Chapter 27

3762 Words
ZYPHIRE Nandito na kami ngayon sa tapat nang bahay ni Kuya Zyre. May mga kotse sa tapat nang bahay nito na nakapark. "Bakit nandito ang kotse nina Dad??" saad ni Shu at napatingin ako sa kanila. "Kahit kay Chairman Zuello..." saad ni Cleo na nagtataka. 'Anong meron??' "Kahit ang kotse nila Dad ay nandito.." saad ni Walt na kinaagaw din nang pansin. 'Shit... Anong meron??' Napatingin ako sa kanila. "Anong meron ngayon?? Wala ba silang sinabi sa inyo??" tanong ni Vinnie. "Wala... Kailangan nating malaman..." saad ni Shu at tumakbo na sa loob kasunod nila. Naiwan ako sa labas at tiningnan ang paligid. "Wag na wag ngayon, Peligro..." bulong ko nang may makitang nakasilip samin. 'Paanong may nakapasok s**t' Pumasok na lamang ako nang sakto lang hindi nagmamadali. Pagpasok ko ay nakatayo padin dun sila Cleo kaya nakisiksik ako. Nandun ang lahat sa sala at nakatingin na ngayon sakin. "We are here... So what is the meeting for??" tanong ko at napatayo naman silang lahat. 'At nagbow!?' "Nandito kami para sa kasal nina Zyrille, Anak..." dere-deretsong saad ni Dad na kinagulat ko. Hinanap nang mata ko si Kuya Zyrille. Nakita ko ito na katabi si Ate Kyllie na itinaas ang kamay. May ring sa daliri nito. 'Awit sana ol!' Napatakbo ako sa kanila at niyakap ito sa saya."Congrats!! Kailan pa??" tanong ko at bumitaw na sa yakap. "Kanina lang din,Fire... Tinulungan ako ni Zyre at wala ka daw busy busy at busy..." saad ni Kuya Zyrille. "Sorry... May inasikaso lang eh... So saan at kailan ang kasal??" saad ko at biglang niyakap nila Cleo sila Kuya Zyrille. "Congrats bro!! Kasalan na pala!!" saad ni Shu. "Congrats sa inyo!!" saad naman nina Cleo. "Salamat sa inyo... Basta mga best man kayo..." saad ni Kuya Zyrille na kinatawa namin. "Ang tanda tanda mona, Kuya... Nahihiya kami ni Kuya Zyre" saad ko nang lumapit sakin si Kuya Zyre. Pinitik naman nya ang noo ko. "Anong matanda... Baby face ako..." saad nya na ngumuso pa sa harapan ko. "Ewwww kadiri... May mga kulot na yung mukha... Ate Kyllie oh" saad ko na itinulak ang mukha nya. "Tigilan mona yan si Fire... Sa sabado pala ang kasal namin..." saad ni Ate Kyllie at napatigil ako. "Sa batanes... Dun sa Isla ko dun... Dun kami ikakasal... Maganda kase dun eh..." saad pa ni Kuya Zyrille na mas kinatigil ko. 'Sabado s**t' *LUNOOKKKK* Napatingin naman ako dun sa mga nandun at kita ang saya nila. "Maupo muna kayo dito..." saad nang Chairman namin kaya sumunod naman kami. Katabi ko si Kuya Zyre ngayon. "Nandito kaming lahat dahil din sa kasal nila Zyrille... Sa batanes daw magaganap ang kasal... Agree naman kayo hindi ba??" saad ni Chairman Zuello. "Si Zyphire po ang tanungin nyo..." saad ni Cleo dito at napatingin silang lahat sakin. 'Mas okay yun...' "Ayos lang sakin... Basta matuloy ang kasal nila Kuya sa Batanes... Okay lang sakin..." saad ko at kita ang tuwa sa dalawang ikakasal. "Ngunit may problema tama ba?? Hindi basta bastang mapupulong ang lahat nang Chairman..." saad ko at kita ang gulat nila sa sinabi ko. 'Tsk magsisikreto pa eh' "May problema nga,Snow... Ang Chairman Riordan ay binigyan nang tula na galing sa unregistered number..." saad nang Chairman Grisson at nabaling ang tingin ko kay Chairman Riordan. "Unregistered?? Pwedeng pakibasa nang isinend sa inyo??" saad ko at tumango naman si Chairman Riordan. "Walls have ears, Doors have eyes, Trees have voices, Beasts tell lies, Beware the rain,  Beware the snow,  Beware to the woman,  You think you know...  Ayan ang text na ibinigay sakin... Nagaalinlangan kaming ituloy ang kasal dahil dyan..." saad ni Chairman Riordan. "Kaya nga sabi ko wag na muna ngayon ituloy..." saad naman ni Mom. 'beware to the woman... Mukhang kinakalaban na nila ang Fake na Shasha... Pero bakit??' "Itutuloy natin... Yun ang decision nang lahat nang Chairman... Kailangan namin nang tulong mo, Snow..." saad nang Chairman namin sakin. 'Hatiin nyo na ako now na' "Gagawin ko lahat nang makakaya ko, Chairman..." saad ko at tinanguan naman ako nang apat na Chairman. "Maaari mo bang ilayo muna ang mga kababaihan upang makapag usap kami nang maayos..." saad ni Chairman Riordan. Kita ko ang takot sa mata ni ate Kyllie habang nakatingin sakin. "Walang mangyayari sa kasal nyo, Ate Kyllie... Nakakasiguro ako sa sinabi ko... Walang g**o at normal ang kalalabasan..." saad ko at nginitian ito. "Salamat... Mom tara muna..." saad ni ate Kyllie. "Pwede mo bang samahan sila, Nay Katie at Tay Wayne?? Kung maaari sa kwarto ko..." saad ko at tinanguan naman nila ako. Sumama narin sila Mom, Sadie at Vinnie doon at ngayon ay lahat nang lalaki at ako na lamang ang magkakatapat. "Chairman Riordan... Maaari ko bang makuha ang unregistered number na nagtext sa inyo..." saad ko at tinanguan naman nya ako. Iniabot nya ang phone nya at sinend ko sa phone ko iyon. "Anong gagawin natin kung sakaling magkagulo, Zyphire??" saad ni Walt na nakaaagaw nang pansin ko. "Hindi magkakagulo... Kailangan lang nating mag-ingat sa bawat galaw natin... Kung maaari ay gabayan natin ang bawat galaw nang mga kasintahan at mga asaw natin..." saad ko. "Pano pag sa mismong kasal sila sumugod??"saad naman ni Kuya Zyre. "Tama si Zyre, Snow... Paano kapag mismong kasal sila dumating??" saad naman ni Chairman Grisson sakin. "Hindi tayo sigurado... Basta ang alam ko lang ay hindi sila susugod..." saad ko at nagcross arms. 'Alam nilang kasal nina Kuya Zyrille kaya sa batanes ang sugod nila... Si Chairman Riordan ang sinendan nang poem... Pero bakit sya??' "Pano mo nasabi??" saad naman ni Chairman Riordan. "Dahil yun ang sinabi sa poem... Binabalaan nila tayo... One wrong move and all of us will be gone... Ganun lang..." saad ko at kita ang gulat nila. "Then hindi sila susugod sa sabado??" saad naman nang Daddy ni Cleo. Tinawagan ko na lamang si Kian at agad naman nyang sinagot yun. Niloud speaker ko ang phone ko. "Napatawag ka, Snow??" saad nya sa kabilang linya. "May mga kasama ako... Ang apat na Chairman at ang mga pamilya nila... They wanna know kung kailan sila dadating..." saad ko. "Eh?? Good morning kung ganun sa inyo... Nagbago ang plano nila... Sa Batanes parin pero wala nang date ito... Hindi na nakalagay ang date... Ang narinig lang namin ay alam mo na daw ang plano..." saad ni Kian sa kabilang linya at napatango na lamang ako. 'So... Who the hell is spying to me??' "Alam ko na daw ang plano nila?? Hmmm... Any question??" saad ko kila Chairman naman. "Sino ba ang mga pumupuntirya samin??" saad naman nang Dad ni Shu. "Hindi nyo pa alam?? Matagal na nila kayong pinagmamasdan... Matagal na nila kayong pinagpaplanuhan... Ang pamilya nang tatlong Chairman at pati narin ang Chairman ang dapat na puntirya nila..." saad naman ni Kian. "Dapat?? Nagbago ang puntirya nila kung ganun??" tanong naman ni Dad. "Hindi sa ganun... Puntirya padin kayo ngunit ang pinahihirapan nila ngayon ay si Snow... They want snow to choose over her family or teritory..." explain ni Kian. "Thank you ulit... Sige na masyado kanang madaldal..." saad ko at inend naman na nya iyon. Napatingin ako sa kanila at kita ang pagkawaal nang kaba. "Then can you tell us kung sino ang gumagawa nang lahat nang toh??" saad ni Chairman Riordan. *Bzzz* Nang marinig ko ang tunog nang pen na iyon ay napatingin agad ako sa taas. "Fire!! May nakita akong daga!!" sigaw ni Sadie na bumungad samin sa hagdan ang pagulong gulong na katawan.  'Micmic' Tulog ang isang yun at mukhang ginamit ni Sadie ang pen. "Sino naman toh??" saad ni Chairman Snow. Iniangat ko ang mukha nito at binagsak muli. "Napapala mo... Siya si Micmic... Alagad nang mga Imperial..." saad ko at linapitan naman yun nang tatlo na sina Cleo. "Bumalik pa talaga sya... Isasama ba natin toh??" saad ni Cleo. 'Hindi ko yan kailangan...' "Hindi na... Hindi sya pwede dun... Imperial ang kailangan ko..." saad ko dito at binuhos ang hawak kong tubig kay Micmic. "s**t!! Ang lamig!!" saad ni Micmic na gumising na. "Nakatulog ka yata?? Nahanap mo naba si Ryle??" saad ko ay napatayo naman ito nang ayos. "Eto yung tuta ni Peligro ah... Kamusta pagpatay sakin??" saad ni Shu na katabi ko na. "F-fire..."saad nya sakin. "Bakit mo hinahanap si Ryle dito?? Si Ryle ay umalis nang hindi nagpapaalam..." saad naman ni Chairman Snow na maawtoridad. "Pasensya na po sa pangaabala... Pero kailangan ko nang umalis..." saad nito na aktong aalis na. "Pakamusta nalang kay Cinco kung nagsasaya ba sya sa tagu-taguan namin..." saad ko at tuluyan na itong umalis. "Yun ang sinasabi mo, Snow tama?? Bawat galaw ay alagaan..." saad ni Chairman Riordan. "Tama... Just play the game with them... Ang mga Imperial talaga... Nagpadala nang daga..." saad ko at napatingin sa pagbaba nina Sadie. "Nice sweety... Buti na pansin mo agad..." saad ni Cleo at linapitan si Sadie. Napatingin naman sakin si Sadie."Hindi ako yun... Si Zyphire yun... She called us ni Felli by using the projection band..." saad ni Sadie na pinakita pa ang band. "Tumawag kasi sya both band namin ni Die nang makadating kami sa room nya... Kaya ayun..." saad ni Vinnie naman. "Si Zyphire ang may gawa nyan??" biglang tanong ni Mom. 'Syempre' "Opo tita... Para daw po sa mga gentong emergency..." saad naman ni Sadie at naaptingin sila sakin. "Why don't we use this... Dun sa batanes..." saad naman ni Chairman Snow sakin. 's**t ano lahat sila??' "Oo nga... Kaya pa naman siguro gumawa ni Snow..." saad naman ni Chairman Zuello. *LUNOOKKK* "Lahat ba kayong wala??" saad ko. "Syempre... Lahat naman tayo ay pupunta sa batanes hindi ba??" saad nang Chairman Riordan. "Except samin... May business trip kami sa that day..." saad nang parents ni Cleo. "Kahit kami... Kailangan kasi kami sa Ibang Bansa..." saad naman nang parents ni Walt. 'Minus 4 s**t ganun parin... Chairman na apat, mom at dad, zyre, zyrille, kyllie, parents ni shu... Eleven!?' "Ibigsabihin ay twelve ang gagawin mo... Kaya ba??" saad nang Chairman Grisson at tinanguan ko naman ito. "Kayang kaya naman... And Dean... Hindi ako makakapasok nang wednesday... Aasikasuhin ko ang Transportation natin..." saad ko kay Dean. "Then it is granted... Salamat at patuloy parin kayong tumutulong kahit umalis kami..." saad nang Dean na tumapat kila Mom. "No... Care Bear... Este my Great grandfather tell me that you didn't leave... Nandun padin kayo at hinihintay nila... All you have to do is go back..." saad ko at tinanguan nila ako. "Salamat uli, Zyphire... Sa pag-aasikaso samin... Besti tsaka Bro... Salamat ah" saad nang Mom ni Shu kila Dad at Mom. "Wala yun... Sige na mauna na kayo... May pasok pa ang mga bata..." saad naman ni Mom at nagpaalam na sila sa isa't isa. Nagpaiwan naman yung tatlo kasama sila Mom, Dad, Chairman, at Kuya Zyrille. "Hindi paba kayo uuwi?? May pasok kayo bukas... At Zyphire..." saad ni Mom at humarap naman ako. 'Tsk' "If you need something nandun kami sa mansion... Kahit ano ibibigay namin... Pasensya na at ngayon lang uli tayo nagkita..." saad ni Mom na kinagulat ko. "P-pasensya?? I think you shouldn't tell me that word... Baka masuka ka tulad nang sabi mo..." saad ko. "Zyphire..." pagsaway sakin ni Dad. "No, Zyre... It's okay with me... Kasalanan ko din... Hindi ako titigil sa paghingi nang sorry sayo, my little princess... Mauna na kami..." saad nya at nilampasan ako. Si Dad naman ang katapat ko ngayon. "Don't play a game to risk yoyr life... I don't want to see my princess suffering..." saad ni Dad at nginitian ko na lamang ito. 'But I am suffering na' "But that is the rule, Dad... And I am meant to play the game..." saad ko at yinakap nya ako. Dumaan nadin si Dad at bumungad sakin ang Chairman. "I'm very very sorry... Hindi manlang kita tinuring na apo ko... Sana matagal na kitang pinahalagahan... Babawi ako..." saad ni Chairman pero inilingan ko ito. 'What is going on?? Bakut humabait ang chairman??' "I don't know what is the reason why you guys are being kind to me which is hindi nyo ginagawa... But please don't lower your pride because of that... And don't be sorry sa kasalanang ako ang may gawa... You are forgiven sa kahit na anong konsepto, Chairman... "saad ko at 'NGUMITI ITO SAKIN!?' "Your Grandfather will always be proud of you..." saad nya at iniwan akong tunganga. Napatingin naman ako kay Kuya Zyre at Zyrille na nakatingin sakin. "Am I dreaming?? Or you guys tell them something??" saad ko at nagkibit balikat lang ang dalawa. Napahinga na lamang ako nang malalim. Walang tulog putek tapos may pasok bukas. "Hindi pa kayo uuwi?? May pasok tayo..." saad ko sa tatlong eggnog. "Syempre uuwi narin... Gusto ka lang namin makausap..." saad ni Walt sakin. "About what??" tanong ko. "Tama ba ang narinig namin kanina?? Na binaho ang date nang pagsugod nang mga Imperial??" saad ni Cleo sakin at tinanguan ko ito. "Pagdating natin may nakita akong lalaki na nagmamatyag sa bahay natoh which is si Micmic... Nang makapasok naman tayo ay yun na nga... Hanggang sa umakyat sila Sadie ay may narinig akong paglalakad so I called Sadie and Vinnie to tell them..." saad ko sa kanila. "What if sa sabado parin??" saad naman ni Walt sakin. "Then ang kasal ay magaganap sa linggo... Ang kakalat na date nang kasal ay sabado which is ang alam natin ay linggo..." saad ko sa kanila. "Then magagawa mo ba agad ang mga bracelet??" tanong ni Shu sakin. 'Oo nga noh..' "Sa Wednesday nasa braso na nila ang mga yun..." saad ko at tinanguan naman nila ako. "Mauna na kayo... Matutulog pa ang dalawang kababaihan natoh..." saad ko sa kanila. "H-ha?? Eh dito lang kami... Tsaka may pag-uusapan kami nina megaphone eh..." saad bigla ni Shu at tinanguan ko na lamang ito. 'Suspicious ang mga to ah' Napatingin naman ako kay Kuya Zyrille na nandito din. "Tutulong kami... Tsaka nagsabi nadin kami sa Dean na pahinga lang..." saad ni Kuya Zyrille at tinanguan ko na lamang ito. Tumalon naman ako sa likod ni Kjya Zyrille na parang horsy horsy. "If matutulog kayo dito... Dun nalang kayo sa master's bedroom... May mga damit din dun na magagamit kayo... Una na kami..." saad ni Kuya Zyrille at kinawayan ko na lamang sila. Pag-akyat namin ay bumaba na ako nang makapasok sa kwarto ko. "So... Paano natin sisimulan gawin ang mga band na yun?? 2 days ang kinuha naming absents..." saad ni Kuya Zyre at kinuha ko ang laptop ko. "Ahmm... May laptop kayo, mga Kuya??" saad ko at tumango naman sila. "Kuhain nyo muna yung mga laptop nyo tapos maghahalf bath nadin ako..." saad ko at inexplain ang gagawin. "Sige sige... Babalik kami agad para matapos din eto..." saad ni Kuya Zyrille at isinarado na nila pinto ko. Kumuha agad ako nang mga damit na susuotin ko at syempre pantulog na. "Shit... Alas dos nadin nang madaling araw... Kukuha na lamang ako nang absent ngayon mahirap na..." saad ko nang mapansin ang oras. Napatakbo ako sa bathroom at naghalf bath na agad. Saglit lang ako nun at paglabas ko ay wala pa sila Kuya kaya ipinuyod ko ang buhok ko nang bun."Ano ba namang buhok toh... Ang bilis humaba lumampas agad sa balikat tsk..." Pagkabun ko nang buhok ko ay sinimulan ko nang isagawa ang plano ko na gagawin yung band. SHU Kinabahan talaga ako nang tanungin kami ni Zyphire kung bakit di pa kami umuwi. Nandito din kami sa may garden nang bahay ni Zyre."Bakit nga pala kayo nagstay??" saad ni Megaphone samin. "Eto kasing si Shu... Nagpapatulong samin eh kayo ang kaibigan ni Zyphire..." saad ni Walt at nanlisik naman ang mata nang dalawa sakin. "What about kay Fire??" saad ni Sadie. "Torpe kasi si Shu... Torpeng stickman..." saad ni Cleo at ramdam ko ang pag init nang psingi ko. Natawa naman silang apat dun. "So... Bakit nga kayo nagstay??" saad ni Vinnie. "Kese nga gusto ko sanang malaman kung... A-ano ang gusto at ayaw ni Fire sa lalaki... At mga g-gustong bagay..." nahihiya kong saad sa kanila at umaktong nag-iisip ang dalawa. 'Sana alam nilaaa' "Seryosong tanong ba yan?? Kese kung gusto mo si Zyphire... Tsaka lang namin sasabihin sayo..." sabi ni Sadie sakin na kinatawa nila. "E-eh gusto ko lang naman malaman eh..." saad ko pero umiling ang dalawa. "Sorry pero... Hindi pwede..." saad ni Vinnie. *SIGH* "O-oo na... G-gusto ko sya... Hindi ko alam kung kailan pero... Pero ang alam ko ay gusto... Gustong gusto ko sya..." saad ko sa kanila at napayuko na lang sa hiya. 'Hindi rin ako makapaniwala na magugustuhan ko sya at mas nagustuhan pa nang malaman na sya si Snow ko' "Yaaannn kasi torpe!!" saad ni Cleo. "Wrong timing ka, shu... Kung kailan world war 3 na..." saad ni Walt at napaangat ako nang tingin. "Sasabihin nyo ba sakin??" tanong ko sa kanila at biglang sumilaw ang ngiti sa dalawang aswang. 'Abnormal' "Syempre!! Botong boto kaya kami sayo..." saad ni Vinnie na ngiting ngiti. "So... Ano ang gusto at ayaw ni Fire??" tanong ko sa kanila. Nagpose nanaman ang dalawa nang nag-iisip. "Si Zyphire yung taong... Hindi mo madadala sa mga sweet quotes mo... Sweet moments... At kahit na anong sweet sa buhay... Dahil pag ganun cringe ang nangyayari sa kanya... Hindi kilig..." saad ni Sadie habang si Vinnie ay tumatango tango pa. 'Kakaiba talaga sya' "Eh?? Kahit bitawan mo nang pinaka nakakakkilig na sasabihin ay hindi talaga??" tanong ni Walt at inilingan sya ni Vinnie. "Yung gusto at ayaw nya ay... Hindi namin alam... Pasensya na, Shu... Si Zyre at Zyrille lamang ang makakasagot nyan... Basta ang alam namin... Hindi mo sya madadaan sa matatamis na salita..." saad ni Vinnie sakin na kinabagsak nang balikat ko. 'Pano ko tatanungin yung mga yun... Nakakahiya naman kuya pa naman ni Snow yun... Nahihiya ako' "Anong tungkol naman sa kapatid namin?? Sino naman ang nagtatanong??" nagulat kami sa boses na galing sa gilid namin. 'Zyre at Zyrille?!' N apatingin kaming lahat dun at naupo ito sa malapit samin. "Sino ang nagtatanong tungkol sa kapatid namin??" tanong ni Zyrille at bigla akong tinuro nang apat. 'Mga siraulo...' Ramdam ko ang kaba ko dahil dun. Napatingin ako kila Zyrille na nakatingin na sakin. "Bakit?? Bakit mo tinatanong ang gusto ni Bunso, Shu??" saad ni Zyrille sakin. *LUNOOOKK* 'sasabihin koba?? Eh narinig na nila' "May gusto kese sya kay Fire!!" saad ni Cleo na kinagulat ko. "Gusto nyang malaman kung ano yung gusto at ayaw ni Fire sa lalaki!!" saad naman ni Sadie. "At Balak nya sanang ligawan si Fire!!" saad naman ni vinnie na kinalaki nang mata ko sa gulat. *LUNOOOKK* *LUNOOOKKK* "Matagal ko nang alam yang gusto nayan... Pero ang ligawan??" saad ni Zyre sakin. "Balak mo kamong ligawan si Zyphire??" tanong ni Zyrille sakin at napatango na lamang ako. 'P-pero hindi ko kayang madaliin sya sa gentong panahon pa' "O-oo sana... Kaso nasa gitna tayo nang g-gulo..." saad ko at napatango naman ang dalawa. "Ayos lang naman sakin... I want her to be happy kahit panandalian lamang..." saad ni Zyrille sakin na nginitian ako. Ramdam ko ang pagtalon nang puso ko sa sinabi ni Zyrille. Napangiti ako sa saya na nadarama. "Tsaka... Masaya akong pasayahin mo manlang si Fire sa nangyayari ngayon..." saad naman ni Zyre sakin. "Salamat sa suporta... Yan talaga ang kailangan ko hindi... Pangaasar netong apat natoh..." saad ko na kinatawa nang dalawa. "SUPPORT!! SUPPORT!!" sigaw nang apat na mas kinatawa namin. 'Gagi talaga tong mga toh!' "Gusto daw nyang malaman ang gusto at ayaw ni Fire sa lalaki... Ano nga ba yun??" saad ni Walt. "Mahilig sa tulip si Fire... Mahilig din sya sa handwritten... Tulad nang tula, letter, calligraphy, basta handwritten... She loves music... Lagi nya nga kaming kinukulit na makijam sa kanya dati...." saad ni Zyre at tumango naman si Zyrille. "Yung mga araw na wala pa syang kaalam-alam sa anong meron... Gusto nya ang hinaharana sya... Ginawa ko yun nung sinuyo ko sya dati... Dahil hindi ko daw binili nang chuckie..." saad ni Zyrille na kinatawa namin. 'She is unique for me' "Hanggang ngayon... Bata padin sya... She likes street food...gummy foods... bubblegums... yakults... chuckies... shakes...ice cream... Frappuccino na may maraming whipped cream... May iba pa alam ko eh" saad ni Zyre at biglang itinaas ni Zyrille ang kamay nya na nakaagaw nabg pansin namin. "Mahilig sya sa perya!! Tuwang tuwa ang isang yun sa mga perya... At ang pinakagusto nya sa lalaki ay yung..." napaisip naman si Zyrille pati si Zyre at nagkatinginan ito. "May takot sa Diyos..." sabay na saad nilang dalawa. "Tama!! Naalala ko na yung sa Nazareno... Deboto sya nun... Inaya nya kami kaso may kailangan kaming gawin na project..." saad ni Vinnie na kinaagaw nang pansin namin. 'Debotk din pala sya..' "Tinapos nya lahat nang dapat nyang gawin nun para makapunta sa Nazareno... Sabi nga namin magulo dun baka mapano sya... Ang sabi nya magiging ayos lang daw sya... She love god that much..." saad ni Sadie na tatango tango pa. "Para pala syang si Shu... Deboto kasi si Shu nang Nazareno din tsaka ni Mama Mary..." saad ni Cleo at nginitian ko lamang ito. "Nakwento din yan nang ate mo... Nakikipagsabayan kapa nga daw eh..." saad nj Zyrille sakin na nginitian ko lamang. "Kase... Walang VIP sa ganun... Dahil pangkalahatan naman eh... Mayaman man o mahirap... Pantay pantay lang..." saad ko at nagsi tanguhan naman sila. "Eh anong ayaw ni Fire??" tanong ni Walt dito at napaisip naman ang dalawa. "Walang ayaw ang isang Zyphire... Pag gusto mo gusto mo... Hindi ka nya kokontrahin... Dahil lahat nga daw nang tao ay unique..." saad ni Zyre. "Naniniwala kasi si Fire na... Walang taong masama... Alam lang nilang tama ang ginagawa nila kahit sa mata nang iba ay mali ginagawa nila kese tama sa paningin nila..." saad naman ni Zyrille samin. 'She is so angelic... Tatatak ang bawat salita na sinasabi nya' "Then why do she keeps telling that she is a demon.. Demonyo" saad ni Cleo na nagtataka. "Ang sabi nya samin... She is a demon... And you will not be happy if you will know it..." saad ni Vinnie pero inilingan sya ni Zyre. "Hindi ko din alam... Hindi nya din kasi sinabi sakin... Sayo, Zyre??" saad ni Zyre at nabaling ang pansin namin kay Zyre. "May sinabi sya sakin... Na anghel man daw ang tingin nyo ay demonyo talaga sya... " saad ni Zyre na kinakilabot ko. Ramdam ko ang pagtaas nang mga balahibo ko. "Anong ibigsabihin nun??" tanong ko dahil sa kuryosidad. "She's a little bit of Angelic... With a Demonic side..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD