Chapter 38

3336 Words
ZYRILLE THUNDER Hindi kami mapakali kahit nakaupo kaming lahat. Ramdamko ang kaba nang lahat sa maaaring mangyari. Naglalanding nadin kami ngayon at wala paring balita kay Zyphire.Biglang may humawak sa kamay ko at napatingin ako dun. Kyllie... "Alam kong nag-aalala ka... Kahit ako... Pero tiwala natin ang kailangan nya..." saad ni Kyllie sakin na kinagising ko. Nakalimutan kong tiwala namin ang kailangan ni Fire sa gentong sitwasyon... Tiwala lang na hindi namin naibibigay ngayon. Narelax ako dun at pinagkatiwalaan ang plano ni Fire. Alam kong ngayon lang ako uli magtitiwala dahil nagsasqbi nga sya nang plano pero MISTERYO naman. "Welcome sa Batanes, Ma'am and Ser... Please relax for a meantime..." saad ni Adrian na nasa harapan na namin ngayon. "Any news about Zyphire??" tanong bigla ni Zyre na kinagulat ni Adrian. "Zyre... Tiwala ang kailangan ni Fire ngayon... Tiwala lang..." biglaan kong saad dito at napatingin ito sakin. Tiwala lang, Zyre.. Bumuntong hininga ito na animo'y dala lahat nang problema nya. Tumango ito at tinry na irelax ang sarili. Bumukas na ang pinto sa gilid kaya napatayo nadin kami. "Be careful po... May sasalubong naman pong mga flight attendant dyan..." saad ni Adrian na nanguna samin sa pagbaba. Bumaba kami at walang ni isa samin ang umiimik. Pagbaba namin ay may sumalubong ngang mga flight attendant at piloto. "Goodmorning po..." bungad nang isang flight attendant sa apat na Chairman. "Good morning din... Maaari naba kaming magpatuloy??" saad ni Chairman. Tumingin ito samin na animo'y may hinahanap na kung sino. "Pasensya na po... Ngunit hindi po kayo maaaring makaalis dito... Private airline po kasi ito ni Ms. Snow... At kailangan namin syang makita upang makapagpatuloy kayo..." saad nung babae at nagkatinginan naman kaming lahat. At sya lang din ang nakakapunta dito pati si Zyre... Ni hindi pa ako nakakapunta dito... "Ganyan ba kayo mag welcome nang bisita??" napatingin kami sa boses na yun. Kyle... Sinalubong nila Tita Laura at Tito si Kyle nang yakap. Matagal na ding hindi sila nagkita. "Kapatid ko!! Nasaan ang yakap ni Ate!!" saad ni Kyllie dito at linapitan ito. Natawa naman ako sa inasta nito. Magiging asawa ko na't lahat isip bata padin. "Tigilan mo nga ako ate... Kadiri ka... Mag aasawa ka na't lahat ganyan kapa din..." saad ni Kyle dito. "Bro!!" salubong naman ni Kyle kay Shu. Nakipagapir lang ito kay Shu at bumaling naman sakin. "Kasalan na pala... Congrats, brother!!" saad ni Kyle sakin na nakipagapir den. "Lagi ka naman kasing wala... Musta??" saad ko dito at napakibit balikat lang ito. "Masaya... Masaya dito sa batanes tumira... Matagal nadin akong nandito..." saad ni Kyle na bumaling nang tingin kila Chairman. "Chairman... Magandang umaga sa inyo" bati nito at nagbow pa. Napatingin sya sa kasama namin na sila Cleo. "Zyre!! Kamusta!?" magiliw na bati nya kay Zyre. "Kyle!! Nakita moba si Fire??" bungad agad ni Zyre na kinatawa ni Kyle. "If inaalala nyo si Snow... She is definitely alright... Wait lang... Snow!! Bilisan mo naman!!" sigaw ni Kyle at napatingin kami dun. Lumabas nga dun si Fire na naiirita pa sa boses ni Kyle. "Kanina ka pa ah!! Naiirita na ako sa boses mo!! Pwede naman sabihin nang matiwasay potek..." sigaw pabalik ni Fire. SI FIRE!! BUHAY!! SABI NA NGA BA TIWALA LANG EH!! Napatakbo ako dito at nayakap ito. "s**t!!Totoo ka!!" napasigaw ako nang mayakap ko talaga ito. Sumilaw ang ngiti ko dahil totoo nga. Pagkabitaw ko ay bigla naman ako binatukan nito. "Syempre totoo ako... Ayts ewan ko ba at iniiwasan ko ang Kyle na yan tapos... Sya pa ang sumalubong potek..." saad ni Fire na kinatawa ko. "Hindi sya patay, Zyre!!" panggigising ko kay Zyre na ngayon ay tulala. Nabatukan nanaman ako dahil dun. "Kanina ka pa ah!! Bakit ako mamamatay eh kasal nang PINAKAPANGIT KONG KUYA" saad nito na pinagdidiinan yung Pinakapangit kong Kuya. "Hoy!! Kung pangit ang kuya mo ano ka pa kaya??" saad ko dito at natawa naman ito. Bigla namang yumakap si Zyre kay Zyphire na animo'y galing ibang bansa. "Ano bang nangyayari?? Bakit gento kayo??" saad ni Fire nang bumitaw si Zyre. Wala talagang kaalam alam tsk. "Eh ugok ka pala eh... Pagkatapos mo kaming iwang apat dun... Malay ba namin kung anong nangyayari..." saad ni Zyre at napahawak naman sa batok nya si Fire na natatawa pa. "K-kese ano... Basta basta... Wag nyo nalang alalahanin yun..." saad ni Fire na medyo weird. Napatingin ako dito at napansin ko ang hindi nya paggalaw sa kanang braso nya. Lumayo agad samin ito at lumapit kila Vinnie. Bakit kahit sa pagyakap ay hindi nya iginagalaw yun?? Lumapit ako dun at yumakap naman ay sila Dad. Medyo awkward wala namang nangyari. "Fire... Anong nangyari dyan??" hindi ko na napigilang magtanong. "Ah k-kase ano..." nauutal nyang saad at hinawakan agad ni Zyre yun at itinaas yung nakaharang na tela. Nakabandage yun na may dugo pa "A-aray... Ang sakit naman eh..." saad ni Fire. "Saan naman toh galing??" tanong ni Zyre dito. "Yan ang dahilan kung bakit kasama ko sya... Abay nabaril na at lahat ay hinayaan pang dumugo nang dumugo... Kung wala pa ako nun ay natuluyan na ang braso nya tsk..." saad ni Kyle at nasapo na lamang ni Zyre ang noo nya. "At si Cinco ang may gawa??" singit ko at nagaalinlangang tumango ito sakin. Tsk tsk tsk... Kung hindi pa napansin "May sinabi sya kay Wikii na hindi ko maintindihan... Kaya natsempuhan nya yun at binaril ako..." saad ni Fire na ngayon ay nagtataka na. Tungkol dun sa babae?? Pero bakit ganun sya magtaka? "Kung tungkol dun sa babae... Bakit interesado ka..." saad ko dito at napatingin sya sakin. "Ano bang sabi??" saad ni Zyre. "Pinagtanggol kaba nang nanay mo sa anak anakan nya??" nauutal man ay sinabi ni Fire yun. May alam din si Cinco?? *LUNNOOKKK* "It is kinda weird... Pero... Mukhang kilala ni Cinco ang pagkatao ko..." saad ni Fire na nabaling ang tingin kila Mom. "That question made me think... Think and think if who am I..."dagdag pa nito at umiwas nang tingin samin. At hindi pa tamang panahon para dun, Fire... ZYPHIRE Way back sa nangyari kanina. Hindi ko parin maisip na siguro may alam si Cinco tungkol sakin. Kung sino ba talaga ako. Pero ano ang ibig nyang sabihin dun?? Pinagtanggol kaba nang nanay mo sa anak anakan nya?? "Ayts... Ayan ka nanaman... Kanina mo pa yan iniisip eh... Naghihintay dun si Mang Lito..." saad ni Kyle at naiinis akong binalingan sya nang tingin. Kanina patong madaldalan natoh lintek... "Oo na oo na... Tara na baka mainip si Mang Lito at iwan tayo dito..." saad ko at naglakad na lamang nang biglang tumabi sakin sa paglalakad si Vinnie at Sadie. "Ikaw ah... Hindi ko alam na may kapatid sila Shu at Kyllie... Ang gwapo teh..." saad ni Sadie sakin. Gwapo ba yun?? Tukmol ang isang yun... "Ang gwapo ihhh... Kdrama star ang isang yun... Kailan mo yun nakilala teh??" tanong ni Vinnie sakin na interesadong interesado. "10 years ago exactly sa birthday ko..." sagot ko dito at puro bumabati samin ang nakakadaanan ko. "10 YEARS!?" sigaw nilang dalawa na kinapikit ko. Ang sakit sa tenga nun ah putek. "Sigaw nyo pa... Yung mas malakas..." saad ko at nakalabas nadin kami nang airport na yun. Sumalubong naman si Mang Lito sakin na tuwang tuwa. Nginitian ko naman ito. "Snow, Hija... Kamusta?? Namiss ka nang batanes..." saad ni Mang Lito sakin. "Kakabisita ko palang namiss agad... Bilis naman, Mang Lito... Sya nga pala... May mga kasama ako..." saad ko at napatingin ito kila Dad. "Puto bagong mukha ang aking nakikita, Hija... Mukhang bisita..." saad ni Mang Lito. "Ah... Si Chairman Schaefer po, anak ni Care Bear... Si Zyre po ang Dad ko... Si Zanra po ang asawa ni Dad... At sila Chairman Zuello, Grisson, at Riordan din... Tapos eto po si Kuya Zyrille na panganay samin... Si Kyllie ang fiancé ni Kuya Zyrille... Si Laura na mom ni Ate kyllie... Si Peter na Dad ni Ate Kyllie... Si Shu na kapatid ni Kyle... Tapos yun sila Cleo... Walt... Tapos eto naman po si Sadie at Vinnie... "saad ko at tumango naman si Mang Lito. "Good morning sa inyong lahat kung ganun... Welcome sa pinakamamahal na lungsod nila Snow at Care Bear..." saad ni Mang Lito at binuksan yung dalawang Van na yun. "Maraming salamat po..." saad ni Kuya Zyrille at nagsipasukan na sila. "Kamusta ang pagasinta ko??" napatingin ako sa nagtanong na yun. Shu... Nginitian ko ito at binigyan nang thumbs up. "Ayos!! Natamaan mo ang mismong b***l ni Rico... Salamat ah..." saad ko dito at nginitian din ako nito. "Yung sugat mo nga pala... Masakit pa ba??" saad nya na kinailing ko. "Ayos na... Kumikirot konti pero okie doki na toh..."saad ko sa kanya at napabuntong hininga ito. "Birthday mo na nga pala bukas... Isusurprise kita!!" masaya kong saad dito at natawa naman ito. Isusurprise ko sya... Bakit sya natawa?? "Kala ko ba surprise?? Bakit sinabi mo..." saad nya sakin na natawa padin. "Syempre para makapag ayos ka diba?? Sumakay ka na nga lang..." saad ko sa kanya at natawa padin itong sumakay. "Uy... Ako na bahalang magmaneho... Mukhang wala ka pa sa kondisyon..." saad ni Kyle na ngayon ay kami nalang pala natira. "Wala sa kondisyon?? Baliw... Kaya ko toh noh... Magmomotor nalang ako..." saad ko dito at kinuha ang susi nito na hawak ni Kyle. Agad naman akong sumakay sa motor nya. "Ay naku... Wala na akong magagawa... Nasa likuran mo kami..." saad nya na no choice na nga. Sumakay nadin ito at binusinahan pa ako. Isinuot ko ang helmet at binusinahan sila na aandar na ako. Umandar ako nang eksakto lang pero habang nasimoy ang frsh air sakin ay nabilis ang pagpapaandar ko. Namiss kita batanes!! Saglit lang din ay tumapat na din kami sa bahay ni Care Bear  tsaka akin. Magkatapat kasi ang bahay namin at daan ang gumigitna dun. Ang hotel naman ay malapit lang din at katapat nun ay ang beach na. Resort kung tawagin yun. Itinigil ko yun sa tapat nang bahay ni Care Bear. Bumaba nadin ako sa motor at napatingin sa bahay ni Care Bear. "Wala paring kupas ang mga alaala natin dito..." wala sa sarili kong saad. Napangiti na lamang ako nang magsibabaan sila na hangang hanga sa ganda nang bahay na yun. "Eto na ba ang bahay ni Care Bear, Fire??" tanong ni Chairman at tinanguhan ko ito. "Ang bahay na ito ay may limang kwarto... Dito kayo mananatili..." saad ko at tumingin sa kanila. "Eh?? Limang kwarto lang yun..." saad ni Dad na kinailing ko. "Kaming sampu naman na kabataan ay dun sa bahay na yun..." saad ko at itinuro ang katapat na bahay ni Care Bear. Namiss ko talaga dito huhunes "D-dun tayo?? Ang ganda dun..." saad ni Sadie na kinatawa namin. Napatingin ako kay Kyle na natawa din. "Ikaw na bahala magtour sa kanila sa bahay ni Care Bear... Nandun naman si Euli na kasambahay ni Care Bear..." saad ko sa kanya. "Oo na... Oo nga pala... Hindi nila alam na darating ka... Matutuwa ang mga yun..." saad ni Kyle na kinangiti ko. Namiss ko ang mga yun huhunes "Buti di mo sinabi... Sige na... Dad, Si Kyle na bahala sa inyo... Tara na..." saad ko at tumawid kami papunta sa bahay ko. Malaki ang harap nun dahil sa gitna nun ay may bilog na bush. "Sayo toh, Fire??" tanong ni Vinnie at tinanguan ko ito. "Galing kay Care Bear toh..." saad ko sa kanila. "Dito tayo kung ganun??" saad naman ni Kuya Zyrille at tinanguan ko ito. "Awit!! Ang ganda dito... Province na province pati ang house..." saad ni Ate Kyllie. Tumambad naman sa harapan ko ang pinto nang bahay. Bumuntong hininga muna ako dahil naeexcite ako. "Katok na, Fire..." saad ni Kuya Zyre. Kumatok na ako nang tuluyan. Ngumiti ako nang biglang bumukas ang pinto na yun. Tumambad samin ang isang maliit na batang babae na mukhang nasa edad na anim. Kita ang gulat sa mata nito. Lumuhod ako para pumantay sa kanya. "M-mom?? WAAHHHH!! MGA KUYA!! SI MAMA!!" sigaw nito at ngiting ngiti itong nakatingin sakin. Namiss ko ang sigaw na yun haha Dumating naman ang isang batang lalaki na nasa edad na otso at isang lalaki na nasa edad sampu. Gulat din sila. "Oh... Iba naba ang pagwewelcome dito sa batanes??" tanong ko dito na medyo natatawa pa. *HUK* Sobrang higpit nang yakap na binigay sakin nang tatlong toh. "Namiss ko kayo... Musta??" saad ko sa kanila at bumitaw ang tatlo sa yakap na yun. "Ayos na ayos, Ma... Namiss ka namin nang sobra sobra..." saad ni JC na kinatawa ko. "Ehem ehem!!" napatingin ako sa umubong yun na si Kuya Zyre. "Hala... Bawal ang may sakit dito, Ma..." saad naman ni Naomi na kinatawa ko. HAHAHAHAH Putek hindi ko mapigilan Tumayo ako at humarap kila Kuya. "At bakit naman ako magdadali nang may sakit sa bahay natoh..." saad ko sa tatlong bata natoh. "Tama si Mom... Mga loko toh... Eh sino po ba sila, Ma??" saad ni Toli sakin na nakatingin kila Cleo. "Sino ba ang mga ito, Fire??" saad naman ni Kuya Zyrille sakin na kinatawa ko. Hindi ko namalayang nagkakalituhan na sila. "Eto si Naomi, ang bunso ko... Si JC naman ang pangalawa ko at si Toli... Ang panganay kong anak..." saad ko sa kanila. "ANAK MO!?" sigaw nilang lahat except kay Kuya Zyre na natawa nang natawa tulad netong tatlo kong anak. "OMG!! Bakit hindi ko alam na nagkaanak ka sa murang edad??" saad ni Ate Kyllie na kinatawa mas lalo nila Kuya Zyre. "Miss... Don't be such an OA... Our parents is killed by someone... Wala nadin kaming kamag-anak... But dumating si Mama... Mama ang tawag namin sa kanya... Tinuring na naming magulang sya dahil tinuturing nya kaming anak... And unfortunately anak na nga talaga nya kami... "pageexplain ni Toli sa mga ito at kita ang pagtango nila. "Then who are they, Mommy??" saad ni JC sakin. Itinuro ko nung una si Kuya Zyrille. "That is my brother... Call him Tito Thunder... At the girl with him is her fiancé na si Tita Kyllie nyo..." saad ko sa kanila. "Siya naman si Walt... Si Cleo... At Si Shu..." baling ko sa tatlo. "At sila naman sila Vinnie at Sadie..." saad ko at kinawayan naman ito ni Naomi. "Welcome po sa batanes..." saad ni Naomi sa mga ito. Ang kyuuuutttt. "Mommy... Dito ba sila tutulog satin?? We have five room in exact... Edi matutulog kami sa kwarto nyo??" suwestyon ni Toli sakin at nginitia  ko ito. "Oo naman... Pwedeng pwede kayo tumabi sakin while nandito ang mga Tito at tita nyo... Tara pasok tayo..." aya ko kila Cleo at pumasok na kami. Pagkapasok namin ay sumalubong samin si Aki na isang keeshond na guard dog ko. Lumuhod ako at bigla akong sinunggaban nito."Aki aki koo... Kamusta naman ang bahay ha??" saad ko at yinakap ito. "Naku mama... Sobrang kulit na ni Aki ngayon... Pati ang mga pusa ay kinukulit na nya..." saad ni Toli na sya ring hinimas ang mabalahibong aso. Natawa naman ako sa sinabi ni Toli. Bigla namang nilampasan kami ni Aki at lumapit kay Shu. Nakangiting hinihimas ni Shu ang balahibo ni Aki. "Call her Aki... Isa syang Keeshond... Guard dog ko dito... Matalas ang pangamoy nito sa mga traydor... " saad ko at napatingin sya sakin. Gusto kong matawa sa ginagawa nya. Gustong gusto sya ni Aki haha. Tumayo na nang ayos si Shu at bigla namang nabaling ang tingin ni Aki kay Sadie. Linapitan yun ni Aki at hindi nagatubiling tahulan ito. Tahol... Maaaring nagkakamali si Aki... "Ahh!! Fire yung aso mo!? I hate dogs!? " sigaw ni Sadie na kinagulat ko mas lalo. Gustong gusto ni Sadie ang mga aso. "Aki..." tawag ko dito at napatingin agad sakin ang aso. Lumapit ito sakin pero nakatuon padin ang paningin kay Sadie. "Fire... Magpapahinga daw muna si Kyllie... Saang kwarto ba pwede??" saad sakin ni Kuya Zyrille na kinaagaw nang pansin ko. "Naomi... Maaari mo bang samahan ang Tita Kyllie at Tito Zyrille mo sa iyong kwarto??" saad ko at masayang tumango si Naomi. "Sige po, Mama... Tita Kyllie, tara po..." aya ni Naomi at humawak sa kamay ni Kyllie. Natutuwa namang tumango si ate Kyllie. "Magsasama pala kami nang kwarto kung ganun??" saad ni Kuya Zyrille na kinatawa ko. Loko loko. "At tandaan mo ring kasal muna bago biyaya,Kuya Zyrille... At alam mo din sigurong wala pang basbas ito tulad satin..." saad ko sa kanya at tumango naman ito na kinatawa naming lahat. Umakyat na nga sila at sumumod naman din kami. "May tatlong palapag ang bahay na ito... Sa ikalawang palapag ay para sa mga aso at pusa ko... Sa ikatlo ay ang mga kwarto na ating tutulugan..." saad ko sa kanila nang mapatigil kami sa ikalawang palapag. "Mama... Puntahan po natin sila dun..." saad bigla ni JC sakin at nginitian ko ito. "Gesi kami dyan... Ilan ba anh dogs at cats mo dito??" saad ni Vinnie sakin na katabi si Walt. Marami rami ang alam ko eh. "Kinse po ang mga asot pusa namin dito sa bahay..." sagot ni JC dito at bumungad na nga saamin ang mga pusa at asong naglalaro. "W-woowww... Ang cucute nilang lahat..." saad ni Cleo na nilapitan agad si Lite ang australian shepherd. "Si Lite yan, Tito Cleo... Gusto nya ang malaanghel na amoy..." saad ni Toli dito. Nginitian naman ni Cleo si Toli na ngayon ay hawak hawak ang isang teddy bear Maltese. "Ang cute nang kitten natoh... Anong name nya, Fire??" napatingin ako sa nagsalita na yun. Gulat ang umukit sakin dahil sa tanong ni Sadie na yun. "S-sya si Tiger... Isang Somali kitten ang isang yan..." saad ko sa kanya at nakukyutan nyang binuhat ang pusang iyun. Napatingin ako kay Vinnie at kita ang pagtataka nito sa tingin nya sakin. "And this one?? What is her name??" napatingin ako kay Kuya Zyre na hawak hawak si Sky. "She is Sky... Isa syang Pomsky..." wala sa sarili kong saad sa kanya. Napatingin ako kay Sadie na hawak hawak padin ang pusang iyun. Allergic sya sa pusa pero... Bakit parang wala lang... She really love dogs lalo na ang mga keeshond dahil hindi daw nakakatakot but kanina natakot sya... Then allergic and hate nya ang cats pero... Gusto nya ngayon... Suspicious. "Musta kayo dito?? Kailangan mo ba nangtulong snow??" napatingin kaming lahat sa boses na yun. Si Kyle lang pala. "Tito dad... Tumahol si Aki... You said if tumahol si Aki ay sabihin sayo..." saad ni JC dito at nagtatakang tumingin sakin si Kyle. Kung tumingin sya ay parang hinahalungkat kung ano ano ang mga nangyari kaya napapikit na lamang ako. "Jc... Pwede mo bang dalhin na ang mga bisita natin sa nararapat nilang kwarto?? Toli will stay with us..." saad ni Kyle na kinamulat ko at nakatingin padin ito sakin. "Kuya Zyre... Pwede mo ba akong samahan??" saad ko at napatingin dito. Tumango ito agad at hinila na nga ni JC sila Cleo paakyat. Nang makampante na kaming apat na nasa taas na sila Cleo ay biglang nagbitaw nang malalim na buntong hininga sila Kuya Zyre at Kyle. Sabay na sabay yun na kinaagaw nang pansin ko. Lumapit sakin si Toli at nakangiti ito sakin na yumakap. "Malakas ang pangamoy ni Aki at alam nating apat yun..." paninimula ni Kuya Zyre. "Aki came from my great grandmother... Aki is a guide... At nasisigurado kong hindi sya nagkakamali..." saad ko sa kanila at napatingin sila sakin. "Then bakit nya tinahulan ang isa sa mga kaibigan mo, Snow??" saad ni Kyle sakin na lumapit pa. "Hindi maaari... Katulad mo sya, Kyle..." saad ko sa kanya na ngayon ay nagtataka na talaga. Napatingin kami kay Kuya Zyre na linapitan ni Toli. "Tito Ninong... Maaari po kayang magbalat kayo ang isang tao..." tanong ni Toli dito na kinatinginan naming tatlo. Napabuntong hininga si Kuya Zyre at napatingin sakin. Wala pang nakapagsasabing meron nang nagbabalat kayo. "Maaari kayang... Hindi si Sadie ang kasama natin ngayon... Kundi ibang tao, Snow..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD