ZYPHIRE
"That is the news that I want to tell you, Kyle... Your brother is courting my sister... Great right??" saad ni Kuya Zyre na kinatingin ko sa kanya nang masama.
May balak pa palang magkwento nang kuya ko sa kung anong nangyari sakin. "Ganun... Naunahan pa pala ako kung ganun..." saad bigla ni Kyle na kinatingin ko sa kanya.
Anong trip naman yun??
Tinaasan ko nang kilay si Kyle sa sinabi nya. Masamang trip ang isang yun. "Ayun!! Sabi na nga ba eh... May lihim na pagtingin..." saad ni Cleo na natatawa pa.
"Pero alam nating... Hindi pwede yun... Marami kayong makakalaban..." napatingin kami sa nagsalita na yun at oo nga. Si Kuya Zyrille na seryosong tumabi sakin sa upuan.
Seryoso syang tumingin kila Shu at Kyle na may pinahihiwatig. "Bakit naman??" tanong bigla ni Vinnie.
"Dahil... Maaaring g**o ang dala... Pero sana hindi umabot sa aabutan ang balitang eto, Shu at Kyle..." saad ni Kuya Zyrille na may tonong nananakot. Nahampas ko ito sa braso nya dahil dun sa tono at sinabi nya.
Nananakot nang kung sino sino eh. "At dugong Riordan kayo... Alam natin ang nakaraan, Kyle... At sana ay masabi nadin kay Shu..." saad pa ni Kuya Zyre na tumabi nadin sakin.
The heck!! Nananakot ba talaga ang dalawang toh. Tama naman sila na delikado ang sinasabi nang dalawang magkapatid na Riordan na toh. "But I choose to be with Care Bear..." palusot ni Kyle na kinailing ko nadin.
"You have the blood of the Riordan..." saad ko sa kanya at ako na mismo ang nagsabi kesa kila Kuya.
"Then why did you agree sa panliligaw ni Shu??" saad nya sakin na kinatawa ko na nga.
At ngayon ay lumulusot nanaman sya nang lumulusot. "Kese hindi nya pa alam kung ano at sino ako... At kung ano ang meron sating lahat... And If that time came, let's see if he will continue courting me..." saad ko kay Kyle na tumango tango naman.
"Then why don't you guys tell me... What is our connections??" tanong naman ni Shu na puno na nang kuryosidad.
"Dahil mahirap ipaliwanag ang sitwasyon natin..." napatingin kami sa nagsalita na iyun. Ang Dad ni Shu ang nagsalita na yun.
Nagsidatingan din silang mga matatanda na nakatira panandalian kay Care Bear. Nagsipagupuan din ang mga ito tulad namin. "Buo naman na tayo... Bakit hindi nyo na i explain kung anong meron??" saad ni Shu na nakatingin pang sakin.
Kita sa mata nya ang pagtataka at pagtatanong nito. Puno sya nang kuryosidad na animo'y mga tanong na mahirap sagutin. "Mahirap... At magulo ang mga dapat naming i explain sayo..." saad ni Dean dito ngunit hindi sya tinapunan nang tingin ni Shu.
Ganun padin ang tingin nya na nasa akin. Naiilang man ay nilabanan ko ang mga tingin na yun. "Iintindihan ko... Sa abot nang makakaya ko kung ganun... Nasa tamang edad naman na ako upang malaman yun..." saad nya na hindi manlang binigyan pansin ang mga kasama namin.
Napatingin ako sa pagtayo nang apat na Chairman. "Then... Let's tell him..." saad ni Chairman Schaefer na animo'y excited.
"Where we will start... Sa pag alis nyo na lamang..." saad naman ni Chairman Zuello na kinainteres ko din.
Wala akong alam sa nakaraan at ang alam ko lang ay ang mga nangyari sakin kaya naging interesado ako sa sinabi nyang pag-alis nang mga Riordan. "Kaya lang hindi maaaring malaman ni Snow yun..." napanganga naman ako sa sinabi ni Mom na yun.
Napuno ako mas lalo nang pagtataka nun. "Tama si Mom... Snow shouldn't hear any of the informations... Would you mind, Snow??" saad ni Kuya Zyrille na mas kinataka ko.
Eto nanaman ang pagiging masunurin ko dahil dun. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nila at tumayo. "I don't mind hearing any of the informations... I may go then..." saad ko sa kanila at naglakad na muli. Bagsak ang balikat kong naglakad dun.
"Why can't she know any of the information... Matagal nya nang gustong makilala ang sarili nya..." rinig kong angil ni Kyle dun pero hindi na ako nagatubiling pakinggan pa.
Lumabas na lamang ako nang bahay at naagaw nang pansin ko sila Toli yung tatlong anak ko na may kausap. Lalaki ang kausap nila na may kasamang apat na bodyguards.
"Are you deaf?? Sinabi na naming hindi ipagbibili nang Mom namin ang bahay nang great grandfather nya..." rinig kong sigaw ni Toli sa mga yun at kita ang pagngisi nung lalaki.
Naglakad ako papalapit sa kanila upang mas marinig ang pinag-uusapan nila. Kung ganun sya pala ang interesado sa bahay ni Care Bear."Wala pa ba ang Mom nyo nang magkausap kami... Malay nyo pumayag sya..." saad nun na ngingisi ngisi pa.
Lumapit na ako nang tuluyan at napatingin naman sakin si Toli. Kita ko ang paglunok ni Toli nun. "Ow... Ikaw ba ang Mom nang mga batang ito??" saad sakin nung lalaki pero tiningnan ko lang ito.
"Ako nga pala si Yniego... Yniego Samaria... Interesado kese ako sa bahay na katapat nito..." saad ni Yniego nga daw at iniabot nya ang kamay nya.
Tiningnan ko yung kamay nya at tiningnan muli ang mukha nya. "Pero hindi interesado sayo ang bahay ko... Kaya maaari kanang lumisan..." saad ko sa kanya at kita ang gulat nito sa sagot ko.
Pilit ayang ngumiti sakin na umiling pa. Nababaliw na ba talaga toh. "Maaari kong mabago ang isip nyo, Miss... Malaki ang maibabayad ko..." saad nya sakin na kinangisi ko.
"Kahit gano ka laki ang bayad mo, Mr. Samaria... Hinding hindi ko ipagbibili sayo ito..." saad ko sa kanya at dineretso ko na ito nang mabuti.
"Dodoblehin ko ang bayad..." saad nya sakin na kinatawa ko.
Mukha ba akong pera para sa hayop na toh. "Kahit ubusin mopa ang pera mo... Hinding hindi nyan aabutin ang presyo nang bahay ko...." saad ko sa kanya na kinagulat nito.
"Kung ganun... Magkano pala ang bahay na yun..." saad nya sakin at nginisian ko ito.
Gustong gusto masyado ang bahay ni Care Bear. "Buhay mo ang bayad sa bahay ko, Mister..." saad ko sa kanya at tinalikuran ito. Hinila ko na din sila Toli at hindi na muling tiningnan pa ang lalaking yun.
Masyado syang desperado sa paningin ko at ayaw ko sa desperado. Hindi makuntento kung anong meron na pati ibang tao ibabagsak nito.
"Mama... Titira nadin po ba kami sa inuuwian mo??" tanong bigla ni Naomi pagkapasok na pagkapasok namin.
Napahinto ako doon sa tanong na yun at napatingin sa kanya. Matagal nanilang gustong sumama sakin ngunit hindi pa nakakapag desisyon si Kyle na tumira sa Muntinlupa. Lumuhod ako at pumunta sa harap nilang tatlo.
"Mama... Gusto po kasi naming makasama kayo..." saad naman ni JC sakin na kinangiti ko.
"Gusto nyo ba talagang sumama kay Mom dun??" tanong ko sa kamila at tumango silang tatlo.
"That is our dream, Mom... To live with you forever..." saad ni Toli na mas kinangiti ko sa saya.
Hindi ko inakalang kahit malayo ako ay napalaki ko sila nang ayos. Inampon ko sila nung 14 years old ako at si Naomi nun ay Three years old tapos si JC ay limang taong gulang habang si Toli ay seven nun.
"Then... Ask your Tito daddy if he wants to live there... If he agree then my childrens will leave with me..." saad ko sa kanila at kuminang ang mga mata nito sakin.
Yumakap naman sakin si Naomi na kinatumba ko. "Waaahhh!! Then it's okay kay Mommy!! Yehey kuya Toli... Makakasama na tayo..." saad ni Naomi kay Toli na ngayon ay nakangiting nakatingin sakin.
Yumakap din si JC sakin nang sobrang higpit kahit nakayakap pa si Naomi kaya napaupo ako dun. "Mommy... You are making us cry... Because of joy..." saad ni JC sakin na medyo kinatawa ko. Bumitaw sa yakap ang dalawa at lumapit kay Toli.
Tumayo naman na ako nang ayos nun."That is not sure, Mga anak... You must talk to your tito daddy..." saad ko sa kanila at kita ang pagngisi ni Toli nun.
"I'm sure he will not say no with our charms, Right baby naomi??" saad ni Toli na ginulo pa ang buhok ni Naomi na kinatawa namin.
"Can I see the charms that you gais are saying??" napatingin ako sa likuran ko dahil sa boses na yun. Si Kyle na kasama na silang lahat na nakikinig samin.
Napalunok ako nang makita silang lahat na kasama ni Kyle. Lumapit naman si Kyle sakin at tumabi. Humarap sya sakin na nagtatanong."Can I see that charm..." saad ni Kyle at bumaling nang tingin sa tatlo.
Napatingin din ako sa tatlo na halatang nagulat dun. "Are you listening to us?? Kanina pa??" tanong ni Toli dito at nagkibit balikat naman si Kyle.
"Yes... Kinda... Let me see that charm thingi" saad ni Kyle sa mga ito at gusto kong matawa dahil sa pag ikot nang mata nang tatlo.
Abat nagagaya na sakin minsan haha.
Umayos nang tayo ang tatlo at nagpakyut kay Kyle. Natawa naman ako sa inasta nang tatlo kong anak na kahit sila Cleo ay nakyutan.
"They are so cute..." saad bigla nang Mom ni Shu na katabi na pala ni Kyle.
"Now... What is your desisyon, tito daddy??" excited na saad ni Naomi kay Kyle at natatawang tumango naman si Kyle.
"Okay okay... Sasama na tayo sa pag uwi nila... Ayos naman na kami..." saad ni Kyle na kinagulat ko.
Napatingin ako sa kanya sa gulat na yun. Napangiti ako sa sandaling sinabi nya yun. "Edi your back na... Dream come true of Kyle Sy..." saad ko sa kanya at tiningnan sa mata.
Imbes na saya ang makita ko sa mata nya ay puro awa na nakatingin sakin ang mga mata na yun. Nagtaka na ako sa tingin na yun. "What the hell?? Ano bang tingin yan, Kyle?? Hindi ko gusto..." saad ko sa kanya at napaiwas nang tingin.
Napatingin na lamang ako kay Toli na nagtatakang tiningnan si Kyle. Ramdam ko ang pagtingin ni Kyle sakin pero hindi ko na uli tiningnan.
*HUK*
Nagulat ako sa yakap na yun. Bigla akong niyakap ni Kyle na kala mo'y matagal kaming hindi nagkita sa higpit. "The hell... Ano namang kadramahan toh??" saad ko sa kanya at hindi ito sumagot.
Nanatili syang nakayakap sakin at hinayaan ko lamang yun. "I'm very very sorry, Snow... I'm sorry... Sorry... Sorry... I don't know what to say... Sorry..." saad ni Kyle na paulit ulit na sinabi ang salitang sorry.
Nagtataka ko naman itong tiningnan habang nakayakap sakin. Hindi ko maintindihan ang inaasta nya. Bumitaw ito at napatingin sa mata ko mismo. Kita ko nanaman ang awa na yun.
"I'm very sorry... Sorry... Sorry... Hindi ako magsasawang humingi nang sorry, Snow..." saad nya sakin na mas kinataka ko.
Napabuntong hininga ako sa inasta nya. "Alam mo namang bago mo pa magawa ang kasalanang yun ay napatawad na kita, Kyle... Pero, maaari mo bang sabihin ang yong nagawa??" saad ko sa kanya at napailing ito.
"Hindi pwede... Ngunit darating ang panahon at malalaman mo rin kung bakit... Sana ay mapatawad moko pagdating nang panahon..." saad nya sakin na medyo garalgal na ang boses.
Gustuhin ko man syang pilitan ay hindi pwede. Ngunit ang kutob ko ay may tungkol sakin o kanino yun. Pero hindi ko masasabing yun nga. Nginitian ko lang si Kyle at bumuntong hinga muli."Sana hindi tungkol sa pagkatao ang kasalanang iyan, Kyle... Sana..." saad ko sa kanya at napaangat ito nang tingin sakin.
"I'm sorry..."
KYAN SHU
SA pag alis ni Zyphire ay biglang bumuntong hininga ang Dad nito na nakaagaw nang pansin namin. "Gusto mo ba talagang malaman, Shu?"saad ni Walt sakin at tinanguhan ko ito.
"Alam mo ba ang mga kaharian sa mga fairytales??" tanong ni Kyle na katabi ko.
Nagtataka man ay tinanguan ko ito. "Totoo ang kaharian na ganun... But piling tao lang ang nandun... O tinatawag na mga immortal, Shu..." paninimula ni Kyle sakin.
Biglang sumilaw ang mga tanong sa utak ko. Hindi ko muna pinansin yun at nakinig muli. "Sa mga kaharian ay may hari at reyna... May prinsipe at prinsesa... May pinakamakapangyarihang heneral... May mga sundalo... At ang Ancient 10 na kung saan ay sila ang nagpapatupad nang batas..." page explain naman ni Chairman Zuello sakin.
Tango lang ang aking naging tugon dahil ayokong pangunahan ang ipinapahiwatig nila sakin."Immortal lamang ang maaaring tumira sa kahariang yun... At kasama tayo dun, Shu..."saad ni Chairman Riordan na kinataka ko na talaga.
"Kung ganun... Ang sinasabi nyo sakin ay may sari-sariling kapangyarihan tayong mga Riordan?? Imortal tayo kung ganun??" saad ko sa kanila at tumango silang lahat.
Kaya pala may mga araw na hindi kapani-paniwala ang aking nagagawa. Naguguluhan ako kung kaming mga Riordan ay imortal kung ganun lahat kaming nandito ay imortal.
"At totoong kaharian... Palasyo ganun?? May hari at reyna?? Saan naman mahahanap yun??" tanong ko.
"Sa malayong lugar... At hindi yun nakikita nang mga hindi imortal..." saad naman ni Zyrille sakin na kinatango ko.
"Kung ganun... Lahat tayo dito ay imortal at... Nakatira sa isang kaharian... Edi ano ano ang posisyon natin dun??" saad ko sa kanila at napabuntong hininga si Chairman Schaefer.
"Sa kahariang yun ay imortal lamang ang pwedeng makakita... At lahat nga tayong nandito ay kasama dun... Umalis ang mga Riordan sa kahariang meron tayo, Shu... Dahil sa nalaman nila ang tungkol kay Snow... O mas kilala nyong Zyphire..." saad ni Chairman Schaefer na mas kinatutok ko.
"Hindi ko maaaring sabihin ang dahilan... Ngunit si Snow ang dahilan nang inyong pag-alis... Hindi yun tinanggap nang hari kaya kahit umalis kayo ay nararapat padin kayo sa kaharian at dapat proteksyonan... Isa kayo sa mahahalagang tao sa kaharian namin... "saad ni Chairman Schaefer na kinataka ko.
"Kung ganun... Ano ang mga posisyon natin kung ganun?? Upang hindi ako maguluhan..." saad ko sa kanila at tumayo ang apat na Chairman.
"Kami ang apat na makapangyarihang tao..." sabay na saad nang apat na Chairman na kinabilib ko.
May pagkahalong hanga at bilib ang lumalabas na ang ekspresyon ko dahil sa mga nalaman. "Si Sadie, Vinnie, at Ako ay isa sa mga susunod na Ancient 10..."saad naman ni Kyle sakin na kinatango ko.
"Ano ang ancient 10??" tanong ko sa kanya.
"Ang mga gumawa at tumutupad sa batas... Sila ang maaaring magpataw nang kaparusahan kapag ika'y nagkamali sa kaharian..." saad ni Kyle sakin.
"At sila ang maaaring pumatay sayo kung sakaling ika'y nagkamali nang tatlong beses sa batas natin..." saad ni Zyre na kinaagaw nang pansin ko.
"Kaya nilang kumitil nang buhay kung sakaling magkamali nang tatlong beses??" pag-uulit ko at tumango si Zyre.
Nag-alala ako sa sinabi nyang yun. Hindi pa naman siguro ako nagkamali o meron na akong mali. "Wala ka pang nagagawang mali ni isa sa batas, Shu... At yun ang ipinagpapasalamat namin..." saad ni Mok na kinabuntong hininga ko.
Kinakabahan na ako.
"Sa ating lahat dito... Sino ang nagkamali na sa batas kung ganun??" saad ko sa kanila at naghintay nang sagot nila.
"Wala ni isang nagkamali satin na ngayong nag-uusap..." saad ni Dad sakin na kinataka ko.
"Tayong nag-uusap lang?? Si Snow?? Nagkamali naba sya??" kinakabahan man ay itinanong ko yun nang tuwid.
"Oo, Shu... Dalawang beses na syang nagkamali..." saad ni Chairman Schaefer na hindi nagatubiling sagutin ang sagot ko.
Bumuntong hininga naman si Zyre na umiiling iling pa. Imposibleng magkamali si Snow dahil sinusunod nyang mabuti. "Hindi sya nagkamali... Wala lang naniwala sa kanya na hindi sya ang gumawa nun..." may pagdidiin sa sinabi ni Zyre na yun.
"Hindi nyo sya pinaniwalaan... Walang naniwala sa kanya nung araw na humarap sya sa ancient 10...Lahat kayo ay hinayaan sya... Hindi kayang gawin nang kapatid ko ang ibinintang sa kanya..." galit ang maririnig mo sa boses ni Zyre dun.
Galit na galit na tono ang meron dun at hindi ko malaman ay gusto kong maiyak sa sinabi nya. Masakit ang hindi paniwalaan lalo pa't pamilya mo mismo ang hindi naniwala.
"Ngunit sya lang ang nandun... At nakita din sya na hawak ang sandata..." saad naman ni Chairman Zuello dito at umiling naman si Zyre.
Naguguluhan ako pero... Alam kong kay Snow padin ang topic...
"Magpasalamat na lamang tayo na hindi sya yung tao na tipong nagtitiis nang galit... Lalo pa't sya si Snow..." saad naman ni Kyle na kinatango nila.
Naguguluhan man pero medyo naiintindihan ko ang punto nila. Sa kaharian pala kami galing. Mga imortal kaming lahat dito. Lahat kami ay mga makapangyarihan. Ngunit nakadalawang pagkakamali na si Snow. Isa nalang ay maaari syang mapatay.
"Kung dumating ang araw na yun na ang pangatlong pagkakamali ni Snow... Kayo ba, Kyle ang papatay sa kanya??" tanong ko. Nag-aalinlangan man pero nag-aalala ako kay Snow.
Bumuntong hininga si Kyle na mukhang hindi matanggap. "Kung natanghal na kami na isa sa mga Ancient ay kami nga... Ngunit kung hindi pa... Ay ang mga nakatayong ancient ang kikitil nang buhay nya..." saad ni Vinnie na kinabuntong hininga ko.
Wala na pala talaga syang kawala kung ganun. Walang kaalam alam si Snow sa kung sino sya habang kami ay kilalang kilala sya. Naiinis ako sa lahat ngunit isa na ako sa kanila ano pang magagawa ko??
I'll just stay beside her hayysss.
ZYPHIRE
Nagtataka man ay naguguluhan ako sa pagsorry ngayon ni Kyle at hindi ako sanay dun. "Pagdumating ang araw na malaman ko ang pagkakamaling yun... Sana ay hindi pa ako eighteen, Kyle... Alam natin pareho ang meron sakin pag dumating ako sa edad na yun..." saad ko sa kanya at bumaling nang tingin kay Naomi na naguguluhang lumapit sakin.
"Mom... Hindi mo naman siguro kami iiwan diba??" saad bigla ni Naomi. Biglang may luha na sa aking mata at itiniis ko yun upang hindi bumagsak.
Lumuhod ako at lumapit nadin sila JC at Toli. "Bakit naman kayo iiwan ni Mama?? Hinding hindi yun mangyayari... Wag kayong mag alala..." saad ko sa kanila at binuhat ko si Naomi sa pagtayo ko.
Hindi man sigurado pero... Itatry ko, Naomi.
Napatingin ako kila Mom na mukhang nagtataka na. Lumapit naman agad yung Mom ni Shu sakin at kinausap si Naomi."Sino naman ang magandang bata ito??" saad ni Tita Laura dito.
"Naomi po... Naomi Schaefer po..." saad ni Naomi at kita ang gulat sa mata ni Tita Laura.
"Oo... Anak ko ang tatlong batang ito... Isa sila sa susunod na henerasyon nang mga Ancient 10,Chairman Schaefer..." saad ko at binalingan si Chairman Schaefer na hindi ngayon makapaniwala. Inunahan ko na ang tanong nila at sinagot ko agad yun.
"Ngunit... Hindi sila galing sa iyong sinapupunan..." saad ni Mom na kinaseryoso ko.
"They are my childrens... At kahit hindi sila galing sakin ay Anak ko parin sila... Galing sila sa isa sa mga Ancient na namatay... At sa akin ibinilin at ituring ko daw na sariling akin... Kahit hindi nya sabihin ay aking gagawin din..." saad ko at napatango na lamang sila. Ayoko sa mga ganun ni Mom tsk masyadong judger.
"Kung ganun... Sino ang ama nang mga batang ito??Si Kyle??" tanong ni Dad na kinailing ko.
"Si Carter... Carter Obiajunwa... Ang lihim na pinatay nang mga Imperial sa ating kaharia... Sya ang ama nang aking mga anak..." saad ko sa kanila at kita ang gulat nang apat na Chairman.
Lumapit agad sila sakin ang apat na Chairman na may pagtatanong sa mata."Si Carter ay kasing edad lamang ni Kyle... Pano sya magkakaroon nang tatlong anak??" saad ni Chairman Grisson sakin at lumapit si Toli sakin.
"Si Papa Carter ang aming ama... Sya lang sa kaharian natin ang kayang gumawa nang tao... At bago sya mamatay ay ibinigay nya saming tatlo ang nararapat na kapangyarihan namin... Ipinaghalo nya ang kanyang kasarian sa kasarian nang kanyang pinakamamahal... At iyon ay si Mama Snow... "saad ni Toli na may paggalang padin sa apat na Chairman.
"At si Papa Carter lang ang pwede naming ituring na ama..." dugsong naman ni JC na tumabi din sakin.
"Kung ganun, mahal mo din pala si Carter, Snow..." saad ni Chairman Zuello na kinatango ko.
"Minahal ko si Carter... Yun ang totoo... Ngunit sya na mismo ang humiling sakin... Nakalimutan ko na sya sa pagkamatay nya... At tinupad ko ang hiling nyang yun..." masakit man sabihin pero sinabi ko nang ayos sa mga ito yun.
Napabuntong hininga naman si Chairman Riordan."Kung ganun... Sila pala'y anak mo mismo... Dugo at balat..." saad ni Chairman Riordan sakin na kinatango ko.
"Edi may apo na pala kami kung ganun..." saad bigla ni Dad na linapitan agad si Naomi na buhat buhat ko.
Humarang agad sila JC at Toli sakin. "Sino siya, Mama??" tanong ni Toli sakin.
"Ang aking Ama... Ang lolo nyo, Toli..." saad ko at nagbigay silang dalawa nang daan.
Lumapit naman si Dad kay Naomi at nagpaalam na buhatin ito. "Ayos lang po sakin, Lolo..." saad ni Naomi at iniabot ko sya kay Dad.
Tuwang tuwa naman si Dad habang buhat buhat nya si Naomi. "Kailan pa sila na sayo??" tanong ni Kuya Zyrille.
"Simula nang maging 14 years old ako... Tinanggap sila ni Care Bear kaya halos araw araw kaming bumibisita dito sa batanes..." saad ko sa kanya at kita ang paghanga nila.
"Mama... Sino sino ang mga ito?? Hindi ko po sila kilala..." saad ni JC sakin na halatang nalilito na nga.
Natawa naman kami ni Toli sa inasta ni JC. "Sila ang apat na Chairman... Chairman ang itawag mo sa kanila... Si Lolo Zyre naman ito ang ama ni Mama snow... Si Lolo Peter naman yun ang papa ni Tito Daddy... Si Lola Laura naman ang Mom ni Tito daddy... Yun ang sabi ni Mama snow tsaka Tito Daddy dati... "saad ni Toli at napalakpak naman silang lahat dun.
"Wooww... Kayong dalawa ang nagtaguyod sa tatlong batang ito??" tanong ni Tito Peter at tumango naman si Kyle.
"Bago mawala nang tuluyan si Carter ay pinakiusapan nya akong gabayan ang kanilang mga anak... Bilang ama at sa pagkukulang nya... Tinupad ko din yun tulad ni Snow..." saad ni Kyle na nakipag apir kay JC.
"Anong pangalan mo, Iho??" tanong ni Dad kay Toli na animo'y bilib na bilib dito.
"Masama pong tanungin ang pangalan naming tatlo, Lolo... Dapat pong kami mismo ang magpakilala... Yun po ang sabi ni Mama samin..." saad ni Toli dito na tumingin pa sakin.
Si Toli ang may mas alam nang pinagdaanan ko dahil sya din ang laging nandyan pagmalungkot ako."Sya si Toli... Terrence Oliver Schaefer... Ang panganay kong anak..." pagpapakilala ko sa kanya na tumungo pa sa lahat.
Nginitian nya ang lahat dun. "Ang gwapo gwapo naman nang apo ko kung ganun..." saad bigla ni Tita Laura at linapitan pa si Toli.
"Ma!! Hindi ko sya anak..." paalala ni Kyle ngunit hindi sya binalingan nang tingin ni Tita Laura.
"Saan naman kayo titira, Snow?? Kasama ang anak mo sa muntinlupa??" tanong ni Mom bigla na animo'y iniimbestigahan ako.
"Apo natin, Zanra..." pagtatama ni Dad dito na kinairap ko.
"Hindi nya apo ang mga iyan... Apo nyo lang po, Dad..."