Chapter 41

3165 Words
ZYPHIRE Pagkatapos nang pag-uusap na yun ay nagpalit ako nang damit sa kwarto ko. Nagshort lang ako na maong na high waist tapos yung malaking jersey ko. Nakatambay lang ako dito sa baba at dinadamdam ang hangin. "Musta?? Ayos ka lang??" napatingin ako sa nagtanong na yun. Si shu na umupo sa tabi ko agad at tiningnan ako nang mabuti. "Ikaw ang kamusta?? Kamusta ang pag-uusap??" saad ko sa kanya. "Yun... Nagenerate ko naman sa utak ko... Nakakagulat pero nakakabilib din naman... Eh ikaw?? Sino nga pala yung Carter??" saad nya sakin na medyo kinatawa ko. "Si Carter ay kasing edad lang ni Kyle... Sya lang yung taong naniwala sakin... At sya lang ang laging nandyan para sakin... Unang taong minahal ko nung thirteen ako... Si Carter ay isa sa mga Ancient kung nasabi na sayo yun..." saad ko sa kanya at tumango naman ito. "Mga tagapagbatas... Kung ganun pala ay si Carter ang first love mo... Sabi nang iba first love never dies..." saad sakin ni Shu na kinatawa ko. "First love never dies... That quote is for idiots... Kung first love never dies,bakit sya namatay??" tanong ko kay Shu at kita ang pagkabigla nito. Dun na tuluyang bumagsak ang luha ko. Hinayaan ko yun bumagsak nang bumagsak. Masakit padin yung nangyari lalo na't naaalala ko lahat nang pinagdaanan ko. Hindi makapaniwala ang ekspresyon nya. "Yun ay isa sa pinakamasakit na nangyari sakin... Dahil sa mismong harapan namin nila Naomi namatay si Carter... Carter believes in me even ang kalaban ko ay lahat sila... Kakampi ko sya hanggang dulo... Kahit isugal nya ang buhay nya..."saad ko at pinunasan ang mga luhang yun. "Then... I will be by your side no matter what... Hindi ko hahayaang harapin mo uli ang lahat nang mag isa... Haharapin mo sila kasama ako..." saad ni Shu na punong puno nang kumpyansa. Bumilib ako sa kumpyansang ipinakita nya. Si Shu yung taong hindi marunong mag give up yun ang nalaman ko kay Felicity dati. At tama nga, hindi nya hahayaang maghirap ang taong mahal nya. "Salamat, Shu... Marami ka na sigurong nalaman tungkol satin??" saad ko sa kanya at tumango naman ito. "Hindi nga ako makapaniwala... Na tatlo pala kaming prinsipe nila Walt... Tulad nila Zyre at Zyrille... Hari naman ang Care Bear mo.. Kaya lang hindi nila nabanggit ang pwesto mo..." saad nya sakin. Natawa naman ako sa sinabi nya. Kung ganun hindi talaga pwedeng sabihin ang pwesto ko sa kahit na kanino. Masyado siguro silang hindi naniniwala."Dahil... Hindi mahalaga ang pwesto ko, Shu..." saad ko sa kanya at nginitian ko sya. "Pero hindi ka prinsesa?? Or ancient??" tanong nya sakin at inilingan ko ito. Ayoko sa ancient dahil sila ang mahirap intindihin. Pag prinsesa walang ginawa kundi magpaganda. "Alam mo... Nung bata ako may nagagawa akong hindi nagagawa nang hindi normal na tao... Kala ko pa nga ay hindi ako anak nila Mom dahil dun..." saad bigla ni Shu na kinatawa ko kahit sya. Kahit sino naman ay mapapaganun eh. Ikaw ba naman ay may kapangyarihan tapos yung pamilya mo wala."Pero nalinawan ka naman... Masarap maging prinsipe ano?? Wala kang pagdadaanang kung ano anong training..." saad ko sa kanya at tumango naman ito. "Tsaka kung hindi man ako prinsipe... Hindi padin ako magkung ano ano dahil lumayo ang pamilya ko..." saad nya at tinanguhan ko naman ito. "Mama!!" napatingin kami sa sumigaw na yun. Si Naomi pala kasama ang dalawa nyang kuya na lumapit agad sakin. "Punta tayo kila Lola Lita... Nandun lahat sila may pa lunch daw si Mang Lito..." saad ni Naomi na umupo agad sa tabi ko. "Sino naman tong kasama mo, Mom?? He is kinda familiar??" saad ni Toli sakin na kinailing ko nalang. "Sya si Shu... Kyan Shu Riordan... Kapatid ni Kyle... And I know na kilala mo sya,Toli..."saad ko sa kanya at napa-ow nalang si Toli dun. Tumabi sya kay Shu at nginitian ito."Thank you for making our mom happy..." saad ni Toli dito at nginitian naman sya ni Shu. "Wala yun ano kaba... Saan ba ang punta natin, Little girl??" saad nya na binalingan nang tingin si Naomi at nagpabuhat pa si Naomi. Binuhat naman sya ni Shu na uto uto. "Doon po sa mga magsasaka... Sasama naman po siguro kayo diba??" tanong ni Naomi nang tumayo si Shu. Tumayo nadin ako at humawak naman sa kamay ko si JC at Toli. "Syempre naman... Inimbitahan ako ni Baby girl eh...." saad ni Shu dito at kilig na kilig naman ang anak ko. "Mommy... Manliligaw nyo po ba yun?? Si tito Shu??" tanong sakin ni JC habang naglalakad kami. Napalunok ako sa tanong nyang yun. Napatigil din ako at tiningnan silang dalawa. "Oo daw... Gusto daw nyang manligaw... Ano sa tingin nyong klase sya nang tao??" tanong ko kay JC dahil nasa kanya ang kapangyarihan ni Carter na malaman kung anong klase nang tao ang iba. "Mabuti... Mabuti ang kalooban nya, Mama..." saad ni JC na tumakbo papalapit kila Shu at Naomi. "Botong boto ako sa kanya, Mama... Para syang si Papa..." saad bigla ni Toli na kinatingin ko sa kanya. Ngayon ko lang narinig mula sa kanya na ikumpara ang papa nya. Lalo na simula nung nawala si Carter ay hindi na nya binanggit ang papa nya. Masakit para sa kanya ang nangyari dun. "Namimiss mo na ba sya??" tanong ko. Napatingin ito sakin at tumango. Kita ko ang pagpipigil nya nang luha. "Mahal na mahal namin kayo nang papa nyo... Dugo namin at kapangyarihan namin ang dumadaloy sa inyo... Siguradong proud na proud sya satin ngayon..." saad ko sa kanya at nginitian ito. Tumango naman ito sakin at ngumiti. "Sana si Tito Shu na ang ipinadala ni Papa na tatanggap satin..." saad nya at nagsimula muling maglakad. Sumunod naman ako agad at nagkibit balikat na lamang. "Oyy!! Mama!! Sakay napo tayo sa van!!" sigaw ni JC na kinatawa namin ni Toli. Tumakbo kami papunta sa van na sinasakyan nila. "Ang bagal nyo naman, Mama..." saad naman ni Naomi na kinatawa namin. "Eh pano ba naman kasi ang Kuya Toli nyo namimiss ang papa nyo... Dahil sa tito Shu nyo..." saad ko at sumakay dun sa driver's seat. Eto yung van kung saan nakalagay ang mga pasalubong ko para sa lahat. "Para ba akong si Carter??" tanong ni Shu na katabi si Naomi tsaka si JC. Umupo naman sa tabi ko si Toli na nakatingin sakin habang nakangiti. "Opo eh... Si papa Carter po kasi ang nabuhat sakin tsaka ni Mama Snow..." sagot ni Naomi dito. "Pwede po ba kayong makipaglaro samin ni Kuya Toli... Basketball po sana tito Shu..." saad ni JC dito nang paandarin ko na ang van. Nakatutok man ako sa dinadaanan namin ay nakikinig padin ako. "Bakit hindi?? MVP kaya ang kausap nyo... Game ka ba, Toli??" tanong ni Shu kay Toli. "Ako ba ang hinahamon mo, Tito Shu?? Game ako..." saad ni Toli dito na gusto kong ikatawa. Saglit lang kami dahil nandun nadin kami sa palayan nang mga magsasaka. Pinreno ko yun at napatingin sa kanila. "Nandito na tayo... I secure nyo ang Tito Shu nyo... Alam nyo naman..."saad ko at natawa naman ang tatlo. Nagtataka namang tumingin sakin si Shu pero tinawanan ko lang ito. Nakashort pa talaga ang Shu tapos shirt na puti. Minamalas ka nga naman. Binuksan ko na ang pinto at nagsibabaan naman na kami. Pumunta naman ako sa likod nang van at binuksan yun. "Lola Lita!! Nandito na po si Mommy..." saad ni JC at napatingin silang lahat samin. "Si Snow ba yun?? Snow!! Anak!!" sigaw ni Nay Lita na agad na lumapit sakin. "Musta po kayong lahat?? Nay Lita mukhang ang sipag nyo naman po..." saad ko sa kanilang lahat at lahat sila'y nakangiti. "Ayos na ayos, Snow... Napauwi ka?? Bakasyon na ba??" saad ni Mang Kiko na lumapit din. Inilingan ko ito. "Naku... Hindi po, Mang Kiko... Ikakasal kasi ang unang apo sa tuhod ni Care Bear kaya ayun po... Dito po kami hanggang linggo..." saad ko sa kanya at humanga naman sila. Kinuha ko yung paper bag na dalawa at iniabot yun kay Nay Lita. Nagtataka nya yung kinuha at sinilip."Para sa inyo po yan, Nay Lita... Tsaka eto po mang Kiko..." saad ko at iniabot kay Mang Kiko ang dalawq pang paper bag. "Nakuu!! Maraming salamat dito, Snow... Lagi ka nalang may pa salubong samin kada uuwi..." saad ni Nay Lita sakin. Lumapit naman sakin si Toli at ipinamigay din ang iba pang paper bag. Lahat sila ay tuwang tuwa sa ibinigay ko. "Maraming salamat po, Snow... Dito nadin po kayo magtanghalian..." saad ni Mang Jose. "Yun po ang pinunta namin dito, Mang Jose... Pagkain hehe" sagot ni Toli na kinatawa naming lahat. Napatingin naman ako kay Shu, Naomi, at JC na kinukulit na pala sila nung dalawang babae. "Hoy!! Kayong dalawang p****k!! Tigilan nyo yang bisita ni Snow..." sigaw ni Mang Kiko sa dalawang yun at napanguso naman ang dalawa. Lumapit yung dalawa sakin at tiningnan ako. "Sino yung poging yun?? Pakilala mo naman kami oh..." pakiusap ni Natalie. Tumawa naman ang lahat kahit si Toli dun. Napailing na lamang ako at kinuha yung phone box tsaka yung damit na galing sa H&M, iniabot ko sa dalawa yun. "Para sa inyo yan, Natalie at Lavinia..." saad ko sa kanila at binuksan nila ang mga yun. "Ang kapal talaga nang mukha netong pambansang p****k natin... Nabigyan pa kayo nang regalo kaya tigil tigilan nyo ang bisita ni Snow..." saad ni Nay Lito at gulat namang napatingin yung dalawa sakin. "Salamat dito!! Ang tumpak netoh... Sexy ako dito ha..." saad ni Natalie na niyakap yakap pa ang paper bag na yun. "Salamat dito!! Ang ganda ko sa camera netoh... Gora ang ate mo..." saad ni Lavinia na kinatawa namin. Bakla talaga sila at gusto nila ang tawag sa kanilang p****k dahil totoo naman daw pero dati. "Sino nga ba ang kasama mong yun, Snow??" saad naman ni Mang Kiko. "Si Shu po... Ang bunsong apo nang Chairman Riordan..." saad ko at napanganga silang lahat. Nagbow silang lahat kay Shu na animo'y prinsipe at prinsipe naman talaga sya. Lumapit naman si Shu sakin na nagtataka. "Kilala nila ako??" bulong sakin ni Shu. "Lahat sila ay katulad natin... Ngunit naulila dahil sa mga Imperial..." bulong ko pabalik sa kanya at tumango naman ito. "Tara at dun tayo... May mga nakahanda narin at eksakto ang dating nyo..." saad ni Mang Jose at tumango naman kami. Sumunod kami sa kanila at umupo dun sa mahabang mesa nila. Etong farm na toh ay ibinigay ni Care Bear sa kanila sa kadahilanang wala din namang gagawin si Care Bear dito. Tumabi naman sakin si JC at Toli habang katapat namin si Naomi at Shu. "Bakit hindi mo isinama ang mga ikakasal, Snow??" saad ni Mang Lito sakin. "Ay naku po... Nagpapahinga ang bride, Mang Lito... Tsaka nandun din sila sa bahay..." saad ko at tumango naman ito. Tumayo ako at kumuha nang tabo na may tubig na dalawa. "Ay nako... Ikaw na bata ka ay hayaan mo na kami na gumalaw..." saad ni Mang Kiko at inilingan ko ito. Dinala ko sa mesa ang dalawang tabo na may tubig. "Hindi na kayo nasanay sakin, Mang Kiko... Halina't sabay sabay na tayo..." saad ko at naupo na muli. Umupo nadin sila at iniabot ko ang tabo. Naghugas kami nang mga kamay dun sa dalawang tabo. "Kumain na tayo abay mukhang gutom na ang JC..." biro ni Mang Lito na kinatawa namin. Napatingin naman ako kay JC na takam na takam sa pagkain na nasa harapan namin. Kumuha na sila nang kanya kanya. "Ano gusto mo, JC??" tanong ko dito at itinuro nya ang crab na yun. Kinuha ko yun at naglagay ako nang rice. Hinimay ko yun at inilagay sa plato nito. Kumain nadin naman ako pati na si Naomi na inaasikaso ni Shu. Nagsabi na ako sa kanya ngunit sya na daw bahala. Konti lang kinuha ko dahil busog din ako. "Abay nakikita ko sayo, Hijo ang ama nang mga batang ito..." saad ni Nay Lita kay Shu. "Nasabi ko na yan, Lola Lita... Gusto ko nga po sya maging papa eh..." saad ni Naomi na kinabilaukan ko kahit si Toli na katabi ko. "Oh tubig... Magdahan dahan naman kayong mag-ina..." saad ni Mang Kiko at kinuha ko yung tubig. Pagkainom ko ay natapos na din ako. "Naku po, Naomi... Magdahan dahan ka dyan at baka magtampo ang papa Carter mo..." saad ni Mang Lito na nagsign of the cross ko. Natawa naman kami sa inasta ni Mang Lito. "Lolo Lito talaga... Dinasalan pa ang papa..." saad ni Toli dito. "Eh pogi... May jowakels kana ba??" tanong bigla ni Natalie at nabatukan tuloy sya ni Mang Jose. Sa sobrang lakas nun ay napahampas pa ang mukha sa plato nya. "Etong baklang toh... Hindi ka na nahiya... Meron nga ba, hijo??" saad ni Mang Jose na kinatawa namin. Hindi na sila nagbago ganun padin ang mga ugali eh. "Naku wala po... Nasa panliligaw parin po..." sagot ni Shu dito at napuno nang ayiiee silang lahat. "Abay dapat ligawan mo na para bang dalagang pilipina, Hijo... Hindi yung text text lang..." saad ni Mang Lito at tumango naman si Shu. "Eh sino ba yan, Pogi?? Nang masabunutan agad..." saad ni Lavinia na kinatawa nang tatlo kong anak. Balak pa yata akong sabunutan nang Lavinia haha. "HAHAHAHAHA BUGBOG KANA BAGO MO PA MASABUNUTAN!!" sigaw ni Naomi na itinuturo pa si Lavinia. "HAHAHAHA MATAKOT KANA SA SINABI MO!!" sigaw pa ni JC dito at tinaasan naman sya nang kilay ni Lavinia at Natalia. "Tell me... Who the hell is the girl??" tanong ni Natalia kay Shu na halatang napalunok dun. Napatingin sakin si Shu at napalunok. Gusto kong matawa sa ekspresyon ni Shu habang nakatingin sakin. "Ang Mommy... Sya ang nililigawan ni Tito Shu kaya magtago na kayo..." saad ni Toli na nagangat nang tingin sa dalawa. Magkakrus ang kamay nitong nakatingin sa dalawang bakla. "G-ganun ba?? G-good taste bro..." saad ni Natalie na nagboses lalaki. Tumawa naman kaming lahat dun sa inasta ni Natalie tsaka ni Lavinia na nagbubulungan na. "Bakit naman kasi sabunutan?? Bakit hindi suntukan, Bakla..." saad ko na kunyari ay tinatakot sila. Sumigaw naman silang lahat nang lagot lagot. Lumunok naman si Natalie at umubo ubo pa si Lavinia. "E-eh sino ba kasi naghahamon nang sabunutan ha!? Nang mabugbog natin, Snow!!" saad ni Lavinia na tumayo na at nagwawarm up pa. Tumayo din naman si Natalie na kala mo'y makikipagsuntukan. "Oo nga!! Lakas nang loob nun ah!! Baka di nya kilala kinakalaban nya!!" sigaw din ni Natalie na kinatawa naming lahat. Simula nun ay puro biruan na ang nangyari at mga tanong kay Shu. Para silang mga baliw sa kakatatawa at mas baliw naman yung dalawang bakla sa pag aaway."Oh sige na... Mauna na muna kayo... Nagpaalam din ang Kuya Zyre mo na aalis kayo... Baka hinahanap na kayo nun..." saad ni Mang Lito nang pagdating namin sa Van. Oo nga pala sila Kuya. "Nakalimutan ko ho na magpaalam hehe..." saad ko at napahawak na lamang sa batok. "At buti na lamang ay alam namin ang tambayan mo, Aber??" napatago ako sa likod ni Shu nang marinig ang boses na yun. Kilalang kilala ko na kung sino ang nagsalita at kung ilan silang pumunta dito. Nakalimutan kong magpaalam eh malay ko ba diba?? s**t. "Huwag mo kaming taguan, Snow... Jusmeyo pinasundo mo kami at pina check in sa hotel dun sa beach tapos wala ka dun..." saad naman ni Kuya Zyre. Itinapat ko sa kanya si Shu sa takot. Alam ko kung pano pumutak ang bunganga nang isang Kuya Zyre at hindi ko gusto yun."Hindi ka naman nagtanong ah..." saad ko at rinig ko ang pagkainis nito. "Hoy ate!! Tara na at mamimili pa tayo nang pangdress namin sa kasal... Wag mong gawing shield ang Shu..." sigaw ni Vinnie at humarap na nga ako sa kanila. "Sorry na... Nakikain lang kami kila Nay Lita at Mang Lito..." saad ko at napatingin ako kay Kuya Zyre na kita ang pag-angat nang labi. "Ayts... Tara na lamang at hinihintay na tayo nung pupuntahan natin..." saad naman ni Kyle at napatingin ako sa kanya. Hindi na sya tulad kanina at normal na uli. "Edi saglit lang tayo ganun?? Hayyyysss gala mo kami ah..." saad ni Sadie sakin at tinanguhan ko ito. "Madami daw na pasyalan dito... Pasyal mo kami hindi si SHU lang..." saad ni Cleo. "Loko!! Tigilan mokong Cleo ka... Igagala ko naman talaga kayo eh..."saad ko sa kanila at kita ang excitement nila. "Edi tara na... Nang mapuntahan natin lahat lahat... Sasama ba kayo samin, Toli??" tanong ni Walt at napatingin ako kay Toli. "Sasama, Tito Walt... Magbabasketball pa kami ni t**i Shu... Hinamon ako eh..." saad ni Toli at nagapiran sila. "Edi tara na kung ganun..." saad ko sa kanila at sumakay na sa Van. May sariling Van na dala sila Kuya Zyre kaya dun sila sumakay. Mabilis lang ang byahe namin at nakarating din kami dun sa nag iisang designer dito sa batanes. Bumaba naman na kami nila Shu at buhat buhat nya parin si Naomi. "Baka nabibigatan kana, Shu ah... Pwede mo naman syang ibaba na muna..." saad ko kay Shu at umiling ito. "Ayos lang ako noh... Masaya naman ang Naomi ko eh..." saad nya at pinisil pa ang pisngi ni Naomi. Natawa naman kami sa inasta nilang dalawa. Bumaba nadin sila Sadie at ako na ang kumatok sa pintong yun. "Mama Ruby!!" sigaw ko at bumukas naman agad ang pinto. Bumungad samin ang isang bakla na kay ganda ganda. Gulat na gulat itong napatingin sakin. "Owemji!! Ang snow ay napabisita..." saad ni Mama Ruby sakin na kinatawa ko. "Ikakasal ka na noh?? Pang kasal lang ako... At alam kong ikakasal lang ang pwedeng bumwisita sakin... Sinong groom??" saad nya agd sakin na kinatawa ko mas lalo. "Ma... Hindi ako ang ikakasal... Ang panganay na apo ni Care Bear... Bibili sana ako nang wedding dress tsaka nang suot nung groom..." saad ko at tango tango naman itong napa oo. "Eh kung ganun ay pumasok na muna kayo... Nang makapili kayo nang wedding dress... Pasok pasok..." saad nya na inaanyayahan kaming pumasok. Pumasok naman kami at naupo dun sa couch na meron sya. Sila lang ang pinaupo ko at tumayo na lamang ako. Hindi naman ako kasya dun, eksakto sa kanilang lahat. "Kung wala pala ang bride, pano natin malalaman ang sukat nito??" tanong samin ni Mama Ruby. "7 inches ang laki ko sa kanya at 5 centimeters ang luwag nang bewang nya sakin, Ma... Kaya naman siguro nating mahanap yun??" saad ko sa kanya at napatingin silang lahat sakin na nagtataka. "Pano mo nalaman yun?? Mahirap magkamali at sa sabado na pala yun..." saad ni Kyle sakin. Napatingin ako sa kanya at napaiwas ito agad. Hindi ko na sya maintindihan, kanina ay parang normal ngayon ay iniiwasan na nya ang tingin ko. "Ayan ba ang nagagawa nang kasalanan na napatawad ko na sayo, Kyle... Ang pagkawala nang tiwala mo sakin??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD