Chapter 43

3059 Words
KYAN SHU Kita ko ang pagbulong ni Zyre kay Zyphire na kinaseryoso ni Zyphire. Ewan ko pero mukhang seryosi yun ngunit nagawa pa nilang ngumiti. Medyo awkward din ang ginawa ni Sadie dahil sa nahiya syang makipaglitrato subalit yun ang gustong gusto nya sabi ni Cleo. Naghihinala na kami sa galaw nila. "Hindi ako sanay sa Sadie ngayon, Erp... Para syang ibang tao... Yung ibang galaw at ginagawa nya ay hindi naman talaga ginagawa nang isang Sadie o Allyssa..."bulong sakin ni Cleo at ngumiti muling tumingin kay Sadie. Ayaw nya kasing mahalata. "Kahit ako ay hindi komportable..." yun na lamang ang nabulong ko nang hilahin ako ni Vinnie papunta kay Snow. Nagpumiglas naman ako kaya lang itinulak pa ako buti na lamang ay nasa balanse pa ako. Napatingin ako kay Zyphire na katabi ko na pala at katabi din si Kyle. Medyo awkward ang atmosphere na hindi ko malaman. "Ang awkward nyo... Hindi ako komportable..." saad ni Zyphire na tinaasan pa kami nang dalawang kilay. "Kayo kaya yun..." saad ko pabalik sa kanya na kinatawa namin. "Baguhin mo kasi ang atmosphere, Snow..." saad ni Kyle dito at yun na nga. Napayuko kami nang biglang akbayan kaming dalawa ni Zyphire. "Bilisan mo, Vinnie!!" sigaw ni Zyphire. Mabilis ang pagkuha nang litrato ni Vinnie kaya hindi naman kami na ngalay dun. "Akin na camera ko... Dun tayo sa light house..." saad ni Zyphire at hinagis naman yun nang palobo ni Vinnie. Eksakto yun dahil deretso sa kamay ni Zyphire ang punta nung Camera. Naglakad naman kami papunta dun sa Light house. Pagdating namin ay napatigil kamj dahil sa harang na 'No Trespassing' at yung bakod na kahoy. "Sarado sayang... No trespassing pa..." saad ni Vinnie samin. Napatingin naman ako kay Zyphire nang kuhain nya sakin ang bag nya at binuhat nya. "Kaya nyo bang umakyat nang nakashort??" tanong bigla ni Zyphire na nakaharap kila Sadie at Vinnie. "Kaya naman... Bakit??" tanong ni Sadie at lumapit sa bakod si Zyphire na animo'y kinikilatis ang bakod na yun. No trespassing pero gumagawa nang paraan si Zyphire kung pano pasukin. Lumapit sya sa bakod kung saan konti lang ang kahoy. Itinulak nya yun gamit ang isang daliri. Natumba ang bakod sa parteng yun na animo'y magaan na kahoy lang. "Baka isipin nyo gumamit ako nang kapangyarihan... Lagi kong dinadaanan toh at hindi ako gumagamit nang kapangyarihan..." saad ni Zyphire samin nang makapasok sya dun. Humanga ako sa tulak na yun kahit hindi kapangyarihan. Pumasok nadin kami at malaki ang parte na yun tapos sa Light house. Parang bago ang light house kung tignan. "Ang ganda dito... Bago ba ang Light house na toh??" tanong ni Vinnie nang tumapat kami dun sa light house. Umiling naman si zyphire. "Matagal natoh..." saad nya. May binuksan naman syang pinto at mukhang paakyat yun dun. Hindi kami nag-alinlangan na umakyat dun kaming lahat. "Hindi tayo pwede dito, Snow... Alam mong trespassing toh..." saad ni Zyre dito habang paakyat kami. Nangunguna si Snow tapos sunod ako. "Tama si Zyre... Trespassing tayo pagnagkataon..."saad naman ni Walt dito. Umiling lamang si Zyphire at nakadating na nga kami sa tuktok at maganda. Lalo pa't nasa terrace ka ay ang ganda ganda nang makikita mo."Woow... Maganda pala magtrespass araw araw dito..." saad ni Vinnie na tumingin na din sa paligid. Nakakahanga naman talaga dahil kita mo lahat dito. "Kailan mo toh nahanap?? Ang ganda..." saad ni Sadie dito at napansin ko nanaman ang lenggwahe nya. Hindi ganun ang Sadie dahil kung sakali ang sasabihin nun. 'Mag tetrespass na talaga ako sa susunod... Malay natin gentong view ang makita jusmeyo por pabor marimar' ganyan mismo dahil sa hindi sya mahilig magtanong paghumahanga. "Nung unang pagdating ko ay dito ako dumeretso nun..." saad ni Snow na hindi makakaila ang paggaan nang loob dun. Humahampas ang hangin samin dun. "Wala bang makakakita satin... Baka masabihan tayong trespassing..." saad naman ni Cleo. "Kay Mama po toh kaya wala pong  trespassing na magaganap..." sagot naman ni JC. Hindi ko naman na pinansin ang mga sinasabi nila dun at tiningnan na lamang ang ganda nang araw. Napakaaliwalas sa pakiramdam nang humahampas sayo ang malamig na simoy nang hangi- *CLICK* Napatigil ako sa tunog nang camera na yun at napatingin kay Zyphire. Nakatapat sakin ang camera nya. "Kinuhaan mo ba ako nang litrato??" tanong ko sa kanya at iniabot lang nya ang camera sakin. Tumingin na lang muli sya sa paligid. Buti na lamang may kanya kanyang mundo ang kasama namin. Tiningnan ko ang camera na iniabot nya. Ang ganda. Ako ang nasa litrato at naka side view yun. Para akong modelo sa lagay na yun. "Maganda ba??" tanong nya sakin na nakasilip din pala. Tinanguan ko ito at itinapat ang camera sa kanya. "Para saan naman yan??" saad nya at sumilip ako dun sa camera. "Smile!!" saad ko sa kanya at ngumiti naman ito. Pagkapinfdot ko ay eksaktong paglabas nang papel. Kinuha ko yun at naprint agad yung picture ni Zyphire. Maganda ang pagkakuha ko non lalo na yung kinuhaan hehe. "Patingin naman..." saad ni Zyphire at pinakita ko naman sa kanya yun. "Ang ganda... Sakin nalang toh ah..." saad nya pero na ilayo ko agad yun. Sayang naman ako kumuha eh. Napasimangot sakin ito. "Ako kumuha kaya sakin..." saad ko sa kanya at inilagay ko yun dun sa likod nang phone ko. Transparent naman kasi ang cover nang phone ko kaya kita yun. Kinuha nya sakin ang camera nya at may lumabas dun na nakaprint. Ipinakita nya sakin yun at ako ang isang yun."Edi akin toh kung ganun..." saad nya na inilagay din sa likod nang phone nya yun. Isip bata talaga. Tumingin na lamang sya uli dun sa view. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o kikiligin dahil dun sa inilagay nya ang picture ko sa phone nya. Nababakla tuloy ako sheyt. *RING*RING * Napatingin ako sa likuran na kahit si Snow ay napatingin dun. "Ah excuse me... Sasagutin ko lang..." saad ni Zyre na umikot sa kabila para sagutin. Napansin ko naman ang pagtingin ni Zyphire kung saan dumaan ang Kuya nya. "Okay ka lang??" tanong ko sa kanya at napatingin ito sakin. "Kakaiba ang simoy nang hangin, Shu... Parang may dumating tayong bisita..." saad nya na napahawak pa sa baba nya. Naguguluhan ko syang tiningnan. Yun ba ang kapangyarihan nya?? Hinintay nya ang paglabas nang Kuya nya tulad ko. "Zyphire..." napatingin kami dun at si Zyre na mukhang namomroblema. "Masama ang simoy nang hangin... Anong meron??" saad ni Zyphire at kita ko ang paglunok ni Zyre. "Kanina ka pa daw tinatawagan nang Chairman but hindi ka daw sumasagot... We have a visitor... And he is super special..." saad ni Zyre na halatang kinakabahan. Si Zyphire naman ay ganun padin at blanko ang mukha. "With whom??" tanong ni Zyphire. "Kasama sila Katie at Wayne... We need to hurry..."saad ni Walt na nakatingin sa daan na dinaanan namin. Napatakbo naman si zyphire kaya napatakbo din ako. Kasunod naman namin sila Sadie at buhat buhat ni Zyphire si Naomi. Nang makarating kami sa baba ay hingal ang lahat."Sino ba kasi ang bisita?? Nakakalerki.." saad ni Vinnie. "Ang pinakamataas na Ancient na si Ancient One..."  ZYPHIRE ANO naman kayang ginagawa nang pinakamataas na Ancient sa batanes. Pinreno ko na nang tumapat kami sa pinto nang hotel. Pinecheck in ko na kasi sila dito dahil sa hindi sila safe kung bahay ko or kay Care Bear. Bumaba agad ako at pinagbuksan sila Shu sa loob. Pagkababa nang tatlo kong anak ay napatingin agad sila sakin. "Dumeretso kayo kay Lola Kat at Lolo Wayne ha??. Ikaw na bahala sa kanila, Toli..." saad ko at napatingin kila Kuya na pumasok na pala. Napatingin ako kay Shu na naguguluhan na nga. "Hindi sya nakakatakot..." saad ko sa kanya at bumuntong hininga naman ito. Naglakad ako papasok at dumeretso na ako sa dining nang hotel namin. Bumungad sakin ang isang lamesa kung saan nakaupo na dun sila Mom at nakatapat sa isang lalaki. Bumuntong hininga ako nang makita ko na. "Mauna kana..." bulong ko kay shu at tumango naman ito. Nang makita kong maupo na si Shu ay tsaka ako lumapit. Nakajersey pa ako at short s**t. Tinanggal ko ang pagkakapuyod nang buhok at tuluyan na akong tumigil nang mapatingin ito sakin. Nginitian ko ito at ngumiti din ito sakin. Yumuko ito saglit at bumalik sa pagkakatayo nya. Tinanguhan ko lang ito bilang tugon. "What the f**k are you doing here??" pandederetso ko sa kanya dahil ayokong nakikita ang isang toh. "Bakit hindi mo i-welcome si Carter, Snow?? I thought wala na sya..." saad ni Chairman Schaefer at napatingin ako muli sa taong nasa harapan ko. "I'm here to visit you, Snow..." saad pa netong lalaking toh na akmang yayakap sakin pero umatras ako. "Don't you dare touch me... What the f**k are you doing here, Astral??"pandederetso ko sa kanya at nginitian ko ito. Natawa naman ito na normal lang. Naiirita ako dahil ginagaya nya ang tono nang pagtawa ni Carter."I'm here to bless the wedding of the prince,Snow..." saad nya sakin at mukhang umabot ang balita sa kaharian. "Then stop that freaking laugh in front of me... Alam kong hindi lang kasal nang panganay na apo nang Hari ang ipinunta mo..." saad ko sa kanya at tumawa nanaman toh na tulad kanina. Linampasan ko ito at umupo dun sa upuan ko. Sumunod agad sakin ito at tumabi pa kamo. "Tama ka... Hindi lang ako pumunta para dun... Pumunta ako dito para sa susunod na mamumuno satin... Wala na ang Hari at kailangan nang bago..." saad ni Astral na kinatingin ko sa kanya. "I disagree... Tulad nang nasa batas natin... Mawala man ang Hari ay hindi pa oras sa coronation, Astral... At sa batas natin, pagwala ang hari ay ang pinakamataas na heneral ang mamumuno sa kaharian..." saad ko sa kanya at tumango naman ito. "Tama si Snow... Ang pinakamataas na heneral dapat ang mamumuno pansamanthala sa kaharian dahip nasa batas yun, Ancient One..." saad ni Walt dito at tumango naman si Astral. "Ngunit mas magandang may hari na mamuno sa kaharian... Ano ba ang plano niyo?? " saad naman ni Chairman Zuello na kinatingin ko kay Astral. "Ako ang pumwesto sa buong Ancient Ten at isinuwestyon ni Ancient Six na ipakasal ang pinakamataas na heneral sa Ancient One at ako yun..." saad ni Astral kinatingin ko sa kanya. Hindi naman yun suwestyon at hinding hindi ko hahayaang matuloy. "Tulad nang sabi ko, Astral... I disagree... Magkamatayan muna tayo bago mangyari yun..." saad ko sa kanya at kita ang panlulumo nito. I really hate him dahil isa sya sa mga bumully at nagpahiya sakin dati at di ko nagustuhan ang pakikitungo nya sakin. "Sino ba ang pinakamataas na heneral, Ancient One?? Ang sabi nila ay lalaki ang isang yun..." saad ni Tita Laura at umiling naman ang gago. "Pinakaunang babaeng mandirigma,Laura... Nag iisang babae na sumabak at sumabay sa lakas nang kalalakihan..." saad ni Dad dito. Ramdam ko ang pagtingin nila sakin dahil dun. "Oo na... Ako ang pinakamataas na heneral at hinding hindi ako papayag na magpakasal sa isang Ancient One..." saad ko at tiningnan nang masama si Astral. "Pero nagkanobyo ka at tulad ko na pinakamakapangyarihang Ancient..." saad pa ni Astral sakin na kinatawa ko. "At kambal mo yun,Astral... Hanggang ngayon ba ay kinukumpara mo parin ang sarili mo kay Carter, Astral??" saad ko sa kanya at napayuko naman ito. "Mukhang kailangan nyong mag-usap nang pribado..." saad bigla ni Mom ngunit sinenyasan sya ni Astral na magstay. "Ipagpaliban na lamang nating ang usapang ganyan... Sino naman ang mga ito??" saad nya na nakatingin kila Shu. "Tanungin mo ang ngalan..." saad ko sa kanya at napabuntong hininga naman ito. Hinawakan nya ang kamay ko at tumayo ito. "I think we need to talk privately... Excuse us..." saad pa ni Astral at hinila na nga nya ako. Hinayaan ko syang hilahin ako at napadpad na nga kami sa rooftop nang hotel. Tumigil sya at binitawan ang kamay ko. Napatingin ito sakin sa mismo kong mga mata at linabanan ko naman yun. "Ulitin mo nga ang sinabi mo... Habang nakatingin sa mata ko, Snow..." saad ni Astral sakin. Naiilang man ay tiningnan ko sya. "Ayoko nang ulitin yung tanong na yun... At gusto kong sagutin mo yun..." saad ko sa kanya at iniwasan nang tingin. Nakikita ko nanaman ang lungkot sa mata nya at ayaw ko yun. "Hindi ba pwedeng ako nalang?? Ako naman... Gusto kita matagal na, Snow... Simula pa sa pageensayo natin bilang mandirigma..." saad nya sakin at dun na lumabas ang awa ko. Hindi ko gustong makakita nang umiiyak na lalaki kese parang sobrang sakit. "Hindi ko gustong masaktan ka, Astral... Mahal kita alam mo yun... Pero bilang kaibigan lang..." saad ko sa kanya at napayuko na lamang. Nasasaktan akong makita syang gento. Naluha na lamang ako sa nangyari. Bata pa ako noon kaya hindi ko alam ang pag ibig. Masakit at nakakapanakit ang pag ibig. Lagi kong naaalala ang sinasabi nang pamilya ko sakin kada uuwi galing sa ensayo. Masakit kese galing sa kanila. "Kasalanan ko toh... Tama ang pamilya ko, ang landi landi ko... Bata pa ako kaya hindi ko alam ang ginagawa ko... Sorry, Astral... Patawarin moko, kasalanan ko kaya ka nasasaktan... Hangal ako... Hindi ako karapat-dapat sa mundong toh..." napaiyak na laamng ako sa sinabi ko. Iniangat nya ang baba ko at pinunasan nya ang luha ko gamit ang thumb nya."Wala kang kasalanan... Alam nating hindi ka malandi... Hindi ka hangal... Dahil kung hangal ka ay hindi ako magkakagusto sayo... Minahal kita dahil sa ikaw yan... Ideal ka nang karamihan at madaling pakisamahan... Wala kang kasalanan,Snow... Ako lang tong pinagpipilitan ang sarili... "saad ni Astral na kinayuko ko muli. "Nasasaktan ka dahil sakin... At hindi ako mapapanatag na nagkakaganyan ka dahil sakin... If you need to stop seeing me then go... If you need to stop talking to me then go... Malaya ka, Astral at kung anong gusto mong gawin ay susuportahan kita...  "saad ko sa kanya at napatingin sya sakin. Kita ko sa mata nya ang sakit na meron ako dati."Hindi ko kayang lumayo... Kahit iwasan ka ay hindi ko kaya... Hahayaan ko na lamang ang sarili kong mahalin ka nang mahalin hanggang sa magsawa ako... Sana ay kaibigan padin kita, Snow... Mahalaga ka sakin, samin nang kambal ko..." saad nya at napatingin na lamang ako sa langit. "Mahalaga din kayo sakin... Kayo ang tumuring sakin na magkakapamilya tayo... Kayo ang laging nandyan para sakin... Kaibigan naman talag kita simula pa noon... At sana ay hindi mo na uli ikumpara ang sarili mo sa kung sino..." saad ko sa kanya na nakatingin padin sa langit. Maaliwalas ang langit na nagpapakitang masaya ang langit."Kung ganun ay kaibigan padin kita... Salamat sa lahat nang nagawa mo samin... Sakin... Kahit na gento ako hehe..." saad nya sakin na kinatawa namin. Napatigil naman ito kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin ito sa balikat ko. Napatingin ako sa balikat ko at gulat man ay tinakpan ko agad yun. Tinanggal nya ang kamay ko at tumingin sakin muli. "Saan galing toh?? This is a g*n shot... Sino naman ang may gawa nito??" saad nya sakin na kinalunok ko. Hindi agad ako nakasagot dahil alam kong g**o kapag nakarating pa ito sa kaharian. "May nanggugulo ba sa inyo dito?? Mukhang bago pa ang tama mo..." saad nya sakin na kinabuntong hininga ko. "Tama ka... Galing sa b***l toh... Naaalala mo ba ang mga Imperial??" tanong ko sa kanya at napatayo naman sya dun. Kita ko ang galit nya lalo na yung paghawak nang dalawang kamay nya sa batok at napatingala. "Dito sila ngayon nagawa nang g**o ganun?? Bakit hindi mo sinabi sakin??" saad nya sakin at inilingan ko ito. "Ayokong may madamay pa... Alam mong dalawa na ang kasalanan ko na hindi ko naman nagawa at maaaring magawa ko ang huling kasalanan kapag dumami kayo..." saad ko sa kanya at napabuntong hininga na lamang ito at tumapat sakin. "Anong plano mo?? Hindi ka maaaring pumatay o manakit nang inosente dahil ayokong ako ang pumatay sayo..." saad nya na kinayuko ko. Nakalimutan kong Ancient sya at sya ang maaaring pumatay sakin dahil sya ang Ancient One. "Kung dumating man ang araw na yun... Gawin mo ang tungkulin mo dahil siguradong mangyayari yun... Masyado silang agresibo at hindi ko nagugustuhan yun, Astral..." saad ko sa kanya at napabuntong hininga na lamang sya. "Kamusta ang kaharian??" pagiiba ko sa usapan at napatingin sya sakin. Sa tingin na yun ay may problema na. "Ang Dark Emperor ay sinisimulan nanamang guluhin ang kaharian nang malamang wala na ang hari at ikaw naman ay nandito... May mga sindikato syang pinapadala minsan at nalalabanan naman namin... Kaya lang kailangan ka talaga namin..." saad ni Astral na kinagulat ko. Hindi na nakuntento ang Emperor na yun na lagi nalang akong ginugulo. "Pinuntahan kita dito para sana kumbinsihing umuwi sa kaharian..." saad nya sakin na mas kinalumo ko. "Kailangan din ako dito... At kailangan din ako dun... Pwede bang hatiin mo nalang ako ngayon, Astral??" saad ko sa kanya na medyo natatawa pa. "Kaialngan mong magdesisyon sa mas lalong madaling panahon, Snow... Mahirap pero kailangan..." saad ni Astral sakin na kinatungo ko. Kailangan kong mamili ngayon. Pamilya ko o ang kaharian namin. Pero hindi lang yun ang pilian. Kaialngan ko pang makilala anh sarili ko kung sino ba talaga ako. Napabuntong nalamang ako muli sa dami nang kailangan kong gawin. Hindi pwedeng madaliin dahil hindi din naman sila mapipilit na ngayon tapusin tong katarantaduhan nila. "Sa baba na muna tayo, Snow... Kaialngan nating sabihin sa kanila tong problemang toh.." saad nya sakin na kinatayo ko na lamang at sumunod. Nang makarating kami dun ay nandun na sila sa may lobi nang hotel malapit sa labas. Napatingin silang lahat samin at wala parin ako sa sarili. Kailangan kong mamili pero kaya ko naman sigurong pagsabayin. Pahirapan naman pagsabay nangyari ang okasyong yun. "Snow!!Wala ka sa sarili mo..." saad bigla ni Kuya Zyre kaya napatingin ako dito agad. "Ano ba yun??" naiirita kong saad sa kanya. Hindi ko na kaya ang gento ka hirap na pagsubok. Ni hindi ko malaman kung ano ang depinisyon nang saya sakin, puro nalang sakit. "Oh bat nagkaganyan ka?? Hindi ka naman ganyan..." nanlulumong saad ni Kuya Zyre sakin pero hindi ko magawang pansinin yun. "Pagpasensyahan nyo na... May problema kasi ang kaharian ngayon"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD