KYAN SHU
Nagsimula nadin ang klase namin at puro turo dito at doon lang ang sinasabi nang Ms. Ramirez samin. Minsan pinagrerecite ako pero kadalasan si Zyphire ang tinatawag. Nasasagot naman ni Zyphire
lahat pero puntirya sya nang Ms. Ramirez namin.
"Magsigising kayo!! Magrerecitation tayo dahil sa mga inaasta nyo... Hindi makasagot!! Drop out!!" sigaw ni Ms. Ramirez samin na kinabahala nang lahat.
'Sobrang strict ang pwet!!'
"Hala!! Grabe naman yun..."
"Eh pano pag hindi diniscuss diba??"
"Magsitahimik nga kayo!! Simulan na lamang natin toh... What are the main branches of science?? President!" saad ni Ms. Ramirez na nakatingin na kay Sadie.
Tumayo naman si Sadie. "Natural Science... Social Science...and Applied Science, Miss..." confident na sagot ni Sadie at tinanguan naman sya ni Ms. Ramirez.
Umupo naman na si Sadie at lumibot ang tingin nito na tumapat sa kung sino. "What are the two parts of Natural Science?? Ms. Samantha!!" saad ni Ms. Ramirez at tumayo naman si Sam.
"I-i don't know, Miss..." saad ni Sam at nasapo naman ni Ms. Ramirez ang noo nya.
"Myghad, Samantha!! Sino ang tutulong kay Samantha??" saad ni Ms. Ramirez at nag taas naman nang kamay si Walt.
"Physical and Biological Science, Miss..." sagot ni Walt at sinenyasan si Walt na maupo na.
"Naiintindihan mo ba yun, Samantha?!" saad ni Ms. Ramirez at tinanguan naman nya ito.
Umupo na si Samantha at napatingin naman si Ms. Ramirez sa likod. "What are the parts of Biological Science?? Fellix!!" pagtawag nya kay Vinnie at tumayo naman ito.
"Botany, Zoology, ang Microbiology miss..." saad ni Vinnie at sinenyasan sya ni Ms. Ramirez na maupo.
"Parts of the Social Science, Zuello!!" saad ni Ms. Ramirez at awtomatikong tumayo si Cleo.
"Politics, Economics, and History miss..." saad ni Cleo at sinenyasan naman sya na maupo na. Napatingin naman ito sakin at naging puso nanaman ang mga mata.
'Gago hindi ako napatol sa teacher kahit konti lang ang diperensya!!'
"Shu... What are the parts of Applied Science??" tanong ni Ms. Ramirez sakin.
'Applied science feeewwwwww buti nalang talaga'
"Medicine, Engineering, and Architecture miss..." sagot ko nang tumayo.
"Ganyan... Ganyan dapata ng mga estudyante!! May naisasagot parin, Diba Zyphire??" saad ni Ms. Ramirez at sinenyasan na akong umupo.
Napatingin kaming lahat kay Zyphire at tumango lamang ito. "What are the parts of Physical Science, Zyphire??" panghahamon ni Ms. Ramirez at tumayo naman si Zyphire.
'Ang hirap nun... Diko nga alam yun eh'
"Physics, Chemistry, Astronomy, Geology, Meteorology, and Oceanography... Ms. Ramirez..." saad ni Zyphire na nagpanganga sakin. Sa dami nun na kabisado nya yun haneeppp.
"Ang yabang talaga kahit kailan... The steps in the scientific method??"anghahamon naman ni Ms. Ramirez.
'Hindi pa natuturo yun ah'
"Miss... Masyado kayong advance... Wala pa tayo dun..." reklamo ni Sadie na nakaagaw nang pansin namin.
"Miss... Sobra naman po yata yan... Wala pa kayong natuturo about dyan sa methods..." reklamo din ni Vinnie.
"Tumahimik kayo!!" sigaw ni Ms. Ramirez at nagtaas na ako nang kamay.
"Wala po akong natatandaan sa mga naituro nyo Ms. Ramirez tungkol sa methods... Nasa Tree of Science palang tayo..." saad ko dito at napahinto ako nang may humawak sa braso ko.
'Zyphire??'
"I am just testing her... Kung nag-a-advance reading ba sya sa subject ko, Shu..." saad ni Ms. Ramirez at dahil wala akong choice padabog akong umupo.
'Ano bang teacher toh... Kailangan bang itanong yung ganun'
"Please answer my question, Zyphire..." panghahamon nanaman ni Ms. Ramirez pero hindi ito sinagot ni Zyphire.
"Kung hindi mo alam... Pwede mo na-"
"First, You need to state the problem... Second, Form a hypothesis... Third, Test the hypothesis..." pagpuputol nito.
'Tama kaya yun??'
"Fourth to sixth??" tanong ni Ms. Ramirez.
"Gather the data then analyze it... Then boom!! Make a conclusion based on your data from the experiment... That is the steps in the scientific method..." saad ni Zyphire at kita ang gulat kay Ms. Ramirez.
'Mukhang... Tama sya dun... Pano nya nalaman yun??'
"Any question, Ms. Ramirez?? I'm kinda bored about your question..." saad ni Zyphire na nginisian pa ito. Kita naman ang pagkakainis ni Ms. Ramirez sa sinabi ni Zyphire.
Natawa naman ako sa inasta ni Zyphire pero bulong lang din tulad nina Cleo. "Tell me the definition of Science... But the definition sa libro natin..." saad ni Ms. Ramirez. Napatingin si Zyphire sa bag nya at mukhang wala syang dalang libro.
"Bawal kang humeram nang libro, Zyphire..." pang-aasar ni Ms. Ramirez habang hawak hawak ang libro nang biology namin.
"Unfair..." bulong ni Vinnie.
'Sobrang unfair... Graded patoh'
"Let's see babe.." saad ni Walt kay Vinnie.
"If hindi mo kaya... Just give up..." pang aasar ni Ms. Ramirez pero nginisian sya ni Zyphire.
'Impossible nyang masabi ang buong meaning lalo na at wala syang libro'
"Just listen, Ms. Ramirez..." saad ni Zyphire. Napatingin naman ako sa libro ko tulad nang iba nang sabihin nya iyon.
"Science... Science dash... Systemized body of knowledge that is based on facts gathered through observations, experiences, and experiments in order to formulate a verifiable conclusion or law that serves as a basis of technology for the benefit of humankind... That is Science, Ms. Ramirez... "dugtong pa nito na kinagulat namin.
'Perehas na perehas... Walang kulang at sobra... Sakto lang at mismong yun ang meaning sa libro... Pano nangyari yun??'
"Any question about my IQ, Ms. Ramirez??" tanong ni Zyphire at napailing na lamang si Ms. Ramirez.
Naupo naman na si Zyphire sa tabi namin ni Walt. "Sabi sa inyo eh... Don't question her IQ... Tanda nya lahat..." saad pa ni Walt.
'Eh?? IQ pa pala yung ganun kala ko superpowers na'
"Lupet... Tingnan mo si Ms. Ramirez na bullseye mo sya, Fire..." saad ni Cleo na natatawa pa habang nakatingin kay Ms. Ramirez.
Napatingin naman ako dun kay Ms. Ramirez mukhang naburn talaga sya ni Zyphire. Natawa naman ako sa mukha nya. "Tsk...Ang dami nyang tanong... She is testing my IQ..." saad ni Zyphire na mukhang nawala na sa mood.
"Easy lang... Nawawala ka sa mood eh... Kalma kalma..." saad ko at nag-sigh ito nang malalim.
"Tsk... Ayoko dyan... Mukhang may galit sakin... May gusto siguro sayo..." saad nya at napatingin naman ako dito.
'Ganun ba talaga ka ano ang six scenes nya??'
"Sinabi nadin nila Cleo yan... Eh ano namang connect mo dun??" tanong ko sa kanya at nagkibit balikat naman ito.
"Baka dahil sa... Gusto moko??"
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
Nagulat ako sa sinabi nya. Ganun ba talaga kalakas ang six scenes nya. Ramdam ko ang kaba ko na baka nga alam na nya. "Huy!! Easy kalang... Joke lang yun oh... Joke lang... Namumula kana eh..." saad nya sakin.
"Hindi magandang biro yan... Nakakakaba ka, Zyphire..." saad ko sa kanya.
*DING*DING*
Napahinto ako kahit si Zyphire sa tunog na yun. Mukhang lunch break na yun. Umalis naman bigla si Ms. Ramirez nang hindi nagsasalita. Nagsitayuan nadin ang mga kaklase namin. Kinuha ko nadin ang bag ko.
"Mukhang aalis kana ngayon..." saad ko. Medyo nalulungkot ako syempre kese hindi ko sya makikita bukas ulit. Lumabas nadin kami nang classroom at puro tawanan sila Cleo na nasa harapan namin at kami eto nasa likuran.
"Oo... Kailangan din eh... Basta tawag ka nalang sakin if may problema... Sasagutin ko agad..." saad nya at nginitian ako.
'Ayan nanaman ang ngiti mo na yan'
"Tsk... Basta ingat kayo sa byahe... Tawagan moko if may kailangan ka..." saad ko sa kanya at ginantihan nang ngiti ito.
"Basta tawagan or i-text moko..." saad nya sakin at tinanguan ko ito.
"Eh saan ba kayo pupunta??" tanong ko sa kanya at nagkibit balikat ito.
"Sure ball sa airport... Kese siguradong hindi tinanggap ang pagseschedule nila... Ako naman bahala sa lahat kaya sure ball yun.." saad nya sakin at nginitian ko sya.
"Eh anong gamit mong pera kung ganun?? Yung galing sa parents mo??" tanong ko sa kanya at umiling ito.
"Hindi... Nung sa SIS kasi ako nagtatrabaho ako sa isang Coffee shop... May naipon ako at sure ball kasya yun..." saad nya.
"Treat mo lahat kami?? Pano pagsakto lang??" saad ko sa kanya at umiling naman ito.
"Hindi yan... Tsaka yung naipon ko sa pagtatrabaho ay pinampatayo ko nang Coffee shop ko... Kaya kasya naman..." saad nya sakin at sumalubong samin sila Zyrille sa hallway.
"Yoowww... Tapos na klase nyo??" saad ni Zyre na lumapit agad kay Zyphire.
"Hmmm... Kamusta ang airport??" tanong agad ni Zyphire at napahawak sa batok nya si Zyrille.
"A-ayaw ni Mr. Natividad..." saad ni Zyre sa kanya.
"At bakit naman daw??" tanong ni Zyphire.
"Ikaw ang kumausap sa isang yun... Ikaw ang gustong makausap eh..." saad ni Zyrille at natawa naman si Zyphire.
'Anong nakakatawa dun?'
"Eh abnormal pala yun eh... Sige dun tayo dederetso... Ang dami dami kong aasikasuhin naginarte pa..." sumeryoso bigla si Zyphire.
Tumingin muna ito sa paligid at humarap samin. "Kailangan ko pang makausap si Dean about sa half day ko... Kaya mauna na muna kayo sa Canteen..." saad nya samin.
"Mag-ingat ka ah... Masama ang pakiramdam ko sa Mr. Natividad na yan..." saad ni Vinnie na yumakap pa kay Zyphire.
"Perehas kami ni Vinnie... Masama ang pakiramdam ko sa isang yan nakuuuu..." saad pa ni Sadie na yumakap rin.
Humarap naman ito saming tatlo. "Tawagan nyo na lamang ako if may problema or napansin kayong kakaiba... Bahala na kayo... Bye bye..." saad nya samin at kinawayan nadin namin ito habang papunta sa dean's office.
ZYPHIRE
Nakadating din kami sa tapat nang Dean's Office. Si Kuya Zyrille ang kumatok at binuksan iyon."Dean?? Pwede kapo ba naming makausap??" rinig kong saad ni Kuya Zyrille.
"Tara na daw..." saad ni Kuya Zyrille kaya pumasok nadin kami ni Kuya Zyre.
"Anong mapaglilingkod ko sa inyo??" tanong nito nang makaupo kami.
"Ah dean... Kasi yung sa airport natin... Yung sa paglipad natin papuntang batanes... Ang owner kasi ay gustong makausap si Zyphire... Kung pwede po sana namin sya i excuse..." saad ni Kuya Zyre at tumingin ito sa sched namin.
"Pwede naman... 3 p.m din naman kasi ang labas nila kaya siguradong hindi na sya makakabalik bago mag three... Kaya she is allowed... About pala sa band??" tanong ni Dean na tiningnan ako.
'Pati nga yun aasikasuhin ko pa pala jusme'
"All we need to do nalang is to assemble it... Baka mamayang gabi ay ibigay ko nadin... Bukas kese ay libing na ni Tito Zeus at kailangan kong iblanko ang sched para dun..." saad ko at tinanguan ako ni Dean.
"Thank you... Nasabi kasi ni Kyllie na ikaw daw ang bahala sa kasal nila... Salamat dun..." saad ni Dean at inilingan ko ito.
"Hindi nyo po kailangan mag Thank you... Si Ate Kyllie ay parang kapatid ko narin kung ituring... Kaya wala pong problema sakin yun... Mauuna na po kami at malayo pa ang byahe... Salamt uli, Dean..." saad ko at nginitian ito.
Nginitian nya din ako at tumayo din."May sasabihin pa pala ako... About sa Lolo and Mom mo..." saad ni Dean at napatingin ako dito nang deretso.
"What about Mom and Chairman, Dean??" tanong ko dito.
"Alam naming may problema about sa inyo... And please give them a chance... May dahilan sila kaya nila nagawa yun..." saad ni Dean.
'What the hell?? Alam nya ba ang dahilan??'
"Hindi ko alam ang dahilan... But I know how to forgive... Kaya lang hindi ko na mababago ang tingin ko sa kanila... Hindi din naman nila alam ang nangyari sakin dahil sa mga salitang ibinagsak nila sakin...Mauna na kami, Dean... Salamat uli" saad ko at hindi na hinintay ang sasabihin nito at lumabas nako.
'Tsk... Pati ba naman ibang tao'
Dumeretso na lamang ako sa kotse ni Kuya Zyrille at umupo sa back seat. "Ayos ka lang??" tanong ni Kuya Zyrille na nakatingin sa salamin.
"Hmmm... Ayos lang naman... Nadala lang sa sinabi ni Dean... I think he know the reason..." saad ko at biglang umupo na si Kuya Zyre sa tabi nang driver's seat.
May inabot ito sakin. "Oh milktea... Nang mawala yang init nang ulo mo..." saad ni Kuya Zyre at tinanggap ko naman agad yun.
"Init nang ulo... Baliw!! Napapaisip lang... Tara na nga baka naiinip na ang Mr. Natividad nyo!!!"saad ko at natawa naman sila.
Pinaandar nadin ni Kuya Zyrille ang kotse at kumalukat na lamang sa f*******:. Rp account ang gamit ko dahil ayoko nang Official account. Puro about sa kung ano at sino. Habang nagsoscroll ay may nakaagaw nang pansin ko.
'Nasa dulo kana nang f*******:, tigil kana ghorl!!'
'Lah parang tanga... Kailan pa nagkadulo ang f*******:'
"Nandito na tayo... Itaklob mo naman yang suot suot mo..." saad ni Kuya Zyrille at itinali ko na yun.
"Tara na... Ala una palang naman..." saad ni Kuya Zyre at bumaba na kami.
Sumalubong naman samin ang 4 na bodyguard ni Mr. Natividad. "Do you have a meeting with Mr. Natividad??" tanong nung 1st bodyguard.
"He is expecting us... So can we meet him..." saad ko at biglang may tumambad saming lalaki na nakatalikod.
"Ow... You're back... With her... Good afternoon, Snow..." saad nito.
'Mr. Natividad'
"Good afternoon too... I am here for your approval para sana gagamitin ang airport... Hindi naman sya ipapasara... Isesched lang ang flight..." saad ko sa kanya at humarap na ito samin.
"You will pay me naman hindi ba??" saad nito sakin na lumapit pa.
"At bakit hindi... Hindi ako yung tipo nang babae na magpapakyut para malibre nang kung sino... I pay my bills... So call??" tanong ko dito at nginitian ito.
'Ang Charm Smile ni Snow'
Kita ang pamumula nito sa ngiti kong iyon at iniabot din ang kamay nya."Call... Then see you sa Wednesday nang midnight..." saad nya sakin at nginitian ko uli ito.
"Just wait for the money tomorrow... At exact 12 midnight the money will be at your room..." saad ko dito at tumango naman ito.
"We will be going then... Wait for the money... Thank you..." saad ko at tinalikuran na ito.
Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko nanaman ang black na taong yun. "Tandaan mo ang rule ko, Mark Natividad... Honesty is special to me... And don't be a traydor... See you again!!" saad ko at sumakay na sa kotse ni Kuya Zyrille.
Sumakay nadin sila Kuya at pinaandar na ito. Nakarinig akong nang tawag nang telepono at kinuha ko agad ang phone ko.
"Yes?? Sino toh??" tanong ko agad.
"Fire... Nandito kami sa loob nang classroom... May pumasok sa FIS at kailangan ka namin ngayon... May bumaril pa..." saad ni Sadie na halatang takot na.
"Sige... Padating nako... Stay still... Pakisabi sa kanilang walang lalabas... Wag kayong tatawag nang pulis dahil mamamatay lang sila... Padating nako..." saad ko at pinatay na ito.
"Kuya... May nangyari... Pakibilisan ang pagandar... Sa FIS tayo bilis..." saad ko at bumilis ang kotse nito.
Hanggang sa marating namin ang tapat nang FIS. Kinuha ko ang bag ko. "Kuya... Bantay kayo dito... Chinempuhan tayo eh..." saad ko at tumakbo na ako sa loob.
Dumaan ako sa locker. "Chempo chempo pa... Nasan na kayong mga buysit kayo..."
Dumaan na ako sa taas at nadaanan ko ang room namin. Binuksan ko agad yun ang bumungad sakin ang mga students na nakayuko at nasa sulok. Tumayo agad sila nang makita ako.
"Dumaan ba sila dito??" tanong ko agad.
"Oo... Hinahanap nila tayo pero walang sumagot kaya lumabas muli sila... Pero babalik daw sila..." saad ni Vinnie.
'Mga gunggong!!'
"Shu... Nakuhaan moba ang mukha nila??" tanong ko at umiling naman ito.
"Mabilis ang pangyayari, Fire... Puro tiliian ang nangyari..." saad ni Shu nang may marinig akong tilian.
Napatingin agad ako sa terrace na yun at kita ko ang dalawang taong yun. "Wait lang... Si Ryle yun ah tsaka si Micmic... Pano nakatakas ang isang yun??" saad bigla ni Cleo at napangisi ako.
'Andito pala si Rico...'
"Kambal yan ni Ryle... Sya si Rico Imperial... Times two ang lakas kay Ryle... Mas malakas pa kayo dyan..." saad ko habang tinitingnan kung pano mag ingat ang dalawa na baka may makakita sa kanila.
"Kaya mo ba ang dalawang yan??" tanong sakin ni Vinnie at napangisi ako.
"Hindi ko kailangan na makipagrambulan sa mga yan... Makikipag-usap lamang ako..." saad ko at nakita ko si Dean na papalapit samin.
"Zyphire...buti nandito kana... Kailangan ka namin dun sa dalawa..." saad ni Dean sakin at tinanguan ko ito.
"Lisanin na lamang po natin ang mga students sa may labas... Pauwiin nadin po at wala namang pasok bukas dahil sa libing... Tahimik dapat po kayong lalabas... Kayong lima... Sumama kayo sakin... Wag lang kayong lalayo..." saad ko at hinanap ang terrace na sasakto sa likod nito.
"Sa baba na kayo dumaan... Dito na lamang ako..." saad ko.
'Napapangisi ako sa nakikita ko, Rico'
"Saan ka dadaan??" saad ni Shu.
"Dito... Tatalon ako..." saad ko at pumunta dun sa likod nang bars.
"Mag ingat ka..." saad nila at umalis na.
'Mga hinayupak nga naman'
Tumalon na ako at nakatayo padin ako sa paglanding. Tunog na tunog ang landing kong nakatayo nang ayos. "Sino yan??" tanong ni Rico na nakatingin na sakin tulad ni Micmic.
"Kamusta ka, Rico?? Matagal nadin nang magkita tayo..." saad ko at tinanggal na ang tali nang jacket ko.
'Gwapo pero tarantado na gago tsk'
Binigyan ko ito nang ngiti at inilagay ang kamay ko sa likod. Kita ang pagngiti niti sakin. "Ayos lang naman ako... Nasan na ang pinagpalit mo sakin, Fire?? Sino nga ulit yun??" tanong nya sakin.
'Abay gago di kita type.... Ayoko sa tarantado!!'
"Ahhh... Si Clover?? Tsk ayun kasama si Felicity... Tsaka hindi kita pinagpalit, Rico.." saad ko sa kanya at kita ang pagngisi nito.
"Edi ginamit mo lang ang Clover dahil... Ako ang gusto mo tama??" saad nya na kinatawa ko. Creepy na tawa ang inilabas ko.
'Nagiging feeling din pala ang mga tarantado'
"Hindi ako manggagamit, Rico... Minahal ko din sya... Tsaka ikaw?? Gusto ko??" saad ko habang nilalapitan ito.
"May tula nga pala ako sayo, Rico... Umalis ka kqsi agad eh..." saad ko na nginitian ito.
Kita ang pagkasabik nito. Naramdaman ko naman ang presensya nila Cleo sa likuran ko. "Pwede mobang itula muli sakin ngayon??" saad nya na kala mo maginoo.
"Bakit hindi?? Ehem!!" pagubo ko pa na kala mo ay ke ganda gands nang boses.
"Gusto ko ding marinig kung ganun..." saad ni Micmic at nginitian ko ito.
Itinuro ko naman ang upuan dun kung saan sa likod nun ay nandun sila Cleo. "Dun kayo at dito ako sa harapan... Mas maganda ang pagtula ko..." saad ko at nginitian sila nang matamis. Agad namang gumalaw ang dalawa at umupo doon.
'Bakit mga gunggong ang ipinadala mo, Peligro??'
"Rico..." saad ko at nagbow. Pumalakpak naman anh dalawa na tuwang tuwa. Pagkaangat ko ay nasa likod na nang dalawa sila Cleo at nakahanda na.
"Si Rico,
Na ako ang gusto,
Sya ay isang gago,
Isa ding tarantado,
Kaibigan ni Cinco,
Kasali sa sindikato,
Adik din sa kanto,
Nasinghot sa dulo,
Kaya hinding hindi ko gusto...
Rico" saad ko at nagbow muli.
Pagangat ko ay mga walang malay na ang dalawang yun. "Gago!! Nakakatawa ang tula mo!!" saad ni Sadie sakin na tawa parin nang tawa.
Kahit sila Walt ay tawa din nang tawa. "Lupet!! Hinding hindi ko malilimutan yun... Kakaisip mo lang yun??" tanong nj Cleo na nakahawak na sa tyan nya.
"Mga baliw kayo... Lumabas lang sa bibig ko... Tsaka idedeliver ko pa yan kay Cinco... Magandang regalo sa peligro..." saad ko at natawa nanaman sila.
"Ayan ka nanaman!! Puro kana 'o' nang 'o' HAHAHAHAH!!" saad ni Vinnie at hinila ko na lamang yung dalawa.
Tinulungan naman ako ni Shu na kaladkadin yung dalawa hanggang sa mapunta kami sa labas kung saan nandun si Dean na mukhang naghihintay samin. Wala nang students at mukhang nakauwi nadin. "Nakuha nyo din... Sino ba yang mga yan??" tanong ni Dean.
"Mga Imperial, Dean... Idedeliver ko na lamang po..." saad ko.
"Naku... Maraming salamat talaga... Pinauna ko na ang mga Students at sinuspend nadin ang pasok bukas hanggang Friday... Wala kasi ako nun at walang magbabantay sa buong campus... Mauna na din ako..." saad ni Dean at sumakay na sa kotse nito.
Nang umandar ito ay hinila ko muli ang dalawang yun dun sa parking kung saan nandun din sila Kuya Zyre."Buti nandito na kayo.. Bat nakatakas naman toh!?" saad ni Kuya Zyre na nakatingin kay Rico.
"Si Rico yan, Zyre... Yung baliw na baliw kay Fire sa SIS... Halata naman sa ayos..." saad ni Zyrille na kinatawa ko.
"Obsessed??" tanong ni Walt at tinanguan ko lamang ito.
"Eh anong mga ginagawa netoh??" tanong ni Cleo.
"Nagbibigay nang mga teddy bear taaka chocolate..." tamad kong saad at tumingin sa paligid.
'BINGO!! IAANG BOX NA KASYA SILANG DALAWA'
Hinila ko ang dalawa dun sa box at inilagay dun. Isinarado ko din ang box gamit yung screwdriver sa may gilid.
"Eh nasan na yung mga teddy bear?? Tinago mo??" tanong ni Shu pwro inilingan ko lang ito.
"Pinamigay ko sa buong SIS.."