ZYPHIRE
Napatingin ako kay Kuya Zyre sa sinabi nito. Maraming tanong ang lumitaw sa utak ko dahil dun. Kung hindi si Sadie ang kasama namin, edi sino??
"Wala pang nagmamay ari nang kapangyarihan nang pagbabalat anyo sa atin, Snow... Lalo na sa amin..." saad ni Kyle na nag-aalala na.
Kung hindi pagbabalat anyo, hindi naman pwedeng kinidnap si Sadie at niretoke ang mukha nang isang babae para hindi mahalata.
"Magiingat tayo kung ganun... Kilatisin na muna natin sya sa ngayon... Ayaw naman nating maghinala sya..." saad ni Kuya Zyre at nagtanguhan kaming tatlo.
Bilib din ako kay Toli. Sya ang pinakaclose ko sa mga anak ko. Para syang tunay na anak ko dahil perehas kami nang gusto at ayaw. Lagi nya din akong tinutulungan sa kahit na ano. At pinapagalitan ako kapag may masamang nangyari sakin. Proud na proud ako dito dahil lagi nyang ginagabayan sa lahat nang bagay ang mga kapatid nya.
"Tito Ninong... May mga gusto nga po palang bumili nang bahay ni Care Bear..." saad ni Toli dito at nagtataka namang tiningnan ni Zyre si Toli.
"Ay naku, Toli... Hayaan mo syang magsawang kumbinsihin ka..." saad ni Kuya Zyre na tumawa pa habang si Toli ay napahawak sa batok nya.
"Kaya lang, Tito Ninong... Gusto daw nyang makausap ang may ari nang bahay ni Care Bear..." saad ni Toli na kinatigil ni Kuya Zyre.
Pursigido masyado ang gustong bumili non.
"Tama si Toli... Araw araw na pumaparito para kumbinsihin si Toli... Halos pagtabuyan na nina JC at Naomi pero... Wala... Gustong gusto ang bahay ni Care bear..." saad ni Kyle na ngayon ay katabi ko na.
Hinding hindi namin pinagbibili ang bahay ni Care Bear dahil yun ang inihabilin nya samin ni Kyle. Wag na wag ibibigay o ipagbibili ang bahay na yun. Mahalaga masyado ang mga memories at lalo na ang bawat sulok nun para sa kanya at samin din.
"Edi ako ang kakausap sa kanya kung ganun..." saad ni Kuya Zyre dito at tiningnan si Toli na nginitian sya.
"Tsaka nga pala,Toli... May mga pasalubong ako para sa inyo..." pag-iiba ko nang usapan at ngiti ngiti itong tumingin sakin.
"Sige po, Mama... Tatawagin ko lang sina Naomi para sabay sabay naming buksan ang mga yun... Tito daddy ikaw na po muna bahala kay Mama ah... Tara po, Tito Ninong..." saad ni Toli at hinila na si Zyre na sinaluduhan lang ako.
Napatingin naman sakin si Kyle na ngingiti ngiti animoy parang tanga."Ayan ka nanaman... Namiss mo nanaman ako tsk..." saad ko sa kanya at bigla naman akong inakbayan nito.
Naglakad na lamang kami papunta sa baba. "Kamusta naman ang pagbalik mo sa Muntinlupa, Snow??" saad nya sakin nang maupo kami sa sofa. May kinuha naman ito na parang Hygiene Kit.
Nandun nadin ang mga regalo ko kila Naomi at pati narin ang mga dadalhin ko sa iba pa. "Hindi ko nagustuhan ang pangwewelcome ni Cinco sakin... g**o ang ipinakita tsk..." saad ko sa kanya na medyo na iirita pa ngunit tawa lang ang naging tugon nito sakin.
"Oo nga pala... Babalik pa kaya yun dito?? Iniligtas mo pa kasi sa tama nang b***l ang Wikii na yun kaya ikaw ang nadali..." saad nya sakin na medyo naging seryoso na. Lumapit ito sakin at tinanggal ang pagkakataklob nung tama nang b***l at may kung ano syang ginawa dun.
Medyo kumirot yun pero ayos lang naman.
"P-pero... Naniniwala ka sa sinabi ni Cinco??" tanong ko dito at napatigil ito sa ginagawa nya. Napatingin ito sakin at bumuntong hininga.
"Ikaw... Naniniwala ka ba sa kanya?? Na anak nang mom mo si Wikii at anak anakan ka lang nya... Naniniwala kaba dun??" saad nya sakin at tinakpan na nya muli ang tama nang bala na yun.
Naniniwala ako pero... May parte sakin na hindi makapaniwala... Saan ako galing kung ganun??
Humarap si Kyle sakin na para bang naghihintay nang sagot ko kaya napayuko ako."A-alam mong... Buong buhay kong hinahanap ang sarili ko, Kyle..." napaangat ako nang tingin muli sa kanya nang bumuntong hininga ito.
"Nasaksihan ko ang mga iyun... Dahil kasama mo ko kada hahanapin mo ang sarili mo... Ngunit hindi pa tayo sigurado kung nararapat ba natin syang paniwalaan o hindi..." saad nya sakin at kita ko nanaman ang awa nya sakin dun sa mga titig nya.
"I need to find the missing piece of myself, Kyle... At gagawin ko ang lahat para malaman yun... I hate being someone that is not me..." saad ko sa kanya at kita ang pagtango nito sakin.
"Then... You must wait for the right time..." saad nya sakin na kinabuntong hininga ko.
When will be the right time??
Nang dumating sina Shasha, Walt, at Kyle ay dun ako nagkaisip. Puro hamon ang natunghayan ko at dahil dun lagi na akong napapatanong sa sarili ko. Bakit nila ako kinakalaban?? May hindi ba ako alam tungkol sa sarili ko?? O may nangyari bago ako mabuo??
"Mama!! Nandito na kami?!" nagising ako sa kakaisip sa sigaw ni Naomi na biglang tumabi sakin.
Nginitian ko na lamang ito at kita ang pag-aalala nilang tatlo. "Mama... Ayos ka lang po ba?? Magpahinga na lamang muna kayo..." saad ni Naomi sakin at inilingan ko ito.
Kinuha ko yung malaking dollhouse at iniabot sa kanya yun kasama ang iba ko pang binili para kay Naomi. "Sabi mo kasi sakin bago ako umalis... Gusto mo magkadoll house... Kaya tutuparin ni Mama ang wish nang baby nya... Lalo na at mahusay pa ang baby namin nila Kuya..." saad ko sa kanya at kita ang pagkamangha nya sa dollhouse na yun.
"Waahhhh!! Thank you po, Mommy... Ang ganda ganda... May malalaro na po ulit kaming bago nang mga kalaro ko sa tree house..." saad nya at biglang niyakap ako. Sa pagkakataong iyun ay nasagi nya ang tama ko kaya napailing ako sa sakit.
Aray!! Ang sakit.
Napatingin ito sakin na parang inosente."Naomi... Huwag masyadong mahigpit may sugat ang mommy mo dyan sa balikat..." paalala ni Kyle dito at napatingin sa kanya si Naomi.
Inosente talaga ang baby namin haha.
"Kuya Toli!! Mommy may sugat... Kailangan gamot mo... Ayaw ko mawala mommy.."saad ni Naomi sa Kuya Toli nya at napatingin ako kay Toli.
Nakatingin sya sa may tama kong balikat na nag-aalala."Where did Mama get that g*n shot, Tito Ninong?? And Mama... Be careful next time..." saad aakin ni Toli na tumabi sakin at yumakap pa.
"Your mom is always getting hurt... Si scold her ha??" saad ni Kuya Zyre kaya tiningnan ko ito nang masama.
Isip bata talaga ang panget.
Kinuha ko na lamang yung lego at iba pang binili ko kay JC at iniabot sa kanya yun. Tinulungan naman ako ni Kyle na iabot kay JC ang mga yun."Nahalata ko lasing mahilig sa mga puzzle ang JC ko kaya... Binili ka ni Mama nang Lego and more... Sana magustuhan mo..." saad ko sa oanya at binigyan ito nang magandang ngiti.
Humanga din ito sa dami nun na kasing dami nang kay Naomi. Natutuwa itong tumingin sakin."Salamat, Mama!! Ang dami po pero... Aalagaan po namin ang mga ito..." saad ni JC sakin na aligagang binuksan ang box na yun.
Nakakatuwa silang panoorin na tuwang tuwa sa mga yun. "Dun na lamang kayo maglaro sa tree house nyo nang mga iyan, JC at Naomi... Mas magandang dun nalang..." suwestyon ni Kuya Zyre sa mga ito at binuhat nang dalawa ang mga laruan nila at tumakbo papalabas.
Ang kukulit talaga haha.
Napatingin ako kay Toli na katabi ko at nakangiting nakatingin sakin. Kinuha ko ang isang box nang Iphone 11 pro max tsaka yung games na inilalagay dun sa t.v ba yun na may kasamang mga libro na gusto nito. May mga damit din dun at kung ano ano pa.
Iniabot ko sa kanya ang isang box at gulat naman itong napatingin sakin. "Mom... This is too many..." saad nya na makita ang isang box.
"Hindi yan marami, Toli... Kalahati lang ang laman nyan..."saad ni Kyle na kinatawa namin at napanguso na lamang si Toli.
"Open it... Sana magustuhan mo yan..." saad ko sa kanya at lumuhod sya para hawakan ang box na yun.
Binuksan nya ang top nun at itinaas nya ang ibat ibang video game na gustong gusto nya. Napatingin sya sakin at kita ang tuwa sa mata nito. Inilapag nya yun sa couch at bumaling uli sa box. Ang dami nyang inilabas at hangang hanga sya dun hanggang sa huli nyang inilabas ang box na kasize nang phone.
"What is this little box,Mom??"saad nya sakin na nagtataka.
"There are frogs, ipis, rats, and little snakes in there..." saad bigla ni Kyle na naman na kinatawa ko.
"What the- I don't like your joke, Tito Daddy..." saad ni Toli na mas kinatawa ko. Hindi na silang dalawa nagbago nang ugali.
Inosenteng tinanggal ni Toli ang gift wrapper nung box at napatingin sakin na gulat na gulat. "Mom... Is this a prank or you guys are fooling me?? Advance april fools day??" saad nya sakin at natatawa ko itong inilingan.
"That is only for you, Toli.. Nasa exact age kana to use a phone... And I want you to use this for your personal etcetera..." saad ko sa kanya at hindi sya makapaniwalang nakatingin sakin.
Binuksan nya iyun at inilabas ang phone kasama ang earpods na binili ko sa kanya."Pinagipunan namin nang Mom mo ang isang yan... Take good care of it..." saad ni Kyle dito at niyakap ni Toli si Kyle.
Napangiti si Kyle dun sa yakap na yun na kahit ako ay mapapangiti. Masayang masaya akong makita na friendly na si Toli. "Tito Daddy... Mommy... The best gift ever... Your numbers are already here naman na diba??" saad nya at lumapit sakin.
Tumabi ito sakin at hinalungkat ang phone nya. Nilagyan ko na yun nang mga apps na nararapat lang naman. "Basta... Wag kang masyadong tumutok dyan... Nandyan sina JC at Naomi... They need you the most..." saad ko sa kanya at nakangiti itong tumango.
"JC, Naomi, Tito Daddy and Mom are way more important than things that we can buy and do it by ourself..." saad nya sakin at nilisan ang mga gamit nayun at ibinalik sa box.
"Put it at my room... Sabihin mo din kila Naomi at JC... Mas safe yan sa room ko... Go entertain yourself first, Toli..." saad ko sa kanya at tumango naman ito.
Binuhat nya ang box na iyun at umalis na. "Salamat, Mom!! Second best gift it is!!" pahabot na sigaw pa nito na kinatawa ko.
Nabaling ang tingin ko sa katahimikan nila Kuya Zyre at Kyle. Nakatingin lang ito sakin na parang may kung ano. "What is it??" tanong ko sa kanila.
"About dun sa kay Wikii... Are you worried na totoo yun??"nag aalalang tanong ni Kuya Zyre sakin.
Alam naman nya ang totoong kwento dahil nadin kay Kyle."Yes... Because that will be the reason why our Mom is kinda not okay with me..." pandederetso ko sa kanila at kita ang gulat nila dun sa pandederetso ko.
Nagaalala akong hindi nya ako anak... Pero kung hindi nga... Parang pipigain ang puso ko kung totoo yun...
"Pero... Nandun ako nang ipanganak ka, Fire... Kita ko ang mga pangyayari..." saad sakin ni Kuya Zyre na mukhang naguguluhan padin.
"But... If totoo man yun, hinding hindi kayo hahayaang umapak nang nagtataasang ancient natin at nang heneral... Pero nandun kayo at isa sa pinakamakapangyarihan pa.." saad sakin ni Kyle na kinatango ko.
May parte sakin na gustong maniwala sa sinabi ni Kyle. May punto sya dun, kung anak ako sa labas ni Dad bakit pa kami nandun at pinakamakapangyarihan pa?? Ngunit kung hindi naman totoo yun, sino ang tinutukoy ni Cinco na anak anakan. Ako lang naman ang kumalaban kanina kay Wikii.
Napabuntong hininga na lamang ako sa maaaring nangyari noon bago pa ako nabuo. "Huwag kang mag alala, Snow... Mahahanap mo din ang nawawalang piraso nang sarili mo... May nalaman ka naman na kay Care Bear..." saad sakin ni Kuya Zyre at inilingan ko ito.
Hindi ko kailanman pinaniwalaan si Care Bear pagnagkekwento sya tungkol sakin. Dahil kilala ko si Care Bear, pulos misteryo ang ibinibigay nun sakin na nagpapagulo lamang mas lalo. Ngunit masaya akong makasama sya.
"Kailanman ay hindi nagsasabi si Care Bear tungkol sakin... Puro misteryo si Care Bear na syang natutunan ko sa kanya... Kaya masasabi kong hindi ko talaga alam at kilala kung sino at kanino ako nabggaling..." saad ko sa kanila at tumango naman sila..
"Sya nga pala, Kyle... Babalik kana ba sa mga Riordan ngayon?? Pamilya mo padin sila kahit pinili mong manatili kay Care Bear dito..." pag-iiba nang usapan ni Kuya Zyre.
Napatingin ito sakin at dun sa tama nang b***l. Nagtaka ako sa tingin nyang yun nakakaiba. Bumaling muli sya kay Kuya Zyre."Babalik na ako kasabay nyo kung ganun... Mukhang may g**o nanamang nangyayari at kailangan kong tumulong..." saad ni Kyle na mukhang desidido na sa pasya nya.
Natuwa naman akong babalik na sya dahil simula nung palayuin samin si Walt at ang kani-kanilang pamilya ay nagdesisyon si Kyle na sumama kay Care Bear kesa sa pamilya nya."Nakakatuwang tanggap mo na sila, Kyle... Masaya ako para sayo.." saad ko sa kanya at ngumiti din naman ito sakin.
"Kung ganun... Isasama na natin sila Toli sa Muntinlupa... Pinangarap nilang sumama satin at mukhang maisasakatuparan na..." saad ni Kuya Zyre sakin na kinatuwa ko.
Totoong pangarap nilang sumama sakin sa Muntinlupa at doon manirahan kaso hindi tamang panahon noon. Delekado din ngayon pero desidido na si kyle at ayokong angalan yun."Ngunit ikaw ang kikilalanin ina nila dun... Maaaring isyu iyun..." saad sakin ni Kyle na kinatawa ko.
"Isyu?? Na ang bata kong mabuntis at tatlo pa?? The hell I care with there opinions... Ikakamatay ba nila ang pagaanak ko nang tatlo?? There's nothing bad to have two sons and a daughter..." saad ko sa kanya at kita ang paghanga sa dalawa.
"Dala nila ang huling pangalan ko... At dadalhin nila yun hanggang sa kamatayan... Anak ko sila at kailanman ay hindi ko sila ikakahiya... Magkaanak ka ba naman nang mga gwapo at maganda..."saad ko at natawa naman sila sa iniasta ko. Kahit ako ay natawa dun na parang kumare ako nabg kung sino at payabangan ang libangan namin.
"Sa kasal pala ni Kuya Zyrille... Kailan tayo pipili nang wedding gown??" saad bigla ni Kuya Zyre sakin na kinaisip ko.
"At sa isusuot pa ni Zyrille..." dugtong ni Kyle na kinaisip ko.
May oras pa kami ngayon dahil magtatanghali palang naman. Birthday nadin naman kasi ni Shu bukas at nakahanda na ang lahay dun. "Ngayon na lamang din... Sandali lang naman yun kaya ngayon nalang din.." saad ko sa kanila.
"Edi isasama natin sila sa pamimili??" tanong ni Kyle at inilingan ko ito.
"Surpresa ang susuotin nang Groom at Bride... Tsaka kasing size lang naman ni Kyle si Kuya Zyrille eh..." saad ko sa kanila at tumango naman ang dalawa.
"At sinong magfifit sa wedding gown??" tanong ni Kuya Zyre sakin na kinaisip ko.
Hindi pwedeng si Sadie dahil hindi nya ka size si ate Kyllie. Kung si Vinnie naman ay mas matangakad konti si Ate Kyllie. Ako naman kasing tangkad ko nga naman si Ate Kyllie at medyo kasibg size ko."Ako nalang siguro ang magfifit... Magpapatulong na lamang ako sa pagpili kila Cleo at Sadie... Nasaan nga pala sila??" tanong ko at tumingin agad kay Kuya Zyre dahil sya ang sumundo kay Naomi at JC kasama si Toli.
"Ayun... Magkakasama ang lima sa iisabg kwarto... Nagkameeting nanaman ang mga loko... Tinatanong nang kung ano ano si Naomi at JC...." saad ni Kuya Zyre na kinataka ko.
"I mean... Tungkol sa pagiging close nyo ni Kyle... At yung dalawa naman hindi binigyan nang mayinong sagot yung lima na kinatawa ko pagdating namin..."saad ni Kuya Zyre na medyo natatawa pa.
Loko talaga ang limang yun puro pulos na biro ang alam."Abay malay ba namin..." napatingin ako sa sumingit na yun at si Vinnie yun na kasunod sila Shu.
Silang lima ang tumabi samin na kinagulat ko. "Ano namang malay nyo, Vinnie??" tanong ni Kyle dito na medyo sarkastiko.
"May pa tito daddy pa... Pwede namang daddy nalang eh..."saad ni Walt na kinahampas ko agad sa kanya.
"Hawak nang tatlo kong anak ang last name ko na Schaefer... So hindi nila pwedebg tawagin si Kyle bilang daddy... Labag yun..."saad ko kay Walt na tumango nang tumango.
"Snow is right... Tsaka kami nadin ang nagpalaki kaya lang... Labag yun kung aming gagawin ni Snow..." saad pa ni Kyle at bigla nalang napatili sila Sadie at Vinnie. Napatakip ako nang tenga ko sa nakakabinging tili na yun.
"Ngunit pag hindi labag ay inyong gagawin, ganun ba??" saad ni Sadie dito na kinailing namin pareho ni Kyle.
"Hindi nila ginagamit ang huli kong pangalan kaya hindi maaaring tawagin nila akong Dad... Ngunit nasanay nadin naman akong tawagin na Tito Daddy nila.." saad ni Kyle na natatawa pa.
"And the hell are you asking that f*****g question, Sadie at Vinnie??" saad ko sa kanila at nagkatinginan sila.
"Because the two are you talking like you are in a relationship..."sagot ni Cleo na may panunukso. Nagkatinginan kami ni Kyle at natawa sa sinabi nilang apat.
"Ganun kami mag usap ni Kyle... At walang malisya yun samin... Normal lang samin ang mga ganun.." saad ko sa kanila at tumango naman si Kyle.
"Lumaki na akong kasama ang isang Snow... Tsaka ganun ang turingan namin... Hindi na namin mababago yun..."saad pa ni Kyle at nahihiyang tumango sila Vinnie at Sadie.
"And please... If anyone is getting jealous... Don't be..." saad pa ni Kyle at napatingin yunh apat kay Shu. Inosenteng nagulat si Shu sa inasta nang apat.
Shu is jealous?? Because of that... Hindi ko napansin ang isang yun.
"So my brother is jealous..."saad ni Kyle at tinabihan si Shu na medyo nahihiya na nga. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Shu pero pinigilan ko yun.
"That is the news that I want to tell you, Kyle... Your brother is courting my sister... Great right??"