Chapter 28

3434 Words
ZYPHIRE "Fire... Fire... Lil sis... Gising na... 5 o'clock na..." napamulat ako sa boses na yun. Pagkamulat ko ay si Kuya Zyrille tsaka si Kuya Zyre pala. "Hmmmm... 5 na nang umaga?? Gesi... Magjojogging ba tayo??" tanong ko at iniangat yung mga kamay ko. 'Nakatulog ako sheyt yung band' Napatingin ako sa laptop ko at bukas pa nga ito. Tapos na ang mga preparation, plans, at kung ano ano pa. Bubuuin nalang pala."Ikaw?? Gusto mo ba?? Nakaready naman na kami..." saad ni Kuya Zyre. "Tsaka nga pala... May pasok kapa..." saad ni Kuya Zyrille at inilingan ko ito. "Magpapasabi na lang ako kila Sadie na hindi din ako papasok ngayon.. Ngayon ko na din gagawin eh... Tapos yung grocery pa na dadalhin dun tsaka dito.." saad ko sa kanila at tumango tango naman sila. "Tapos ako na ang bahala sa kasal nyo, Kuya Zyrille... Wala na nga ako sa engagement pati ba naman sa kasal... Ako na bahala... Basta tulungan nyo ko..." saad ko at kita ang saya kay Kuya Zyrille. "Sure ball nayan... Salamat salamat salamat... Salamat at kayong dalawa ang tumutulong sakin..." saad ni Kuya Zyrille na yinakap ako at hinila si Kuya Zyre. Hinampas ko naman yung likod nya. Loko loko eh. "Abay kami lang naman ang kapatid mo..." saad ko sa kanya na kinatawa namin. 'Loko loko ampwet' "Magjojogging ba tayo??" tanong ni Kuya Zyre sakin. 'Jogging?? Hmmmm...' Kinuha ko yung glasses ko na may grado para yun sa pagbabasa ko. "Sige... Magtutoothbrush lang muna ako... Wait nyo ko..." saad ko at kiniss sila sa cheecks. 'Nasa mood ako guyaaazzz' "Kadiri kadiri!! Ang baho naman" reklamo ni Kuya Zyre. "Ano ba naman yan, lil sis..." reklamo din ni Kuya Zyrille kaya binatukan ko silang dalawa. 'Mga lintek' "Ayaw nyo na sakin ganun?? Abay walang matutuloy na kasalan!!" saad ko at nagpeace sign yung dalawa nakinatawa namin. Dumeretso na lamang ako sa banyo ko bago pa may sabihin ang dalawa at abutin ako nang alas sais. 'Nakakapanibago ang asta nila Kuya Zyre... Kagabi abot tenga ang ngiti ni Kuya Zyre pagbalik tapos si Kuya Zyrille din... Malalim minsan ang iniisip nang dalawa kagabi... Para lang baliw pagnagkakatinginan sila biglang magngingitian tapos tatawa' Mabilis lang akong natapos maghalf bath at nagroba syempre. Paglabas ko nang kwarto ay wala na sila Kuya doon. Kumuha na lamang ako nang jogging pants na grey at white na sando yung croptop. Parang sinuot ko yung strapless na sandong yun nung kinder pako sa liit potek. Pagtapos kong magbihis ay kinuha ko yung phone ko syempre tsaka yung earpods. Naglagay ako nang dalawang earpods ko at nagpatugtog nang magandang vibes. Paglabas ko nang kwarto ko ay bumaba agad ako. Napahinto naman ako nang makita si Kiya Zyre sa harapan ko. May sinasabi ito pero hindi ko maintindihan. "Hoy!! Sabi ko sasama daw sila Cleo satin!!" sigaw nya nang taggalin ang isang earpods ko. "Oo na oo na!! Nasan sila??" tanong ko nang ilagay nya ang earpod ko sa tenga ko. "Hmmm ganda nang tugtugan mo ah... Classic na Jazz na Hiphop... Kakaiba..." saad nya na nakikinig pa sa earpod ko. 'Putek di na napansin ung tanong ko' "Huy!! Nasan kamo sila??" pag-uulit ko. "Ah... Nandun sila sa labas nagsestretching na... Sabay na tayo sa kanila..." saad nya at iniabot yung jacket nya sakin. Medyo malaki yun kese above the knee ko sya. "Isuot mo yan... Masyadong fit ang sando na yan..." saad nya sakin. "Malay koba!! Kala ko kasi tayo tayo lang... Tsaka eto ang nasa closet nang room na yun... Puro palda at puro pambabae talaga" saad ko habang isinusuot yung jacket na ibinigay nya sakin. Tumawa lang ang inisagot nya sa sinabi ko. "Ako kaya ang bumili nun kung sakaling dito ka tumira... Tsaka kahit minsan makita kitang SWEET ang mga suot... Hindi yung parang GERA ang gusto sa suot..." saad nya na pinagdidiinan ang 'Sweet' at 'Gera'. Natawa naman ako sa sinabi nyang yun. "Oh sige sige... Susuotin ko lahat nang nasa closet na yun... Hindi yung mga natural kong damit..." saad ko at napatigil naman ito sa paglabas nang gate nang bahay. Abot tenga ang ngiti sakin. 'Abnormal powet!!' "Aasahan ko yan ngayon ah!! Tanda ko ang mga binili ko, Snow!! Kaya hindi moko maloloko... Pakiss nga pakiss ang kuya..." saad nya na itinuturo ang cheeks nya. 'Bumabalik nanaman sya sa pagkabata' "Ayoko!! Hindi na tayo tulad nang dati, Kuya... Para ka nanamang bata..." saad ko habang nilalock yung gate na yun. "Kahit isa lang... Masaya lang si Kuya eh..." saad nya habang papalapit na kami kila Sadie na nagsestretching nga. 'Mapilit ang panget' "Tsk... May magagawa ba ako sa kakulitan mo??" saad ko at kiniss sya sa cheeks nya. Abot tenga ang ngiti nito. Umikot na lamang ang mata ko at pumunta kila Kuya Zyrille. "Good morning!!" bati ko at sinimulan nadin magstretching. 'Hmmmm kulang kulang tulog ko pero mas masarap sa pakiramdam ang magjogging' "Good morning, Fire!! Ganda ba tulog??" tanong ni Sadie na medyo weird sa pakiramdam ang pagiging ganun nya. "Oo?? Maganda naman mood ko sa paggising... Kayo?? Nag meeting kayo diba??" saad ko at umupo. Ni-widen ko ang legs ko at huminga muna nang malalim. "A-ayos naman... Maaga din kaming nakatulog..." utal utal na saad ni Sadie. Inabot ko na ang mga daliri ko sa paa syempre nakaslippers lang ako. "Kailangan mo nang tulong??" napatingin naman ako sa nagtanong na yun. 'Si Shu??' "Sana... Ipupush mo lang yung likod ko... Dahan dahan lang please..." saad ko at tumango naman ito. Pumwesto naman ito sa likod ko. Inabot kona ang mga daliri sa paa ko at tinulak nya ako nang dahan dahan para maabot ko pa. '4...3...2...1...' Huminga naman ako nang malalim at umayos nang upo."Thank you,Shu..."saad ko at nginitian ito. Tumayo na ako at nagpagpagnang pants ko. Napalatahimik naman nila ngayon kung kailan good mood ako."Ang tahimik nyo ngayon ah... Ano bang pinag usapan nyo kagabi??" tanong ko at lumapit sa kanila. 'Mukhangmay kakaiba sa kanila' "Wala naman... Tungkol lang naman say-este samin..." saad ni Walt. 'Tungkol sakin... Sayoooo tsk bakit naman??' "Bakit naman tungkol sakin?? Pwede naman kayong magtanong sakin mismo... Sasagutin ko naman..." saad ko at sinimulan nang mag jogging. Sumunod naman si Kuya Zyre sakin na tumabi pa at Kuya Zyrille habang yung iba ay nasa tabi din nila. "Sasagutin mo?? Kahit ano??" saad naman ni Vinnie. 'Kahit ano nga ba??' "Kahit ano basta kaya ko... Ano ba yun??" saad ko habang nagjojogging kami. "Ano ba yung tipo mong lalaki?? Yung parang gusto??" saad ni Cleo na kinaisip ko. 'Hindi naman ako mapili... Bigla nalang din naman ako nagkakagusto' 'Pero bakit yun ang tanong nila' "Gusto?? Ideal ganun??" saad ko. "Oo yun nga... Ideal mo, Lil sis??" saad ni Kuya Zyrille. 'Ideal man...' "It depends kese eh..." saad ko. "Eh?? Yung ideal mo lang or yung gusto mo man..." saad naman ni Shu na kinaagaw nang pansin ko. "Gusto ko sa lalaki yung hindi puro LSM na puro I love you at take care lang ang ibigsabihin... Yung handwritten ang gusto ko... Tula at Love letters ganun..." saad ko. "Ano pa??" tanong ni Sadie at nag isip naman ako. "Gusto ko pagnanliligaw hindi text or flowers flowers na may chocolates pa tsk... Gusto ko yung haharanahin ka na para bang pinagsisigawan nya na ikaw lang... Tapos ang dala nya ay tulip at handwritten love letter or tula nya sayo..." saad ko na nagiimagine na nga. 'Sino namang ganun sa mundo diba??' "Hindi naman sa ayaw pero mas prefer ko ang tula or love letters kesa sa mga mamahaling gamit... Hindi naman kasi ako materialistic..." saad ko pa. 'Ang sweet naman talaga nang mga love letters tsaka poems na dedicated sayo' "Ano pa??" tanong naman ni Vinnie. 'Ano pa nga ba??' "Ayoko nang hinahatid sundo ako kahit magkikita naman kami... Kasi hindi sya driver ni yaya or chaperone ko... Ayoko sa laging nagtetext sakin... Mas okay yung inform lang nya ako na gento ganyan... Tsaka ayoko sa nagpapaalam sakin kese hindi nya ako asawa ni nanay o tatay nya... May respeto sakin at sa lahat... At higit sa lahat... May takot sa Diyos... "saad ko na napangiti pa. 'Kung may ganung lalaki siguro wala nang nasasaktan ngayon...' "Yun lang??" tanong nanaman ni Shu nang biglang may magpop sa utak ko. "Tsaka yung... Ayoko nang magsusumbong sya sakin na may lumalapit or lumalandi sa kanyang babae or tinetext sya ganun... He is old enough to know kung ano ang tama at mali... Ayoko nang magsaskandalo pa ako para sa babaeng yun... I want him to know kung hanggang saan lang sya... Yun lang... "saad ko at huminto na kami nang tumambad na kami sa gate nang mansion. Napayuko naman ako sa hingal nun. Magsalita ka ba naman habang nagjojogging."Bakit ba tungkol dun ang tanong nyo?? Wwooaahhhhh!!" sigaw ko sa hingal. 'Siraulo tong mga toh!! Dapat hindi pala ako pumayag' "Tubig..." napatingin naman ako sa mga nagtanong na yun. 'Si Shu at si Kuya Zyre' "Choose one, lil sis... Mine or kay Shu..." saad ni Kuya Zyre na nangangasar. 'Napatingin naman ako sa lalagyanan nilang clear... May lemon ang kay Kuya Zyre at kay Shu ay wala' Kinuha ko ang tubig ni Kuya Zyre at ininom. "Thank you... Mas prefer ko ang lemon..." saad ko kay Shu at iniabot ang tubig ni Kuya Zyre. "Zyrille!! Zyre!! Pasok kayo magaalmusal narin naman kami!!" napatingin ako sa sigaw na yun. 'Si Mom?? Nakasama si Dad??' "Tama ang Mom nyo... Pasok kayo at mukhang may mga kasama kayo... Pasok pasok almusal tayo..." saad ni Dad na binuksan ang gate na niwewelcome kami. Pumasok naman sila Cleo at naiwan kami nina Kuya Zyre at Zyrille. Nag-aalinlangan akonh pumasok dahil kada almusal noon ay pinapahiya ako nang Chairman."Gusto mo bang sumabay nalang tayo sa pag-a-almusal sa kanila??"saad ni Kuya Zyrille sakin. Nag-a-alinlangan akong napatingin sa kanilang dalawa."Nandito naman kami... Kaming bahala sayo kung sakaling maulit ang dati..." saad ni Kuya Zyre na inakbayan pa ako. 'Sasamahan naman daw nila ako' "Okay..." sagot ko nang biglang akbayan din ako ni Kuya Zyrille at pumasok na kami. Pagpasok namin sa mansion ay bumungad samin sila Mom kasama sila Cleo na nag-uusap usap. "Oh... Nandito na pala sila... Good morning sa mga anak ko..." saad ni Mom na niyakap si Kuya Zyrille. Sunod si Kuya Zyre tapos ako. 'What the hell is happening??' "Good morning, Mom... Dad..." saad nina Kiya Zyre at Zyrille. Napunta naman sakin ang pansin nila. "G-good morning..." bati ko at nginitian sila. 'I do feel weird at the atmosphere' "So... Shall we go to the dining... Naghihintay ang Chairman satin..." saad ni Dad na nanguna sa paglalakad. Takot at kaba ang nararamdaman ko sa paglalakad naming iyon papunta sa dining. Pagdating sa dining ay nandun ang Chairman. Nakaupo sya sa gitna at hindi sa upuan ni Chairman so ibigsabihin ay... 'Dun ako uupo!?' *LUNNOOOKKK* Ms pinakaba ako nang nakita ko. "Good morning sa mga apo ko..." bati nito samin. "Good morning din, Lolo.." bati ni Kuya Zyrille dito. "Good morning, Lo" medyo pormal na bati ni Kuya Zyre dito. *LUNNOOOKKK* Nasa akin na ang tingin ni Chairman na para bang hinihintay ang pagbati ko. "Good morning, Chairman.." pormal na bati ko dito at nginitian nya ako. 'Weird na talaga ang atmosphere... Dahil kahit kailan... HINDI AKO NGININGITIAN NANG CHAIRMAN' "May mga kasama pala kayo... Good morning sa inyo... Maupo kayo at tayo'y mag almusal na..." saad nang Chairman. "Good morning din po..." bati nila Cleo at naupo na habang ako ay hindi alam ang uupuan. 'Saan ba talaga ako uupo...' "Anak... Dun ka sa upuan ni Lolo..." saad ni Dad na tinap ang balikat ko't naupo na. Umupo na rin ako at nasa gitna ako nang lamesa kung saan walang katabi at kita silang lahat lalo na at KATAPAT KO SI CHAIRMAN. *LUNNNOOKKKK* Nagsikuhaan na sila nang pagkain nila at ako ay nagdasal nang sarili. Nang matapos ay kumuha narin ako. Ice cream lamang at tsaka yung water nila na may lemon. Puro sila kwentuhan habang ako ay naninibago dahil nginingitian ako nang Chairman tsaka ni Mom. 'Unbelievable... If nananaginip man ako please... GISINGIN NYO NA AKO!!' "Are you sure sa food mo, Fire?? Ice cream lang ang kinain mo sa breakfast..." saad bigla ni Dad at napatingin ako dito. Nginitian ko lamang ito. "Nah... Ayos lang ako Dad... Mas prefer ko ang ice cream..."saad ko at nginitian nya ako pabalik. "Eh diba mahalaga sayo ang breakfast??" saad ni Mom sakin at inilingan ko ito. "Dati... Pero ngayon kasi marami na akong dapat asikasuhin..."saad kk at nginitian ko ito. Kita ang gulat sa mata nito nang ngitian ko ito."But you need to eat well... That is for your health... Nabalitaan ko ang pagkahimatay mo... Nireport sakin galing sa Hospital ko..." saad nang Chairman na nakaagaw nang pansin ko. 'Nakaabot pa talaga sa kanya yun??' "Eh??Why didn't you tell us?? Ipacheck up natin yan baka hindi ka lang hinimatay..." saad ni Mom pero inilingan ko ito. Napatingin ako kay Kuya Zyre na nakatingin din sakin. "Nacheck na din namin ni Kuya Zyrille siya Chairman at Mom... Himatay lang talaga dahil sa pagod ang nangyari..." explain ni Kuya Zyre at napatingin naman ang Chairman kay Kuya Zyrille na nahingi nang approvement. "Tama sya, Chairman... I check my sister if may sakit sya but walang nangyari... Lahat normal lang... Kaya walang problema..." saad ni Kuya Zyrille at tinanguhan naman nila sya. 'Sorry for what will happen' Tinanggal ko na lamang ang sound sa tenga ko at chineck ang oras. Mga 6:23 na din. Ininom ko na ang tubig ko at napatayo narin."I think we need to go... May pasok pa kasi sila... And aasikasuhin ko din yung sa batanes at dun sa band..." saad ko at tumayo nadin sila Kuya Zyre.  "Ganun ba?? Ah sige... Mauna na kayo... Hatid kopa ba kayo??" tanong ni Mom samin pero umiling naman ako. "No need... May gagawin din kayo kaya mas unahin nyo na lamang yun... Salamat uli sa almusal..." saad ko at nangitian na lamang kami. *SA BAHAY NI ZYRE* Nakadating din kami sa bahay agad at dumeretso ako sa kwarto ko agad.Naligo agad ako at isinuot ko yung Cami scalloped lace tank top tsaka yung Back E girl high-waisted pleated skirt with belt. Isinuot ko din yung parang fishnet na kulay brown sya na jacket na above the knee mismo kese diba tuhod tapos sa taas nun yung jacket na mismo. Hindi sya de zipper or de button wala syang pangsara. "Masasanay din naman ako dito..." Kinuha ko yung balenciaga na white tapos yung medyas na pang basketball na may kulay white at brown. Kinuha ko naman yung maliit na bag na kulay black. 'Morena kana ghorl!! Grabe bilis umitim' "Kailangan ko ang wallet... Phone... Usb... Panyo... Pen... Notebook... Tsaka facemask na kulay black..." Kinuha ko lahat nang sinabi ko at inilagay sa bag ko. Lumabas agad ako nang kwarto at bumaba na. Naabutan ko naman sila dun kasama sila Kuya Zyre. "Oh... Nakapalda ka nanaman... Nasasanay kana sa ganyan ah..." saad ni Sadie na mukhang kabababa lang tulad ko. Nginitian ko lamang ito. "Papasok ka paba??" tanong sakin ni Vinnie. "Ay oo nga pala... Kuya Zyre tsaka Kuya Zyrille... Papasok ako kaya lang sunduin nyo ko sa lunchbreak... Kailangan na kasing magawa yung pinapagawa..." saad ko at nginitian naman ako ni Kuya Zyre tsaka ni Zyrille. "Buti naman... Ihahatid nalang kita... Kese si Kuya Zyrille aasikasuhin yung para sa flight natin..." saad ni Kuya Zyre sakin at tinanguhan ko na lamang ito. "Ingat kayo... Lil sis una na ako... Mwuaahh" saad ni Kuya Zyrille at kinawayan ko lamang ito. Humarap naman ako kila Walt. "Wala naman tayong project or kung ano man na take home diba??" tanong ko at umiling naman sila. "Alam mo... Tara na lang... Masyado na kaming napapatitig sayo..." saad ni Vinnie na kinatawa namin. "Edi sibat na tayoooo" sigaw ko at sumakay na ako sa kotse ni Kuya Zyre. Sumakay nadin naman si Kuya Zyre at pinaandar papuntang FIS. Mabilis lang ang byahe namin at nandun nadin kami. Bumaba nako nang makarating kami sa parking kung saan nandun sila Cleo na nagpapark. "Susunduin ka namin ni Kuya mamaya!! Tatawagan nalang din kita para makasigurado... Bye bye sunod pa ako kay Zyrille.... Love youuu!!" saad ni Kuya Zyrille. "Love you toooo ingaatttt!!" saad ko at kinawayan na lamang ito nang umandar na. Lumapit naman na ako kila Sadie na puro tawanan. "Ano tara na??" saad ko at tumango naman sila. Habang naglalakad kami papunta sa classroom ay puro tawanan at kwentuhan na ang naganap nila. Katulad ko ay hindi nagsasalita si Shu nakikitawa minsan ganun. "Ayos ka lang??" tanobg ko sa kanya at mukha namang hindi kami napapansin nila Sadie. Gulat naman itong napatingin sakin. "A-ako?? Ayos lang naman... May iniisip lang kasi ako eh..." saad nya. "Ang lalim naman nyang iniisip mo... Pwede ba akong sumisid??" saad ko sa kanya at umiling nalang ito na medyo natatawa. "Baliw... Alam mo mas pinapalalim mopa dahil sa suot suot mo... Itago mo nga yan..." saad nya na hinawakan yung jacket ko at isinarado. 'Eh hindi nasasarado anh isang yun eh' "Tsk... Hindi mo naman kasi sinabi na naiilang ka sa suot ko edi sana nagpalit ako diba?? Ano ba kasi yang malalim na iniisip mo??" tanong ko dito. "Interesado ka talaga ano?? May gusyo kasi akong babae..." saad nya sakin at tinanguan ko naman ito. 'May gustong babae??' "Eh yun lang naman eh... Bakit ang lalim lalim nang iniisip mo??" tanong ko sa kanya at pinitik nya ang noo ko na mahina alng naman. "Kaso... Hindi ako sigurado kung gusto nya ako..." saad nya sakin at nailagay ko ang elbow ko sa balikat nito. Napahawak naman ako sa baba ko sa sinabi nya. Binatukan ko naman sya. "Baliw ka pala eh!! Pano ka naman magugustuhan nun eh hindi ka umamin... Hindi mo pinaparamdam sa kanya..." saad ko sa kanya at napahawak naman ito sa batok nya. "Eh anong gagawin ko??" tanong nya sakin. 'Ano nga ba??' "Edi iparamdam mo sa kanya naespesyal sya... Alam mo kasi yung mga babae mabilis lang yan mahulog pag nagpakita ka na espesyal talaga sya ganun..." saad ko sa kanya. 'Saan ko ba nakuha ang isang yun??' "Ganun... Ano pang pwede??" tanong nito sakin. "Ligawan mo... Kahit hindi ka gusto ligawan mo... Kusa kanun na mamahalin tamo... Kaya lang natatandaan kong hindi mo niligawan si Felicity... Bigla nalang nagkaaminan at boom... Kayo na..." pang aasar ko sa kanya. "H-hoy!! San mo nakuha yan!!" saad nya sakin na kinatawa ko. "Nakalimot kana yata... Dati kong kaibigan yun... So pano ko hindi malalaman aber??" saad ko sa kanya at napahawak naman sya sa batok nya at nahihiyang tumawa. "O-oo nga noh... Nakalimutan ko yun ah... Bigyan mo nga ako nang ideas sa mga panliligaw..." saad nya sakin at dahil sa gulat na hampas ko ang braso nya. "Ugok!! Hindi ako lalaki tsaka hindi ako marunong manligaw.... Dahil ako ang nililigawan tche!!" saad ko sa kanya at nag isip naman ito. "Eh?? Kala ko nanligaw ka na eh... Dami mo kasing alam eh..." saad nya at nahampas ko ulit sya sa braso. "Hoy!! Dalagang pilipina ang kausap mo, Stickman!! Umayos ka!!" saad ko sa kanya na medyo naiinis na talaga ako. 'Abay gago ako daw ang nanliligaw!!' "Ganun ba, Nerdy?? Kala ko kasi binatang pilipino eh..." saad nanaman nya na tawa nang tawa. 'Abay gago talagang ginagalit ako' "Hello!! Atleast ako alam ko kung pano kayo manligaw hindi tulad mo... Dalagang pilipina!! Gusto sya ang linalapitan eewwwww" saad ko at napatigil naman ito sa pagtawa. 'Ikaw naman ang iinisin ko, Stickman wahahaha!!' "Bakit ba?? Kayong mga babae ang nalapit sa kin dahil sa kagwapuhan ko noh... Yung iba niluluhudan pako!!" saad nya sakin na kinatawa ko. "Nasan na sila ngayon aber??" tanong kk sa kanya. "Abay malay ko!!" sigaw nya sakin. "Ay oo ng apala naalala ko... Pina-EO ko na... Malabo kasi mata eh..." saad ko sa kanya at kita ang inis dito. "Are you pissed off, Stickman??" tanong ko sa kanya sa nakakaasar na tono. 'Abay ngumisi pa ang lolo mo' "Pissed off?? Idunno..." saad nya na nakangiti na ngayon. "Just answer the f*****g question using your bull s**t wordss, Stickman... Pinapaikot ikot moko tsk..." saad ko sa kanya at nagkatinginan kami. "HAHAHAHAHAHAHAH~" sabay kaming natawa sa ginagawa namin. "Para tayong mga aso't pusa!!" saad ni Shu. "At syempre ako ang pusa at ikaw ang aso..." confident kong saad at bigla naman itong umiling. "Ikaw ang aso... Nakakatakot ka eh... Tapos ako pusa... Yung maamo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD