ZYPHIRE
Nakadating din kami sa bakanteng lote na may maliit na sirang bahay dun. Kita na nga ang loob eh walang ka gamit gamit. Iniwan namin ang kotse namin malayo dito.
"Ano bang gagawin natin sa bakanteng lote na toh?? Walang kagamit gamit teh..." saad ni Vinnie na pumasok sa loob nun.
"Oo nga... Ang baho baho pa dito..." saad ni Sadie na kinatawa ko.
"Hindi kasi tayo dito... Sa baba tayo noh..." saad ko at linapitan ang pader sa gilid.
Pinindot ko yung maliit na remote kasama nang susi ko at may bumukas na lagusan doon. Hagdan na pababa. "Bilisan nyo... Baba na..." saad ko at nauna na silang bumaba sakin.
Sinarado ko din agad ang lagusan ang sunod sunod na bumukas ang torch dahilan na makita namin ang daan. "Ang astig dito ah!! Para tayong mga agent kuno" saad ni Sadie na kinatawa namin.
Nageecho ang bawat salita namin dito. Dala ko rin ang bag ko. Natigil naman kami nang wala nang bababaan at puro pader na ang paligid. "Dito na tayo?? Ang dilim naman..." saad ni Cleo.
Lumapit na lamang ako dun sa may butas at itinapat ang mata ko. Niscan iyon nang pulang ilaw na yun. "Scanned... Verified... Enter the passageway now..." saad nung computer at bumukas ang batong pinto.
Daanan muli ang bumungad samin. Sumarado naman ang batong pinto. "So Welcome dito sa hideout ko... Medyo tahimik dito kasi tatlong tao lang talaga ang nandito..." saad ko habang naglalakad.
"Wooowwww grabe maka-netflix movie netong hideout natoh ah..." saad ni Sadie at napatigil ako nang tumambad sa pader ang daan nang isang room.
Wala kasing pinto eh. "Pwedeng pumasok dito??" saad ni Vinnie na mukhang itinuturo ang daan na yun.
Tumango naman ako at pinasok namin yun. "Kung makikita nyo... Pagtapos nang mga ginagawa namin... Dito kami nagrerelax... Kahit ano pwedeng gawin... Video games... Magingay... Kung ano ano basta marerwlax kamo ang utak mo..." saad ko at naabutan namin dun ang isang lalaki na naka topless at nakatalikod samin.
Sumusuntok ito sa punching bag na nakatalikod samin at mukhang kilala ko toh."Hindi kaba nagsasawang sumuntok?? " saad ko at napatigil naman ito sa ginagawa.
Napatingin ito sa kin na nagulat."s**t!! Namiss na kitaa!!" saad nito nang bigla nya akong yakapin.
'Buyset na topless tagatak ang pawis sakin netong lalaking toh'
"Bitaw bitaw!! Ano ba namang pawis yan?? Oh sya... Namiss din kita... Nasan yung dalawa??" saad ko at bumitaw naman toh sa yakap at nagpunas nang pawis.
"Ang Tamad nandun sa may area nang kainan... Nagutom daw sya eh... Tapos yung isa ay may ginagawa padin... Napapadalas ka yata??" saad nya at nginisian ko lang ito.
"Agik... Hindi rin... Sya nga pala may kasama ako..." saad ko at tiningnan naman nya sila Cleo. Mukhang namumukhaan nya sina Cleo at Walt.
"Sya si Die... Si Fellixious... Isa silang Kane... " saad ko at nginitian lamang nya ito.
"Eto naman si Cleo... Zuello ang isang yan... Pati si Walt na Grisson..." saad ko at kinamayan naman nila ang isa't isa.
"Sya si Shu... Shu Riordan..."saad ko at kinamayan din ito nito.
"Etong nakatopless sa harapan nyo ay si Kaze... Kapatid ni Shasha..." saad ko at nginitian naman nila eto habang si Shu ay masamang tinitigan si Kaze.
"So... Nililibot mo pala sila dito... Samahan ko na kayo..." saad nya at itinuro ko muna ang tyan neto este basta yung six pack nya.
"Magsuot ka kaya nang damit... Naiilang na ang kasama kong babae... Masyadong pakitang gilas ka..." saad ko na kinatawa nya.
Kinuha nya naman ang damit nya at isinuot yun. "Ayan na... Mas ayos ako sa ganun eh.." saad nya.
Lumabas nadin kami dun at pumunta sa kabilang room. Pumasok naman kami dun. "Eto ang monitor station... Kung saan nakikita ang mga papasok at lalabas... Ang mga ginagawa din nila..." saad ko sa kanila.
"Ang astig pala talaga dito ano... Ang galing..." saad ni Sadie.
May hagdan dun kaya dumaan kami dun at dumeretso kami sa Saloon. May lalaki dun na nakatalikod din samin. "Diti namana ng Saloon kung nasaan ang mga pagkain namin..." saad ko at napatingin din sila sa tinitingnan ko.
"Tamad!! Nandito na si Snow!!" sigaw ni Kaze na umalingawngaw sa buong Saloon.
Napatingin naman samin iyon at tumakbo sa pwesto namin. "Awiiee... Nanditi ka ulit... Napapadalas ka na dito... Namiss kita.." saad nya na medyo nahihiya pa.
"Tsk... Kahit kayo... Ah may mga kasama ako... Mga kaibigan ko sila..." saad ko at napatingin ito kila Shu.
"Hello!! Ako nga pala si Kent... Kent Ferrer... Pinsan ko si Kaze... Kamusta kayo??" maligayang saad ni Kent.
"Hello din, Kent... Ayos lang naman.. Ako nga pala si Die... At sya si Cleo... Boyfriend ko..." saad ni Sadie at nakipagkamay dito.
Nakipagkamay din si Kent kay Cleo. "Ako naman si Fellixious... Sya naman si Walt, boyfriend ko..." saad ni Vinnie na nakipagkamay din kay Kent.
Nakipagkamay din naman si Walt. Napatigil naman si Kent at napatingin kay Shu. Nawalaa ang ngiti sa mukha nito. "Boyfriend mo ba toh, Snow?? Mas gwapo pa ako dito eh..." saad ni Kent na kinatawa nila habang ako ay nagulat.
"Baliw ka, Kent... Hindi noh... Kaibigan ko nga sya.. Sya si Shu... Shu Riordan..." saad ko at Tumango tango naman ito.
"Hi!! Pasensya na ah... Kala ko kasi kasintahan ka ni Snow... Kent nga pala.." saad ni Kent at iniabot ang kamay nito kay Shu.
Inabot naman ni Shu iyon at nginitian. "So... Pupuntahan nyo ba si Sipag??" saad nya sa mga kaibigan ko.
"Ah... Nandito kamo kasi may ibibigay daw si Zyphire na mga gamit..." saad ni Sadie at lumapit naman sakin si Kent.
"Okay... Tara na, Snow.. Nandun sa mga computer si Sipag... Natutuwa sa mga ginagawa nya..." saad ni Kent na kinatawa namin.
Pumasok muli kami sa loob nang isang kwarto na puno nang mga device or lab kung tawagin ko. "Wag muna kayo dito... Busy pako... Mamaya nalang kayo dito... Hihintayin kopa si Snow eh.." saad nito na nakatutok sa Computer.
Mukhang hindi nya alam na nandito ako. "Nandito na ako... Anyare sa panghahack??" saad ko.
Napatigil naman ito sa pagtatype at tumingin samin. "S-snow??" tanonh nito na hindi makapaniwala.
Nginitian ko ito at napatakbo naman ito sakin. Mahigpit ang yakap na ibinigay nya sakin. "Snow... Snow... Snow... Namiss kita nang sobra!!" saad nya at bumitaw na sa yakap na iyon.
'Alam ko'
"Tsk... Sinabi din nila yan... Oo nga pala... Kasama ko ang mga kaibigan ko... At alam kong kilala mo na sila..." pangunguna ko at napatingin sya sa likod ko.
Linapitan nya ang mga ito. "Hello... Nakita ko na rin kayo... Ako nga pala si Kian... Pinsan ko ang dalawang nakilala nyo... Mag enjoy kayo sa pananatili..." saad nya sa mga ito at nginitian naman sya nila Shu.
"Hello din..." bati nila.
Iniwan ko sila dun at nilapitan ang isang Computer at umupo sa chair dun.
'Kailangan nang confirmation at kung ano ano pa para mabuksan yun.'
May mga pinindot akong keys na kailangan dun. Madami dami akong tinap dahil din siguro sa kailangan makonekta ang mga ito. "Access Approved... " umalingawngaw ang tunog na yun galing sa computer.
'Connecting'
Napangiti ako sa nabasa ko. Tiningnan ko yung machine dun at mukhang masisimulan na. Inilapit ko ang upuan kk at hinagip ang lab glasses. Tiningnan ko mabuti ang pagkakagawa nun. May mga ilaw na nanggagaling sa loob nang tinitingnan ko. Hanggang sa tumigil ang machines.
"Congratulations... You've reach the climax..." saad nang computer at bumukas ang box na yun. Masilaw nang simula hanggang sa tumagal ay bumungad sakin ang anim na maliliit na bilog na nakalagay sa lalagyanang bukas.
Isinarado ko iyon at inilagay sa scanner."Woooww... Pano mo nagawa yun, Zyphire?? Grabe..." saad ni Sadie na katabi ko na pala.
Tinanggal ko na ang lab glasses ko at confirmed ang scanner. "Natapos na, Kian... Nakalimutan mong ilagay ang kung ano ang dapat..." saad ko at lumapit sya sa computer na ginamit ko.
"Ano naman yan, Zyphire??" saad ni Vinnie.
Umupo kami sa mahabang mesa dun. "Dito tayo pwedeng mag usap kung sakaling pasukin natin ang kuta nila... Or yun ang last game... Secret earpiece... " saad ko at inilagay yun sa bag ko.
"Yung ibibigay mo... Ano pala yun??" saad ni Walt kaya lang biglang lumapit sakin si Kian at parang may ibubulong.
"Nasa Batanes sila... Papasukin daw nila yun..." bulong sakin ni Kian at tumayo muli nang ayos.
'Pati ba naman batanes jusme'
*SIGH*
'Kailangan ba sabay sabay talaga??'
Tunayo ako at pinatay ang ilaw dun. "Hologram please..." saad ko at lumapit dun sa linabasan nang hologram.
'Kailangan kong bumalik sa batanes sheyt'
"Bakit sa batanes pa??" saad ko at napatingin sa hologram.
"Batanes ang aatakihin nila ngayon... Anong gagawin natin??" saad ni Kian na nakaupo din sa table.
Napatingin ako sa kanila dahil dun. Time na talaga para hatiin ang katawan ko. Umupo ako sa upuan ko sa gitna at inilabas ang mga bagay na ibibigay sa kanila. May maliliit na box at may malalaki.
"Ang dami naman nyan... Para saan yan??" tanong ni Cleo na nakatingin sa mga gamit.
Kinuha ko yung pen ko at yung manipis na square. "Die... Lagi mong dalhin ang mga ito kahit saan... Kahit feeling mo safe ka dalhin mo parin..." saad ko at iniabot sa kanya iyon.
"Ang pen na yan ay hindi basta bastang pen lang... Nakakapatay ang isang yan... Etong manipis na square natoh ay yung Case solved..." saad ko at binuksan yung maliit na square na lumaki at naging black envelope.
"Gento ang isang toh... Gamitin mo pagmay nangyari..." saad ko at iniabot sa kanya.
"Masusunod... Pero bakit mo ako binibigyan neto..." saad nya.
"Dahil kailangan... Baka wala ako sa araw na sumugod sila... Fellixious..." saad ko at iniabot ang malaking box na nandun.
Binuksan nya ito at inilabas ang laman. Gandang ganda sya sa heels na iyon. "Hindi yan basta bastang heels... Sa ilalim nyan pwede kang mag dial at may track din kung sakali... Use it kung kailangan..." saad ko at kita ang saya nito.
"Sige... Susuotin kotoh araw araw... Ang ganda..." saad ni Vinnie sakin at nginitian ko lamang ito.
Kinuha ko ang lalagyanan nang salamin at iniabot kay Walt. "Huwag na yang salamin mo ang gamitin mo... Use this pair of glasses..." saad ko at kinuha nya naman yun.
Inilabas nya ang glasses at isinuot. Namilog bigla ang lips nito na parang hangang hanga. "May mga nalabas dito... Ang galing..." saad nito.
"Sa gitna nang glasses may secret button dyan... It will make that glasses normal or digital... Magagamit mo yan kung sakali isa sa kanila ay lumayo sa distansya nila... Magrered alert yan..." saad ko dito.
"Salamat... Magagamit ko ito..." saad nya at nginitian ko lamang ito.
Kinuha ko yung may code at sa loob ay usb na bendable at yung band. "Eto ang sayo,Cleo... Ang isang toh ay isang usb na may code kung sakaling may gustong makialam hindi mayayari..." saad ko at iniabot sa kanya yun kese malapit lang naman sya sakin.
Kinuha nya yun at tinanguan ako. "Anong nasa loob netoh??" saad nya sakin.
"Buksan mo yan pagwala na tayong laban... If they will win the game then ilabas mo yan... May mga documents dyan... If may susunod na mangyari put it there... Evidence yun... Akin na ang kamay mo..." saad ko at iniabot naman nya.
Inilagay ko ang projection band sa kamay nito."Isa yang Projection Band... Hindi basta basta iyan... You can do whatever you want tulad sa phone... Waterproof yan... Bulletproof... Fireproof at kung ano ano pa... Walang makakasira dyan para matanggal..." saad ko at dinemonstrate naman nina Kaze yun dahil meron din sila nun.
"Ako lang ang pwedeng magtanggal sayo nyan... At isa yang spotlight..." saad ko sa kanya.
"Spotlight?? Pano??" saad nya at itinuro ko naman.
"Ituro mo ang hintuturo mo dun..." saad ko at itinuro naman iyon.
*BIZZ*
Umilaw ang dulo nang hintuturo nya na parang flashlight. "Hindi nyan madadamage ang kahit na anong muscular veins mo... Kahit ang katawan mo ay hindi..." pageexplain ko at nginitian ko ito.
Kinuha ko naman yung makapal na bracelet at pepper spray. Iniabot ko muna ang pepper spray kay Shu. "Hindi basta bastang pepper spray ang isang yun... Hindi mo dapat isespray yan sa kung sino lang... Sa mga kumakalaban lamang sayo... Ang isang toh naman ay gento..." saad ko at kinuha ang bracelet na makapal.
Binukas ko ang makapal na bracelet na iyon. Ibinukas ko muli. At binukas ko muli hanggang sa maging isang hacker's computer yun."Lahat nang ipepepper spray mo ay lalabas ang identity dito... Alam kong marunong kang manghack nang kahit na ano kaya eto ang ibibigay ko sayo... Lahat nang gagawin mo ay dederetso sa usb ni Cleo... At makakarating sakin..." saad ko at kinuha ang kamay nito at isinuot yun.
"Ang astig... Thank you ah..." saad ni Shu.
"Tulad nang kay Cleo hindi yan pwedeng tanggalin sayo nang kahit na sino... Hindi rin matatanggal nang kahit na ano... At ako lang din ang makakatanggal nyan..." saad ko at nginitian nya naman ako.
"Para na talaga tayong mga nasa Netflix netoh... Yung mga superheroes haha... Ang ganda..." saad ni Sadie nang isuot ko sa kanila ang mga sari-sarili nilang projection band pero hindi tulad nang kay Cleo.
"Sinabi mo pa, Die... Gusto ko nang suotin ang heels ko teh..." saad ni Vinnie na hawak hawak ang heels na iyon.
"Ang galing naman... Kasama kayo sa paggawa netoh??" tanong ni Cleo kila Kaze.
"Hindi... Si Snow lang ang gumawa nyan... Magaling talaga sya sa mga ganyan..." saad ni Kian at nagulat naman sina Cleo.
"Woow... Astig naman... Edi nagawa din kayo netoh??" saad ni Walt naman.
"Sa totoo lang ay... Ako ang tagabantay nang hideout naming ito... Ang tagahack naman at ang nagawa nang tulad nang kay Snow pero hindi ganun ka galing ay si Kian... At si Kent naman ay ang matalino samin which is magaling pumlano..."saad ni Kaze at napawow na lamang sila.
"Zyphire... Bakit mo pala kami binigyan netoh?? Hindi toh basta basta tama??" tanonh ni Shu na nakaagaw nang pansin namin.
'Sabi na nga ba eh mapapansin nya eh'
"May kumakailangan kasi sakin... Which is sa batanes... Kailangan nila ako dun... At hindi ko pwedeng hatiin ang katawan ko..." saad ko at kita ang pagtataka nina Shu.
"Para saan naman??" saad ni Vinnie.
"Dahil yun ang sunod na pupuntiryahin nina Peligro... Pababagsakin nila ang teritoryo ni Snow..." saad ni Kian na may pinakita na holographic na nagpapakitang batanes ang sunod.
"May camera namin ang buong kampo nang mga Imperial at ang sunod nilang plano ay Batanes... This Saturday ang pagsugod nila..." saad naman ni Kent sa kanila.
"Kaya pupunta si Zyphire para protektahan ang batanes?? Bakit ang batanes ang pupuntiryahin nila??" saad ni Cleo.
"Dahil ang Batanes ay mahalaga sakin... Lahat nang nandun ay sobrang mahalaga sakin... Gusto nila akong papiliin ngayon na kung batanes o kayo... Hindi ko pwedeng hatiin ang katawan ko..." saad ko at tumango tango naman sila.
"Kailan ang alis mo kung ganun??" tanong ni Sadie.
"Wednesday daw ang libeng ni Tito Zeus... Baka ang alis ko ay Thursday..." saad ko at napatingin kay Shu na gulat na gulat.
"Ha!? Eh birthday ko sa Friday... Ano yun wala ka?" saad ni Shu na kinagulat namin.
"Kalma ka, bro... Kalma lang... Ibigsabihin wala ka sa kaarawan ni Shu??" saad ni Cleo sakin.
"Siguro... Magsasubmit narin ako kay Dean about dun... Tapos magpapaalam nalang..." saad ko at kita ang lungkot kay Shu.
"Hindi ba magagawan nang paraan yan, Zyphire?? Kahit para sa birthday na ni Shu??" saad ni Sadie sakin pero umiling ako.
"Hindi rin... Friday yun at paghahanda na namin sa pasabog na ibibigay nang Peligro ang gagawin ko... Pasensya na, Shu..." saad ko at nginitian ako ni Shu.
Sobrang pait nang ngiti na yun. "O-okay lang..." saad nito na ngumiti parin.
"Sorry talaga... Pero... Pwede namang icelebrate nang advance diba?? Ano gusto moba??" saad ko at nginitian ito.
"S-sure ka?? Iaadvanve natin?? Bakit hindi... Sige sige... Sa Wednesday nadin nang hapon..." saad ni Shu pero inilingan ko ito.
"Sa thursday na lamang... Basta ako nang bahala sa lahat..." saad ko at kita ang excitement sa mukha ni Shu na kinatawa namin.
"Narinig nyo yun... Imbitado kayong tatlo ah..." excited na saad ni Shu kila Kaze na kinatawa nila kahit kami.
'Excited masyado ang Stickman'
"Oo na, Bro... Mukhang may kasiyahan bago ka umalis, Snow... Masaya ito..." saad ni Kaze na kinatawa namin.
"Awit!! Kami nga nagbibirthday ni walang regalo ang babaeng yan tapos ikaw sya magpapabirthday??" saad ni Sadie na kinatawa namin dahil tinaas pa nito ang dalawa nyang kamay.
"Hindi kapani-paniwalang pangyayari... Nananaginip siguro tayo, Die... Oh jusme gisingin mona kami" saad ni Vinnie na kinatawa muli namin.
'Lintek ang dalawang toh'
"Weh?? Seryoso??" saad naman ni Cleo at napatingin naman sa kanya ang dalawa.
"Binge binge?? Narinig naman siguro diba??" saad ni Vinnie kay Cleo ngunjt binatukan ni Sadie si Vinnie.
"Kung binge si Cleo... Ano si Walt?? Bulag bulag??" saad naman ni Sadie na kinatawa namin.
"Tunigil nga kayo.... Payabangan nanaman kayo nang mga jowa nyo eh..." saad ko at napatingin naman yung apat sakin na may pang aasar.
'Sheyt wrong move yata'
"Edi ipagyabang mo si Shu..." saad nilang apat sakin.
*TUG*DUG*
*TUG*DUG*
Ayan nanaman ang pagbilis nya s**t. Ramdam ko ang pag init nang pisnge ko dahil dun. Lalo na ang paggalaw nang mga butterfly sa tyan ko. "Oh bat ka namumula, Snow?? Kinikilig ka noh..." saad ni Shu.
"H-hindi noh!! Anong n-namumula!! N-naiinitan lang ako!! Gento ako pagnaiinitan tch" saad ko at napatingin sa kanilang lahat na nakatingin sakin na aprang may ibigsabihin.
'Huhu bakit ganyan tingin nyo??'
"Tigilan nyo ko sa tingin na yan... Ayoko nyan..." saad ko sa kanila at sabay sabay naman silang natawa.
'Weird anpwet'
"Nakuuu kinilig ang Zyphire natin... Mukhang TINAMAAN na nga..." saad ni Walt na pinagdidiinan ang TINAMAAN.
"Baka NAHULOG na, Felli..." saad naman ni Sadie na kinatawa namin.
'Buyset tong mga toh'
*TOOT*
Napatingin kami sa isa't isa nang marinig ang tunog nang dalawang phone na iyon. Sabay ang pagkakatunog nun. Chineck ko ang phone ko at may nagtext.
"Saken..." napatingin ako dahil sa sabay na pagbanggit namin ni Shu. "Awit!!" sigaw ni Sadie na kinatawa nila.Chineck ko na lamang ang text na iyun.
Nang biglang may tumawag sa phone ko. "Hello?? Sino toh??" pagsagot ko sa tawag ko.
"Kuya Zyre motoh!! Inabot kana nang madaling araw por pabor, Fire... Umuwi kana at isabay mo sila Shu dito..." sigaw galing sa kabilang linya na kinalayo ko dun.
"Ang ingay mo naman... Bakit ba?? Anong meron??" saad ko sa kanya.
"Hoy si Kuya Zyrille mo toh!! Bilisan nyo ngayon na!! Kahit para sakin lang!! Bilis bilis!!" sigaw din ni Kuya Zyrille.
"Binge nako pagdating ko dyan mga lintek kayo, Kuya!! Oo na sige na dadating kami!!" sigaw ko pabalik at rinig ko ang tawa nilang dalawa.
"Love youuuu lil sis mwuuaahhh!!" sigaw nilang dalawa sa kabilang linya at in-end na ang call.
'Mga lintek yun ah'
"Pinapapunta ako ni Ate Kyllie kila Kuya Zyre daw... Kahit para sa kanya dawp??" saad ni shu na umupo muli.
Napatingin ako dito agad. "Eh yun din ang tinawag ni Kuya Zyre eh... Lahat daw tayo kasama sila Cleo... Uwi daw sabi... Ayts... Tara na nga lang..." saad ko at binuhat ang bag ko.
Nagsitayuan nadin sila. "Fixed marriage siguro... Kayong dalawa diba??" saad ni Sadie na kinatingin ko sa kanya.
"Ulok!! Hindi toh business... Basta si Kuya Zyrille at Ate Kyllie ang tumawag..." saad ko at humarap kila Kaze na malungkot ang mukha.
'Putek nayan oo nga pala maiiwan sila dito uli'
Yumakap bigla ang tatlo sakin. Sakto lang yung pagkakayakap nila sakin."Balik ka..." saad nila at bumitaw na muli.
"Babalik ako syempre... At kasama ko na si Shasha kung sakali..." saad ko at kita ang pag ngiti nila muli.
"Love you, Snow... Balik ka ah..." saad ni Kaze na yumakap muli nang saglit lamang.
"Oo na po, Kaze..." saad ko at humarap kay Kent.
"Babalik ang Snow namin... Love you..." saad nya at lumapit din sakin at binesohan ako.
'Sanay naman nako sa kanya'
"Magkikita pa naman tayo... So... Love you, Snow..." saad ni Kian sakinat ginulo ang buhok ko.
"Love you, three... Sige na... Una na kami..." saad ko at kinindatan sila.
'Alam naman na nila yun..'
Humarap naman na ako kila Sadie. "Bye bye, Kaze... Kent... At Kian!! Sa susunod uli..." sabay na saad nila Sadie at Fellixious.
"Mga Bro... Salamat uli ah..." saad naman ni Cleo at nag fistbump sila.
"Salamat uli... Si Shasha na talaga ang kasama namin... Ingat" saad naman ni Walt at ganun din ang ginawa.
Tumapat naman ang tatlo kay Shu na ngingiti ngiti. "Punta kayo sa birthday ko!! Aasahan ko yun ah... Una na kami..." saad naman ni Shu na kinamayan ang mga ito.
"Makakadating kami... Sure ball yan, Shu... Una na kayo... Salamat sa bisita..." saad ni Kian dito at nauna na nga kami.