ZYPHIRE
"Maganda toh... Bagay kay Ate Kyllie ang pagkaslim nito... Tapos fitted pa..." saad ni Sadie na itinuturo yung wedding dress.
Sila ang pinapili ko dahil hindi naman ako mahilig pumili nang mga ganun. "Maganda din toh... Elegant then simple lang tignan... Diba??" saad naman ni Vinnie na tinanong pa yung mga lalaki.
"Maganda naman perehas eh..." sagot ni Cleo sa dalawa at bumagsak na nga ang balikat nang dalawa.
"Sa tingin mo, Zyphire... Ano maganda dito??" tanong ni Walt at napatingin ako sa kanila.
Tiningnan ko ang mga dress dun at yung itinuturo nila. Masyadong simple ang itinuro ni Vinnie at masyadong sexy ang itinuro ni Sadie. Tumingin ako sa iba pang wedding dresses at nakuha nang paningin ko yung wedding dress na bagay talaga kay Ate Kyllie. Off shoulder sya na paborito ni ate Kyllie at medyo malaki sya. Maganda at tipo talaga ni Ate Kyllie.
"Eto... Maganda sya at tipo ni Ate Kyllie..." saad ko at itinuro yun kila Vinnie at Sadie.
"Gaga!! Mahal yan teh... Baka maubos ang money mo... Libre na nga lahat eh..." saad sakin ni Vinnie.
"Bagay naman kay Ate Kyllie tsaka tipo nya din... Pero MAHAL YAN TEH!!" saad naman ni Sadie sakin.
Napatingin ako kila Shu at Kyle dahil kapatid naman nila si Ate Kyllie. "Magugustuhan kaya ni Ate Kyllie ang isang toh??" tanong ko sa dalawa at pinakita yung litrato nang dress.
Tiningnan nila yun at tumingin sakin muli. "Magugustuhan ni Ate Kyllie yan... Pero mahal..." saad ni Shu sakin at binalingan ko naman nang tingin si Kyle na umiwas nanaman nang tingin.
"Oy!! Tigil tigilan mona ang kaartehan mo, Kyle Sy!! Tinatanong kita at tumingin ka sakin jusmeyo por pabor..." saad ko dito at natawa naman silang lahat habang si Kyle ay napatingin sakin.
"A-ano bang tanong mo??" nauutal nyang saad kaya yun nabatukan ko sya nang magising.
"Bagay ba kamo kay Ate Kyllie toh?? Napakabingi putek" saad ko sa kanyaa t kita ang inis dito. Yun naman talaga trip ko ay maging komportable sya uli.
"Hoy!! Anong bingi!? May iniisip lang eh... Isuot mo kaya nang malaman namin diba??" saad nya sakin at tinarayan ko na lamang. Napakabakla kahit kailan charooottt haha.
"Oo nga... Isuot mo nalang kaya, Snow..." saad naman ni Walt sakin.
"Mas makikita namin kung ayos..." saad naman ni Cleo sakin.
"Tsaka Lil sis... Mas maaaninag namin kung maganda ba..." saad ni Kuya Zyre at nag agree naman ang lahat kaya wala na akong nagawa.
"Kung ganun... Sumama ka sakin, Snow at ipapasuot ko sayo ang wedding dress..." saad ni Mama ruby at tumayo na lamang ako. Sumunod ako sa lahat nang sinabi nya nang pumasok kami dun sa room na yun.
Madaming wedding dress dun at kinuha nya yung wedding dress na pinili ko. Madami syang sinabi at ipinasuot sakin yung dress. Iniwan nya ako saglit at isinuot ko na lamang yung dress. Eksakto sakin ang dress na yun at mukhang kailangan iadjust yun.
Medyo hindi ako komportable na gumalaw dun. "Snow... Tapos ka na ba??" dumating nadin si Mama Ruby.
Napatingin ito sakin na gulat na gulat. Nginitian ko lang sya nang pilit dahil feeling ko weird. Panget siguro sakin ang dress.
"Panget po ba??" tanong ko at umiling ito at inikutan ako.
Umikot sya na tiningnan ako. Panget siguro sakin. Nang makarating muli sya sa harapan ko ay tiningnan nya ako simula paa hanggang ulo. Weird.
"T-tara na... Baka hinahanap ka na nang gro-este nila Kyle..." saad ni Mama Ruby at naunang lumabas.
Napakibit balikat nalang ako sa kaweirduhan. Sumunod nalang ako sa kanya na lumabas sa kwarto yun. Ang bigat naman nang gento, ayoko nang magpakasal ke bigat bigat naman. Nakalabas din ako sa kwartong yun na bigat na bigat sa dress na yun.
Kamuntikan pa akong mawalan nang balanse kung hindi lang talaga ako nakatsinelas. Hindi din naman kita ang tsinelas dahil sa taklob din ang susuotin mong sapatos. Napaangat ako nang tingin at tiningnan sila Vinnie.
"Pangit ba??" saad ko sa kanila at napatingin silang lahat sakin.
"Tangina!! Ikaw ang ikakasal??" saad naman ni Cleo sakin.
"Bagay na bagay po sayo, Mama..." saad naman ni Naomi sakin at napatingin ako sa kanya.
"Perpekto..." saad naman ni Walt.
Nginitian ko naman ito. "Ikaw nalang kaya ikasal, teh... Bagay na bagay sayo!!" sigaw ni Vinnie na pumalakpak pa kamo.
"Tama si Vinnie, teh... Ang ganda ganda... Bagay na bagay..." saad din ni Sadie na kinatawa namin.
"Loko!! Ano babagay ba kay Ate Kyllie toh??" saad ko at binalingan nang tingin sila Kuya, Kyle, at Shu.
"Maganda..." saad ni Kuya Zyre sakin.
Napatingin naman ako kila Shu at Kyle na nag-aabang nang sagot. "Tutulo na ang laway nyo... Mama ruby, kukuhain namin..." saad ni Toli na kinatawa naming lahat. Lokong Toli biniro ang dalawa.
Napatingin naman ako kay Mama Ruby. "Babayaran ko po, Ma... Magpapalit na lamang muna ako at babayaran ko agad..." saad ko.
"Ay naku ka, Snow... Free na yan jusko... Sa dinami dami nang natulong mo sakin dito..." saad ni Mama Ruby at inilingan ko ito. Hindi naman ako buraot teh.
"Hindi pwede yun, Ma... Babayaran ko toh dahil bibilhin ko..." saad ko at pumasok na lang muli dun sa kwartong yun at nagpalit.
Pagkapalit ko ay lumabas agad ako at dumeretso kay Mama Ruby. Kinuha ko yung wallet ko dun sa maliit kong bag na laging nasa Van. Kumuha ako nang mga 10k sa wallet ko at iniabot sa kanya yun. Bale 5k mahigit at wala akong barya dahil sa kakakuha ko pa nga lang sa bangko ko.
Gulat naman itong napatingin sakin na animo'y nagtatanong. Ibinalik nya sa kamay ko ang pera na iniabot ko. "M-masyadong malaki toh, Snow... Sinabi ko naman sayong libre na at may simbahan at venue pa kayo..." saad sakin ni Mama Ruby at iniabot ko muli sa kanya at itinaklob ang kamay nya.
"Bawal tumanggi sa grasya, Ma... Tsaka may pupuntahan papo kami... Sa Simbahan papo at ililibot ko pa sa batanes ang mga toh..." saad ko sa kanya at napailing nalang ito at tinanggap yun.
Nagpaalam nadin kami at bago magsisakayan ay nag-usap kung saan ang sunod na pupuntahan."Saang simbahan ba tayo??" tanong ni Vinnie sakin.
"Dun sa pinagdadasalan mo lagi, Snow... Dun sa Immaculate..." saad ni Kyle na nagbigay sakin nang ideya. Maganda naman dun at siguradong magugustuhan nila.
"Sa Our Lady of the Immaculate Conception Cathedral, tama ba??" saad bigla ni Kuya Zyre. Napatingin ako sa kanya at yun na nga ang pagpipigil nya nang tawa.
"Fuck..." napabulong nalang ako nang makita kong nagkatinginan na sila Kuya Zyre at Kyle na magkakuntsaba.
"At ano namang tinginan yan, Aber??" saad ni Vinnie sa dalawa. Hinanap ko agad yung airpods ko at sinapak yun sa tenga ko kahit walang tugtog.
"May hindi ba kami alam??" saad naman ni Sadie na rinig ko pa.
Napatakip na lamang ako nang tenga nang biglang sumabog na sa kakatawa sila Kuya Zyre at Kyle. Ayoko sa tawa nilang ganun. Ang lakas at nakakaasar. "Ano bang nakakatawa dun?? Hoy..."saad ni Shu sa dalawa.
"Magkwento naman kayo... Ano ba yan??" saadni Cleo dito at tumawa na nga sila Kuya At Kyle.
"HAHAHA KESE HAHAHAH MATATAWA TALAGA KAYO!!" saad pa ni Kuya Zyre na tuwang tuwa pa.
"K-kese HAHAHAHA bumisita kami dun nila Snow tapos yun naglalakad kami sa labas nang simbahan nang biglang HAHAHHAHAHA" tumawa nanaman sila nang napagkalakas lakas.
"Kwento muna bago tawa..." saad ni Walt dito.
"Biglang may nagpropose kay Snow HAHAHHAHA PUTA NAPATINGIN LAHAT SA KANILANG DALAWA EH HAHAHAH" saad ni Kyle at napatingin na nga silang lahat sakin.
"H-hindi ko kaya kilala yun... Nakakainis naman eh..." saad ko at nagtawanan na nga silang lahat kahit yung tatlo kong anak.
"Edi syempre blanko ang ekspresyon nang Snow dahil sawi nga HAHAHAHHA Tapos bigla syang sinampal nung babae na girlfriend nang nagpropose kay Snow edi syempre nagtimpi si Snow HAHAHAHA" kwento ni Kuya Zyre at napapataray na lang ako kada naaalala yun.
"Tapos sabi pa nang babae... 'MGA SALOT SA LIPUNAN!! p****k!! GINAGAMIT ANG GANDA SA PANLALANDI!! MGA HAYOP KAYO?! KAILAN PA!? KAILAN NYO PA AKO NILOLOKO!? ANO TOH HARAP HARAPANG PAMBABASTOS?!'" saad ni Kyle na ginawa pa ang ginawa nang babae sakin. Natatawa ako syempre ngayon pero nung sa scene halos gigil na talaga ako.
"HAHAHAH putek tapos anong sabi mo, Snow??" saad naman ni sadie na tawang tawa.
"Tapos sabi pa ni Snow...'Putangina mo teh... Sawi ako tapos haharutin ko pa jowa mo... Isaksak mo yang jowa mo sa tigyawat mo... Ni hindi ko nga kilala yang hayop na yan...' tapos walk out..."saad pa ni Kuya Zyre na ginaya pa ako.
Nakakainis man pero natatawa din ako sa pangyayaring yun."HAHAHHAHA PAHIYA ANG ATE MO!!" saad pa ni Sadie na kinatawa naming lahat.
"Nakilala nyo naman kung sino yun??" saad naman ni Shu at umiling ako.
"Wala akong interes dun sa mongoloid..." saad ko sa kanila at tumawa nanaman sila.
*OUR LADY OF THE IMMACULATE CONCEPCION CATHEDRAL*
Nakadating na kami dun at kinuha ko yung backpack ko. Lumabas na kami sa van at pati nadin sila Zyre sa sarili nilang Van. Madaming turista dun at mukhang may mga nagdadasal din. "Dito na tayo?? Ang ganda teh..." saad ni Vinnie na katabi ko.
Maganda naman talaga ang simbahang ito at hindi mo maikakaila ang pagkadesenyo nito. "Tara na... Kakausapin ko pa si Father Roel..." saad ko sa kanila at nauna nang maglakad.
Tumabi naman sakin sila Toli at JC tulad ni Shu na buhat buhat si Naomi. Huminto ako saglit dun sa tapat mismo nang malaking pinto. "Kailangan mong ibaba si Naomi, Shu... Pagbibigay galang sa Diyos..." saad ko at ibinaba nya naman agad si Naomi.
Humawak naman sakin agad si Naomi at naglakad uli kami. Nagsign of the cross muna ako at nagholy water. Pagkapasok namin ay dumeretso agad ako sa unahang linya na upuan. Tahimik ang buong lugar dun.
Umupo muna ako at ang mga kasama ko din. "Kung may gusto kayong ipagdasal o hilingin ay pagkakataon nyo na ngayon..." saad ko at lumuhod na. Lumuhod din ang tatlo kong anak kasabay ko. Nagsign of the cross muna ako at napapikit.
'Papa jesus... Lord... Mama mary... Sa lahat nang santo... Protektahan nyo po ang pamilya at kaibigan ko... Ang mga natulungan ko at tutulungan pa muli... Ang mga taong tumulong sakin at tutulong pa lamang... Wag nyo pong hahayaan na tuksuhin sila nang demonyo... Kung kailangang ibigay ang buhay ko ay aking gagawin upang protektahan nyo sila... Alagaan nyo din po ang Great Grandmother ko at lola ko dyan... Lalo na po si Care Bear at si Carter... Ikamusta nyo po ako sa kanilang lahat dyan... Pakisabi nadin pong ayos na ayos kami dito... Kaya lang ginugulo kami nang mga masasamang tao... Papa jesus kung sakaling darating ang huling araw ko nawa'y bigyan nyo ko nang isang oras upang masabi sa kanila ang kalagayan ko... Maraming salamat sa lahat lahat at patuloy akong tutulong sa kapwa ko... Salamat po... The name of the father and of the son and of the holy spirit... Amen'
Napabuntong hininga ako sa eksaktong pagmulat ko nang mata ko. Umupo ako muli at hinintay matapos ang mga kasama ko. "Madalas ka siguro dito??" saad ni Cleo at tinanguan ko ito.
"Halos araw araw akong bumibisita kada uuwi..." saad ko sa kanya.
"Nakakagaan nang loob dito... Saan nga pala natin mahahanap yung Father Roel??" saad ni Walt sakin at napatingin na lamang ako sa opisina nang mga pare.
"Sa kanilang opisina... Sana ay may oras sila upang makausap natin..." saad ko at inaya silang puntahan si Father Roel.
Nagpaiwan naman sila Vinnie kasama yung tatlo kong anak. Babantayan daw nila ang van habang ako, Kuya Zyre, Kyle, at Shu ang kakausap kay Father. Kilala naman silang tatlo ni Father kaya ayos na yun.
Kumatok ako nang tatlong beses at binuksan yun. "Pasok... Anong maipaglilingkod ko??" saad nya at gulat na napatingin sakin.
"Kasal po sana, Father..." saad ko at lumapit ito sakin na may kasamang mahigpit na yakap.
Pagkabitaw nya ay nagbless ako sa kanya pati narin sila. "Abay mukhang ikakasal ka na kay Carter ah... Nasaan sya??" saad ni Father Roel at napailing na lamang ako.
"Hindi po,Father... Nakalimutan nyo na po bang wala na po sya... 3 years ago papo... Eh kasama ko po pala sila Kuya Zyre... Kyle... Tsaka si Shu..." saad ko at lumapit sya kila Shu.
"Nakalimutan ko na... Matanda na nga siguro ako... Pero kayong tatlong prinsipe ay hindi pa... Ako ang nagbinyag sa inyo... Eh sino ba sa inyo ang ikakasal??" tanong ni Father Roel kila Kuya.
"Ang panganay na apo po ni Care Bear, Father... At ang panganay na apo nang Chairman Riordan..." sagot ko at hangang hanga naman si Father.
"Abay kung ganun... Kailan naman ang petsa nang kasal?? Nang aking maasikaso nadin... Maupo kayo..." saad nya samin nang umupo ito dun.
Umupo din kami dun sa malapit na upuan. "Sa linggo po sana, Father..." saad ni Kuya Zyre at napailing na lamang si Father.
"Hindi maaari... May misa at marami tayong turista ngayon... Kung gusto nyo ay sabado na lamang... Sabado nang tanghali..." suwastyon ni Father Roel samin.
Nagkatinginan pa kaming apat dun. Sabado yun at hindi pa kami sigurado kung tuloy ang plano nang mga Imperial. Napalunok na lamang ako sa naisip kong mangyayari. May galang pa naman siguro sila Cinco sa Diyos.
Sana.
"S-sige po, Father... Kami napo ang bahala sa dekorasyon dito sa simbahan.... Sa sabado po nang tanghali eksakto..." saad ko at tumango naman si father.
"Edi maganda... Ayos lang ba sa inyong dalawa??" tanong ni Father kila Kyle at Shu.
"Ayos po..." sabay na sagot nang dalawa.
May mga sinabi at ipinagbilin si Father samin sa kung ano ang dapat at hindi dapat. Nang matapos ay nabigay ako nang ambag sa simbahan para sa mga gagawin nilang proyekto. Malugod namang tinanggap ni Father yun at inihatid kami sa labas. Nagpaalam nadin kami at pumunta sa van kung nasan sila Sadie.
"Kumusta?? Kailan ang kasal??" excited na saad ni Vinnie sakin.
"Naku... Maghahanda na akong mag beauty rest... Kailan daw ba??" saad din ni Sadie na mukhang excited talaga.
"Sa Sabado nang tanghali ang kasal... Bawal sa linggo dahil sa misa at turista... Kaya sa sabado gaganapin..." saad ni Shu sa kanila at kita ang gulat nila.
Buti na lamang at pumasok sa loob nang Van ang tatlong bata kung hindi magtataka ang mga yun. "Wala namang g**o hindi ba??" saad ni Walt sakin.
"Hindi ako sigurado... Pero ngayon... Ang masasabi ko lang... Proteksyon nang Diyos ang meron tayo..." saad ko sa kanila at tumango naman sila.
Mahirap toh dahil hindi kami sigurado kung kailan susugod ang mga Imperial lalo pa't nandito din sila sa Batanes."Eh saan nga pala ang next destination natin??" saad ni Sadie at napaisip ako.
Masyadong malayo ang mga isla dito. Marami ding mga light house dito. "Sa tinatambayan mo kaya, Snow??" saad ni Kyle sakin na kinakuha ko nang ideya.
"Saan naman yun??" tanong ni Shu sakin.
"Maganda dun at mag-a-alas sais palang naman... Maganda sa tambayan kong yun at siguradong mawiwili kayo... Basta sunod nalang kayo sakin..." saad ko at sumakay na lamang sa Van.
Sumunod naman sila at pinaandar ko ang Van namin. Dinala ko ang Van dun sa Naidi Hills kung saan ako tumatambay lagi pagnahihibang ako. Nang makarating kami ay dinala ko ang bag ko muli at bumaba."Eto ang Naidi Hills... Paborito kong tambayan sa batanes..." saad ko sa kanila.
Hangang hanga sila sa view na yun at lalo na ang repleksyon nang araw. "Woooowwww ang ganda dito..." sabay na saad nila Vinnie at Sadie na kinatawa namin. Tumakbo pa ang dalawa dun na animo'y tuwang tuwa kasama sila Naomi at JC. Tumakbo nadin sila Kuya Zyre kasama si Toli eksep dito kay Shu na sumama saking maupo dun sa damuhan sa may tapat nang dagat.
"Dito ka lagi??" tanong ni Shu at tinanguhan ko toh.
"Hindi naman eksaktong dito kese... Dun naman talaga ako natambay..." saad ko at itinuro yung light house na malapit samin.
Napatingin sya dun sa itinuro ko. "Yan ang Tayid Light house... Walang nakakarinig sakin dyan at tahimik... Dyan ako naglalabas nang kahit na anong galit, lungkot, o kaya naman sakit..." saad ko sa kanya at tumango naman itong napatingin sakin.
Kinuha ko sa bag ko yung camera ko na Polaroid OneStep Camera na yun."Iwan mo kaya muna yung bag mo sa Van??" saad bigla ni Shu sakin na kinailing ko.
"Hindi pwede... Maaaring maisahan kasi ako tulad nang dati eh..." saad ko sa kanya at kinuha naman nya ang bag ko. Nagulat man ay hinayaan ko na lamang.
"Ako na muna ang magbubuhat kung ganun..." saad nya at pinasalamat ko naman ito.
Lumapit na kami kila Cleo na puro picture ang ginagawa dun. Napatingin naman sila samin at hinila naman ako ni Vinnie sa tabi nya. "Picture tayo bilis... Sadie panget arat na bilis..." saad ni Vinnie at lumapit naman agad si Sadie samin.
"Yung phone ko nalang, Cleo..." suwastyon ni Vinnie at yun naman ang ginamit ni Cleo.
"Oh sige... 1...2...3...SMILE!!"
Nang marinig ang pagpicture ay agad na itinulak nila Vinnie at Sadie si Cleo at Walt. "Kayo naman bilis... Sayang yung ganda nang araw..." saad ni Vinnie samin.
Nahihiyang tumingin naman sakin sila Cleo na nagpapaalam. Natawa naman ako sa inasta nang dalawa. "Ayos lang ba??" tanong ni Walt sakin at nginitian ko sila.
"Kung mga prinsipe ba naman ang makasama bakit hindi??" saad ko at tumawa nanaman silang lahat.
Hindi pormal ang pustura naming tatlo dun dahil nakahawak sila sa bewang ko. Ayos lang naman sakin dahil walang malisya dun. Nang nulak nanaman ang dalawa at itinulak pa yung tatlo kong anak sakin.
Yun pinicturan din kami ni Vinnie na ginagamit na pala ang camera ko kanina pala gamit. "Ikaw na!! Ang kuya na ang sunod!!" sigaw ni Sadie na itinulak pa si Kuya.
Gusto kong matawa sa ginagawa nila animo'y propesyonal na photographer. "Nakakabobo ang dalawang yun... Lalo na si Vinnie..." bulong sakin ni Kuya na tumabi sakin.
Inakbayan naman ako ni Kuya Zyre. "Pero nakakapanghinala padin si Ally... Masyado syang hindi komportable kanina nung nagpipicture kayo..." bulong sakin ni Kuya Zyre. Naramdaman ko naman ang hindi pagkakomportable ni Sadie kanina nang tawagin sya ni Vinnie. Animo'y nahihiyang makisali samin sa litrato.
" Oh... 1...2...3...SMILE!!"