangiti ito. "Anong ngiti naman yan, Stickman??" saad ni Vinnie na tumayo na.
Napatingin ako kay Cleo na gulat ang mukha. "Wag mo sabihin, Shu na..." saad ni Cleo at itinuro ako.
Napatingin ako kay Shu na tumango tango na natatawa pa. Nagtitinginan yung tatlo na "Napaka weird nyong tatlo..." saad ko at naagaw ko naman ang tingin nilang lahat.
"Sya ba talaga yan?? I mean wow..." saad ni Cleo nakatingin kay Shu.
"Sino ba kasing Snow yan?? Baka doppelganger mo yan, Zyphire!! Oh nooo" saad ni Sadie na kinatawa naming dalawa ni Shu.
"I think, Die may hindi tayo alam... Tell us now..." saad ni Vinnie na parang tuleg ngayon.
"Panindigan mo yan... Pa snow snow kapa..." bulong ko sa kanya tapos bumungisngis bigla.
"Tell us... Faster please..."saad naman ni Sadie.
"Gento kasi yan... Sa buong isang buwan after nang paghihiwalay nina Felicity at Shu ay may nakilala si Shu... Biglaan sya..." saad naman ni Cleo.
"Oo tama... Yun yung tawag tayo nang tawag... Nag-aalala na ang parents kaya pumunta kami sa kanila... Tapos dumating ang ugok na parang wala lang.." saad ni Walt na tiningnan nang masama si Shu.
"Madaling araw ka umuwi nun... Tapos sabi mo samin pumunta ka lang sa park... At may nakilala ka... Snow pa kamo ang pangalan... Yung binigyan ka nang advice at nagpagaan nang loob nya!!" saad ni Cleo na nakipag apir kay Walt.
"After nung mismong gabi nya nalaman yun... After nung araw na nakita nya yun... Pumunta sya sa park yun yun... The day after break up..." saad naman ni Walt.
"Wait lang... The day after break up... Lumabas din si Zyphire may pupuntahan daw sya... Sa park din pumunta si Zyphire after nang break up nila..." saad ni Vinnie na biglang nag isip.
"Nagpaayos ka sakin nun... Nagsuot ka nang wig nun yun lang... White na wig parang nasa drawing din..." saad naman ni Sadie na tumingin sakin.
"Don't tell me... Ikaw yung snow dito..." saad naman ni Vinnie sakin.
'Supeeerrr weeiiirdddd'
"Depende..." saad ko sa kanila at napatingin ako kay Shu. Tumaas bigla ang kilay nya na nagtatanong.
Napatayo si Shu at nakapamewang. "Anong depende??" saad ni Shu sakin.
'Maloko ako, Shu baka di mo alam..'
"Depende... Baka mamaya doppelganger ko yan... Hindi natin alam..." saad ko dito.
"Oh teka lang... Gento... After a month magkita nila Shu nawala si Snow... Pinahanap nya si Snow pero wala..." saad naman ni Walt.
"Si Zyphire nasan nun??" saad ni Cleo na tumingin sakin na naghihinala.
"Kasama ko syang magbakasyon..." nagulat kami sa sumagot na yun.
'Kuya Zyre'
"Totoo yun... After nang break up pumunta akong park at may tumabi sakin sa swing... Nang aabala nang katahimikan ko..." saad ko at lumapit sakin si Kuya Zyre. May iniabot syang telepono sakin .
"Aanhin ko ang phone mo, Kuya Zyre??" saad ko sa kanya at inabot nya parin yun.
"Si Dad yan... He wants to talk to you..." saad ni Kuya Zyre.
'At bakit naman kaya'
"Did you tell them kung anong kondisyon ko??" saad ko sa kanya at umiling naman ito.
Kinuha ko na lamang ang phone nya at itinapat sa tenga ko. "Zyphire... Ikaw naba ang nasa call??" saad galing sa kabilang linya.
"My beloved brother tell me that you want to talk to me... What is it??" saad ko dito.
'Ouch'
Binatukan ako bigla ni Kuya Zyre pero binelatan ko lang ito. "How are you?? Ayos ka lang ba dyan kila Wayne??" saad sa kabilang linya.
"I'm perfectly alright... Maayos naman kami dito nila Tatay at Nanay... At alam kong hindi yun ang gusto mong sabihin... Please be straight to the point..." saad ko dito. Naiinip ako sa usapang paligoy ligoy.
"I'm sorry..."
"I don't accept that word from the others... Lalo na sa family at teritoryo ko nanggaling..." saad ko at rinig ko ang paghinga nang malalim nito sa kabilang linya.
"I'm really really sorry... What can I do para makabawi ako??" saad ni Dad sa kabilang linya.
"So are you giving me a wish?? Three wishes is valid to me..." saad ko.
'I love wishes'
"If mapapatawad mo ako sa wish mo den let it be... What is the three wishes that my princess wants??" saad ni Dad sakin.
"I will tell you later Dad... I will call you... I want my wishes to you is private... Thank you dad..." saad ko dito.
"Your welcome my princess... Thank you for giving me a chance... I love you princess..." saad nito sakin.
"I love you too, Dad... Later" saad ko at ibinigay na kay Kuya Zyre ang phone nya.
"The wishes... Ang hilig hilig sa mga hiling tsk" saad bigla ni Shu na nakaagaw nang pansin namin.
"Nahilingan kana din ni Zyphire?? The one to three wishes nya?? Owmayghad that wishes... Hindi pa sya naggaganun sakin..." saad ni Vinnie na lumungkot bigla dahil tumango si Shu.
"Hindi mo rin gugustuhin ang hilingan nang isang Zyphire, Fellixious... She give me two wishes but wala pa akong natutupad ni isa dun..." saad naman ni Sadie.
"Can I try those wishes??" saad naman ni Walt na kinangisi ko.
'I really love wishes huhu'
"Ako rin ako rin!!" saad naman ni Cleo at Vinnie at tinanguan ko naman sila.
"Oh sige kayo na ang magbantay dito... I jusk check her out if she's okay... Basta nagawa ko ang wish mo, princess..." saad nya sakin na nakakapangakit.
"I think yung pangalawa ang nagawa mo??" saad ko dito nang buksan nya ang pinto na aktong papalabas na.
"The first one of course..." saad nya at isinarado na ang pinto.
'What does he mean by that??'
"Woowww ang galing naman ng kuya mo kung ganun... Ano bang wish yung first one??" saad ni Sadie sakin. Napaisip ako saglit dun.
"Imposible... Hindi nya magagawa yun noh..." saad ko na mukhang napalakas.
"But... Nagawa nya, Zyphire... Nagawa nya ang unang hiling mo..." napatingin ako kay Shu nun na kumukuha nang tubig.
"Tsk sinungaling yun... Imposible yun... No one can even do it..." saad ko.
"Tell us kung ano yung first wish mo kay Zyre??" saad ni Vinnie na tumabi pa sakin.
'Imposible talaga eh'
"My first wish is... I want him to find the man that can love me and make me happy... In a short time... Kaya imposible yun..." saad ko at tumango tango naman sila.
"Mahirap nga yun... Kahit sino talaga hindi magagawa yun..." saad naman ni Cleo.
'Tama ka, cleo... Pero kung idinaan nya sa description ko sino naman yun??'
Nabaling bigla ang tingin ko kay Shu na nakangiting nakatingin sakin. "Simulan na natin yung three wishes mo sakin, Zyphire bili naaa" saad ni Vinnie at tumango na lamang ako.
"Okay... First wish mo muna..." saad naman ni Vinnie.
"Are you sure?? Okay..." saad ni Sadie nang tingnan sya nang masama ni Vinnie na kinatawa naming lahat.
"I will give you two wishes... Okay ba yun sayo??" saad ko at tumango naman ito.
"Okay lang sakin... Two wishes lang naman..." saad ni Vinnie at binatukan sya ni Sadie.
"Yabang mo!! Sure ball di mo magagawa yan..." saad ni Sadie na kinatawa namin lalo na at tinarayan lang sya ni Vinnie.
"What is the first wish??" baling sakin ni Vinnie.
'She really want to know haayyyss'
"First wish... Find the man that can love you and not leave you... Find the man that can be there pagnasa pighati ka... Yun lang ang una kong hiling..." saad ko sa kanya at kita ang gulat sa una kong hiling.
"Sinabihan kita, Fellixious... Mahirap ang wishes nyan..." saad ni Sadie na nakapamewang na.
"The second wish is??" saad bigla ni Vinnie na mukhang desidido talaga.
"My last wish is... Ayokong makikita kitang umiyak... Ayokong makita kitang umiyak nang dahil sakin..." saad ko dito at kita ko ang paglitaw nang mukha nyang nagtatanong.
"What does that mean??" saad ni Vinnie sa last wish ko.
"Binigyan nya din ako nang hiling na yan, Fellixious... Ayan ang pangalawa nyang hiling... Ano nga bang ibigsabihin nun??" saad ni Sadie.
"In the sentences that I tell... There is a ddep meaning that someone can reveal..." saad ko sa patulang tono.
"Tsk you are starting to give as a poem..." saad ni Sadie na kinatawa namin.
"Ako naman ako naman... Anong wish mo sakin, Zyphire??" saad ni Cleo na pumalit sa pwesto ni Vinnie.
'Ano nga ba??'
"First wish... I want you to protect and don't leave the woman that you love even the world ends..." saad ko na pinutol kopa ang sasabihin ko.
"Kayang ka-"
"At kahit kamatayan ang kapalit..." saad ko at nginitian ito. Kita ang gulat sa mukha nito.
"Hmmm... Maganda ang wish ni Zyphire kay Cleo ko... Good enough..." saad ni Sadie.
"Then next??" saad ni Cleo sakin na mukhang binabasa ang isip ko.
Binlanko ko ang isip ko upang wala syang mabasa. "My second and last wish... I want you to be always there for Sadie if she cry because of me... Yung huli ay tulad nang kay Vinnie... I don't want tou to cry nor be sad because of me..." saad ko at tumango naman ito.
"Then your wishes will come thru..." saad ni Cleo na kinatawa namin.
"Confident ang asaw mo, Clown ah... Iba" saad ni Shu na kinatawa namin.
"Ikaw Walt?? Gusto mopa??" saad ni Vinnie na binalingan ko ng tingin.
Nginitian nya ako at tumango. "Why don't we give it a try?? Three wishes.." saad ni Walt at tinanguan ko naman ito.
"First wish... I want you to love the woman who will be with us... " saad ko at nginitian ko. Kita ko ang pagbaba nya nang tingin pero nagbago agad iyon.
"Okay then... Second one??"
"Wag mokong protektahan..." saad ko dito nang nakangiti. Kita ko ang hindi nya pagsang-ayon dun.
"Okay... Kung yan ang hiling... And the last one??"
"Don't cry nor be sad because of me..." saad ko at tumango naman ito.
"Eh pano pagmawawala ka?? Hindi kami malulungkot or iiyak??" saad ni Sadie.
"Hindi... Dahil sa humiling ako eh..." saad ko dito at tumango naman ito.
"Eh ano bang hiling ni Zyphire sayo, Clown??" saad bigla ni Shu dito. Kita ko ang pagyuko nya.
'Alam kong nag disagree ka sa hiling kong yun... I'm really sorry'
"Hiniling nya na pagdumating ang panahon na end of the world na para sa kanya... Kalimutan kong may isang Zyphire na naging kapatid at nagmahal samin... At hindi ko kayang gawin ang hiling nayun..." saad nya at napatingin silang lahat sakin.
"Kung dadating naman yun... Pano diba kung hindi??" saad ko dito.
"But I know that... It can happen..." saad ni Sadie.
'I'm really really sorry'
"Naahhhhh.... Hindi rin... Madami tayo!! Six tayo dito oh?? Hindi natin hahayaang mangyari yun..." saad ni Vinnie na nagpatawa samin.
"Tsk tama ka!! Walang makakatalo sating anim!! Kung sino man sya patay na yun!!" saad ni Cleo na kinatawa na ni Sadie kahit kami.
"Baliw kana, Erp!! Baka kuhain ka nang mga nurse sa sinabi mo!! Mukhang kang baliw!!" saad ni Walt na kinatawa namin. Napatigil kaming lahat nang may biglang kumatok.
*KNOCK*
*KNOCK*