ZYPHIRE
"No... I just need to talk to you... About your relationship with Kyan.." saad nito na kinagulat ko kahit ang mga nasa lamesa ay nagulat. Napatingin ako kay Stickman at nakatingin din sakin ito na gulat.
'Felicity...'
"What are you talking about?? San galing yan??" saad ni Vinnie nang hindi ako makapagsalita.
"Alright... Let's talk somewhere... But.." pagputol ko sa sasabihin ko at tumingin kay Shu at tiningnan din si Felicity na nasa harap nang table namin.
"But what??" saad nito.
Tumayo ako at hinarap na ito. "With my so-called boyfriend and with my beloved friend... Do you agree??" saad ko at tiningnan ang mata nito.
Waal na akong maramdaman nang tumingin ako sa mata nya. Walang galit, saya, lungkot, o kung ano ano pa. Parang stranger kami with memories. "Okay then... Basta makausap kita ayos lang sakin.." saad nya at napailing na lamang ako.
*TUG*
*DUG*
"Hindi sila chaperone para tayo lang ang mag-usap... Tayong apat ang mag-uusap... Ayos lang ba sayo, Shu??" saad ko at tiningnan si Stickman na tumayo narin.
"Ayos lang sakin basta nasa tabi ko lang si Zyphire... It's okay with me..." saad nya at tumango naman si Clover.
"Okay... Tara na..." saad ni Clover at sya ang naglead nang daan pero bago kami makalayo ay sinenyasan ko sila na ituloy ang ball at pwede silang sumunod.
Dinaanan naman namin si Felicity na gulat na gulat na makita kami. "We need to talk..." saad ni Clover dito at tumango naman ito.
Nang makalabas kami sa auditorium ay katahimikan ang lumamon samin. Ramdam ko ang paghawak nang kamay ni Stickman sa kamay ko. Hinayaan ko lang ito dahil mas nagiging kalmado ako.
"So... Ano bang pagtitipon toh??"saad nya na nakatingin saming dalawa ni Stickman.
"Tanong mo yang katabi mo... Nasasayang ang oras namin na harapin kayo..." saad ko at nanaig ang paghinga ni Clover.
"Nagbago kana... Hindi na kita makilala..." saad bigla ni Clover na nakaagaw nabg pansin namin.
"Walang nagbago sakin... Nanibago kalang kese nasanay ka na ganun LANG ako..." saad ko dito at tumingin naman sakin toh.
*TUG*
*DUG*
"I'm sorry sa p*******t ko... Sa totoo lang... Kasalanan ko lahat nang yun... Nag inom kami nang barkada ang problema may party drugs ang pinainom nila kaya pag uwi ko inakala kong ikaw si Feli" saad nya sakin at ramdam ko ang pagdiin nang hawak ni Shu sa kamay ko. Nahihirapan na ako huminga pero hindi ko ito pinahalata.
'Not acceptable reason..'
"Bakit mo naman hinayaang ganunin ka nya??" tanong ni Shu na nakay Felicity ang tingin.
"Hindi ko alam... Bigla nalang nangyari..." saad ni Felicity.
"Hindi yan ang totoong rason... Sinundan ko kayo sa buong araw... Hang-out with each other??" tanong ko sa dalawa at kita ang gulat sa mukha nila.
"Hindi alam ang nangyari?? Baka nagustuhan mo ang sensasyon?? Tsk... It's okay to tell the truth hindi naman kami yung tipong maglalabas nang fake news..." saad ko sa mga ito at kita ang pagyuko nila.
"Bakit mo nga ba sinabing girlfriend ko si Zyphire, Felicity?? Anong dahilan mo??" saad naman ni Shu dito.
"Bakit hindi ba?? She protect you like how she protected clover nung sila pa... Wag nyo sabihing hindi totoo yun..." saad ni Felicity na nakangisi.
"Hindi totoo yun..." saad naman ni Shu at napatingin ako dito.
"Ganun din ang ginawa ko sayo... Sa lahat... I protect my teritory and my family because that is the reason why I live... Now tell me, something wrong to help others like you??" saad ko dito at kita ang paggising nha sa katotohanan.
"I'm sorry... Hindi kami matahimik dahil sinisingil kami nang konsensiya namin... Were sorry..." saad ni Clover na lumuhod pa saming dalawa ni Shu.
"Kahit sayo narin, Kyan... Were sorry..." saad naman ni Felicity na nakayuko lang.
"Apology accepted... Tumayo kana dyan, Zach..." saad ni Shu at tumayo naman ito.
"Alam nyo namang hindi ako tumatanggap nang apology... Nagawa nyo na wala nang magbabago... Ang pwede nyong gawin is accept what happened... Yun lang" saad ko sa mga ito at tumango naman sila.
"At dun sa in a relationship kami... We're just friends... Because of you guys..." saad naman ni Shu at tumango na lamang ang mga ito.
"Mauna na kami..."
ZYRE RAIN
"Mauna na kami.." rinig kong saad ni Zyphire at naglakad papunta sa dereksyon namin.
Nagkatinginan naman kaming mga nandito nang tumigil sa harap namin ang dalawa ito. Tiningnan ko sa mata si Zyphire at kita ko ang pagpipigil nya sa emosyon nya.
*HUK*
Nagulat ako sa yakap na iyon. Mahigpit na parang humihingi nang tulong. Napatingin ako kay Shu at yumakap din ito kay Kyllie. Ramdam kong ang pag iyak ni Zyphire sa yakap nya.
"Hussshhhh... Hussshhh"
Hindi ko malaman ang sasabihin ko at niyakap ko na lamang ito. Hinaplos ko na lamang likod nito at inangat ang mukha nito para makita ko. Umiiyak pa din ito na parang bata. Yumakap uli ito at lumapit sa tenga ko.
"N-nahihirapan akong huminga, Kuya... Hindi ko kaya... " bulong nito na kinagulat ko dahil sa pagbagsak nito sa bisig ko.
Hindi ko mapigilan ang pagluha ko sa pagkawala nang malay ni Zyphire. "What happened?! Zyphire... Zyphire..." saad ni Zyriile at binuhat ko na lamang si Zyphire na walang malay.
"Bilisan nyo!! Yung limo or kahit kotse please lang!!" sigaw ko sa kanila at binigyan pansin si Zyphire.
"Zyphire... Please... Hindi ito ang tamang panahon... Carry on please... Carry on now..." inuga uga ko ang ulo nito pero wala. Hinalikan ko ang noo nito at napahinga nang malalim.
"What is happeing,Zyre?? Anong nangyayare??" saad ni Zyrille sakin pero hindi ko ito pinansin.
Naramdaman ko ang paglapit ni Kyllie kay Zyphire na hinawakan ang pulso nito.
"Mabagal ang pagtibok nang puso nya, Zyre... Kailangan syang madala sa hospital..." saad ni Kyllie at napatakbo nalang ako buhat buhat si Zyphire.
'Please don't leaves us'
Napatigil ako nang may kotseng tumigil sa harap ko. "Sumakay na ka na!!" saad ni Shu at isinakay ko agad si Zyphire sunod ako.
Mabilis nyang pinaandar akong kotse pero hindi ko maiwasang umiyak sa nakikita ko kay Zyphire. "Zyphire... Nangako ka..." bulong ko dito at napailing na lamang ako sa hindi ko maipaliwanag na rason.
"Nandito na tayo... Tara na..." saad ni Shu at lumabas agad ako at binuhat si Zyphire.
Pumasok kami sa ospital at dinala ko agad sya sa ER. "Doc. Zyre... What happened to her??" paglapit samin ni Doc.Riordan ang dad nila Shu.
"Son... Anong nangyare sa kanya??" saad ni Doc. Riordan na hinawakan ang pulso nito.
"May sakit sya sa puso at iba pa, Doc... Please do everything para gumising sya... I need her..." saad ko at tumango naman ito.
"Mabagal ang pagtibok nang puso nya... Kailangan ko syang tignan... Pwede bang sa labas muna kayo??" saad nya samin at nagdatingan na ang mga nurse.
Lumabas na lamang kaming dalawa ni Shu at naupo dun sa bench. Napayuko na lamang ako sa mga nangyari. "M-maraming sakit si Zyphire?? Alam ba ni Zyrille toh??" saad ni Shu na umupo sa tabi ko. Umiling lang ako at tumingin sa kanya.
"Hindi... si Zyphire yung taong ikikeep mo talaga pag naging close kayo... Masaya syang namumuhay... Nasa batanes kaming dalawa nun... Bonding tulad nang sabi nya... After nung hiwalayan sya ni Clover and a month passed... Nag-aya sya... Sabi nya pa sakin 'The best kong poging kuya... Bonding tayo sa batanes... Tayo lang dalawa'... "
Napaiyak na lamang ako nang maalala yung mga nangyari nun."Um-oo ako kese sya yun eh... Hindi ko kayang hindian yun... Masaya yung araw na yun... Kaya lang... Nung isang gabi... May sinabi sya sakin... Kinabahan ako kese seryoso sya..."
"A-anong sinabi nya sayo??" tanong ni Shu sakin.
Kinuha ko yung phone ko at pinakita sa kanya ang picture ang isang papel. "Ayan ang ibinigay nya sakin... Tapos sabi nya pa sakin... Nag sorry sya nang nag sorry... Hindi nya alam kung kailan nya tayo pwedeng iwan... Kaya bawat oras minuto segundo ay espesyal sa kanya... Hindi nya sinayang yun... Pero may sinabi sya sakin na kailangan kong tuparin... Isang hiling... "saad ko at pinunasan ang luha ko.
Tumingin ako kay Shu at mukhang eto na ang tamang panahon."Anong hiling nya??"
"Ang hiniling nya sakin ay dalawang bagay... Na hindi ko kayang ibigay... Humiling din sya sayo hindi ba?? Na magstay ka sa tabi nya??" tanong ko dito at kita ko ang hindi nya pagkakaintindi.
"Oo... Anong connect nun??"
"Ang unang hiling nya sakin... Ang hanapin ko ang lalaking totoong magmamahal at magpapasaya sa kanya bago nya ako iwan... Pangalawa ay yung maghanap ako nang babaeng magpapasaya sakin para pagnawala daw sya hindi ganun kasakit... Pero hindi ko kayang ibigay sa kanya yun eh..."
Hindi ko na mapigilan ang pagtulo nang luha ko."Kasi sya lang... Sya lang ang babaeng nagpapasaya sakin... Ang kapatid kong yun lang ang kayang magpasaya at makapanakit sakin nang gento... Si Zyphire lang..." saad ko sa kanya.
"Pero... Anong kinalaman ko dito??" saad naman ni Shu sakin.
"Si Snow... Ang babaeng bumihag sa puso mo, tama??" tanong ko sa kanya na kinagulat nya.
"Saan mo nakuha ang impormasyon na iyan?? Kilala mo sya?? Si Snow??" sunod sunod na tanong nito.
"Si Snow na mala anghel ang mukha... Ugali... Maganda sya tama ba?? At nagkagusto ka sa kanya..." saad ko sa kanya.
"Pano mo sya nakilala, Zyre?? Matagal na din nang hindi ko sya makita... Sya yung babaeng minahal ko at sya yung babaeng nagpabawas nang sakit na nadarama ko..." saad nito sakin.
"Matagal ko na syang kilala... Kahit ikaw ay hinahanap nya muli nang lumipas ang isang buwan..." saad ko sa kanya at kita ang excitement sa mukha nito.
"Nasan sya kung ganun?? Gusto ko kamo syang makita..." saad ni Shu na kinabagsak nang balikat ko.
Lumabas bigla galing dun si Doc.Riordan kaya hindi ko na nasagot si Shu. Lumapit ako dito na abot langit ang kaba. "Is she okay?? Maayos naba ang lagay nya..." saad ko agad dito.
"Dad... Zyphire is okay diba??" saad naman ni Shu dito.
"She needs a rest... Pahinga talaga ang kailangan... Mahina si Doc.Typoon... She literally needs a rest sa kondisyon nya... Puntahan moko sa room ko, doc.Zyre... We need to talk pagtapos nyo..." saad nito at tumango na lamang ako.
Nang makaalis si Doc.Riordan ay nakarinig ako nang takbuhan kaya napatingin ako dun kahit si Shu."Zyre!! Kamusta sya?? Anong nangyari?? Wag kayong mag alala hindi namin pinaalam kila Dad... Is she okay now??" saad ni Kuya Zyrille sakin.
Napatingin na lamang ako kay Shu na tumango sakin. "She's okay... Kinonfine sya ni Doc dahil kailangan nya nang pahinga... Nasobrahan daw sa pagod..."saad ko at kita ang paghinga nang maluwag nang mga ito.
"Pwede na daw bang bisitahin?? Puntahan??" saad naman ni Kyllie.
Naglakad agad ako papunta sa room ni Zyphire.
'Room 66'
KYAN SHU
Pumasok kami sa room na iyon at kasunod ako ni Zyre. Pagpasok namin ay huminto ito at hindi nilapitan si Zyphire. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Zyre pero mas inaano ko ang kalagayan ni Zyphire. "Lapitan mo na sya... Alam kong nag-alala ka nang sobra sa nangyari... She needs a hug from her brother..." saad ko dito at tiningnan nya naman ako.
Iba ang pakiramdam ko sa tingin na iyon. "Ikaw ang lumapit, Shu... Matagal tagal nading hindi mo sya nakita at nakausap... Isang buwan na rin ang nakalipas.. She is just waiting for the right time..."saad nito na kinagulo nang isip ko.
'Matagal na hindi ko nakita??'
"Anong ibig mong sabihin, Zyre?? Kapatid mo sya... She needs you the most..." saad ko dito at ramdam ko ang pagdating nina Sadie na lumapit agad kay Zyphire habang kami ay nasa ganung pwesto parin.
"Tinanong moko if where she is... There she is, Shu... Ayan sya..." saad nito sakin na kinagulat ko.
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
Bumilis ang t***k nang puso ko sa sinabi ni Zyre. Hindi makapaniwalang sya talaga iyon. Hindi ko magalaw ang mga paa ko at napatingin na lamang ako kay Zyphire na mahimbing na natutulog. Bigla na lamang tumulo ang luha ko na makita sya sa kalagayan nya.
'Kaya pala ganun nalang ang nararamdaman ko sa kanya'
"I'm sorry if sa gentong kalagayan mo pa sya makita... Sige na... I know how excited you are to see her... But not just like this... Go on..." saad nya sakin at dahan dahan akong lumapit dito.
Nang makalapit ako ay niyakap ko agad ito at hindi ko na mapigilan ang pagpatak nang luha ko."Ano bang nangyayari sayo, Shu?? She's okay... Bakit ka gumaganyan??"saad ni Cleo pero hindi kotoh pinansin.
Tiningnan ko ang mukha nito at hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha nito."Bakit sa gentong sitwasyon pa?? Why didn't you tell me at the first place?? Nasaktan tuloy kita sa mga salita ko... I'm sorry... Magpahinga ka... Dito lang ako sa tabi mo tulad nang hiling mo..." saad ko dito.
"Kyan... What are you talking about??" saad ni Ate Kyllie at pinunasan ko na lamang ang luha ko.
Napatingin agad ako kay Zyre na ngayon ay kita ang lungkot sa mukha nya. "Yung unang hiling??" tanong ko dito at lumapit ito samin.
Linapitan nya si Zyphire at inayos ang buhok nito. "Pahinga kalang... Ang alam ko ay hindi ko yun kayang tuparin, Shu... Kasi dinedescribe nya lamang iyon... Kahit ako ay hindi makapaniwala na nagawa ko ang unang hiling nya..." saad nito sakin at tinapik ang likod ko.
'Natupad..'
"Ako ba ang lalaking yun??" saad ko sa kanya at ngumiti sya sakin bilang tugon na oo.
"Anong ikaw ang lalaking yun, Stickman?? May paiyak iyak kapa..." saad ni Vinnie sakin.
"Pasensya na..." saad ko at tiningnan si Zyphire.
'Sa isang buwan na memories natin... Nagustuhan kita na minahal pa'
"Nakakagulat ang ginawa mo, Shu... Ano bang dahilan bakit mo niyakap at iniyakan ang kapatid ko??" saad ni Zyrille at napatingin ako dito.
"Nothing... I need to talk to her when she wake up... Ate Kyllie... If uuwi ka, pahatid ka nalang kay Zyrille... I will stay here..." saad ko kay Ate Kyllie at kita ang gulat sa mukha nito.
"Kailangan mong umuwi mag aalala si Mom sayo..." saad nya sakin.
"Magpapaalam ako kay Dad... Kung kailangan nyo nang umuwi... Okay lang... Magbabantay ako sa kanya... I need to stay with her..." saad ko at kita kay Ate Kyllie na wala na syang magagawa.
"Sige... Babalik kami dito... Kami ni Vinnie... Kukuhaan lang namin nang damit si Zyphire... Hintayin mo nalang kami..." saad ni Sadie at tumango naman ako.
"Ako na ang maghahatid sa kanilang dalawa... Babalik din ako kasama ko padin sila..." saad naman ni Cleo at tinanguan ko naman ito.
"I will stay here... Kasama mo... Kung sakaling may bibilhin ka or ako... May magbabantay parin..." saad ni Walt.
"Ihahatid ko lang ang Ate mo pati ang dress nya... Babalik ako bukas may duty naman ako... Baka kasi padating na sila Mom..."saad ni Zyrille na nakatingin sakin.
"Don't tell them what happened... Please lang..." saad ni Zyre at tumango naman si Zyrille.
"I need to talk to Doc.Riordan pa... Mauna na ako..." saad ni Zyre at humabol naman ako sa pinto.
"Sasamahan ko na din sya... Pagbalik na lamang namin kayo umuwi... Salamat..." saad ko at isinara na ang pinto.
Sumunod ako kay Zyre papunta sa room ni Dad. Kumatok muna ito bago pumasok dun. "Doc.Zyre... At Kyan?? Nandito kayo para sa kalagayan nya tama ba??" saad ni Dad at umupo naman kami sa chairs.
Tumango naman si Zyre at umupo nang ayos si Dad. "We want to know if ayos ba ang kapatid ko??" saad ni Zyre.
"She is okay... Umayos na ang paghinga nya... But nakakatakot ang posibleng mangyari... Masyadong malala ang sakit nya... But sa galaw nya mukhang kinakaya nya lamang..."
"Just go straight to the point, Doc..." pagputol ni Zyre kay Dad.
"Hindi ko alam ang posibleng mangyari ano mang oras dahil sa sakit na mayron sya... Hindi pa nalalaman ang sakit na gento, Zyre... At alam mo yun... Masyadong malalakas na sakit ang meron sya... Eto ang gamot na marerekomenda ko..." saad ni Dad at magsusulat na sana nang pigilan ito ni Zyre.
"Allergic sya sa mga gamot na iniinom... Umaayaw ang katawan nya sa ganun... I will just monitor her... Thank you, Doc... Sana hindi toh makarating kahit kanino... Zyphire wants her sickness to be private... Thank you ulit... " saad ni Zyre na kinagulat ni Dad.
"Ganun ba?? Okay... Basta monitor her...
I will keep thus talk in secret... May sasabihin kaba sakin, Kyan??" saad ni Dad sakin.
"Magpapaalam po sana ako... Na magsestay po ako sa ospital para kay Zyphire..." saad ko dito.
"Sige... Sasabihin ko nalamang sa Mom mo... Umuwi kana lang bukas nang dinner... Chairman will be there sa dinner pagdating nya... He wants his family complete.. Don't be late... 8 o'clock sharp..." saad ni Dad at tumango naman ako.
"Sige po... Mauna na kami, Dad... Thank you ulet..." saad ko at lumabas na kami ni Zyre sa room na iyon.
"I want her to be happy... Ginawa ko lahat para tumawa at ngumiti yun nang normal lang... At nakita ko ulit yun kahapon..." saad nya habang naglalakad kami.
"Kahapon?? Nakita mo kami??" saad ko sa kanya at tumango naman ito.
"Sobrang saya nya.. Tuwang tuwa sya... Parang wala syang sakit diba?? Thank you for making her happy kahit kanina nung nasayaw kayo... Tawa sya nang tawa... Smile din nang smile..." saad nito at napangiti na lamang ako nang maalala yun.
"She is the kind of girl na ayaw mong mawala... Ang katulad nya sa totoo lang ang ideal ko... Finding a version of her is hard... Kaya kong tumandang binata basta mapapasaya ko sya..." saad nya pa sakin nang tumapat kami sa pinto nang kwarto ni Zyphire.
"Gagawin mo ang lahat para sa kanya?? Ganun din ang gagawin ko kung ganun... Thank you for telling me..." saad ko sa kanya at ngumiti naman ito sakin.
"Your welcome... I think it's the right time eh... I want to see her beautiful..." saad nito nang makarinig kaming sigaw galing sa kwarto na hindi namin maintindihan.
Binuksan agad ito ni Zyre at bumungad samin si Zyphire na gising na. Nandun padin ang lahat at pinipigilan si Zyphire na tumayo. Batid kong hindi nya napansin ang pagpasok namin.
"You need to rest... Yun daw ang sabi nang doctor... Zyphire.... Magpahinga ka muna.." saad ni Walt dito.
"No... Nasan ba kasi yung dalawa?? Gusto ko silang makita!!" sigaw nito sa kanilang lahat.
'Gusto nya kaming makita??'
"No need to shout... You are at the hospital... Nabubulabog ang kabilang rooms..." saad ni Zyre at lumapit kay Zyphire. Niyakap agad ito ni Zyphire na parang ngayon lang nya nakita ito.
"Bakit mo ba ako hinahanap?? Hindi naman kita iiwan eh... Ikaw tong nang iwan..." saad ni Zyre dito at tinapik ang likod nito.
"Lah... Bakit ka kasi nawala bigla?? Natakot tuloy ako... Nandito silang lahat tapos wala ka... Eh si Stickman?? Nasan sya??"saad nya na bumitaw sa yakap ni Zyre at lumingon sa paligid.
Napahinto ito nang makita nya ako. Linapitan ko ito at bigla naman nyang pinitik yung noo ko."Saan naman kayo galing?? Wala kayo sa mall para mamasyal..." saad nya na nakatingin sa mata ko.
"Kinausap ang doctor mo... Na Dad ko tch... At ikaw... Pinagalala mo kami.." saad ko sa kanya at ginulo ang buhok nya.
"Tsk... Napasobra nga yung pag-aalala mo eh... May paiyak iyak kapa na kala mo patay nako..." saad nya na kinagulat ko.
"Sino naman nagsabi sayo nyan??" saad ko sa kanya na nagpamewang pa.
Natawa naman ito at itinuro si Cleo at Walt."Silang dalawa... Sinasabi ko na nga ba eh pinagnanasahan moko eh..." saad nya sakin.
"Hoy!! Hindi noh... Ikaw ang may pagnanasa sakin... May pa-A. B. C. kapa tapos C gusto mong piliin ko tch..." saad ko dito at niyakap ito dahil namula sya bigla.
'Cute cute'
"Ayos lang naman sakin eh..." saad ko dito at itinulak naman ako nito
"Ulul!! Anong ako?? Nababaliw kana stickman... Bahala ka nga dyan... Pinapahiya moko eh.." saad nya at humiga sa kama nito at nagtalukbong.
"Yan... Lagot ka... Ikaw kase eh inaasar mo eh..." saad ni Cleo sakin na kinatawa ko.
"Patay ka... Inaasar mo kasi eh..." saad naman ni Vinnie sakin.
"Mauna na kami baka gabihin ang ate mo... Zyphire una na kami..." saad ni Zyrille at inilabas lang ni Zyphire ang kamay nya sa kumot at kumaway.
Nang makaalis sila Zyrille ay kinalabit ko sya habang nakatalukbong parin. "Zyphire... Zyphire... Pansinin mo naman ako... NERDY??" saad ko at umupo sa kama nya.
Umupo naman ito at tinanggal ang talukbong. "Magpapahinga lang ako... Ayaw kitang kausap... Nangangasar ka..." saad nya at humiga uli at pumikit.
"Kahit sabihin kong..."
"Sabihin mong ano naman aber??" saad nya na iminulat ang mata at tumingin sakin.
"Namiss kita..." saad ko sa kanya at hinampas naman nya ako.
"Hindi moko mapapasunod sa ganyan lang tsk..." saad nya sakin.
"Namiss kita..." saad ko ulit sa kanya.
"Sabi ko hindi moko-" hindi ko na sya pinatapos at niyakap ko ito.
"Miss na miss kita... Snow"